0% found this document useful (0 votes)
2K views151 pages

Filipino: Learning Activtiy Sheet

Uploaded by

Monica Cabbab
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
2K views151 pages

Filipino: Learning Activtiy Sheet

Uploaded by

Monica Cabbab
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 151

10

Filipino
Second Quarter

LEARNING ACTIVTIY SHEET


COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheet in Filipino
Grade 10
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley) Regional
Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit”
This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational
purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited
version, an enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for
commercial purposes and profit.

Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD., CESO V
Schools Division Superintendent : RACHEL R. LLANA, PhD., CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent MARY JULIE A. TRUS, PhD.,
CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD.
Chief Education Supervisor, CID : EVELYN V. RAMOS

Development Team
Writers : VIVERLY KATE A. ILDEFONSO, KACY FE D. PUGUON, JASMIN A.
CAYATOC, DECELYN D. DACULOG, MELANIE A. BALCITA, ADELYN D.
ADAIS, GRETCHEN E. LEJAO, SHILBERT GAPUZ, JULIET M. BUNGLAY
ROCHELLE C. SALVADOR, DOLLY DIEGO, SHIRLY A. BALDOS, BRYAN
O. BULAHAO, ERWIN JOSEPH D. DUMELOD, LEIGH DEE DIANE CARINO,
RUDY MERCADO JR., AIZA O. LIGMAYO, LUZ B. CORPUZ, CYNTHIA L.
CABLINAN, LICKRISH G. MINIA, LINO XERNAN S. DACAYO III,
MIRAFLOR T. INFANTE, JUNEL B. CACHERO, EVA LIZA T. CALAMANAN,
CHRISTINE L. MAGASTINO, JESSICAH M. LICOS, RODEL T.
YAMBALLA, JUNEL CACHERO

Content Editor : ROGER S. SEBASTIAN, EPS-Filipino, Nueva Vizcaya


Language Editor : ERWIN DUMELOD
Layout Artist : CHESTER C. CORTEZ, Librarian II-LRMDS, Nueva Vizcaya
: HERMINIGILDO U. GANDEZA, PDO II
Focal Persons : ROGER S. SEBASTIAN, PhD., EPS-Filipino, Nueva Vizcaya
: BERMELITA E. GUILLERMO, PhD., Division LR Supervisor
: ROMEL COSTALE , PhD., Filipino Regional EPS

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 1


: RIZALINO D. CARONAN, PhD., Regional LR Supervisor

Printed by DepEd Regional Office No. 02


Regional Center, Carig Sur, Tuguegarao City

Talaan ng Nilalaman

Kasanayang Pampagkatuto Koda Pahina


Mitolohiya: Nailalahad ng mga pangunahing paksa at F10PN-IIa-b-71 4
ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan
Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng F10PT-IIa-b-71 14
ibang kahulugan (collocation)
Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang F10PD-IIa-b-69 19
napanood
Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin F10PU-IIa-b-73 28
sa mitolohiyang Pilipino
Dula: Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng F10PN-IIa-b-72 35
kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan
Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng F10PB-IIa-b-75 54
akda sa alinmang bansa sa daigdig
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa F10PT-IIa-b-72 59
pinagmulan nito(epitimolohiya)
Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang F10PD-IIa-b-70 65
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa napanood na
bahagi nito
Naisusulat nang wasto ang ang sariling damdamin at F10PU-IIa-b-74 75
saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa
kultura ng ibang bansa
Tula: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula F10PN-IIc-d-70 81
Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula F10PB-IIc-d-72 90
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita F10PT-IIc-d-70 102

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 2


na ginamit sa tula
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng F10PU-IIc-d-72 108
tulang tinalakay
Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng F10WG-IIc-d-65 113
tula
Maikling Kuwento: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan F10PN-IIe-73 122
ang kasiningan ng akda
Naitatala ang mga salitang magkakatulad at F10PT-IIe-73 131
magkakaugnay sa kahulugan
Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag- F10PD-IIe-71 140
ugnayang pandaigdig
Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang F10PS-IIe-75 147
isinulat na maikling kuwento
Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang F10PB-IIf-77 154
angkop na pananaw/ teoryang pampanitikan
Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay F10PB-IIf-78 165
sa tiyak na mga elemento nito
Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang F10PT-IIf-74 175
ang mga terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan
Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng F10PD-IIf-72 181
teleserye na may paksang kaugnay ng binasa
Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa F10WG-IIf-69 193
pagsasagawa ng suring –basa o panunuring pampanitikan
Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa F10WG-IIf-69 205
pananaliksik tungkol sa mga teroyang pampanitikan
Sanaysay: Naiuugnay nang may panunuri sa sariling F10PN-IIg-h-69 216
saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo,
talumpati, at iba pa

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 3


Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo F10PN-IIg-h-69 225
sa pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda
Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa F10PB-IIi-j-71 234
binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal)
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang F10PT-IIg-h-69 242
kahulugan sa tulong ng word association
Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: - paksa - F10PD-IIg-h-68 250
paraan ng pagbabalita at iba pa
Naipahahayag ang sailing kaalaman at opinyon tungkol sa F10PS-IIg-h-71 256
isang paksa sa isang talumpati
Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang F10PU-IIg-h-71 265
kontrobersyal na isyu
Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng F10WG-IIg-h-64 273
pangungusap
Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media F10PB-IIi-j-79 279
(pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail, at iba pa)
Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang F10PT-IIg-h-75 290
karaniwang nakikita sa social media
Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na F10WG-IIi-j-70 296
pagsulat ng isang organisado at makahulugang akda

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 4


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10 Ikalawang Markahan

Pangalan: _______________________________________ Lebel: ___________


Seksiyon: _______________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
(Mitolohiya) Panimula

(Susing Konsepto)
Bilang isang mag-aaral, ikaw ba’y nakikinig nang mabuti sa iyong guro sa tuwing siya ay
nagtuturo? Nauunawaan mo ba ang punto o ideya ng araling tinatalakay ng iyong guro?

Ang tawag sa gawaing ito ay pagtukoy sa paksa at ideya. Ang paksa ay ang sentro ng
pinag-uusapan sa isang dayalogo o usapin. Maaaring makita natin ang paksa ng usapan sa unahan
ng pahayag o kaya ay maaaring sa hulihan. Maaari ring ito ay implied o nakatago kaya’t
nangangailangan ito ng masusing pagkilatis sa mga pahayag. Kapag nakuha mo na ang paksa ay
madali mo na lamang makuha kung ano ang ideya ng pinag-uusapan.

Sa araling ito, susubukin natin ang iyong kakayahan sa paglalahad ng mga paksa at ideya mula sa
iyong babasahin na usapan ng mga tauhan sa akdang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante”.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Mitolohiya: Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan (F10PN-IIa-b-71)

Panuto

Basahin ang kasunod na akda at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa
ibaba.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni


Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Mga Tauhan:
diyos: Thor – diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan higante:
Skymir – naninirahan sa kakahuyan
1

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 5


Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki

Mga tao: Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng


mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng
karuwahe na hinihila ng dalawang kambing.

Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang


magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto
at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-
anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at
Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang
buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa
halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan,
nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing.
Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni
Thor.

Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na lamang
ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa nilang
ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak,
naglubag din ang kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina
Thjalfi at Roskva ay naging alipin niya pagkatapos.

Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain


ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng
matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon.

Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid
at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid
ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niyaang
kaniyang maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang
malakas na ungol. Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante.

Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor ng kaniyang


maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor ang pangalan ng higante.

Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba
ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang
tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid.

Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang


paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon niyang bag
at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang lugar.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 6


Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si Thor, kaya’t
pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang
paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa
isang malabay na
puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha
ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maali s kaya’t uminit
ang kaniyang ulo Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan,
ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong
lagukan,” sabi ng pinuno 3 ng mga higante. Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli
dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya
makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin
ang nangyari sa ikalawang lagok.

Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong pagkakataon.


Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak
gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t
binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman.

“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip.
Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni UtgaroLoki.
“Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor.

“Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isang
abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng
tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang
naiangat ni Thor.

“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking
malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki. “Tawagin mo na
akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na
ako ngayon,” sabi ni Thor.

“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong tawagin ko
ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng wrestling,
marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.”

Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas
lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse si Thor.
Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na kailangang
makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t
sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang
maayos.

Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 7
paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang
paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng
kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya
(Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa
kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto.
Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko
sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi
mo na kailangan bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito
kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan
sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong
magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang
pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos
noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung
umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo
malapit sa aking kuta kung saan naroon
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. ang tatlong kuwadradong lambak,
ang isa ay napakalalim , ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na
hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang
nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una,
nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero
ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang
kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay
lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong
ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking
salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito
nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-
mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo
ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi
totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin
ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot
hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at
napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino
mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti para sa
ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa
aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi manaig ang iyong
kapangyarihan sa akin.

Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit
wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang
malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang
paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 8


Ngayon, oras na para subukin kung talagang naunawaan mo
ang akdang iyong binasa. May mga ilang gawain na nakahanda para
sagutin mo. Dito natin masusukat kung hanggang saan ang iyong
nalalaman tungkol sa akdang binasa.

Tara! Simulan na natin!

GAWAIN 1: KANINO AKO?


Kilalanin kung kaninong dayalogo ang mga sumusunod. Isulat sa nakalaang patlang ang
pangalan ng tauhan.
_______________1. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?”
_______________2. “Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si
Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?”
_______________ 3. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng
sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon.”
_______________ 4. “Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang
iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong
lagukan.”
_______________ 5. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na
mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na
manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.”

Ipagpatuloy ang iyong nasimulan! Ilan lamang iyan sa mga usapan


na makikita sa akda. Binabati kita sa unang pagkakataon sapagkat ito’y
iyong nagawa.

GAWAIN 2: MAYROON O WALA


Basahin at suriing mabuti kung ang mga sumusunod na pangyayari ay maatatagpuan sa
akdang binasa. Isulat sa nakalaang patlang ang salitang MAYROON kung ito ay matatagpuan sa
akda at WALA naman kung hindi ito matatagpuan sa binasa.
_____________ 1. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa lupain ng mga
higante, ang kalaban ng mga diyos.
_____________ 2. Madalas na ipinapamalas ni Thor ang kaniyang lakas at kakayahan sa
tuwing siya ay nagagalit.
_____________ 3. Naging matagumpay si Thor sa pagpapamalas ng kaniyang lakas.
_____________ 4. Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang
paglalakbay at ito ay pumayag naman.
_____________ 5. Nagalit si Thor sa magsasaka dahil pinilay nito ang kaniyang alagang
kambing.
_____________ 6. Mortal na magkaaway sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 9


_____________ 7. Nagkaroon ng paligsahan sa pabilisang pagkain ng karne na pinamunuan ni
Utgaro-Loki.
_____________ 8. Ang isang higante na si Skymir ay laging nahahambalos ni Thor ng
kaniyang maso dahil sa paghihilik nito tuwing natutulog.
_____________ 9. Hinamon ni Thor ang hari ng mga higante sa pabilisan ng paglamon.
_____________ 10. Hindi inamin ni Loki na ginamitan niya ng mahika si Thor.

