ABS-CBN, inilaglag ng sariling tauhan sa kaso laban kay Willie Revillame
By Ronnie Carrasco
FAIR AND SQUARE ang taun-taong pa-Christmas
party ng Eat Bulaga sa kanilang staff at talents. Like
any other party, whatever prize at stake is
automatically forfeited ‘pag wala ang tao whose name
is called at raffle time.
Tulad na lang ni Allan K na, ayon kay Ms. Malou
Choa-Fagar, makatlong beses yatang tinawag for the
major prizes, pero forfeited ‘yon dahil may hosting job
ang hitad.
Tanong ko kay Tita Malou, ‘pag ang mga pangalan ba
nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang nabubunot,
idino-donate ba nila ang kanilang mga premyo? Hindi
raw. In the spirit of fun, even the three major hosts—or
shall we say, the pillars of Eat Bulaga—are like
everyone else who get just as thrilled.
One thing’s consistently nice about EB’s yearly Christmas parties, nagpupuyat kung nagpupuyat din daw
si Mr. Tony Tuviera who never leaves the event until it’s bye-bye time, hitsurang abutin ng madaling-araw.
UPON COLLEAGUE ED Littlefield’s invitation, sumama kami en route to Angeles City, Pampanga kung
saan selebrasyon ng kanyang long-time friend, one named Cynthia Sol. All that I remember of her,
minsan na siyang isinama ni Ed sa Startalk years ago.
Sixty fifth birthday pala ‘yon ng kung tawagi’y Mamita, Mommy Cynthia o Tita Cynthia: her forms of
address are just as many as her talents. Owner of the Meanwhile Bar & Lounge situated right behind the
Casino Filipino, dating dancer si Tita Cynthia sa Clover Theatre before she got discovered by LVN
Studios.
Her biggest break though came when she worked as a performer abroad, age 17 when Tita Cynthia
became a byword in several parts of Asia within the entertainment circle, thus, she was labelled the “The
Dancing Queen”.
Hindi na nagtaka ang inimbitahang press to her lounge as they bore witness to Tita Cynthia’s still holding
on to her monicker sa kabila ng kanyang edad. Was she lying about her age, na nakakaya pang umindak,
lumiyad, and most of all, mag-split?!
Married to a British national named Geoff Cole, who stands 6’3” lang naman, the mid-sexagenarian
imparts to us an important lesson about life: be happy. Kitang-kita naman ‘yon sa aura ni Tita Cynthia,
dressed in 1920’s with a cheerful stance, sticking her tongue out like a teenybopper na bibihira sa
kanyang mga kaedad.
Pero keri, ‘teh!
OF LATE, HINDI masyadong nag-iingay ang TV5 except for the continuing legal saga na kinapapalooban
ng Willing Willie which—on two occasions—has scored against ABS-CBN sa isyung copyright
infringement.
Na-cross-examine na nga ang isang tauhan ng Dos, flatly saying “Hindi!” sa tanong kung may ginaya nga
bang segments ang Willing Willie mula sa Wowowee. That being so, wala na nga namang saysay ang
nagaganap na pagdinig sa korte, dahil mismong staff ng Dos ang naglaglag sa ipinaglalaban nila.
Isang BUH (Business Unit Head) ng ABS-CBN ang isinalang sa hearing, hindi man lang ba ito binrief ng
mga abogado ng istasyon tungkol sa mga posibleng itatanong ng defense counsel? And what to answer
lalo’t napaka-basic na ng tanong ng cross-examining lawyer?
Simple lang naman kasi ang argumento. Kinopya nga ba ni Willie Revillame ang mga segment ng
Wowowee, at ginamit sa Willing Willie sa TV5? ABS-CBN believes so, but the host himself thinks
otherwise.
Sa bandang huli—and this being said repeatedly—sa kasaysayan ng creative thinking, will somebody
please come forward and say his idea is entirely original?
NOT HAVING BEEN sworn in yet, pero winelkam na ng Entertainment Press (EnPress) ang inyong
lingkod bilang isa sa anim nitong bagong kasapi. Ang naturang grupo, now seven years old, led by Jun
Nardo ang nasa likod ng taunang Golden Screen Awards both for TV and movies.
Held at the Baliwag Grill & Restaurant along E. Rodriguez in Quezon City, umulan ng ilang rounds ng pa-
raffle. Even its new members were included. Dinagsa rin ‘yon ng ilang celebrities, the last to have left ay
si Ms. Malou Choa-Fagar of TAPE, Inc.
Maraming salamat uli sa mga bumubuo ng EnPress sa mainit nilang pagtanggap sa amin. Again, I hope I
can be more of an asset to the group than an ass…le, he-he-he!
Peperroni