Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MTB-MLE)
Teacher’s Guide
Tagalog (Unit 4 – Week 37)
1
Mother Tongue - Based
Multilingual Education
(MTB-MLE)
Teacher’s Guide
Tagalog
(Unit 4 – Week 37)
This instructional material was collaboratively
developed and reviewed by educators from public and
private schools, colleges, and/or universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations
to the Department of Education at
[email protected].
We value your feedback and recommendations.
Department of Education
Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1
Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 4 – Week 37)
First Edition, 2013
ISBN: 978-971-9981-69-5
Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.
Published by the Department of Education
Secretary: Br. Armin A. Luistro FSC
Undersecretary: Dr. Yolanda S. Quijano
Assistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz
Development Team of the Teacher’s Guide
Consultant : Rosalina J. Villaneza
Author : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,
Nida C. Santos, Grace U. Salvatus
Editor : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. Hinampas
Graphic Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong,
Deo R. Moreno
Layout Artist : Anthony Gil Q. Versoza
Printed in the Philippines ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS)
Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue.
Pasig City, Philippines 1600
Telefax : (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address :
[email protected]Banghay Aralin MTB-MLE 1 – Tagalog
Ika-37 Linggo
I. Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa paglalahad ng sariling tungkulin,
pangarap, at pag-asa
2. Nakababasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba pa
na naglalaman ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan na
3. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100 bahagdan
4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may wastong
tono, damdamin, at bantas
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
6. Nakababaybay ng mga salitang nakalimbag at nakikita sa paligid(hal. batas-
trapiko)
7. Nakagagamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng
malaki at maliit na letra sa pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, at pabula
8. Nakasusulat ng sanaysay, balita, lathalain, pangyayari, at patalastas gamit
ang wastong bantas, malaki at maliit na letra, pasok ng pangungusap, at may
kaayusan
9. Nakagagamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap
10. Nakauunawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal kaysa sa
wikang ginagamit sa tahanan o sa pakikipag-usap sa kaibigan
11. Nakapagsasabi ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang nasaliksik
12. Nakapagsasabi ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga pangyayari sa
paaralan at pamayanan ayon sa kanilang nasaliksik
13. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig
nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at nakapagbibigay ng puna
II. Paksang Aralin
A. Tema
1. Pabigkas na Wika:
Paggamit ng angkop na pahayag sa pagsasabi ng responsibilidad,
pangarap, at pag-asa.
2. Pagkilala sa Salita:
Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba
pa na naglalaman ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan
na.
3. Katatasan:
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan.
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita at pariralana may
wastong tono, damdamin, at bantas.
4. Pagbaybay:
a. Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.
b. Pagbaybay ng mga salitang nakalimbag at nakikita sa paligid (hal:
batas-trapiko).
1
5. Pagsulat:
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas,
at gamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng sanaysay, balita,
lathalain, at pabula.
6. Paglikha:
Pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, pangyayari, at patalastas
gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra, pasok ng
pangungusap, at may kaayusan.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap.
8. Talasalitaan:
Pag-unawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal
kaysa sa wikang ginagamit sa tahanan o sa pakikipag-usap sa
kaibigan.
9. Pag-unawa sa Binasa
a. Paglalahad ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang
nasaliksik.
b. Paglalahad ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga pangyayari
sa paaralan at pamayanan ayon sa kanilang nasaliksik.
c. Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna.
B. Sanggunian:
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First
Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)
- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010)
- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB-
MLE Consultants
C. Kagamitan: larawan, magic box
D. Tema: Pagtutulungan sa Pamayanan – Pagtatanim ng Gulay
III. Gawaing Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid (sa pamamagitan ng larawan)
halamang ugat
2
Halaman
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng pagkain mula sa halamang ugat.
Itanong: Saan kadalasang tumutubo ang mga halamang ugat.
Madali ba itong tumubo?
Anong mangyayari kapag tumigil na sa pagtatanim ng halamang
ugat ang mga magsasaka? Makapagtatanim ba tayo ng mga gulay
at halamang ugat sa ating tahanan?
3. Pangganyak na tanong
Ano-anong yaman sa lupa ang tinutukoy sa kuwento?
Gawain habang nagbabasa
Ipabasa sa mga bata ang kuwentong "May Yaman sa Lupa”.
Hayaan ng guro na magbigay ng hinuha ang mga mag-aaral kung ano ang
susunod na mangyayari at hikayatin sila na magtanong.
Gawain pagkatapos bumasa
4. Ugnayang Gawain
Pangkat I - Sumulat ng maikling tula na may apat na pangungusap tungkol
sa pagtatanim ng gulay.
Pangkat II - Isakilos kung paano natin pangangalagaan ang ating halamanan
o hardin.
Pangkat III - Gumawa ng isang acrostic.
Pangkat IV - Gumawa ng patalastas kung paano hihikayatin ang mga batang
kumain ng gulay.
a. Ano ang sinasabi sa kuwento?
b. Bakit hindi sumasama si Lina sa bukid?
c. Ano ang dumating sa mag-asawang Lino at Mercy?
d. Ano ang nangyari nang hindi umuwi ang mag-asawa?
e. Ano ang ginawa ng magkapatid na Nelson at Lina?
f. Bakit nasabi ni Lina na may yaman sa lupa?
g. Mahalaga ba ang pagtatanim ng mga halamang ugat? Bakit?
