0% found this document useful (0 votes)
1K views9 pages

SCRIPT

This document summarizes Jose Rizal's education in 3 parts: 1) In 1872, at age 11, Jose enrolled at Ateneo Municipal in Manila against his mother's wishes, with the help of his brother Paciano and friend Manuel Burgos. 2) During school breaks, Jose would visit his mother in prison, keeping it secret from his father. His sister Saturnina would also take him to Tanawan to cheer him up. 3) By his fourth year, Jose excelled in his studies at Ateneo, becoming the group emperor and winning a gold medal. He also enjoyed reading novels during breaks.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
1K views9 pages

SCRIPT

This document summarizes Jose Rizal's education in 3 parts: 1) In 1872, at age 11, Jose enrolled at Ateneo Municipal in Manila against his mother's wishes, with the help of his brother Paciano and friend Manuel Burgos. 2) During school breaks, Jose would visit his mother in prison, keeping it secret from his father. His sister Saturnina would also take him to Tanawan to cheer him up. 3) By his fourth year, Jose excelled in his studies at Ateneo, becoming the group emperor and winning a gold medal. He also enjoyed reading novels during breaks.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
  • Unang Tagpo (Bahay Nila Jose)
  • Ikalawang Tagpo (Ateneo)
  • Ikaapat na Tagpo (Jose sa Ateneo)
  • Ikatlong Tagpo (Tuwing Bakasyon)
  • Ikalima hanggang Ikaapat na Taon ni Jose sa Ateneo
  • Ikaanim na Tagpo (Ang Unang Pagtatagpo)
  • Ikawalong Tagpo (Kalupitan ng mga Kastila)
  • Ikapitong Tagpo (Pag-alis ni Jose)
  • Ikasiyam na Tagpo (Salawahan nga ba?)
  • Labing-isang Tagpo (Paglisan)
  • Ikasampung Tagpo (Pagmamalabis at Pagmamahal)

SCRIPT ON HIGHER EDUCATION OF RIZAL AND LIFE ABROAD (1ST ROLE PLAY)

Group 2

UNANG TAGPO (BAHAY NILA JOSE)

Tagapagsalaysay: Taong 1872 nang mapagdesisyonan ni Don Francisco na pag-aralin si Jose sa Maynila sa gulang na
labing-isa (11). Bagama’tmatindi ang pagtutol ng kaniyang ina, hindi nito napigilan ang paglalakbay ng ating
pambansang bayani.

(OPEN CURTAIN)

(Lalabas si Donya Teodora at Don Tiburcio na nagtatalo mula sa backstage habang nakasunod sa kanila si Jose.)

Donya Teodora: Ahh, basta! Hindi na ako papayag na magtungo pa siya sa Maynila, sapat na ang kaniyang
nalalaman.

Don Francisco: Ngunit Teodora, aking mahal, hindi natin hawak ang kinabukasan ng ating anak, hindi tayo
makakasiguradong nariyan tayo palagi para sa kaniya, kaya’t tulungan sana natin siyang ihanda ang kaniyang sarili
para sa kaniyang kinabukasan.

Donya Teodora: Paano kung matulad siya sa tatlong pari? (Mangiyak-ngiyak na sasabihin, at magkakaroon ng
sandaling katahimikan.)

Don Francisco: Ngunit……..(Biglang sasabat si Donya Teodora.)

Donya Teodora: Kapag lalo pang dumami ang kaniyang nalalaman, natatakot akong baka matulad siya sa tatlong
pari, nab aka yun ang maging sanhi ng kaniyang kapahamakan at ayaw kong sa ganoon siya humantong!

(Lalapit si Jose sa kaniyang ina at yayakapin ito.)

Jose: Pangako ko po ina’y na palagi akong mag-iingat, huwag niyo po akong alalahanin.

Don Francisco: O siya, Paciano, dalhin mo na ang gamit ng iyong kapatid, lumakad na kayo’t baka maiwan kayo ng
barko.

(Yayakapin ni Donya Teodora ng mahigpit si Jose at paglaoy hahalikan ni Jose ang kaniyang ina sa noo at aalis
habang pinapatugtog ang “Wag ka nang umiyak”.)