Magaling! Binabati kita dahil naisakatuparan mong muli ang isa na namang gawain.
Ipagpatuloy ang nasimulan! ☺

Kabuuan

Pangwakas/Repleksiyon
Bago tuluyang matapos ang gawaing ito, magbigay ng isang konsepto na
iyong natutuhan mula sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang
espasyo.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mahusay! Binabati kita dahil natapos mo ang gawaing ito. Tunay


ngang naunawaan mo ang akdang iyong binasa. Sana ay maisapuso at
maisaisip mo ang mga aral na iniwan sa iyo ng akdang ito. Susi sa
Pagwawasto

Mga Sanggunian

A. Aklat

Ambat, Vilma C, et. al. (2015) Filipino 10 Modyul para sa mga Mag-aaral. Pasig City:
Vibal Group Inc.

B. Internet

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/thor-at-loki-79627636

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 10


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: ____________________________________ Lebel:____________


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Kolokasyon

Panimula (Susing Konsepto)


Isa sa mga paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan ang pag-iisip ng iba pang salita na
isasama sa isang salita o talasalitaan upang makabuo ng iba pang kahulugan. Tinatawag itong
kolokasyon. Higit na mapalilitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng iba pang
salita. May mga salitang nagsasama-samang lagi sa isang konstruksyon at mayroon namang
nagsasama-sama paminsan-minsan. Narito ang ilang halimbawa:
1. puso (bahagi ng katawan ng tao) + sawi (patay o kamatayan) ngunit kapag ito’y
pinagsama, ito’y magiging pusong sawi na ang ibig sabihin ay nasaktan.
2. hampas (malakas na pagpalo) + lupa. Kapag ito’y pinagsama, magiging hampaslupa
na ang ibig sabihin ay palaboy o mahirap na tao.
3. basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan). Kapag pinagsama ang
dalawang salita, magiging basag-ulo na nangangahulugang laban o away.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (Collocation) F10PT-
IIa-b-71

Panuto
Basahin, unawain, at suriin ang mga inihandang gawaing tiyak na lilinang sa kasanayan sa
Filipino. Sagutin ang mga ito nang buong katapatan.

Gawain 1: 2 PIC, 1 WORD


Pagsamahin ang dalawang ideyang ipinakikita ng mga larawan sa bawat bilang upang
makabuo ng iba pang kahulugan. Isulat sa patlang ang kahulugan ng salitang nabuo.
1. Akyat- bahay Magnanakaw
_____________________ _______________

2.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 11

3.
4.

5.
_____________________ ________________

_____________________ ________________

___________________ ______________

Gawain 2: DUGTUNGAN MO!


Dugtungan ang salita ng isa pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan. Pagkatapos,
gamitin sa makabuluhang pangungusap ang nabuong salita.
Halimbawa:
Kayod + kalabaw = kayod-kalabaw
Kayod-kalabaw ang ginawang pagtatrabaho ni Mang Domeng para maitaguyod niya
ang kaniyang pamilya.
1. buhay + ___________________ = _________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________________
2. bahay + ___________________ = _________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________________
3. puso + ____________________ = _________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________________
4. anak + ____________________ = _________________________________________
Pangungusap: _________________________________________________________
5. mukha + __________________ = _____________________________________
Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Ikalawang Markahan
Pangalan: ______________________________ Lebel: ___________

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 12


Seksyon: _______________________________ Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO
Panunuri

Panimula (Susing Konsepto)


Alam mo bang ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang
Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ito ay mga kwentong may kaugnayan sa
paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.
Ang mitolohiya ay nilikha upang tayo’y maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa
mga taglay nitong hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa
ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa sa pangkaraniwan.
Sa pagsusuri sa isang mitolohiya, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na elemento:
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kuwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kuwento. Sa mitolohiya ay maaaring
may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
3. Banghay – Ito ay ang sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento. Ito ay binubuo ng sumusunod:
▪ Panimulang Pangyayari – Sa bahaging ito ipinakikilala sa mga mambabasa ang
mga tauhan at tagpuan.
▪ Papataas na Pangyayari – Sa bahaging ito tumitindi o tumataas ang galaw o kilos
ng mga tauhan na humahantong sa kasukdulan.
▪ Kasukdulan – Sa bahaging ito ipinakikita ang pinakamataas na bahagi ng
kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksiyong pangyayari sa buhay ng mga
tauhan.
▪ Pababang Pangyayari – Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting
pagbibigaylinaw sa mga pangyayari sa kuwento. Inihuhudyat dito ang nalalapit na
katapusan ng kwento.
▪ Katapusan – Inilalahad dito ang kinahinatnan ng mga tauhan at ng mga
pangyayari.

Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa mga sumusunod:


▪ maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
▪ pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari
▪ suliranin at paano ito malulutas
▪ ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
▪ pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa
araw, buwan at daigdig

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 13


4. Tema – Ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang kaisipang sa akda.
Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa pagpapaliwanag sa natural na
pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, mga paniniwalang
panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay.
Ang lahat ng akdang nababasa, napakikingan o napanonood ay may dulot na
epekto o pagbabagong nagaganap sa kaisipan, damdamin at kaasalan sa isang tao. Ang
mga bisang ito ay ang mga sumusunod:
▪ Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap
sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
▪ Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa
natutunan sa mga pangyayaring nagaganap sa binasa.
▪ Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago
sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood (F10PD-IIa-b-69)
Panuto

Panoorin sa youtube ang mitolohiyang may pamagat na “Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at
Bulkan” mula sa bansang Hawaii. Maaari ring makita ang maikling video clip sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=XUxVydmwu04. Para naman sa mga walang akses sa
internet ay maaaring basahin ang sipi nito sa ibaba. Pagkatapos mong mapanood o mabasa ang
mitolohiya ay maaari mo nang simulan ang pagsagot sa mga gawain.

Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

Sa masaganang lupain ng Tahiti ay nakatira ang mag-asawang Haumea (diyos ng makalumang


kalupaan) at Kane-Milohai(diyos ng kalangitan) kasama nila ang kanilang anim na babaeng anak
at pitong lalaking anak.
Unti-unting nawawala ang kapayapaan sa kanilang tahanan dahil sa matinding alitan nina Pele
(diyosa ng apoy) at Namaka (diyosa ng tubig.)
Nag-ugat ang awayan ng magkapatid sa paniniwala na inagaw ni Pele ang kabiyak ni
Namaka.
Pilit inaayos ng kanilang magulang ang alitan. Nung una’y ninais nila na maging diyosa ng tubig si
Pele upang magkasundo ang magkapatid. Ngunit hindi ito nangyari dahil nadiskubre ni
Pele ang apoy sa kailaliman ng lupa at siya’y naakit rito.
Laging pinapaalala ng ina na huwag paglaruan ang apoy dahil ito ay mapanganib. Ngunit di
nagbago ang pagkaakit ni Pele sa apoy.
Isang araw, nakipaglaro si Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang kanilang tirahan at ang buong
isla ng Tahiti.
Galit na galit si Namaka nang nalaman ang nangyayari at nagbanta na ilubog ang isla sa tubig.
Natakot ang mag-asawa at isinakay nila ang mga anak sa bangka.
Si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa ibang lugar. Hindi sila naabutan ni Namaka
dahil sa bilis ng paggaod ni Pele.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 14
Ipinagkatiwala din kay Pele ang bunsong kapatid na nasa loob pa lamang ng itlog at hindi
pa napipisa.
Nakahanap rin sila ng isang isla pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na paglalakbay.
Doon Pansamantalang nanirahan ang mag-anak at doon narin napisa ang itlog at lumaking isang
magandang dalagita na hilig sa pag-awit at pagsayaw, ang bunsong kapatid ni Pele na labis
niyang iniingatan.
Pinangalanan siyang Hi’aka dahil sa kanya nagmula ang hula na isang sagradong sayaw. Siya ay
itinuring na diyosa ng hula at ng mga mananayaw.
May apat na diyosa ng niyebe na naiinis sa magkapatid dahil sila lang ang nabibigyang atensyon
ng mga tao sa isla.
Sa tuwing magtatayo si Pele ng tirahan ay binubugahan nila ng niyebe ang tirahan ng pamilya.
Ang pamilya ay napilitang magpalipat-lipat sa kalapit na isla.
Nakahanap na ng ligtas na lugar si Pele at ito ang pinakamataas na bundok na tinatawag ng
Mauna Loa(world’s largest active volcano).
Kahit nasa mataas na lugar sina Pele ay hindi basta sumuko si Namaka. Pinipilit niyang pinaabot
sa tuktok ng bundok ang kanyang mga alon.
Gumanti si Pele gamit ang apoy. Pinagliyab niya ang apoy sa pusod ng bundok. Pumutok ang
bundok dahil sa init ng apoy sa kailaliman nito.
Lumabas ang lava sa tuktok ng bundok, gumulong pababa at tumabon sa malaking bahagi
ng dagat.
Nang matuyo ang makapal na lava ay naging kalupaan ang paligid ng bundok at tinawag na isla ng
Hawaii o “The Big Island”
Pagkatapos ng matinding labanan ng magkapatid, labis na namangha ang katawang lupa ni
Pele at siya’y namatay.
Subalit ang kanyang espirito ay nanatili at kaya niyang magbagong anyo sa anumang nais
niya.
Siya’y nagbalatkayo bilang isang magandang dalaga nang namasyal sa paligid ng bulkan.
Nakita niya ang isang makisig na lalaking si Ohi’a. Inakit agad ni Pele subalit siya ay tinanggihan
sapagkat may asawa nang mahal na mahal niya.
Dumating ang kanyang asawa na si Lehua, dinalhan siya ng tanghalian. Nakita ni Pele kung
paano niyakap at hinagkan ng buong pagmamahal ni Ohi’a ang asawa. Nagalit si Pele kaya’t
matinding apoy ang kumawala sa kanya at tumama ito kay Ohi’a at ito’y naging isang sunog na
puno.
Walang tigil ang pagmamakaawa ni Lehua at dahil dito’y lumambot ang puso ni Pele at
pinagsisihan ang nangyari.
Ginawa niyang isang halamang pino at magagandang bulaklak si Lehua na ikinapit sa puno ng
Ohi’a. Naging espesyal ito sa kanya kaya’t ito ang unang sumisibol sa nabubuong lupa mula sa
lava ng bulkan.
Mula noon hanggang ngayon, lagi nang magkadikit ang puno ng Ohi’a at bulaklak ng
Lehua.
May paniniwala sa Hawaii na habang magkadikit ang Lehua at Ohi’a ay maganda ang panahon,
subalit kapag biglang umulan nang malakas ay naniniwala silang may pumitas sa bulaklak ng
Lehua. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng luha ni Lehua na ayaw mahiwalay sa minamahal na
Ohi’a.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 15


