0% found this document useful (0 votes)
111 views3 pages

Filipino Week 3

This document is a lesson plan from Lambakin Elementary School in Nueva Ecija, Philippines for Filipino 3. It provides learning competencies and content about describing characters in a story based on their actions, words, or statements. It includes an example story about friends Sara, Lota, and Karlo and their talents and enjoyment of school. Students are asked comprehension questions about the story and to draw pictures representing emotions from sentences. The lesson concludes with an assessment featuring a story about frog friends Kuku and Koko who argue about where they live until their elder frog helps resolve the issue.

Uploaded by

Jona Mae Sanchez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
111 views3 pages

Filipino Week 3

This document is a lesson plan from Lambakin Elementary School in Nueva Ecija, Philippines for Filipino 3. It provides learning competencies and content about describing characters in a story based on their actions, words, or statements. It includes an example story about friends Sara, Lota, and Karlo and their talents and enjoyment of school. Students are asked comprehension questions about the story and to draw pictures representing emotions from sentences. The lesson concludes with an assessment featuring a story about frog friends Kuku and Koko who argue about where they live until their elder frog helps resolve the issue.

Uploaded by

Jona Mae Sanchez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III, Central Luzon
DIVISION OF NUEVA ECIJA
JAEN NORTH ANNEX
LAMBAKIN ELEMENTARY SCHOOL
Filipino 3
Quarter 3, week 3
Paglalarawan ng mga Tauhansa Napakinggan Teksto Batay sa Kilos, Sinabi o Pahayag

I- Learning Competency
 Mailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag
(F2PN-Ii-j-12.1)
a. natutukoy ang mga tauhan sa tekstong napakinggan; at
b. naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga tauhan sa napakinggang teksto.

II- Content
Mahalaga ang pakikinig o pagbabasa ng kuwento o teksto. Sa pamamagitan ng mga kuwento ay
marami tayong nakikilalang mga tauhan, nararating na mga lugar at nararanasang pangyayari batay
sa mga bahagi ng kuwento o teksto.

Habang nakikinig o nagbabasa ng kuwento, natutuhan natin ang mga elemento ng naturang
istorya. Ang mga elementong ito ay ang:
 tauhan
 tagpuan
 tema
 pangyayari

Ang mga tauhan sa kuwento ang siyang pinakamalaking bahagi ng kuwento. Sila ang
gumaganap at bumubuo sa bawat pangyayari sa kuwento. Sa mga tauhang ito natin natutuhan ang
mga aral na kalakip ng kuwento. Ang mga tauhan ang kumikilos at nangungusap upang lalo pa
nating maintidihan ang daloy at tema ng kuwento.

Makikilala natin at mailalarawan ang ugali, katangian at gawain ng mga tauhan sa kuwento
batay sa kanilang kilos, sinasabi o pahayag

Ang mga ugali, katangian at gawain ng mga tauhan ay maaari rin nating maiugnay sa sarili
nating mga buhay.

Mayroon ding mga pangyayari sa isang kuwento na maaaring natin may kaugnayan o
pagkakahawig sa ating mga pansariling karanasan.

Mahalaga rin na ang bawat kuwentoating napapakinggan o nababasa ay kapulutan natin ng


mga aral sa buhay.

III- Exercise/s
A. Basahing mabuti ang kwento, at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Magkakaibigan
Magkakaibigan sa paaralan sina Sara, Lota at Karlo. Madalas silang maglaro kapag may
bakanteng oras.
Masaya sila sa tuwing magkakasama. Iba’t ibang talento ang taglay ng tatlo. Mahilig kumanta si
Lota habang si Sara naman ay pagsayaw ang nais. Mahusay naman si Karlo sa pagguhit. Makukulay
na bulaklak at magandang tanawin ang lagi niyang iginuguhit.
Iba-iba man ang kanilang nais, magkakasundo naman sila sa isang bagay. Silang tatlo ay
mahilig mag-aral. Masaya sila kapag sila ay nasa paaralan.
Madalas ding purihin ng guro ang magkakaibigan, sapagkat sila ay mababait at magagalang na
mga bata.
Tinutulungan din nila ang kanilang mga kamag-aral sa mga gawain sa eskwela at kung ang mga
ito ay nahihirapan sa aralin.
Sa tuwina, masayang umuuwi ang magkakaibigan, sapagkat marami silang natututuhan na sabik
nilang kinukuwento sa kanilang pamilya.
Panibagong umaga na naman ang kanilang aabangan. Para sa mga bagong masasayang
karanasan.