(CLOSE CURTAIN)

IKA DALAWANG TAGPO (PAGPASOK NI JOSE SA ATENEO)

Tagapagsalaysay: Noong ika-10 ng Hunyo taong 1872, dahil na nga din sa kagustuhan ng Ama ni Jose na mag-aral ito
sa Colegio San Juan de Letran, sinamahan nga ni Paciano si Jose para kumuha pagsusulit sa Doctrina Christiana,
Aritmetiko, at Pagbasa. Subalit di naglaon ay nagbago ang isip ng Ama ni Jose, kung kaya’t nais nalamang nito na
mag-aral si Jose sa Ateneo Municipal na kilala ngayon bilang Ateneo de Manila.

(OPEN CURTAIN)

Paciano: Buenas dias Padre!

Padre Fernando: Si. Que necesita?

Paciano: I’d like to enroll my brother Padre.

Padre Fernando: (Magsasalita na may pang-iinsulto). Que? Inscribire? Classes have already commenced, besides
look at your brother, he looks weak.

(Mapapadaan si Manuel Burgos at makikita ang magkapatid na Rizal).

Manuel: Paciano? Ikaw ba iyan?

Paciano: Amigo! Kamusta?


Manuel: Por favore Padre, may I talk to my friend for a while?

Padre Fernando: (Mukhang dismayado.)

Manuel: Gracias Padre. Ayos lang naman ako. Ano bang sadya niyo ritong magkapatid?

Paciano: Gusto nga sana ni Ama na pag-aralin si Pepe dito sa Ateneo kaso nagsimula na daw ang klase.

Manuel: Saglit at kakausapin ko lang si Padre Fernando. (Lalapit kay Padre Fernando). Siento molestarte Padre, but
are you not going to accept the brother of me amigo? El familia es un figura prominente en la Laguna.

Padre Fernando: Que? (Mapapaisip). Bueno, hijo (palalapitin si Jose). Como te llamas?

Jose: Jose padre.

Padre Fernando: Que apellido?

Jose: Rizal. Jose Rizal padre.

Padre Fernando: See to it tomorrow that you will attend your first class. Bien?

Jose: Si padre, I will ensure. Gracias. (Magpapasalamat din sila Paciano at Manuel, at aalis na sila).

Paciano: Salamat nga pala Manuel. Oh Jose magpsalamat ka sa Kuya Manuel mo.

Jose: Salamat po Kuya Manuel.

Manuel: Ano ba, huwag niyo alalahanin yun. O siya, mauuna muna ako at may aasikasuhin pa ako kaibigan,
hanggang sa muling pagkikita.

Paciano: Sige kaibigan, salamat muli. Oh Jose, narinig mo ang sinabi ng padre kanina, bukas papasok ka na, kaya
halika na at maiayos na din natin ang iyong mga gagamitin sa eskuwela.

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Bagamat noong una’y malabong makapasok si Rizal sa Ateneo, hindi naman nag-alinlangang
tumulong si Manuel Xerez Burgos, pamangkin ni Padre Burgos, na tumulong at nang sa gayo’y makapasok si Jose sa
paaralan. Sa kaniyang unang taon sa Ateneo, siya’y nabigyan ng pinakamababang titulo sa grupo ng Emperyo ng
Cartago at sa taon ngang ito’y naging guro nila si Padre Jose Bech. Sa mga panahong ding iyo’y kumuha si Jose ng
pribadong aralin sa Colegio de Santa Isabel at nagbabayad ng tatlong piso para sa dagdag na pag-aaral sa wikang
Espanyol. Kaya naman sa paglipas ng mga ilang buwa’y unti-unti din siyang umangat mula sa pinakamababa
hanggang siya ang naging Emperador subalit lubos siyang naapektuhan ng kalagayan ng kanilang pamilya kung kaya’t
sa pagtatapos ng tao’y nakamtan niya lamang ang ikalawang posisyon. Sa pag-uwi nila sa Calamba para
magbakasyon, ipinapasyal siya ng kaniyang kapatid na si Neneng (Saturnina) sa Tanawan upang palakasin ang
kaniyang loob. Sa kaniyang pagbabakasyon ri’y dinadalaw niya ang kaniyang Ina na noo’y nasa bilangguan sa Sta.
Mesa ng hindi alam ng kaniyang Ama. Sa kaniyang ikalawang taon ng pag-aaral sa Ateneo, siya’y nanirahan sa
Intramuros sa No. 6 Magallanes Street

IKA TATLONG TAGPO (TUWING BAKASYON)

Paciano: Nakauwi na po kami.