Isang araw, tahimik na masayang naglalaro sa hardin at nag-aalaga ng mga tanim na Ohi’a lehua
sina Hi’aka at ang matalik niyang kaibigan na si Hopoe ay tinawag siya ni Pele.
Inutusan ni Pele ang kapatid na sunduin ang kanyang bagong kasintahan na si Lohi’au. Binalaan
niya ito na huwag akitin. Kaniyang gagawin ang iniutos kapalit ng pagbabantay at pagaalaga ni
Pele sa hardin habang wala siya.
Pumayag si Pele at nagsimula na si Hi’aka sa isang mahaba at mapanganib na paglalakbay.
Napakaraming halimaw sa kanyang daraanan kaya’t siya ay natagalan dahil nakipaglaban pa siya
sa mga ito.
Nadatnan niya si Lohi’au na halos patay na dahil sa pagkakasakit at sa pag-aakalang nalimutan
na ni Pele ang pangakong babalikan siya. Dahil kailangang gumaling ni Lohi’au at hinihintay na
sila ni Pele. Ginamit ni Hi’aka ang munting kapangyarihang meron siya upang mabuhay ang
binata.
Unti-unting nagkakalapit ang kalooban ng dalawa subalit malaki ang paggalang nito sa kanyang
ate kaya hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit dito kahit pa nakadarama na siya ng pag-
ibig sa binata.
Hindi na mapakali si Pele sa tagal ng hindi pagbabalik ni Hi’aka. Apat napung araw ang lumipas
na hindi parin bumalik ang kapatid. Inakala niyang inakit na nito ang bagong kasintahan. Sa
tindi ng galit at selos, muling sumabog ang lava mula sa bulkan at nasunog ang hardin na
inaalagaan ng bunsong kapatid. Natabunan din ng lava at nasunog ang matalik na kaibigan ni
Hi’aka na si Hopoe.
Sa malayo palang ay nakita na ni Hi’aka ang nangyari sa hardin at sa kaibigan na naging taong
bato. Labis niya itong ipinagdamdam at ikinagalit. Hinagkan at niyapos niya si Lohi’au upang
makaganti, nakita niya ito ni Pele at muling nagpasabog sa galit at selos.
Namatay si Lohi’au na isang mortal dahil sa dumaloy na lava. Nang mamatay ang binata ay
napagtanto ni Hi’aka na mahal na mahal nya ito.
Nakiusap si Hi’aka sa panganay na kapatid na si Kane-Milo na kunin ang kaluluwa ni
Lohi’au sa kailaliman ng lupa. Pumayag ang kapatid at namangka sa kailaliman ng lupa, hindi pa
siya nakakalayo ay nakita na niya ang lumulutang na kaluuwa ni Lohi’au.
Ibinalik ni Kane-Milo ang kaluluwa ni Lohi’au sa katawang lupa nito at labis na naging masaya
ang magsing-irog nang magkita.
Sila ay lumayo sa isla ng Hawaii at lumipat sa Kaua’i upang manirahan at makaiwas sa galit ni
Pele.
Pinagsisihan ni Pele ang ginawa sa pinakamamahal na kapatid at Lohi’au. Hinayaan niya ang
dalawa na mamuhay ng mapayapa.
Hindi alam ni Hi’aka na ang masaganang pagsibol ng anumang tanim ay kagagawan ni Pele bilang
pagpapakita ng pagsisisi at pagmamahal sa kapatid.

Gawain 1: Pagkilala sa mga Tauhan


Kilalanin ang mga tauhan sa mitolohiyang pinanood sa tulong ng mga larawan sa ibaba.
Isulat sa loob ng kahon ang pangalan ng mga ito at ilarawan ang kani-kanilang katangian. Ang
unang larawan ay nasagutan na bilang iyong basehan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 16


Pele – Siya ang diyosa ng apoy.

Namaka –

Haumea –

Kane-Milo –

Hi’aka –

Lohi-au –

Ohi’a at Lehua –

Hopoe –

Gawain 2: Pagsusuri sa Elemento


Suriin ang elementong taglay ng pinanood na mitolohiya sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong sa flow chart.
Elemento ng Mitolohiya

Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng pinanood.


_______________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
__________________________________________________.

Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?

_________________________________________________
_______________________________________________________

_______________________________________________________
_____________________________________________________.

Ano ang paksa o tema ng napanood na mitolohiya?


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 17
_______________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________________________.

Anong mensahe ang nais iparating ng mitolohiya sa mga

manonood?

_______________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

___________________________________________________.
Pangwakas/Repleksiyon

Ang natutunan ko sa araling ito ay ________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Mga Sanggunian
A. Mga Aklat

Kagawaran ng Edukasyon. Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral.

Dayag, Alma M. et. al. Pinagyamang Pluma 10 Alinsunod sa Kto12 Curriculum. Quezon City:
Phoenix Publishing House Inc., 2015.

B. Mga Website https://www.youtube.com/watch?v=XUxVydmwu04

https://prezi.com/efiilwkpeibk/si-pele-ang-diyosa-ng-apoy-at-bulkan/

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10 Ikalawang Markahan

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 18


Pangalan:_______________________________ Lebel:__________________
Seksyon:__________________________ ______Petsa:__________________

GAWAING PAGKATUTO PAGHAHAMBING NG MITOLOHIYA MULA SA


BANSANG KANLURANIN SA MITOLOHIYANG PILIPINO

Panimula (Susing Konsepto)

Ang salitang mito ay mula sa salitang Griyegong mythos na unang nangahulugang


“talumpati” subalit sa katagalan ay nangangahulugang “pabula” o “alamat.” Ang mitolohiya ay
mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng
tauhang karaniwang diyos o diyosang may kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang
mortal. Ito ay naglalayong magbigay-paliwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag dahil hindi
pangkaraniwang nangyayari sa mundo at sa lipunan.
Kapag binanggit ang salitang mitolohiya ay agad pumapasok sa isipan ng tao ang mitolohiyang
Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo. Gayunpama’y marapat
maipabatid at mabigyang-diing mayroon ding mitolohiya o koleksiyon ng mitolohiya ang iba’t
ibang lahi sa buong mundo. Maaari itong mapangkat ayon sa koleksiyon tulad ng mitolohiyang
Egyptian, Indian, Maori, at Griyego. Maaari rin itong mauri ayon sa sa kung saang lokasyong
pang-heograpiya ito umusbong tulad ng mitolohiyang Kanluranin, Silanganin, at Aprikan.
Maging ang Pilipinas ay mayroon ding mitolohiyang taglay. Tulad ng mga diyos at diyosa ng
mga mitolohiya ng ibang lahi, ang ating sariling mitolohiya ay may mga diyos at diyosa ring
tulad nina Bathala, ang pinakamakapangyarihang diyos; Idionale, diyos ng mabuting pagsasaka;
Apolaki, diyos ng digmaan, paglalakbay, at pangangalakal; Mayari ang diyosa ng buwan;
Agawe, ang diyos ng tubig; Hanan, diyos ng mabuting pag-aani; Tala, diyosa ng pang-umagang
bituin; at marami pang iba. Taglay rin ng ating mitolohiya ang iba’t ibang mitikal at mahiwagang
mga tauhan tulad ng tiyanak, diwata, aswang, duwende, engkanto, mambabarang, mangkukulam,
nuno, kapre, tikbalang, tiktik at iba pa. Bukod sa mga ito’y may mga kilalang tauhan din sa ating
mitolohiya tulad nina Malakas at Maganda, Mariang Makiling, at iba pa.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino


(F10PU-IIa-b-73)

Panuto
Suriin at sagutin nang buong husay at katapatan ang mga gawaing lilinang sa kasanyang sa
paghahambing ng mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino.
29
Gawain 1: Basahin at Suriin

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 19


Basahin at unawain ang mitolohiya ng Norse na pinamagatang “Paano nagkaanyo ang
mundo.” Pagkatapos, suriin ang mga elementong taglay nito. Lagyan ng tsek ang kahon kung
taglay ito ng binasang akda.

Paano Nagkaanyo ang Mundo?


Si Odin kasama ang dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang
higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba’t ibang bagay mula sa iba’t ibang
parte ng katawan nito.
Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa katawan ng
higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha sila ng kalupaan at mga bundok.
Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan.
Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at hanggahan. Ang bungo nito
ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na sulok nito. Ang mga duwendeng ito
ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang Kilay ni Ymir
upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magproprotekta upang hindi makapasok
dito ang mga higante. Tinawag nila itong Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni Ymir ay
ginawang mga ulap.
Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa Muspelheim, isang
mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing
mga bituin, araw at buwan. Ang maitim subalit napakagandang anak ng isang babae ng
isang higante na pinangalanang Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at
tinawag niya itong Araw. Si Araw ay isang matalino at masayahing bata . Binigyan ng mga
diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at mga kabayo at inilagay sila sa
kalangitan. Sila ay inutusang magpaikot-ikot habang nakasakay sa mga kabayo nila. Ang
mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay siyang nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa
sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ng mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo
nito upang hindi sila masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang
bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo
ng isang asong-lobo.
Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang
magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkakaroon ng
paglubog at paglitaw ng araw.
Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay
naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at
ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves
na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin
mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng mundo.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 20


Mga Elemento ng Mitolohiya

1. Tauhan mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan mga karaniwang
mamamayan sa komunidad
2. Tagpuan may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan sinaunang panahon
nagana pang kuwento ng mitolohiya
3. Banghay
Maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian
Maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na
mga pangyayari
Nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
Ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
Tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema
Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari
Pinagmulan ng buhay sa daigdig
Pag-uugali ng tao
Katangian at kahinaan ng tauhan
Mga aral sa buhay

Gawain 2: Mitolohiyang Pilipino’y Suriin


Basahin ang mitolohiya mula sa Pilipinas na pinamagatang “Rihawani” at pagkatapos ay
suriin ang taglay nitong elemento sa tulong ng talahanayan sa ibaba.

Rihawani
Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na
pook, ang mga naninirahaan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng
putting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng
anyo bilang isa ring putting pusa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay ingat na
ingat at takot na magawi o malaglag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit alam
nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o
mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan din
doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 21
ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay
kapansin-pansin ang angking kagandahan nito , habang nakikipag-usap sa ilang mga using
puti na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong kinaroroonan ng mga
tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na Makita ni Rihawani, ang
diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kanyang
nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging katatakutan ang kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o mamaril
ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat marami ang mga
hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang
kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahanang
pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagagabay. At
lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa isang paanan ng isang
bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwahiwalay at magkita-kita na lamang sa
isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres
na dumako sa gubat na pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng
nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay
naglalakad-lakad naman at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang putting
usa na sinasabi ng matanda. Nang makadako ito sa tabing-ilang, napansin niya ang isang
pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang
mga ito at nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tiangkang barilin, ngunit walang
matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta
at binaril. Tinamaan ang putting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan ng
mga mangangaso ang putting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang putting-putting
usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha nan gang usa ay mag-iba ng
anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa
ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang
puting usa at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap
ito ng mga kasamahan.
Tinawag ng tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang
ng lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang
sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang
pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga nangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.