1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?


a. Lota, Carla at Sonya b. Karlo, Lota at Sara c. Sara, Karlo, at Lita d. wala

2. Ano ang taglay na talento ni Karlo?


a. pagsayaw b. pag-awit c. pagguhit d. paglalaro
3. Kanino sila nagkukuwento ng mga natutuhan sa paaralan?
a. pamilya b. kalaro c. kapit-bahay d. guro
4. Bakit madalas purihin ng guro ang magkakaibigan?
a. masayahin sila c. kanilang talento
b. matatapat silang bata d. mababait at magagalang

5. Ano ang inaabangan nila sa panibagong umaga?


a. nagtitinda ng pandesal c. ang bagong masasayang karanasan
b. kaklaseng dumadaan d. ang guro nilang Si Gng. Sotto

B. Basahin mo ang mga pangungusap at piliin mo sa loob ng panaklong ang wastong


damdaming ipinahahayag nito.
1. Nakatutuwa ang ipinapakitang pagmamahal ni Rosa sa kaniyang ina.
( masaya, nagagalit, natatakot )
2. “Ang tagal naman nila! Kanina pa ako naghihintay.”
( nagulat, naiinis, masaya )
3. “Ang paa ko, naipit!” ( nasaktan, masaya, nagagalit )
4. “Huwag na, nakakahiya naman sa iyo”
( natutuwa, nahihiya, nagagalit )
5. “Naku! Napakalakas ng ulan baka bumaha sa atin.”
( masaya, nagagalit, natatakot )

C. Ilarawan mo ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagguhit ng kanilang nararamdaman


ayon sa pangungusap.

__________1. Batang panay lumuluha kapag nabiro ng iba.


__________2. Batang panay na lamang naghihikab habang nagkaklase.
__________3. Batang nalungkot dahil natalo sa pakikipaglaro sa ibang bata.
__________4. Batang mataas ang nakuha sa test sa Filipino.
__________5. Batang binilhan ng bagong laruan ng Nanay.

IV- Assessment
Basahin mo ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang letra
ng tamang sagot.

Sina Kuku at Koko


ni Grace L. Sotto
Sina Kuku at Koko ay magkaibigang palaka. Mahilig magbabad sa ilog si Kuku habang si
Koko naman ay mahilig maglaro sa lupa. Ibig nilang patunayan sa isa’t isa kung saan nga ba sila
talaga dapat nakatira. Madalas silang magtalo.
“Sa lupa tayo nakatira,” ang sabi ni Koko.
“Hay, naku! Hindi ka pa ba naniniwala na sa tubig tayo talaga nakatira?” tanong ni Kuku.
Walang nais magpatalo sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa ay dumating si Apo Luning, ang pinakamatandang palaka sa kanilang lahi.
Tinanong nina Kuku at Koko kung saan ba talaga ang tirahan nilang mga palaka.
“Sa tubig man o sa lupa ay maaari tayong tumira at mabuhay. Tayo ay mga ampibyan. Sa
mga unang bahagi ng ating buhay ay nabubuhay tayo sa tubig at sa mga huling bahagi ay
naninirahan tayo sa lupa. Dahil diyan, wala kayong dapat pagtalunan,” sagot ni Apo Luning.
Simula noon ay hindi na nagtalo ang magkaibigangpalaka na sina Kuku at Koko.

1. Sino ang tauhang maligaya sa tubigan?


a. Apo Luning b. Kala c. Koko d. Kuku
2. Sino ang tauhang mahillig maglaro sa lupa?
a. Apo Luning b. Kala c. Koko d. Kuku
3. Ano ang tawag sa kanilang uri?
a. ampibyan b. Indian c. Malaysian d. Peruvian
4. Saan naganap ang kuwento?
a.sa kagubatan b.sa kabukiran
c. sa malapit sa tubigan d.sa malapit sa paaralan
5. Paano nasolusyunan ng magkaibigan ang kanilang problema?
a. nag-away sila dalawa
b. humingi sila ng tulong sa pinakamatandang palakasa kanilang lahi
c. nagtanong sila sa kanilang magulang
d. wala sa nabanggit

You might also like