(Magmamano si Jose at Paciano sa kanilang Ama).

Don Francisco: Kaawaan kayo ng Diyos. Kamusta ang iyong pag-aaral Jose?

Jose: Ayos naman po. (Malungkot na sasabihin at papasok din kaagad sa kanyang silid).

Don Francisco: Ba’t parang matamlay yata ang iyong kapatid? Ano bang nangyari?

Paciano: Marahil po ay dala ng pagod sa aming paglalakbay.

Don Francisco: O siya, dalhin mo na din ang mga gamit mo sa iyong silid nang sa makapagpahinga ka na din.
Paciano: Sige po.

(Papasok si Saturnina sa eksena).

Saturnina: (Magmamano sa kanilang Ama). Mano po. (Yayakapin si Paciano). Kamusta ka kapatid, at nasaan si Jose?

Paciano: Naron sa kaniyang silid.

Saturnina: Sige at yayayain ko muna siya magpunta sa Tanawan. (Hihilain si Jose mula sa backstage).

Jose: Saan ba tayo magpupunta Ate? Magpapahinga pa ako eh.

Saturnina: Basta, halika sumama ka sa akin. (Patutugtugin ang “Whole new world” kasabay ng eksena nilang
dalawa. Pagkatapos ng tugtog maglalakad sila at mauupo sa isang sulok at mag-uusap ng masinsinan.)

Jose: Salamat po Manang Neneng, (yayakapin si Saturnina).

Saturnina: (Makikita ang lubos niyang pagkatuwa sa kaniyang labi). Kamusta ang iyong pag-aaral sa Maynila?

Jose: Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, ngunit lubos talagang akong naapektuhan ng aking pangungulila sa
ating Ina.

Saturnina: Sa tingin mo ba, matutuwa ng inay kung ipagpapatuloy mo ang ganiyang klase ng pag-iisip sa iyong pag-
aaral? Hayaan mo makakalaya rin ang si nanay kapag dumating ang panahon.

Jose: (Ngigitian lang ang kaniyang manang). Pero alam mo manang, pinagsisisihan ko din kung bakit ganoon ang
aking ginawa, kaya sa susunod lagi ko pang pag-iigihin.

Saturnina: O siya malapit nang magdapit-hapon, umuwi na tayo’t baka hinahanap na tayo ni Tatang.

(CLOSE CURTAIN)

IKA APAT NA EKSENA (BILANGGUAN)

Tagapagsalaysay: Ngunit lingid sa kaalaman ng kanilang Ama, si Jose ay palihim na nagpupunta sa Sta. Mesa upang
dalawin ang kanilang Ina.

(OPEN CURTAIN)

(Nag-aantay si Jose sa isang sulok, lalabas naman si Donya Teodora sa isang sulok, tatayo si Jose habang papalapit
ang kaniyang ina, at pagkadakay tatakbo si Jose paunta sa kaniyang ina at yayakapin ito ngunit pipigilan siya ng
mga bantay.)

Donya Teodora: Sinong kasama mong nagtungo rito?

Jose: Ako lang po, alam kop o kasing hindi ako papayagan ni tatang kapag nagpaalam ako sa kaniya.

Donya Teodora: Sus maryosep kang bata ka, sa susunod yayayain mo ang Manong Paciano mo o di kaya ang Manang
Neneng mo kapag nais mong tumungo rito hah?

Jose: Opo.

Donya Teodora: O siya kamusta ang pag-aaral mo sa Maynila?