Tauhan Tagpuan Banghay Tema

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 22


Pangwakas/Repleksiyon

Matapos kong sagutan ang mga gawain, natutunan kong ______________________________


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Sanggunian

A. Aklat

Marasigan, Emily. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, 2015. pp. 165-167
Modyul para sa mag-aaral. Filipino 10. Panitikang Asyano, 2015. pp. 170-171, 179-180. -
Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. Al, 1991)

B. Internet

Norse Mythology, kinuha noong Nobyembre 5, 2014 Mula sa


(http://www.wattpad.com/71491550-norse-mythology)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 23


FILIPINO 10
Ikalawang Markahan

Pangalan : ___________________________ Lebel :__________________


Seksyon:_____________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri ng Pangunahing Paksa at Ideya ng Usapan ng mga Tauhan

Panimula (Susing Konsepto)


Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong
buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

• Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa


mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa
dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula.
• Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may
mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

Kasanayang Pampagkatuto
Dula: Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan. (F10PN-Ila-b-72)

Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang isa sa mga dula ng bansang England na pinamagatang
Sinatahang Romeo at Juliet na isinulat ni William Shakespeare at isinalin ni G. Gregorio C.
Borlaza sa Filipino.
SINTAHANG ROMEO AT JULIET
Hango sa Romeo at Juliet na
Isinalin ni Gregorio C. Borlaza

Unang Tagpo
(Sa pag-iisa ni Romeo. Kinakausap ang sarili)
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 24
ROMEO: Bata pa ba ang araw? Mahaba ang malungkot na mga
oras.
Walang paglingap ng aking minamahal.
O, nag-aaway na pag-ibig!
O, pag-ibig na nagagalit!
O, kahit na anong sa wala nanggagaling!
Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.
Pakitaan ako ng isang babaing labis na
marikit, Di ba’t ganda nito’y isa lamang
pantawag ng isip Sa lalo pang may malaking
kagandahan? Sa paglimot, di mo ako ma’aring
turuan.
(Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili.)
JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko
pinapangarap. Bata pa sa gulang kong labing-apat,
banggit ni ina, Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang
tuwa;

Ikalawang Tagpo
(Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan. Darating
si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.)

ROMEO: Liwanag ng tanglaw, sa pagtuturo niya’y lumalaki,


Para siyang nakabitin sa pisngi ng gabi,
Katulad ng mamahaling hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia,
Kagandahang di dapat gamitin pagkat lubhang mahalaga,
Parang puting kalapating kasama ng mga uwak Ang
binibini ko sa piling ng mga hamak.
Pagkatapos nitong sayaw, titingnan kung saan siya uupo,
Mabibindita ang kamay kong magaspang pag ang kaniya ay nahipo,
Puso ko ba’y mayroon nang minahal? Itakwil mo, mata, Pagkat
ang tunay na ganda’y ngayon ko lamang nakita. (Makikita ni
Tybalt si Romeo. Sisitahin niya ito.)

TYBALT: Ito sa tinig ay marahil isang Montague.


Bakit naparito ang aliping itong mukha’y di mapinta?
Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya?
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 25
Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan, Ang
patayin siya’y hindi masasabing kasalanan.

CAPULET: Bakit pamangkin ko, ano ang ipinagpuputok mo?

TYBALT: Tiyo, ito ay ating kaaway na isang Montague;


Isang buhong na dahil sa galit naparito,
Upang libakin ang kasayahang ito.

CAPULET: Siya ba ang batang si Romeo?

TYBALT: Siya nga, si Romeong buhong.

CAPULET: Masiyahan ka pinsan ko, pabayaan siya.


Parang maginoong tunay ang mga kilos niya,
Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti.
Kahit ibayad sa akin ang yaman ng buong bayan, Hindi
ko siya sisiraan sa aking tahanan.
Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin.

TYBALT: ‘Pag panauhin ay isang buhong ay angkop iyan.


Hindi ko siya mapagtitiyagaan.

CAPULET: Pagtitiyagaan siya. Bakit, iho


Ganiyan ang sabi ko. Alis ka diyan!
Ako ba ang panginoon dito o ikaw?
Alis ka diyan! Nais mong sumikat, nais mo na ikaw ang masunod!

TYBALT: ‘Pag ang pasensiya’y pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw,


Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman.
Ako ay aalis; subalit ang ganitong panghihimasok
Na ngayo’y waring matamis ay magiging mapait na lubos.
(Lalabas si Tybalt. Magtatagpo ang paningin nina Romeo at
Juliet)
ROMEO: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,
Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;
Ang mga labi kong dalawa’y namumulang
mamamakay
Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.
JULIET: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala
Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita;
Mga santo’y may kamay na hinihipo ng may-
pakay; At ang pagdadaop-palad ay parang
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 26
halikang banal.
ROMEO: Kung gayon, santa ko,bayaang gawin ng labi ang gawain na
pangkamay!
Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay.
(Hahalikan ni Romeo si Juliet.)

JULIET: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha.

ROMEO: Salang buhat sa labi ko?


O salang malambing na iyong binanggit,
Ang sala ko ay muling ibalik
(Hahalikan niyang muli si Juliet.)
JULIET: Parang pinag-aralan mo ang paghalik.

NARS: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.

ROMEO: Sino ang kaniyang Ina?

NARS: Aba, binata. Ang nanay niya ay ginang nitong


tahanan.
ROMEO: Siya ba’y Capulet?
O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi
mapalagay.

Ikatlong Tagpo

JULIET: O Romeo, Romeo!


Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet
ROMEO: Maghintay pa kaya ako, o ngayon din ay tumugon?

JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,


Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.
Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa,
Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.
O, magpalit ka na ng pangalan!
Ang rosas kung tagurian,
Sa ibang taguri’y mananatiling mabango ang pangalan
ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 27


Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.
JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,
Na nakatuklas sa aking lihim?

ROMEO: Sa pangalan, hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring


katauhan.
Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko
Pagka’t yao’y isang kaaway mo.
Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko.

JULIET: Hindi ko pa nalalanghap,’ sandaang kataga,


Ng sinabi ng dilang yan, ngunit alam ko na yata.
Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague?

ROMEO: Hindi ang kahit alin, o santang butihin, kung kamumuhian mo rin.

JULIET: Paano ka naparito, sabihin sa akin, at saan nanggaling?


Pader dito ay mataas. Mahirap akyatin,
At kung iisipin, ang pook ay kamatayan,
‘Pag natagpuan ka rito ng sino mang aking kasamahan.
ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;
Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong
humahadlang. Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang
gawin, Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.
JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO: Tamisan mo lang ang titig,


Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.

JULIET: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.

ROMEO: Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin,


Hindi baleng matagpuan nila ako, iyo lamang mamahalin.

JULIET: Sinong nagturo sa iyo ng lugar na ito?

ROMEO: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,


Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas.
JULIET: O mabait na Romeo,Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo.
O kung akala mo’y ako’y napakadaling mahuli,
Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,
Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal;
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 28
Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako
Kaysa mga mukhang mahiwaga dahilan sa tuso.
ROMEO: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon
Na nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy.

JULIET: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman


Na buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran.
Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan
Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala
Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal!

ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan?

JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan?

ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.

JULIET: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi.

ROMEO: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay?

JULIET: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.


Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,
Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita
Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan.
Maging tapat ka Montague kong matamis Maghintay
ka, ako ay muling babalik.

ROMEO: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong gabi’y


baka ito ay pangarap lamang, Masyadong mapanlito upang maging katotohanan.

JULIET: Tatlong salita, mahal kong Romeo’t paalam nang tunay.


Kung marangal ang hangarin ni’yong iyong pagmamahal,
at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako,
Sa tulong ng isang susuguin ko sa iyo,
Kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay ganapin;
Ang lahat kong kayamana’y sa paanan mo ay
ihahain, Sa buong daigdig kita susundin.
JULIET: Subalit kung hindi wagas ang iyong hangarin,
Hinihiling ko sa iyo-
Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwanan
Bukas ako’y magpapasugo sa iyo.
ROMEO: Mabuhay nawa ang kaluluwa ko
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 29
JULIET: Adios, adios matamis na lungkot ng paghihiwalay
Di ako titigil ng kapapaalam hanggang kinabukasan.

Ikaapat na Tagpo

PADRE: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang


pagsisisi’y huwag nating kamtin.

ROMEO: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating


Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin
Sa sandaling siya’y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating Kasiyahan
ko nang siya’y maging akin.

PADRE: Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.


Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay,
Naghahalikan ay nauubos. Ang pulot na matamis na lubha
Dahilan sa sarap ay nakasusuya,
At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.
Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang
pagsinta; Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa
pinupunta.
JULIET: Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.

PADRE: Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.

JULIET: Gayon din ako sa kaniya;


O, ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan.

ROMEO: A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at ang kakayahang
iyong angkin.
Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga

JULIET: Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi,


Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti,
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman;
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan
Kahit kalahati ay hindi ko mabilang

PADRE: Madali nating tatapusin na,


Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 30


Ikalimang Tagpo

BENVOLIO: Si Tybalt na nahulog kay Romeong kamay;


Si Romeo ang nagsabi sa kaniyang malumanay
Na walang k’wenta ang pagtatalunan,
Itong lahat – sinabi niya nang buong hinahon, maaamo ang tingin at yukod ang
tuhod –
Hindi makapayapa sa pusong mapusok ni Tybalt na bingi sa payapang
panawagan,
Umulos ng armas sa dibdib ni Mercutiong matapang; Sa
galit, ay lumaban, armas sa armas,
At parang isang sundalo’y tinabig ng isang kamay niya Ang
kamatayang malamig, saka ibinalik ng ikalawang kamay Kay
Tybalt na dahilan ang liksing taglay ay biglang gumanti.
Isang inggit na saksak ni Tybalt ang lumagot Sa buhay ng
matapang na si Mercutio.
Kumaykay ng takbo si Tybalt at saka binalikan si Romeo
Na bago la’ng nakaisip na gumanti rito,
At parang kidlat silang nagtagis; bago ko nakuha Ang
armas upang sila’y nabubuwal ay tumakbo si Romeo Ito
ang katotohanan, mamatay man si Benvolio

PRINSIPE: At dahil sa kasalanang iyan.


Siya’y aking ipatatapong biglaan. Palayasin
agad si Romeo,
Katapusan niyang araw pag nahuli rito.
Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin Ang
awa’y nakamamatay sa paglingap sa salarin.

Ikaanim na Tagpo

JULIET: Huwebes ng umaga!


Ako’y namamangha sa pagmamadali,
Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw.
Hay, ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin.
Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat
Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat,
O, matamis kong ina, h’wag akong talikuran! O
kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasal
Sa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan.
Ako’y tutungo kay Padre Laurence na silid,
Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit. Ikapitong
Tagpo

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 31


PADRE: Ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis;
Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip.
Narinig kong kailangan at hindi mapipigilang
Sa Huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan.
JULIET: H’wag sabihin, padre, na narinig mo ‘yan
Kundi masasabi kung paano ninyo’y ito maaaring
hadlangan.
Kung sa karunungan ninyo’y di
makatutulong, Sabihin man lamang na tama
ang nilalayon At sa tulong ng lansetang
ito’y gagawin ko. Huwag nang mag-atubili,
nais kong mautas
Kung ang inyong sasabihin ay hindi makalulunas.

PADRE: Umuwi ka, matuwa’t pumayag kay Paris pakasal .


Miyerkules bukas. At bukas ng gabi, mahiga kang nag-iisa;
Matapos mahiga’y kunin ang garapang ito
At ang lamang alak nama’y tunggain mo.
Pagkatapos nito’y sa mga ugat mo’y maglalagos
Ang pagdaramdam ng antok at ang tibok
Ng pulso mo’y titigil at mawawala,
Walang init o hiningang sa buhay mo’y magbabadha;
Ang rosas mong labi’t mga pisngi ay kukupas
Parang kamatayang nagpipinid sa araw ng buhay:
Bawa’t bahaging malambot ng iyong katawa’y
Maninigas, manlalamig at parang tunay na patay;
Sa ganitong hiram na anyo ng kamatayan
Mamamalagi ka sa loob na apatnapu’t dalawang oras.

