0% found this document useful (0 votes)
605 views36 pages

Ang Komunidad Ni Kuneho

The story is about a white rabbit named Puting Kuneho who lives in a small yellow cage. One day, Puting Kuneho decides to break out of its cage to explore outside for the first time. It meets different animals like a red chicken, a purple cat, a black dog and invites them to join in exploring their community.

Uploaded by

ARACELI RAIT
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
605 views36 pages

Ang Komunidad Ni Kuneho

The story is about a white rabbit named Puting Kuneho who lives in a small yellow cage. One day, Puting Kuneho decides to break out of its cage to explore outside for the first time. It meets different animals like a red chicken, a purple cat, a black dog and invites them to join in exploring their community.

Uploaded by

ARACELI RAIT
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 36

Isinulat ni Lea C.

Villarmia
Iginuhit ni Kent I. Peromingan
Inilapat ni Neil Edward D. Diaz

I
II
Ang Komunidad
Ni Kuneho
III
Treasury of Storybooks
This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2017 (Division Level) of the
Department of Education.

Pursuant of the Intellectual Property Code of the Philippines, No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use of any purpose of
statutes, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or
rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public
character.
For the purpose of citation, the following is recommended:
Surname, First Name Middle Initial, Title of the Storybook, DepEd – BLR, 2018

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Lea C. Villarmia
Illustrator: Kent I. Peromingan
Editors: Amparo May Lontoc
Layout Artist: Neil Edward D. Diaz
Learning Resource Team: NEIL EDWARD D. DIAZ – Project Development Officer II
CHARLINE V. UDANI – Librarian II
REBECCA C. SAGOT - LRMDS Supervisor, DepEd Davao del Norte

DR. JANETTE G. VELOSO - CLMD Chief, Region XI

LRMDS - DAVAO DEL NORTE


REGION XI

IV
Si Puting Kuneho ay nakatira sa maliit at kayumangging
kulungan. Hindi pa siya nakalabas kahit minsan, kaya kinagat niya
nang kinagat ang isang bahagi ng kanyang kulungan upang
makalabas at mamasyal. “Ayos! Makakalabas na ako!” ang
masiglang sabi ni Kuneho.

1
Umalis kaagad si Kuneho. Nakita niya si pulang Manok. “Hoy!
Manok mamamasyal ako, gusto mo bang sumama?” ang tanong
ni Kuneho. “Oo naman,” ang masayang sagot ni Manok. “Saan?”
tanong nito. “Mamaya ka na magtanong. Halika na,” ang
anyaya ni Kuneho.

2
Habang sila ay naglalakad, nadaanan nito ang isang parke na
kulay dilaw. “Tingnan mo Manok, ang saya-saya ng mga bata na
naglalaro.” “Dali laro tayo.”Ang sabi ni Puting Kuneho. “Oy!
Kuneho, huwag baka huhulihin nila tayo.”

3
Nagpatuloy sila sa paglalakad at nakita nila ang kulay
dalandan na pusa sa tapat ng asul na tindahan at palengke.
Bukod sa maraming tao, may mga isda, gulay karne at prutas pa
na itinitinda . Niyaya nila itong mamasyal at sumama naman ito sa
kanila.

4
Nakaagaw-pansin sa kanila ang malaki at kulay berdeng
gusali. Ito pala ay isang ospital. “Wow! ngayon lang ako nakakita
ng ganito katayog na gusali,” ang napahangang sambit ni
Kuneho. May nakita pa silang doktor at nars na kararating
lamang.

5
Nang madaanan nila si Asong itim, niyaya nila itong pumunta
sa kanilang bahay upang mamasyal. Pumayag naman si Aso kahit
ngayon pa lamang niya nakilala ang mga ito. “Yehey! May bago
na akong mga kaibigan,” ang sigaw ni aso.

6
Nakarating na sila sa lugar kung saan nakatira si Asong itim.
Ito ay ang istasyon ng pulis. Inanyayahan ni Asong itim ang mga
kasama niya na samahan siya sa kanyang kulungan ngunit ayaw
nila dahil gusto nilang sulitin ang araw ng pamamasyal.