Jose: Nasa pangalawang ranggo lang po ako sa pagtataposng taon nanang. Pero hayaan niyo po, pagbubutihan ko pa
sa susunod.

Donya Teodora: Palagi mo sanang alalahanin Pepe na ano man ang marating mo sa buhay, masaya na kaming ng
iyong tatang, ngunit palagi mo sanang alalahanin ang mga payo namin sa iyo hah.

Guwardya Sibil: Ang oras sa pagdalawa ay tapos na, ipasok na lahat ng bilanggo.

Donya Teodora: O siya pepe, mag-iingat ka sa iyong pag-uwi hah. (Yayakapin ulit si Jose).
(CLOSE CURTAIN)

IKA LIMANG TAGPO (IKA-APAT NA TAON NI JOSE SA ATENEO )

Tagapagsalaysay: Sa kaniyang ikalawang taon ng pag-aaral sa Maynila, siya ay nanuluyan sa loob ng Intramuros sa
No. 6, Magallanes Street at ditto ngay naging kasera niya nga ditto si Donya Pepay, isang matandang balo na may
anak isang balo na babae, at apat na lalaki. Sa kaniyang ikalawang taon ng pag-aaral sa Ateneo, nakilala niya din ang
tatlo sa kaniyang mga naging kaklase nung siya’y nag-aaral palang sa Binan. Lubos niya ang pinagsisihan ang resulta
ng kaniyang pag-aaral sa nakaraang taon ng panunuruan, subalit hindi ito naging dahilan upang mapanghinaan siya
ng loob bagkus lalo niya pang pinag-igihan ang kaniyang pag-aaral hanggang sa makamit niya nga muli ang titulong
Emperador sa grupong kaniyang kinabibilangan at sa huli siya’y nagkamit ng gintong medalya. Pagkatapos ng
panunuruang taon, sa kaniyang pagbakasyo’y nahiligan naman niyang magbasa ng mga nobela at isa na nga rito ang
pinakauna niyang paborito na nobelang pinamagatang “The Count of Monte Cristo” ni Alexander Dumas. Taong 1875
naman, bago magsimula ang pasukan ay nakalaya ang kaniyang ina sa bilangguan, at sa kaniyang ikatlong taon ng
pag-aaral sa Ateneo, muli siyang nabigo na makamtan ang medalya dahil sa natalo siya ng kaniyang kaklase sa
wikang Espanyol. Sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral sa Ateneo, dito nga’y naging interno siya sa nasabing
paaralan at nakilala niya si Padre Francisco de Paula Sanchez na nagtulak sa kaniyang mag-aral pa ng mabuti at
magsulat ng mga tula.

(OPEN CURTAIN)

Kaklase: Nariyan na ang paniki!

Padre Sanchez: Buenas dias! Siéntate, por favor. Tengo algo importante que decirte.

(Babalik ang lahat sa kanilang mga upuan.)

Padre Sanchez: Y Jose donde esta? (Hahanapin si Jose). Ahh there you are. Por favor hijo. (Sesenyasan si Jose para
lumapit).

Jose: Padre?

Padre Sanchez: I have read your output yesterday, and why don’t you continue writing poems?

Jose: But why should I, Padre?

Padre Sanchez: Because life is all about chances and opportunities. Never leave anything to chance and never let an
opportunity get away. Well anyway, let’s talk about it later, I have to discuss in your class first.

Jose: Si Padre.

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Dahil nga kay Padre Sanchez, lalong nagsikap si Rizal na mag-aral sa katunayan sa huli ng
panunuruang taon, nagkamit si Jose ng limang medalya. Dahil din sa inspirasyong ibinigay ni Padre Sanchez, si Jose
ay nakapagsulat ng maraming tula at ilan nga dito ay ang mga sumusunod; Felicitation, The Departure Hymn to
Magellan’s Fleet, Y Es Espanol: Elcano the first to circumnavigate the world, The Battle: Urbiztondo, the Terror of
Jolo, atbp. Sa kaniyang mga sulat inilarawan nga ni Jose si Padre Sanchez bilang “model of uprightness, earnestness
and love for the advancement of his pupils.” Sa kaniyang huling taon naman sa Ateneo’y nag-aral pa siya ng
pagpipinta kung saan naging guro niya ang isang taniyag na kastilang pintor na si Agustin Saez. Sa pagtatapos ng
panunuruang taon, siya nga ay tinaguriang, “the Pride of Jesuits,” nakuha din niya ang pinakamatataas na grado sa
lahat ng kanilang aralin, at noong ika-23 ng Marso taong 1877, nakuha niya ang kaniyang degree sa Bachelor of Arts
with highest honors. At ngayon atin namang tunhayan ang kaniyang naging buhay sa simula ng kaniyang bagong
paglalakbay sa Unibersidad ng Santo Tomas.
IKA ANIM NA TAGPO (ANG UNANG PAGTATAGPO)