Ikawalong Tagpo

NARS: Binibini! Ano ba, binibini!


Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli?
Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini! Juliet!
Naku, naku, naku.
Tulong, tulong ang binibini ko’y patay
O kay sawi, bakit pa ba ako isinilang
Kumuha ng alak, madali! Aking ginoo! Aking ginang!
Araw na kasumpa-sumpa, malungkot, hamak, nakamumuhi!

Ikasiyam na Tagpo

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 32


(Romeo at Baltazar.Dumating si Baltazar mula sa Verona dala ang masamang balita para kay
Romeo.)

ROMEO: Balitang buhat sa Verona! Baltazar, anong iyong masasabi?


Wala ka bang dalang sulat na buhat sa Padre?
Kumusta ang aking ginang? Mabuti ba ang aking ama?
Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet?
Walang magiging masama kung mabuti ang kalagayan niya

BALTAZAR: Kung gayo’y mabuti, siya’y walang magiging masama.


Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa, At
ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.
Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel.

ROMEO: Gayon ba? Kung gayon ay humarang na ang mga bituin!


Aalis ako ngayon din! Wala bang sulat ang Padreng sa iyo’y padala?

BALTAZAR: Wala po, mabuti kong panginoon.

ROMEO: Ano ang dapat kong gawin?


May naalala akong isang butikaryo, Na
sa dakong ito nakatira, napansin ko.
(Sa may Butikaryo)

BUTIKARYO: Sinong tumatawag nang kaylakas?

ROMEO: Nakikita kong ikaw ay mahirap.


Heto ang apatnapung ducado.
Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat Upang
mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na.

BUTIKARYO: Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng Mantua’y


kamatayan sa magbili na pangahas.

ROMEO: Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan;


Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

BUTIKARYO: Ilahok mo ito sa kahit na anong tunaw at saka inumin.


At kung ang lakas mo’y katimbang
Ng sa dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay.

Ikasampung Tagpo

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 33


JUAN: Banal na padreng Pransiskano, kapatid ko!
Samantalang humahanap ng kasama,
Pinakuan ang pintuan at di kami pinalabas
Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa Mantua ay napigil agad.
PADRE: Sino ang nagdala ng sulat ko kay Romeo?

JUAN: Wala akong mapagdala – narito nang muli –

PADRE: Malungkot na kapalaran!


Ang sulat ay hindi biro
kundi mayrong nilalamang mahalagang bagay

Ikalabing-isang Tagpo

ROMEO: O mahal ko! O asawa ko!


Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga Ang
kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason.)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.

(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni


Juliet.)

JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa
akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit
konti Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi. Oh,
mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay

(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)

BABAE: Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umaga


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 34
Ang araw ng kalungkuta’y hindi ngayon pakikita
Lumakad na kayo’t pag-uusapan pa ang malungkot na naganap
Ang iba’y patatawarin at sa iba’y parusa ay ilalapat; Sapagkat
wala pang makakasinlungkot
Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog.
Gawain 1
Ilahad ang pangunahing paksa ng dayalogo o usapan ng mga tauhan sa bawat tagpo ng dula at
iugnay sa kasalukuyan. Gamitin ang grapiko.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 35


Pangunahing paksa
Unang Tagpo

Kaugnayan:

Pangunahing paksa
Ikalawang Tagpo

Kaugnayan:

Pangunahing paksa
Ikatlong Tagpo

Kaugnayan:

Pangunahing paksa
Ikaapat na Tagpo

Kaugnayan:

Pangunahing paksa
Ikalimang Tagpo

Kaugnayan:

KALIPUNAN NG MGA GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 10


Ikalawang Markahan

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 36


Pangalan: _________________________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: __________________________________________________Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
(Dula)

Panimula (Susing Konsepto)


Isa sa mga akdang pampanitikan na may malaking bahagi sa pag-unlad at pag-usbong ng
panitikan ng isang bansa ay ang dula.
Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang paglalarawan ng buhay. Ito ay imitasyon o
panggagagad ng buhay kaya inaangkin ng dula ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng
mga tao at mga suliranin. Ito rin ay isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na may
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Gaya ng ibang uri ng akdang pampanitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig.
(F10PB-IIa-b-75)

Panuto
Basahin at unawaing mabuti ang buod ng dulang “Sa Bagong Paraiso” na isinulat ni Efren
Abueg. Pagkatapos, sagutin nang buong katapatan ang mga kasunod nitong mga gawain.

SA BAGONG PARAISO (Buod)

Isinulat ni Efren Reyes Abueg


Ibinuod ni Mariel M. Pabroa

Sina Ariel at Cleofe ay kapwa walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang
daigdig ay umiikot sa isang paraisong kawangis ng langit. Madalas silang maglaro sa bakuran ng
kanilang bahay o di kaya'y sa dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo na mistulang walang
suliranin.
Nang dumating ang pasukan, silang dalawa'y sakay ng kalesa patungong bayan. Doon sila
mag-aaral ng haiskul. Dito dumaan sa kanila ang isang pagbabagong hindi nila mapigil at siyang
magbubukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.
Isang araw, Sabado ng umaga, isinama si Ariel ng kaniyang ama sa bahay ni Ba Aryo
malapit sa ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit at pagkatapos ay itinaboy patungong
ilog. Nakita niya si Cleofe, napansin niyang namumula ang mga mata nito. Sinabi ni Cleofe na
silay binata't dalaga na, at di na pwedeng maglaro pa.
Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanila na may namamagitan sa kanila.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 37


Si Cleofe ay pinagbawalan ng kaniyang ina na makipagkita kay Ariel. Sa kanilang
paghihimagsik, sila'y nagkikita nang palihim sa isang liblib na lugar na di nila dapat pagkitaan.
Maligaya sila sa kanilang daigdig ngunit nasundan ito ng pagsama ng pakiramdam ni
Cleofe. Tumungo siya sa bangketa at kasabay nito ang pagsikad ng kaniyang lalamunan at
napaduwal siya. At siya'y napabulalas ng iyak.

Gawain 1: Suriin mo!

Suriin at paghambingin ang ilang pangyayari sa akdang “Romeo at Juliet” at “Sa Bagong
Paraiso” sa tulong ng talahanayan sa ibaba.

SINTAHANG ROMEO AT SA BAGONG PARAISO JULIET


Pagpapakita ng wagas na
pag-ibig

Mga saloobin ng pamilya sa


pagmamahalan

Pagkakaroon ng sariling
pagpapasiya

Family Fued o alitan ng


pamilya

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 38


Sapilitang pagpapakasal sa
ibang lalaki

Paraan ng pagharap sa mga


problema

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 39


Gawain 2: Ibahagi mo
Isa kang binatang lubhang napaibig sa isang dalagang napakahigpit ng magulang.
Magbigay ng magandang plano o paraang gagawin upang maipakita ang wagas na hangarin sa
kaniya nang hindi lumalabag sa batas ng Diyos at batas ng tao. Pagkatapos, tukuyin ang
kulturang pinagbatayan nito.

Ang iyong plano Kulturang pinagbatayan

Hakbang na gagawin

Kagamitang kakailanganin

Pangwakas/Repleksiyon
Pagkatapos kong basahin ang akdang Sa Bagong Paraiso at ilahad ang mga kulturang
nakapaloob sa akda, aking napagtantong_____________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Sanggunian
Ambat, V. C., Barcelo, T. B., Carino, E. O., & Dasig, M. J. (2015). Filipino-Ikasampung
Baitang. Pasig City: Vibal Group Inc.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 40


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: ___________________________________ Lebel:____________


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
(Epitimolohiya)

Panimula (Susing Konsepto)


Naitanong mo na ba sa iyong sarili o sa iyong magulang kung paano nabuo at saan nagmula ang
iyong pangalan? Kung hindi pa, ito na ang pagkakataon mo para alamin ito. Mahalagang
malaman mo ito sapagkat maliliwangan ka kung bakit ito ang ipinangalan sa iyo.
Sabi nga, lahat ng bagay ay may paliwanag kung saan ito nagmula gayundin naman ang
mga salita. Lahat ng salita ay may paliwanag kung paano ito nabuo, paano nagsimula, at ang
tunay na kahulugan nito. Ang tawag dito ay “epitimolohiya” o “etimolohiya.” Ito ay ang
pagbibigay kahulugan sa isang salita na ang basehan ay ang pinagmulan nito. May apat na uri
ang pinagmulan ng salita. Ito ay ang mga pagsasama-sama ng mga salita, hiram na salita,
morpolohikal na pinagmulan, at onomatopoeia.
Ang onomatopoeia o paghihimig ay isang uri ng tayutay na gumagamit ng tunog o himig
ng salita upang maihatid ang kahulugan nito. Halimbawa, kumabog sa matigas na lupa ang
bumagsak na kargamento. Ang ginamit na onomatopoeia ay kumabog na nangangahulugang
nakalikha ng malakas na ingay.
Ang morpolohiya naman o morpolohikal na pinagmulan ng salita ay tawag sa pag-aaral
kung paanong ang bawat bahagi ng salita ay pinagsama-sama upang makabuo ng panibagong
salita. Halimbawa ang salitang “ayos” kapag dinagdagan ng panlaping ma- ay nagiging
“maayos” na nangangahulugang hindi magulo. Kapag inulit mo ang salitang ugat ay magiging
“maayosayos” na nangangahulugang may katamtamang ayos.
Suriin natin ang salitang “tokhang.” Ito ay halimbawa ng onomatopoeia. Ang salitang
“tokhang” ay mula sa pinaghalong salitang Cebuano na “toktok” na onomatopoeia ng “katok” at
“hangyo” na ang ibig sabihin ay “pakiusap.” Isa pang halimbawa ay ang salitang “lobat.” Mula
ito sa salitang Ingles na “low battery.” Kalaunan ay ginamit ang “lobat” upang ilarawan ang
matinding pagod o pagkawala ng gana.
Bilang isang mag-aaral, mahalagang malaman mo ang pinagmulan ng mga salita upang
lubos na maunawaan ang kahulugan nito. Sa mga gawain sa ibaba, mahahasa ang iyong
kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 41


Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya)
(F10PTIIab-b72)

Panuto
Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Pagkataapos, suriin ang mga inihandang gawain na
may kaugnayan sa pinagmulan ng salita. Sagutin ito nang may katapatan.

Ang Pagpupulis-Trapiko ay Isang Sining


Epifanio G. Matute

Ang isang pulis-trapiko ay isa lamang pulis-trapiko - hanggang sa tumigil kang sandali at siya’y matamang
pagmasdan. Matutuklasan mo na nag pagpupulis trapiko ay isang sining.

Isang tunay na diktador sa kaniyang ibabaw ng pedestal na kahong kahoy sa ilalim ng isang malaking
payong, sa gitna ng mahahalagang pinagkukrusan ng daan, ang lalaking nakaterno ng kaki, nakakapesete at
gwantes na puti, may sukbit na rebolber sa baywang at palaging may supalpal na pito sa bibig, ay isang
makabagong hari at panginoon ng lahat ng uri ng sasakyang gumugulong sa abot ng kanyang tanaw.