Ikalawang araw
(Balikan ang kuwentong “ May Yaman sa Lupa”)
Karagdagang Gawain
“Isakilos Natin”
(Pangkatan)
Sabihin: Pumili ng pinakagusto mong bahagi sa kuwento. Isakilos ito ng
inyong pangkat. Maaaring magkaroon kayo ng diyalogo. Gumamit ng
tamang damdamin sa pagsasagawa nito.
3
“Iguhit Mo”
(Isahang gawain)
Iguhit ang paborito mong gulay. Magsulat tungkol dito.
Sabihin: Sa pagsulat tingnan ang tamang agwat ng mga salita at tamang
bantas.
Sundan ang gabay na tanong sa pagsulat ng talata.
1. Ano ang paborito mong gulay?
2. Ilarawan ang paborito mong gulay.
3. Anong luto ang iyong gusto sa paborito mong gulay?
4. Bakit gustong- gusto mo ang gulay na ito?
Pagtalakay
Sabihin: Anong makukuha natin sa pagtatanim ng mga halamang ugat at
gulay? Bakit mahalaga ang mga ito?
Ikatlong Araw
A. Kasanayang Pangwika
Panimulang Gawain (mahiwagang kahon na may iba’t ibang gulay)
“Piliin Mo!”
Gusto ko ang gulay na ito sapagkat…
(Hayaang sabihin ng mga mag-aral ang dahilan kung bakit nila pinili ang
naturang gulay, prutas, o halamang ugat sa kahon.)
B. Magbalik-aral tungkol sa pang-abay
Itanong: Ano-ano ang pang-abay na ginamit sa paglalarawan ng mga gulay,
prutas, at halamang ugat?
Sabihin: Isulat ito sa pisara.
(Ipabasa sa mga bata)
Paglalahad
Sabihin: Pag-aralan pa natin ang pang-abay
Basahin Natin !
Elvie: Masarap ang dinala mong bukayo.
Agnes: Dala ito ni Nida galing sa Batangas.
Hapon na siya ng dumating dahil mabagal ang bus na sinakyan
niya. Malayo ang lalawigan ng Batangas.
Elvie: Kaya pala.
Agnes: Oo, alam mo magandang lugar ang Batangas. Palagi kaming
nagbabakasyon doon.
1. Ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata?
2. Ano ang mga pang-abay na ginamit nila sa kanilang pag-uusap?
Isulat ng guro ang sagot ng mga mag-aaral sa pisara.
Halimbawa:
kahapon, mahina, palagi, maya-maya
Sabihin: May mga salitang naglalarawan sa mga salitang ngalan ng tao,
bagay, lugar, at pangyayari, sa kilos at kapwa salitang inilalarawan.
4
Paglalahat
Itanong: Ano ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng mga
pangngalan, salitang naglalarawan ng pangyayari?
(nagsasabi ng oras, sa pamamagitan ng, at iba pa.)
Mga Pang-abay
mamaya, bukas, mahina, marami, at iba pa
Ikaapat na araw
1. Pinatnubayang Pagsasanay
A. Basahin Natin!
Sabihin: Ano ang mga pang-abay na makikikita sa pangungusap?
1. Minsan lang pumupunta ang aking kaibigan sa bahay.
2. Marami akong regalong natanggap sa aking kaarawan.
3. Gabi na nang dumating si tatay sa bahay.
4. Bakit mabilis kang maglakad?
5. Agad-agad umalis si Bb. Flor sa Bulacan.
B. Basahin Natin!
Problema mo ba ang pananakit ng iyong katawan, tiyan, at ulo? Ito na
ang gamot na pampahid sa masakit mong katawan, ulo, at tiyan. Ano
pang hinihintay mo, pumunta ka na sa pinakamalapit na tindahan.
Huwag mong kalilimutan langis ng niyog ang pangalan.
Itanong: Ano ang mga pang-abay na ginamit sa talatang ating
binasa?
2. Malayang Pagsasanay
“Ipakilala Mo”
Ipakita ang mga produkto (hal. gatas, pagkain, iba pa).
Magpasulat sa mga bata ng isang patalastas gamit ang pang-abay.
(Ipabasa sa mga bata ang patalastas na ginawa.)
Ikalimang Araw
Paglalapat
Pag-usapan ang teleserye na pinanood kagabi at ibahagi sa kamag-aral.
Tukuyin ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap na kanyang
sinabi.
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang mga salitang pang-abay.
1. Bukas pa ako pupuntang Lucena.
2. Maganda ang boses ni Mona.
3. Nawala ang bola sa madamong lugar ng plasa.
4. Bakit maliliit ang dala niyang mangga?
5. Isa-isang pumasok ang mga bibe sa kulungan .
5
B. Gamitin ang mga pang-abay na nasa loob ng kahon upang mabuo ang
pangungusap.
madilim-dilim mahirap nag-uunahang
palaging maaga makuha
Bukas, _________ pa ay pupunta na sa bukid si tatay. Maraming gulay
doon. Mangunguha siya ng kalabasa, talong, sitaw, okra, at labanos.
Sa palengke, ______________bumili ang kanyang mga suki. ________
ubos ang kanyang tindang gulay, kaya __________ siyang nakakauwi.
C. Gamitin ang mga salitang pang-abay sa pangungusap.
1. dagdagan pa
2. mamaya na
3 kahapon
4. walang ibinigay
5. bukas
V. Takdang Gawain
Alamin ang Alamat ng Kalabasa. Isulat ito sa papel.
6
More teacher’s files and forms for download at teachershq.com
For inquiries or feedback, please write or call:
DepEd-Bureau of Elementary Education,
Curriculum Development Division
2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347
[email protected]SBN: 978-971-9981-69-5