Tagapagsalaysay: Taong 1877, bagama’t matindi ang pagtutol ng kaniyang ina sa pagpapatuloy niya ng pag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas, hindi ito napigilan ang pagpapatuloy na paglalakbay ng ating pambansang bayani. Sa
kaniyang pagsisimula, tulad ng mga karaniwang mga estudyante, hindi din alam ni Jose kung ano nga bang kukunin
siya, dahil ditto siya’y sumulat sa Recto ng Ateneo na si Padre Pablo Ra mon na humihingi ng payo kung ano nga ba
ang kukunin niyang kurso sa UST. Sa kaniyang unang taon ng pag-aaral, napagdesisyonan niyang kumuha muna ng
kosmolohiya, metapisika, teodika at kasaysayan ng pilosopiya, nag-aral din siya ng pangbokasyonal na kurso. Sa
panahon ding ito, nakatagpo niya ang kaniyang unang kasintahan.

(OPEN CURTAIN)

Jose: Sige po la, hindi na po ako magtatagal, magpapa alam na po ako. (Magmamano.)

Lola ni Rizal: O sige apo, ikamusta mo nalang ako sa mga magulang mo hah.

(Hindi mapapansin ni Jose si Segunda na may mga dalang libro habang naglalakad at magbabanggaan sila, at
tutulungan nga ito ni Jose.)

Jose: Ipagpaumanhin mo binibini ang aking kapabayaan. (Magtititigan sila ng mga ilang Segundo habang unti-unting
tumatayo.)

Segunda: Ahh….eh…wala yun, ako nga pala si Segunda.

Jose: Ako naman si Jose, at ako’y nagagalak kang makilala binibini.

Segunda: O siya maiwan ko na po kayo.

(Titignan lang siya ni Jose habang paalis.)

Jose: Sino po baa ng binibining iyon La?

Lola: Ahh, si Segunda ba? Nag-aaral siya diyan sa Colegio La Concorda, kasamang dumating dito ni Olympia.
Nabibighani ka yata sa kaniya hijo? (Hindi kikibo si Jose.) Mukha nga, pero mag-iingat ka sa kaniya, ang balita ko’y
nakatakda na yata siyang ikasal.

Jose: Sige po La, hindi na po ako magtatagal, ikamusta niyo nalang po ako sa aking mga kapatid.

(CLOSE CURTAIN)

IKA PITONG TAGPO (ANG NASAWING PAG-IIBIGAN)

Tagapagsalaysay: Dito nga ay nakilala niya si Segunda Katigbak, isang labin-apat na taong gulang na nag-aaral sa
Colegio la Concordia kung saan nag-aaral din ang kaniyang tatlong kapatid. Samantala, taong 1878, natanggap niya
ang payong hnihingi niya sa Rector ng Ateneo at dito nga’y kumuha siya ng kursong pang medical upang mabigyang
lunas ang lumalalang pagkabulag ng kaniyang ina. Sa pareho ding taon, sa gulang na labin-pito, natapos niya ang
surveying course na kinuha niya sa Ateneo, subalit hindi niya nakuha kaagad ang kaniyang titulo bilang surveyor
pagkat siya’y labin-pitong taong gulang palamang at nakuha niya lamang ito taong 1881. Samantala, nagpatuloy
naman ang pag-usbong ng kanilang pag-iibigan ni Segunda.