7
Nakaramdam na sila ng gutom dahil tanghali na.
Nagkasundo sila na lumapit sa isang puting bahay upang
makakain. Pagdating nila doon isa pala itong simbahan dahil may
paring magmimisa. Malungkot silang umalis papalayo upang
maghanap ng pagkain.

8
Nakita nila sina Baboy at Kalapating kumakain ng carrots, isda at
mais kaya lumapit sila kaagad at nagpaalam na makikain.
“Kaibigang Baboy, Kalapati , pwede ba kaming makikain. Gutom
na kasi kami eh?” tanong ni Kuneho. “Oo naman. sige pagsaluhan
natin ito,” ang sagot ni Baboy.

9
Nabusog na silang lahat kaya nagpasya silang dumaan
muna sa isang mall bago sila umuwi sa kani-kanilang tahanan.
Sumama sina Kalapati at Baboy sa kanila upang makakita ng iba
pang mga lugar. “Tingnan ninyo, kulay dilaw ang mall na iyon,”
ang sabi ni Baboy.

10
Huminto sila sa gilid ng mall. “Gusto ko sanang pumasok doon
kaya lang baka magkagulo,” ang nag-aalinlangan na sabi ni
Kuneho. “Huwag na Kuneho kasi kapag ginawa natin iyon,
pwede tayong mapahamak,” ang paalala ni Kalapati.

11
May itim na van ang huminto sa tapat nila kaya mabilis
silang umalis ngunit naiwan si baboy dahil mabagal itong
maglakad. Dinampot siya ng dalawang lalaki. Napalingon sila
nang marinig ang ingay ni baboy. Binubuhat na pala si Baboy at
akmang isasakay na sa van.

12
Lumipad kaagad sina Manok at Kalapati para saklolohan si
Baboy. Tinuka nina kalapati at Manok ang ulo ng dalawang lalaki.
“Aray! Aray!” ang sigaw ng dalawa. Nang siya ay makawala,
kumaripas na sila ng takbo.”

13
Nang makalayo, nagpahinga muna sila sa isang malaking puno.
Sinabi ni Pusa na kung hindi nila napansin ang ingay ni baboy
malamang isa na siyang letson kinabukasan. Nagpasalamat
naman si Baboy na hindi sila nag-atubiling tumulong sa kanya.

14
“Alam mo Baboy, hindi naman sukatan kung
gaano katagal ang pagkakaibigan ng mga tao o
hayop. Tandaan mo na lahat tayo dapat
pahalagahan ang isat-isa, kaya hindi ka namin
pababayaan sa abot ng aming makakaya,” ang
pagmamalaking sabi ni Kuneho.

15
Habang abala sa pagkukwentuhan, natanaw ni Kuneho ang
papalubog na araw.Namangha siya sa ganda nito habang
pinagmamasdan na papalubog sa gitna ng dalawang
magagandang bahay.” Naku! Gusto ko pa sanang mamasyal
kaya lang hapon na,” ang malungkot na sabi ni Kuneho.

16
Napagkasunduan nilang babalik na sa
kani-kanilang bahay maliban kay
pusa. Gusto niyang magpaiwan
upang maghanap ng bagong mag-
aalaga sa kanya. Sina Manok at
Kuneho naman ay dumaan sa ibang
kalye upang mas madaling makauwi.

17
Habang papauwi ang dalawa, nagkukwentuhan sila na
hindi raw nila makakalimutan ang mga lugar na napuntahan nila.
“Maganda pala ang ating komunidad at malinis pa. Hindi
lamang ang mga tao ang makikinabang kung malinis ito pati na
rin tayo di ba?” Ang tanong ni Manok kay Kuneho.

18
Napadaan sila sa isang berdeng paaralan. “ Oy! Kuneho,
tamang tama papasok tayo dahil mayroon na tayong
natutunan,” ang pagmamalaki ni Manok. “Tama ka Manok
ngunit hindi tayo nababagay diyan, kaya umuwi na lang tayo,”
ang mahinang tugon ni Kuneho.

19
Hinamon ni Kuneho si Manok na banggitin ang lahat na
lugar na kanilang napasyalan kung totoo bang hindi niya ito
nakakalimutan ngunit dalawa lamang ang kanyang naaalala.
Napayuko na lamang Si Manok dahil nahihiya siya kay Kuneho.