Ang panonood sa kaniyang gawain ay isang tunay na kaluguran. Laging batid na nakapako sa kaniyang
katauhan ang mata ng kaniyang nasasakupang tsuper, kutsero, kariton, tagapagtulak ng pushcart,
nakabisekleta, tagaakay ng kabayo, karo ng patay at karaniwang naglalakad ay makatarungan lamang na
sikapin niyang maging makisig ang kaniyang tayo sa ibabaw ng kaniyang trono. Upang maisagawa ito ay
pinatitigas niya ang kanyang liig, inililiyad ang dibdib at pinauusli nang bahagya ang puwet hanggang sa
maghugis “S” ang kaniyang anyo.

Mula sa kaniyang pustura, nagagawa niyang mag-iba-iba ng hugis, anyo at tayo nang hindi nababawasan
kamunti man ang kaniyang kisig at tindig. Iyan ang lihim at bukal ng kaniyang kapangyarihan.

Sa isang matinis na sipol ng kaniyang pinakamabisang sandatang nakasupalpal sa bibig, bilang hudyat ng
kaniyang di mabaling utos, na susundan ng banayad na pihit ng kaniyang katawan sa kaliwa o sa kanan, dipa
ng dalawang bisig at taas ng dalawang may guwantes na kamay - ang takbo ng mga pangyayari sa daigdig na
kaniyang saklaw ay biglang nababago. Mapakikinggan ninyo ang langitngit ng preno at dagling paghinto ng
mga sasakyang nahagip ng stop nang hindi inaasahan. Mananatili siyang isang saglit sa gayong anyo
hanggang sa matiyak na nakatigil na ang dapat tumigil. Sa loob ng ilang saglit ay walang kagalaw-galaw sa
buong paligid ng diktador na nakakaki. Ang unang pagkilos ng di humihingang sangkatauhan ay nakasalalay
sa sunod-sunod na hudyat ng dakilang maestro.

Isa pang matinis na sipol, pihit ng katawan at biglang kumpas ng dalawang kamay, at ang nilikha at sasakyan
ay mabilis na magigising. Mag-uunahan sa pagsibad ang mga dyip, automobile, at trak na ilang minutong
naghihintay sa kabilang pahalang ng krus na daan. Sa saliw ng manakanakang sipol, ang mga kamay ng hari
ay magpapatuloy sa pagkumpas na ang aksiyon ay magmumula sa siko sa isang paraan na tila may hinahawi
gayong wala naman. Walang ano-ano, sa pulutong ng mga nakatigil na sasakyan ay may ilang uungos nang
bahagya. Nais nilang lumiko at nagpapalimos ng pahintulot sa panginoon. Mapapansin ito ng diktador at
tatapunan ng kaniyang hintuturo na tila ba pinararatangan, saka biglang hihigit ng pakunday ang kamay na
ang ibig sabihi’y “Tanggapin ng iyong kaliitan ang pahintulot ng aking Kamahalan”.

Opo, bawat kumpas, bawat kunday, bawat higit, bawat kilos ng bisig, daliri at kamay ng pulis-trapiko ay may
taglay na kahulugan at kapangyarihan. Ang kaniyang gawain ay isang tunay na sining, hanggang sa
magsungit ang panahon at--- umulan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 42


Sa sandaling magkagayon, ang dating matikas na diktador ng mga sasakyan ay nagiging mistulang isang
basang sisiw. Sa loob ng kaniyang tigmak na kapote ay pinapatay ng lamig ang kaniyang sigla at bahagya
nang maikilos ang mga bisig at kamay. At ang dating kisig ay nagiging kaligkig.

Gawain 1: Subukin mo pa!


Upang madagdagan pa ang kaalaman sa pinagmulan ng mga salita, subuking sagutin ang
crossword puzzle na ito. Gawing gabay ang mga pahayag sa pahalang at pababa.

Pahalang
1. Salitang Espanyol na inosente
ang baybay sa
wikang Filipino.
5. Ito ay nangangahulugang mag-asawa.
6. Ang katumbas nito sa wikang Filipino
ay silya
8. Salitang Espanyol na ang kahulugan ay
opisyal

Pababa
2. Pagsasama ng salitang-ugat na balik at
panlaping “um”
3. Nagmula sa wikang ito ang salitang ambisyon
4. Wikang pinagmulan ng salitang interesado
7. Ito ay hinango sa salitang bathala
9. Ito ay may orihinal na baybay na Castillo
10. Pagsasama ng salitang-ugat na buksan at
panlaping “in”

Gawain 2: Buuin mo na!


Punan ng wastong titik ang bawat bilog upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang nakahilig
mula sa binasang akdang “Ang Pagpupulis-Trapiko ay Isang Sining.”
1. Isang tunay na kaluguran ang kaniyang gawain.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 43


k s y n g l b

2. Isang matinis na sipol. m l s

3. Iyan ang lihim at bukal ng kaniyang kapangyarihan. l k s

4. Ang kaniyang kisig ay naging kaligkig.


p n g i i g

5. May mga sasakyang uungos nang bahagya.

l l p a

Pangwakas/Repleksiyon
Mula sa mga natapos na gawain, mapatutunayang ang mga salitang binibigkas ay may kani-
kaniyang pinagmulan at kahulugan. Kung susuriing mabuti ang pinagmulan ng mga salitang ito,
lubos na mauunawaan ang panggagamitan nito sa pakikipagkomunikasyon. Nakita mo rin na ang
wikang Filipino ay naibatay sa ibang wika tulad ng Kastila at Ingles. Mahalagang malaman ito
sapagkat nagpapakita rin ito ng pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling wika.
Mga Sanggunian Aklat
Julian,A., Del Rosario, M.G., Lontoc, N.(2015) Pinagyamang Pluma 10.
Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House Inc.

Julian,A., Del Rosario, M.G., Lontoc, N.(2015) Pinagyamang Pluma 9.


Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House Inc.

Dominguez,L., Badua, Z. (2007) Gintong Pamana Wika at Panitikan. Lungsod


ng Quezon: SD Publications,Inc.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 44


FILIPINO 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: ___________________________________ Lebel:____________


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pag-uugnay ng mga Argumento

Panimula (Susing Konsepto)

Mahilig ka bang magbasa ng mga pahayagan, komiks o di kaya’y magasin? Ano-ano ang
mga unang binabasa mo sa mga nasabing babasahin? Nandiyan ang mga iba’t ibang babasahin
tulad ng Philippine Daily Inquirer, Manila Times, Philipine Journals, Women’s at marami pang
iba. Dito natin madalas mabasa ang iba’t ibang talumpati ng ilang kilalang tao sa lipunan kung
saan ipinahahayag nila ang kanilang mga argumento at paniniwala tungkol sa mga napapanahong
paksa.
Ang argumento ay naglalayong maglahad ng mga simulain o proposisyon upang
mapangatuwiran ang nais iparating na kaalaman sa mga mambabasa. Ito rin ay isang uri ng
akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa
ang katotohanang iyon sa pamamagitan ng paglalahd ng mga positibo at negatibong epekto ng
paksa. Layunin ng nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng
kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba
pa sa nakasulat sa akda (F10PN-IIg-h-69)

Gawain 1
Basahin at unawain ang talumpati sa ibaba. Pagkatapos, suriin ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa kasunod nitong mga tanong.

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon


(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 45


Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin,
ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa
sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad
na nga tayo bilang mamamayan.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap
na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may
pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.

Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat
gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta
ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa
negosyo at mga anggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag, at ang
lahat na naghahangad ng kabutihan para sa kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang


panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay
para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang
malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.

Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng


ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na paniniwala
na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa.
Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at
magdusa ang mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang
panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang
pagaalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunladat pantay na mga
polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na
kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling


interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. Ipagpapatuloy nating mapahusay ang
paggastos ng pera ng bayan.

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 46
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito na
may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong
pangedukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang
isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng


pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga
ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at
kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,


pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo ng
Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na


pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang
estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng
insentibo sa pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin
ang pangmatagalang mga pondong pampribado.

Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang


pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na


transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan
para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa
na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.

_____1. Ayon sa talumpati, ano ang nakaaapekto sa ekonomiya?


a. Di pantay-pantay na kita
b. Inflation
c. Labis na kahirapan
d. Hndi maayos na kompetisyon
______2. Ano ang naidudulot ng mahabang panahong pag-unlad?
a. Lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at darating na henerasyon
b. Pagsugpo ng labis na kahirapan
c. Pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya
d. Matatag na eknomiya
______3. Ano ang magbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa
lahat ng bumubuo ng rehiyon?
a. Growth Acceleration Program
b. My House, My life Program
c. World Cup at Olympics
d. Serbisyong pampubliko
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 47
______4. Ano ang mahalaga sa pagimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at
kasangkapan sa rehiyonal na pag-unlad?
a. Terminong panunungkulan
b. Institusyong pampubliko
c. Programang panlipunan
d. Pampuhunang pampubliko
______5. Ano ang magpapanatili sa pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng
pangulo at mga ministro?
a. Growth Acceleration Program at My House, My Life Program
b. World Cup at Olympics
c. Polisiya ng panghimpapawid at transportasyon
d. Wala sa nabanggit

Gawain 3
Basahin at unawain ang teksto at ihambing ito sa binasang talumpati ni Dilma Rouseff. Isa-isahin
ang mga argumentong inilahad sa dalawang teksto.

Talumpati Para sa Kahirapan


Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at
kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang
inyong mga taynga.
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng
droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na
lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa
pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang
kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon,
patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap
ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan
upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa
na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw
nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino,
ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang
krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod
sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung
ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga
Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang
tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa
kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay
nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 48


Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa
inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating
bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa
kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi
maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng
pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng
pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating
bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating
natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang
ating buhay!

Talumpati ni Dilma Roussef Talumpati Para sa Kahirapan

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain 2 (PeTa 1)
Sumulat ng sanaysay na nagpapakita ng argumento tungkol sa alinman sa mga paksa sa ibaba.
Pumili lamang ng isa. Ang sanaysay ay binubuo lamnag ng apat (4) na talataan na may tatlo(3) –
limang (5) pangungusap.