Segunda: Mukhang napapadalas yata pagdalaw mo dito sa aming paaralan Jose? Tama ba ginoo?

Jose: Oo binibini, sadya ko sana ang aking kapatid.

Segunda: Baka nais mong manatili muna saglit dito, hindi kita gaanong nakilala noon una tayong nagkita.

Jose: Isang karangalan binibini. Jose Rizal nga pala ang aking pangalan, at ikaw binibini?

Segunda: Segunda Katigbak. Maiba ako Jose, ano nga pala ang paborito mong bulaklak?

Jose: Lubos kong kinagigiliwan ang mga puti at itim na bulaklak.


Segunda: Parehas pala tayo ginoo. Sandali at may kukunin lang ako. (Kukunin niya ang putting bulaklak sa kaniyang
bag.) Siya rin lang mahilig ka sa mga putting bulaklak, kunin mo na ito.

Jose: Salamat binibini. May nais din sana akong ibigay sa iyo. (Ilalabas niya ang isang larawan na ni Segunda.)
Iginuhit ko nga pala, para sa iyo.

Segunda: Hindi ko sukat akalaing may natatangi ka palang talento. Maiba ako ginoo, mayroon ka na bang iniibig?

Jose: Wala aking binibini. Hindi ko inisip kailanman ang umibig sapagkat nalalaman kong hindi ako papansinin, lalo na
ng magaganda. Maaari ko bang malaman ang dahilan ng binibini sa pagtatanong nito?

Segunda: Wala, o siya ginoo, may klase pa ako, lumakad ka na rin at baka hinahanap kana ng iyong mga kapatid.

Jose: Salamat binibini. Batid ko an gating muling pagkikita. May mga matang kung minsa’y makislap at nangungusap,
mga ngiting nakagagayuma. Hindi siya ang pinakamagandang babeng nakita ko, ngunit hindi ako nakasilay kailanman
nang higit na kaakit-akit. Ngunit paano nga ba itong nadarama kung ikaw ay may iba ng sinisinta? Tama pa nga ba?

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Subalit isang araw, Disyembre ng taong 1877, ang dating nag-uumapaw at matamis na pag-iibiga’y
biglang nagbago.

(OPEN CURTAIN)

(Maglalakad kung saan nakaupo si Segunda.)

Jose: Buenas dias binibini.

Segunda: Magandang araw ginoo, ano ba ang sadya mo’t tila may napakahalaga ka yatang lakad?

Jose: Magpapaalam sana ako, uuwi ako ng Calamba para doon magdiwang ng bagong taon. Ikaw ba?

Segunda: Uuwi din ako ng Lipa…

(Magkakaroon ng katahimikan ng ano-ano’y sasagot si Jose.)

Jose: Ah, ganun ba?...(Tatalikod mula sa binibini.)Kung gayo’y magkita nalang ulit tayo sa Calamba sa daan mo
papuntang Lipa. (Pagkatapos sabihin aalis na.)

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Pagkatapos nga ng pangyayaring iyon, dumating ang araw ng muli nilang pagkikita sa Calamba.

(Nakasakay si Segunda sa mala-karwahe habang si Rizal nama’y nakatayo sa isang sulok naghihintay.)

Segunda: Jose! Jose! (Habang ikinakaway ang kaniyang panyo kay Jose. Subalit tatalikod lamang si Jose.)

Jose: Nais kong makasamaka habang buhay, subalit hindi tayo pwede. (Music “Hindi tayo pwede”.)

(CLOSE CURTAIN)

IKA WALONG NA TAGPO (ANG KALUPITAN NG MGA KASTILA)

Tagapagsalaysay: Taong 1878, si Jose din ay hindi maikakailang nakaranas ng kalupitan ng mga Kastila, isa na nga
dito ay ang ginawang kalupitan sa kaniya ng isang Teniyente ng Guwardiya Sibil.

(Lalabas si Jose mula sa backstage.)