20
Gusto ring malaman ni Manok kung may natatandaan si
Kuneho sa mga lugar na kanilang pinuntahan kaya sinabihan
niya si Kuneho na isa-isahin ang mga iyon. Sinimulan namang
banggitin ni Kuneho ang nasabing mga lugar. Napahanga si
Manok sa galing ni Kuneho.

21
Natatanaw na nila ang bahay ng kanilang mga amo.
Nakikita rin nila ang mga babae at lalaki na nagwawalis at
naglilinis sa Health Center malapit sa kanila. Dumaan sila roon na
hindi namalayan ng mga taong nagtatrabaho.

22
Kararating lamang ni Kuneho nang dumating din ang kanyang
tagapag-alaga. Pagbaba nila mula sa sasakyan, kaagad nila
itong nilapitan dahil nakita nilang nasa labas ito. Dinampot at
niyakap siya ng kanyang amo.

23
Binilhan pala siya ng kanyang amo ng bagong bahay.
Dito na niya inilagay si Kuneho. Tuwang tuwa si Kuneho
dahil wala na itong rehas tulad ng luma niyang kulungan.
Malaya na siyang makagala.
24
Nang wala na ang mga amo, patalun-talon siya sa labas ng
kulungan. Masaya siya dahil natupad ang gusto niyang
makapagpamasyal sa lugar nila at may bagong pa siyang
bahay. Nagpapasalamat din siya sa Diyos dahil mababait ang
mga nag-aalaga sa kanya.

25
MGA BATAYANG KASANAYAN

1. Nasasabi ang mga halimbawa ng komunidad. (AP2KOM-Ia-1 )

2. Nakapaglalarawan ng mga tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. ( F2WG-IIc


-d-4 )

3. Nauuri/ Nakaklasipika ang mga pangngalan. ( MT2G-A-Ib-3.1 )

MGA KATANUNGAN

1. Sino ang gustong makalabas sa kanyang kulungan?

2. Anong lugar ang una nilang nakita ni Manok?

3. Anu-anong mga lugar o istruktura ang kanilang nakita?

4. Tama bang tinulungan nila si baboy? Bakit?

5. Bakit nila nagustuhan ang kanilang lugar o komunidad?

IV
MGA GAWAIN O AKTIBIDAD

I- Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat (4). Ipaguhit ang mga maha-
halagang istruktura at pakulayan ayon sa kulay na binanggit sa kwento.

Unang Pangkat: simbahan at tindahan

Ikalawang Pangkat: palengke at mall

Ikatlong Pangkat: parke

Ikaapat na Pangkat: paaralan

II- Ipaguhit ang ginawang pag-aalaga sa paligid o komunidad.

V
KARAGDAGANG AKTIBIDAD/ GAWAIN

Isulat sa patlang kung anong uri ng pangngalan ang binanggit.


Halimbawa: Tao, bagay, lugar/pook, pangyayari

______________1. kuneho __________6. paaralan


______________2. manok __________7. pari
______________3. parke __________8. baboy
______________4. amo __________9. sasakyan
______________5. buto __________10. palengke

Bilugan ang salitang naglalarawan sa pangngalan mula sa kwentong

binasa.

komunidad----malinis, marumi

manok………..kayumanggi, dilaw

simbahan……puti, asul

amo--------------masungit , mabait

aso……………itim , berde

VI
VII
Ang May-Akda

Lea Porras Calantina-Villarmia

Siya ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education at


University of Mindanao Tagum College, Tagum City at kasalukuyang nag-
aaral sa ST. Mary’s College ng Masters Degree in Elementary Education,
Tagum City. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Ikalawang Baitang ng
Mababang Paaralan ng Canatan, Canatan, Asuncion, Davao del Norte.

VIII
IX
Si Kuneho ay isang taon nang nakakulong mula nang binili siya ng kanyang
mga mababait na amo. Gustong-gusto niyang mamasyal sa
Iba’t ibang lugar sa kanilang komunidad. Magagawa ba kaya
niya ang kagustuhang makapagpamasyal
kung mananatili lamang siya sa
kulungan at walang
gagawin?

You might also like