1. Epekto ng Covid-19 Pandemic sa buhay ng mga mamamayan


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 49
2. Modular, Online o Blended Learning ba ang gagamitin ngayong taon?
3. Home Quarantine: Solusyon sa Pag-iwas sa Coronavirus

_________________________________________
Pamagat
Rubrik sa Pagtataya ng Sanaysay

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula

4 3 2 1

Nilalaman Kompleto at Kompleto ang May ilang Maraming


komprehensibo nilalaman ng kakulangan sa kakulangan sa
ang nilalaman ng sulat/talata. nilalaman ng nilalaman ng
sulat/talata. talata/sulat talata
Wasto ang lahat
Wasto ang lahat ng impormasyon May ilang
ng impormasyon maling
impormasyon sa
nabangggit
Presentasyon Malikhaing Maayos na Hindi Hindi maayos na
nailahad ang nailahad ang gaanong nailahad ang
nilalaman ng taalta/sulat. maayos na sulat/talata. Hindi
talata/sulat Nauunawaan nailahad ang gaanong
ang nilalaman taalta/sulat. Hindi nauunawaan ang
Nauunawaaan ang
gaanong nilalaman
nilalaman ng
nauunawaan ang
talata
nilalaman
Organisasyon Oganisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos ang
malinaw, simple maayos ang presentasyon ng presentasyon ng
at may tamang presentasyon ng mga pangyayari mga ideya.
pagkasunodsunod mga ideya sa at ideya. May Maraming bahagi
ang presentasyon sulat/talata. bahaging di ang hindi
ng Malinaw ang gaanong malinaw sa
ideya sa daloy ng malinaw. paglalahad ng
talata/sulat. pagkakalahad ng kaisipan
Malinaw ang kaisipan
daloy at oranisado
ang paglalahad ng
kaisipan

Pangwakas

Mula sa mga isinagawang gawain nalinang ang iyong kakayahan iugnay ang mga
argumento sa pagsulat ng akda. Nalinang ri ang iyong kakayahan sap ag-unawa sa nialalaman ng
isang akda.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 50


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan : ___________________________ Lebel :__________________


Seksyon:_____________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAGKATUTO
Dula: Pagsusuri at Paghahambing sa Kultura ng Dalawang Bansa

Panimula (Susing Konsepto)


Ang England ay bahagi ng United Kingdom (UK) na hangganan ng bansang Scothland sa
Hilaga at sa Kanluran naman ay ang bansang Wales. Sakop nito ang higit sa gitna at katimugang
bahagi ng pulo ng Gran Britanya na nasa Hilagang Atlantiko at higit 100 maliliit na pulo gaya ng
Islas of Scilly at Isle of Wight.
Mayaman sa panitikan ang England kung saan nakilala rito ang isa sa pinakatanyag na
manunulat na si William Shakespeare noong taong 1564-1616 na itinuturing na pinakadakilang
manunulat sa wikang Ingles. Isinulat niya ang mga tanyag na dula gaya ng Julius Caesar
(15991600), Anthony and Cleopatra (circa 1606-1607) na hinango nito sa kasaysayan ng Greek
at Roman.
Ang pinakadakilang obra ni Shakespeare na Romeo and Juliet ay naglalarawan ng walang
hanggang pag-iibigan ng dalawang pusong pilit na pinaghihiwalay dahil sa alitan ng kanilang
maharlikang angkan na naging magkaaway ngunit hanggang sa kamatayan ay naipakita nila ang
kanilang wagas na pagmamahalan.
Sa iyong babasahing buod ng dulang Sintahang Romeo at Juliet na isinalin ni Gregorio
C. Borlaza mula sa orihinal na obra ni William Shakespeare ng England na Romeo and Juliet,
malalaman mo ang kultura at tradisyon na umiral sa panahong ito sa bansang pinagmulan ng
akda.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahambing sa kultura ng ibang bansa (F10PU-IIa-b-74)

Panuto
Basahin at unawaing mabuti ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa buod ng akdang
“Sintahang Romeo at Juliet.” Pagkatapos, surrin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kasunod nitong
mga gawain.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 51


Sintahang Romeo at Juliet (Buod)
Salin ni Gregorio C. Borlaza
(Romeo and Juliet ni William Shakespeare)

Si Romeo na anak nina Senyor Montesco at Senyora Montesco ay naantig sa


kagandahang angkin ni Rosalina, isang dalagang may panatang maging dalaga habang siya ay
nabubuhay pa. Para siya ay maaliw, niyaya siya ng kaniyang pinsang si Benvolio at kaibigang
Mercutio na dumalo sa isang handaan sa bahay ng mga Capuletto. Pumayag naman ang binata
nang mapag-alaman na dadalo rin si Rosalina. Dito niya nakita si Juliet na anak ng kaaway ng
kanilang angkan, na sina Senyor at Senyora Capuletto.

Sa una nilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batid na sila ay mga
anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. At dahil dito, nagkasundo
silang magpakasal kinabukasan sa tulong ni Fray Lorenzo, ang kumpesor ni Romeo.
Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban na naging
dahilan ng pagkamatay ng ikalawa. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ng kaibigan kaya’t siya
ay naghiganti at pinatay nito si Tybalt. Nagmakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang
naging hatol ni Prinsipr Escalo sa kaniya ay ipatapon sa labas ng Verna.
Sa pamamagitan ng isang kasa-kasama ni Juliet ay muling nagkita at nangyari ang unang gabi
nila bilang mag-asawa. Subalit, sa gabi ring iyon, ipinagkasundo nina Senyor at Senyora
Capuletto si Juliet kay Konde Paris upang sila ay mapag-isang dibdib. Tutol si Juliet dito kaya’t
humingi siya ng tulong kay Fray Lorenzo upang hindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan
ni Fray Lorenzo si Juliet ng likidong pampatulog upang ang paghihinagpis na binibi ay
magmimistulang bangkay sa loob ng apatnapung oras.
Naipabalita kay Romeo na si Juliet ay isa nang bangkay sa tulong ni Baltazar. Dahil dito, bumili
si Romeo sa isang matandang albularyo ng mabagsik na lason na siyang kikitil sa kaniyang
buhay at bumalik sa Verna. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni
Fray Lorenzo na nagsasabing hindi patay si Juliet. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang
nagtungo sa puntod ni Juliet at nang makita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Juliet ay
ininom niya agad ang lason. At bago nangyari ang pagpanaw ni Romeo, nagising si Juliet at
natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sa paghihinagpis ni Juliet ay dumating si Fray Lorenzon, ngunit hindi na niya naabutang buhay
ang binata upang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray Lorenzo si Juliet dahil may
mga tanod na paparating, ngunit hindi nagawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang
mga tanod ay nakakita si Juliet ng isang balaraw at itinarak ito sa kaniyang dibdib na naging
sanhi ng kaniyang kamatayan kasama ang kaniyang mahal na si Romeo.

Gawain 1: Alamin natin!


Suriin ang akdang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 52
1. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng angkan nina Romeo at Juliet.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Bakit nagkaroon ng hidwaan ang dalawang angkan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Paano pinatunayan ng pag-iibigan nina Romeo at Juliet na ang wagas na pag-ibig ay
walang pinipiling lahi o di nakatingin sa estado ng buhay at panlabas na anyo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Paano ipinakita nina Romeo at Juliet ang pag-ibig sa isa’t isa? Makatuwiran ba ito?
Patunayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 2. Suriin mo!

Pumili ng isang pangyayari sa binasang akda na umantig sa iyong damdamin. Ibahagi ang
iyong pananaw hinggil dito. Isulat ang sagot sa grapiko.
Pangyayari

Bisa sa Kaisipan Bisa sa Damdamin

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 53


Gawain 3. Hugot pa more! (PeTa 2)
Batay sa kulturang umiiral sa ating bansa hinggil sa pag-ibig, paano mo mapatutunayan
ang iyong wagas na pagmamahal nang hindi mo malalabag ang inyong kinalakhang kultura?
Gumawa ng hugot lines sa pamamagitan ng isang islogan. Ibahagi ito sa iyong facebook
account.
Ang islogan ay bubuuin ng 10 hanggang 12 salita lamang na binubuo lang 2- 4 na linya o
taludtod. Tatlong kulay lamang ang gagamitin.

Rubrik sa Paggawa ng Islogan


https://www.scribd.com/doc/274341227/Rubrics-Para-Sa-Islogan
10 7 4 1
Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo magulo Walang
ay mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
naipakita. mensahe. naipakita

Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda ngunit Di maganda


at malinaw ang di gaanong at malabo
napakalinaw pagkakasulatng malinaw ang ang
ng mga titik. pagkakasulatng pagkakasulat
pagkakasulat mga titik. ng mga titik.
ng mga titik.
Kaugnayan May malaking Di gaanong Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa may kaugnayan ng kaugnayan
kaugnayan islogan sapaksa.
paksa ang sa paksa ang sapaksa ang
islogan. islogan. islogan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 54


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: ___________________________________ Lebel:____________


Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay-puna sa Istilo ng Tula

Panimula (Susing Konsepto)


Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng
wika sa iba't ibang anyo at estilo. Ito ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin. Ito rin ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng
buhay, hinango sa guniguni, ipinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang
may angking karkitan o aliw-iw. Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang elemento ng tula.
1. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Maaaring ito ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, o
lalabingwaluhin.
2. Saknong – Ito ay tumutukoy isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).
3. Tugma - Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing
may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay
sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma


a. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita
ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
b. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
• unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 55


• ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

4. Kariktan - Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
5. Talinghaga - Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
• Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang
ilantad ang talinghaga sa tula
6. Anyo - porma ng tula
7. Tono/Indayog - diwa ng tula
8. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Tula: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula. (F10PN-IIc-d-70)

Panuto
Basahin ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” (“How Do I Love Thee” ni Elizabeth Barret
Browning) na isinalin sa Filipino ni Alfonso O Santiago. Pagkatapos, sagutin ang mga kasunod
nitong mga gawain nang buong husay at katapatan.

Ang Aking Pag-ibig

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) https://www.youtube.com/watch?
v=9Ik3V7YZzMg

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-
isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 56
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira’y hindi paaapi,


Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin

Noong ako’y isang musmos pa sa turing


Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 57


Gawain 1. Bigyang kahulugan!
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig na ginamit sa pangungusap.
Gamitin ang jigsaw puzzle na nakalaan sa bawat bilang.
1. Kailangang mabatid ng aking mga magulang ang grado ko sa Filipino.

m a

2. Si Maria ay taimtim na nagdarasal sa simbahan.

o u

3. Wagas ang pag-ibig ng isang ina sa kaniyang mga anak.

i y

4. Umingos muna ako kung may paparating na sasakyan bago ako tumawid sa kalye.

U n

5. Banal ang hangarin ng mga bayani sa pakikipaglaban sa mga dayuhan.

D I

6. Matayog ang aking pangarap kaya nag-aaral ako nang mabuti.

a a

7. Saklaw ng bansang Pilipinas ang pulo ng Palawan.

a p

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 58


8. Punong-puno ng lumbay ang kaibigang natalo sa paligsahan.

n K

Gawain 2. MAGSULAT TAYO! (PeTa 3)


Bilang isang mag-aaral, ibahagi mo ang iyong saloobin tungkol sa salitang
“Pagmamahal” sa pamamagitan ng isang tula. Isaalang-alang ang mga elemento ng tula sa
pagbuo ng sariling tula. Gawan ito ng video at ibahagi sa hatirang madla o social media.
Nilalaman: 10 Wastong gamit ng salita Elemeto ng tula: 15 Hikayat: 5
10

Pangwakas/Repleksiyon
Sa mga gawaing isinagawa, buong tapat at talino mong binigyang-puna ang napakinggan
pamamaraan ng may akda. Natutunan mo ring suriin ang istilo ng may-akda sa tulong ng iba’t
ibang elemento ng tula.