Jose: Kay ganda talagang pagmasdan ng takip-silim….O kay dilim nanaman ng paligid, kalian kaya magkakaroon ng
pagbabago sa aking bayan? (Lalabas ang guwardiya sibil mula sa kabilang sulok.) Sino kaya itong paparating?
(Magsasalubong sila ngunit di papansinin ni Jose ang naturang guwardiya sibil at ditto nga’y hahampasin siya ng
guwardiya sibil sa kaniyang likod.)

Guwardiya Sibil: Indio! Why you didn’t greet me? No seas tonto!

(Hindi iimik si Jose at mananatiling nakadapa habang iniinda ang sakit.)

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Bagamat sinubukang ireklamo ni Jose ang pangyayaring ito sa Gobernador-Heneral, ngunit dahil
siya ay isang Indio, hindi pinakinggan ang reklamo nito at nagtagal pa nga ng dalawang lingo ang natamo nitong
sugat sa kaniyang likuran.

IKA SIYAM NA TAGPO (SALAWAHAN NGA BA?)

Tagapagsalaysay: Sa kaniyang muling pagbabalik sa Maynila taong 1878, siya ay nangupahan sa bahay ni Donya
Concha Leyva sa Intramuros at dito nga ay nakilala niya si Leonor Valenzuela o kaya ay kilalang Orang na kanilang
kapitbahay noon na siya ding nakakapalitan ni Jose ng mga sulat.

(Lalabas si Leonor na dala-dala ang isang kandila at blanking papel saka itututok ang papel sa likod ng kandila at
biglang mapapatili dahil sa kilig.)

(Nagmamadaling lalabas si Capitan Juan at Capitana Sanday mula sa backstage, si Capitan Juan na may dala-dalang
pamalo habang sabay na nagsasalita ng kaniyang asawa.)

Kapitan Juan: Anong nangyari?!

Kapitana Sanday: Leonor! Anong nangyari sayo Anak? (Nagmamadaling lalabas mula sa backstage.)

Leonor V.: Ah…eh…wala po inay.

Kapitana Sanday: Sus maryusep kang bata ka, bawas-bawasan mo nga iyang kakatili mo riyan hah at kami’y
kinakabahan sa iyo ng wala sa oras.

Leonor V: Pasensiya na po.

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Taong 1879 naman, bago magsimula ang pasukan para sa susunod na panunuruang taon, lumipat
si Jose sa Casa Tomasina sa No. 6, Calle Santo Tomas, Intramuros at dito nga ay nakilala niya naman si Leonor Rivera,
anak ng kaniyang tiyuhin na si Antonio Rivera na siya ding pinangungupahan ni Jose sa panahong iyon.

(OPEN CURTAIN)

(Lalabas si Jose mula sa backstage habang si Leonor R. naman ay nakaupo sa kabilang sulok habang tumutugtuog
ng piyano kunyari. Pagkatapos niyang tumugtog ay papalakpakan siya ni Jose.)

Jose: Bravo! Sobresaliente.

Leonor R: Salamat ginoo, ngunit paumanhin at ako muna ay tutungo sa aking silid para mag-aral.

Jose: Leonor. Maaari bang sa susunod, samahan kita sa pagtugtug mo ng piyano mo?

Leonor R: Sige ginoo.

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: At dito nga nagsimulang umusbong ang kanilang pagsinta sa isa’t-isa.

IKA SAMPUNG TAGPO (PAGMAMALABIS AT PAGMAMAHAL)

Tagapagsalaysay: Ang kalupitan ng mga kastila ay hindi lang nagtapos sa naranasan ng ating pambansang bayani sa
Calamba, bagkus ay pati na rin sa kanilang paaralan.
(OPEN CURTAIN)

(Nakaupo sila Jose at ang kaniyang mga kaibigang Pilipino sa harapan. Papasok ang isang padre.)

Padre: Buenas Dias! May I request to all Indios to please move at the back.

Jose: Que? Por favor Padre?

Padre: Any problem with that Rizal?

(Magtitinginan sila ng mga kapwa nya Pilipino at saka pupunta sa likod.)

(CLOSE CURTAIN)

Tagapagsalaysay: Dahil nga sa mga pangyayaring ganto na kanilang nararanasan sa paaralan, noong 1880, nagtatag
si Jose ng isang lihim na samahan ng mga Pilipinong estudyante sa UST at it nga ay tinawag nilang Compañerismo.

(OPEN CURTAIN)

(Natipon-tipon sila ng mga kapwa niya mag-aaral sa isang sulok, at papaharap si Jose upang magsalita.)

Jose: Naito ako ngayon sa inyong harapan upang magsalita. Wala akong takot na kayo ay making ng may
pagmamataas pagkat narito ako upang dagdagan ang nadaramang sigasig at kaligayahan nating mga Plipinong mag-
aaral. Kung kaya’t tanggapin niyo sana ako bilang isang parte ng isang layuning makakatulong sa ating inang bayan.
Ang edukasyon ay hindi pwedeng basta-basta angkinin ng iisang lahi o relihiyon, kaya’t narito ako ngayon upang
ihayag ang pagkakatatag ng Compañerismo.

Kaklase: Viva compañerismo!

(May darating na isang grupo din ng mga estudyanteng espanyol.)

Espanyol: What nonsense are you talking there?!

Kaklase: What nonsense? Hah!

(Magkakaroon ng giriian sa dalawang grupo at magkakagulo. Pipito ang guwardiya sibil at magsisitakbuhan ang
mga estudyante habang si Rizal ay paika-ikang maglakad mapapansin siya ni Leonor R sa daan at aalalayan ito
pauwi.)

Leonor R: Bakit anong nangyari sa iyo Jose? Halika’t aalalayan na kita.

Jose: Wala ito, napaaway lang.

(Dadaan sila sa backstage at pupunta sa kabilang sulok at uupo, kukuha si Leonor R ng palanggana na may tubig at
pamunas.)

(CLOSE CURTAIN)

IKA LABIN-ISANG TAGPO (ANG PAGLISAN)

Tagapagsalaysay: Bagamat sa kaniyang pagtatapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ay hindi siya
nakapagkamit ng matataas na grado, hindi naman siya nagpahuli sa iba’t-ibang patimpalak. Katunayan, ilan sa mga
sinalihan niya ay nanalo siya katulad ng Liceo Artistico-Literario sa Maynila noon 1879 kung saan itinanghal siyang
kampeon sa pamamagitan ng tula niyang “A la Juventad Filipina” (To the Filipino Youth), kabilang din sa mga gawa
niyang kinilala ay ang isinulat niyang alegorikang drama na “El Consejo de los Dioses” (The Council of Gods) para sa
ika-400 na annibersaryo ng pagkamatay ng tanyag na manunulat ng “Don Quixote” na si Cervantes, at marami pang
iba.

Paciano: Anon a ngayon ang balak mo Pepe ngayong natapos mo na ang pag-aaral mo dito sa Maynila?

Jose: Balak ko po sanang mag-aral sa iabayong dagat manong.


Paciano: Ganon ba? Siguradong hindi papayag sila nanang sa plano mong iyan.

Jose: Yun nga ang inaalala ko manong…kaya kung maaari sana’y huwag mo nalang ipagsabi kila nanang nay un ang
pakay ko.

Paciano: Pero bakit ba gusto mo mag-aral sa ibayong dagat?

Jose: Hindi kona po kasi matiis ang lantarang pang-aabuso ng mga espanyol rito. Nais ko din po sanang pag-aralan
ang kultura at pamamahala sa Europa.

Paciano: O siya, iligpit mo na iyong mga gamit. Uuwi muna tayo sa Calamba at saka ulit tayo babalik rito sa Maynila
upang ituloy ang plano mo.

Jose: Sige po. Pero saglit lang po at may kakausapin ako.

(Hahanapin si Leonor.)

Leonor: Oo Jose, narinig ko ang usapan mo ng iyong manong. Balak mong magtungo sa ibayong dagat.

(Hindi iimik si Jose.)

Leonor R: Hindi na ba magbabago ang iyong isipan?

Jose: Intindihin mo sana aking binibini. Ako’y magpapaalam na sa iyo. Ang puso kong umiibig ay sayo ko iiwan.
(Music)

(CLOSE CURTAIN)

You might also like