Mga Sanggunian A. Aklat


1. Ambat, V., Barcelo, T., et al, 2015. Panitikang Pandaigdig sa Filipino 10, Modyul para sa
Magaaral, Pasig City, Department of Education-IMCS. B. Internet:
1. https://www.youtube.com/watch?v=9Ik3V7YZzMg

2. https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan
3. https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/ang-aking-pag-ibig.html

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10


Ikalawang Markahan
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 59
Pangalan: _________________________________________________Lebel:____________
Seksiyon: __________________________________________________Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa mga Elemento ng Tula

Panimula (Susing Konsepto)


Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Tula ang pinagmulan ng
iba pang mga sining tulad ng sining ng awit, sayaw at dula. Batay sa kasaysayan, ang mga unang
Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga
salitang naiayos sa isang maanyong paraan kaya kinakitaan ng sukat at tugma. Ang pagkadiwang
makata ay likas sa ating mga ninuno. Gayundin, tayo ay nabiyayaan ng malawak na imahinasyon
kung kaya’t nagiging mahusay na manunulat. Sa mga gawaing ito, inaasahang masusuri mo ang
tula ayon sa mga mahalagang elemento nito.
Narito ang mga mahalagang elemento ng tula.
1. Sukat. Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod Ang mga mga uri ng
sukat ay wawaluhin (8), lalabindalawahin (12), lalabing-animin (16) at lalabingwaluhin
(18).
Halimbawa ng wawaluhing sukat (8):
Is/da /ko/ sa/ Ma/ri/ve/les,
1 2 3 4 5 5 7 8
na/sa /lo/ob/ ang/ ka/lis/kis

Halimbawa ng lalabindalawahing sukat (12):


Ang/ la/ki /sa /la/yaw /ka/ra/ni/wa’y/ hu/bad,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Sa / ba/ it / at/mu/ni, / sa /ha/tol / ay / sa/ lat.

Halimbawa ng lalabing-animin (16):


Sa /ri-/sa /ring/ bu/ngang/ka/hoy,/ hi /nog/ na/ at/ ma /ta /ta /mis.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ang/ na/ro/ on /sa /lo /o /bang/ may/ ba/kod /pa /sa / pa /li /gid.

Halimbawang lalabingwaluhin (18) :

Tu/mu/tu/bong/ m/ga /pa/lay, /gu/lay /at/ ma /ra/ming/ m/ga/ ba/gay.


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 19
Na/ro/on /din /sa /lo /o/bang /may/ba/kod /pang/ ka/hoy/ na /ma/la/bay.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 60


2. Tugma. Tumututukoy sa pinag-iisang tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat
taludtod sa isang taludturan. Nauuri ang tugma sa:

a. Tugmaang ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na


tunog at sa gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling
pantig ng mga taludtod ng tula.
Halimbawa:
Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin
Na sa aking katandaa’y parang huling habilin Sa
puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin
Balang-araw ay tutubo’t parang utang na
singilin.
b. Tugmaang di-ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagamat
may iisang uri ng patinig sa loob ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.
Halimbawa:
May isang lupain sa dakong Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang
3. Sining o kariktan. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na
salita.
4. Sesura o Cesura. Ang mga tulang may labingdalawa at labingwalong pantig ay may
sesura, o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat
ikaanim na pantig.
Halimbawa: Ang taong magawi/sa ligaya’t ilaw.

5. Talinghaga o Tayutay. Ito ay tumutukoy sa paggamit sa tula ng matatalinghagang


pananalita at mga tayutay Ang paggamit ng magandang pahayag ay kailangan ng isang
tula. Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kayat
magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang
tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay
a. Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan
ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y,
animo atb.
Halimbawa: Si Binibining Flower ay parang bulaklak na namumukadkad
b. Pagwawangis o Metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang
ginagawang paghahambing.
Halimbawa: Ang ama ay haligi ng tahanan.
c. Pagmamalabis o Hyperbole – pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan
ang nais ipahayag
Halimbawa: Umulan ng pera kahapon sa Dollar Village.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 61


d. Pagtatao o Personipikasyon - paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang
buhay
Halimbawa: Kumakaway ang mga dahon ng punongkahoy.

Kailangan din sa pagsusuri ng tula ang paglalahad ng bayograpiya o paglalarawan sa


mayakda. Gayundin ang pagtukoy sa paksa o tema ng tula, ang kaugnayan nito sa tauhan,
mambabasa at sa kasalukuyang pangyayari. Mahalaga ring mabatid ng mambabasa ang aral na
nakapaloob sa akda.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10PB-IIc-d-72)

Panuto
Basahin at unawain ang tulang lirikong Ang Aking Pag-ibig ni Elizabeth Barrett
Browning ng Inglatera na hango sa Sonnet 43. Pagkatapos, sagutin nang buong husay ang mga
kasunod nitong mga gawain.
IV
Ang Aking Pag-ibig Kasinlaya ito ng mga lalaking
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Barrett Browning
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Marunong umingos sa mga papuri.

I V
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Kung paano kita pinakamamahal? Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Turuan kong lahat ng mga paraan, Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Na ang pananalig ay di masusupil.

II VI
Iniibig kita nang buong taimtim, Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 62


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Na nang mangawala ay parang nanamlay
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

III VII
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ng kailangan mong kaliit-liitan, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

Laging nakahandang pag-utus-utusan,


sa Diyos naman na ipagtalaga
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Gawain 1. Mag-ugnay ka!


Hanapin sa tula ang salitang kaugnay ng
mga salita sa grapiko. Pagkatapos, isulat ang
pinagmulang bahagi nito sa tula. (Bilang ng
saknong at taludtod)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 63


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 64
Pangwakas/Repleksiyon
Mula sa mga isinagawang gawain, naipakita mo ang iyong kakayahan sa pagsusuri ng tula.
Nakilala mo rin ang iba’t ibang bahagi ng tula, ang damdamin ng may-akda at ang ugnayan
ng mga akda sa lipunan.

Mga Sanggunian

A. Aklat

Balazo, Iluminada C.,Dominguez, Leticia F.,Badua, Zenaida S.(2000).Wika at


Panitikan: Batayang Aklat Ikaapat na Taon. Lungsod Quezon: JGM & S
Corporation.

Julian, A.B., Lontoc, N.S., Del Rosario MG.G. at Dayag, A.M. (2017) Pinagyamang
Pluma 8. Lungsod Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.

B. Internet

http://mgaraullo.depedmanila.com/wp-
content/uploads/2019/02/MODYUL_1_PAGSUSURI_BATAY_SA_ELE.pdf
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan
http://mgaraullo.depedmanila.com/wp- https://www.tagaloglang.com/uri-ng-
tugma/

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1(Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral)
Gawain2 (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral sa ibang elemento)
A. Bilang ng Saknong at Taludtod:
7 – saknong, bawat saknong ay binubuo ng apat na taludtod
Sukat - lalabindalawahin/Ang bawat taludtod ay may sukat na 12
Tugma - tugmang di-ganap

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 65


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan
Pangalan: _____________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _____________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Matatalinghagang Pananalita Panimula (Susing Konsepto)

Kumusta ka na? Sigurado ako sa ngayon kabisadong-kabisado mo na ang tula at mga


elemento nito. Tama ba ako? Kung sumasang-ayon ka sa akin, handa ka na sa bagong araling
aking inihanda. Kung hindi naman, ayos lang iyan, huwag malumbay, iminumungkahi kong
makinig at manood sa maikling video clip mula sa link na ito
(https://www.youtube.com/watch?v=S0kuNgi2LXs) upang mas madali na lamang sa iyo ang
bagong aralin na may kaugnayan sa tula.
Isang katangian ng tula ang paggamit ng talinghaga. Nagmula ito sa salitang “tali” at
“hiwaga” na ang ibig sabihin ay nakataling hiwaga o matalinghagang pahayag. Ito’y ang
hindi tuwiran o matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.
Ayon kay A. Abadilla, ang tula ay hindi lamang ang pagkakaroon ng tugma kundi,
may lalim ito kung saan hindi literal ang kahulugan ng mga pahayag kaya sa unang pagbasa
ay hindi mauunawaan ang ibig sabihin nito. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o
matatalinghagang mga pahayag.
Tayutay ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at mga bagay-bagay na alam
na ng taumbayan. Tinatawag din itong palamuti ng tula dahil ginagamit ito upang gawing
mabisa, makulay, matalinghaga at kaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad o Simile - layon nitong maghambing ng dalawang magkaibang tao,
bagay, lugar, at/o pangyayari. Ginagamitan ito ng mga pariralang katulad ng,
kapara, kawangis, animo’y, at gaya ng.

Halimbawa: Ang larong dama ay tulad ng buhay --- may mga urong at sulong.

2. Pagwawangis o Metapora - tahasan o tuwiran ang paghahambing

Halimbawa: Ang Panginoon ay pastol ng aking buhay.

3. Pagmamalabis o Eksaherasyon - layon nitong maging eksaherado ang mga


pahayag; maaaring pinalalabis o pinakukulang ang katangian ng mga bagay.

Halimbawa: Babaha ng dugo sa lugar na ito dahil sa sagupaan ng dalawang


fraternity.
4. Pagtatao o Personipikasyon - layon nitong pakilusin na katulad ng mga tao ang
mga bagay na walang buhay.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 66


Halimbawa: Lumuluha ang langit dahil sa pagkasawi ng kaniyang iniibig
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. (F10PTIIc-d-
70).
Panuto
Suriin at sagutin nang buong husay at katapatan ang mga gawaing inihanda na
lilinang sa kasanayan sa pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang pananalita.

Gawain 1: Alamin mo
Tukuyin ang kahulugan ng mga matatalinghagang salitang ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

_______1. Kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nangmaliit sa kanila.


A. matampuhin C. galit na galit
B. bugnutin D. masayahin
_______2. Maraming pasa ang bata sa katawan dahil mabigat ang kamay ng kaniyang ama.
A. basagulero C. malakas
B. mapanakit D. maalalahanin
_______3. Ibaon na natin sa hukay ang galit at poot sa ating kapwa at matutong
magpatawad.
A. kalimutan na C. itanim sa isipan
B. ibisto D. ipagtapat
_______4. Umuwi na ang itinuturing na itim na tupa sa kaniyang mga anak.
A. masunuring anak C. masamang anak
B. itim ang kulay ng balat D. kakaiba sa mga kapatid
_______5. Si lolo Jose ay sinasabing matanda na ngunit nagmumurang kamyas.
A. umaastang bata C. mahinang mahina na
B. malakas pa D. mahilig sa kamyas
Gawain 2: Tapatan Tayo
Hanapin sa Hanay B ang isinasagisag ng mga salita sa Hanay A sa tulong ng mga
larawan. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. Pagkatapos, pumili ng tatlong salita at
gamitin sa pagbuo ng pangungusap tungkol sa alinmang paksa: kalusugan, kalikasan o buhay
kabataan.

Hanay A Hanay B

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 67


______1. Ulan A. Karunungan

B. Kapayapaan
______2. Aklat
C. Kagalakan

______3. Puting Bandila D. Kasipagan

E. Pag-asa
______4. Kalabaw
F. Buhay

G. Kalinisan
______5. Kandila

Paksa: ________________

Pangwakas/Repleksiyon
Naging magaan ba sa iyo ng mga inihanda kong gawain? Maayos mo ba itong naisagawa?
Kung hindi, huwag malumbay, maari mo pa itong balikan at pag-aralang mabuti ang mga
gawain.
Ang akdang panpanitikang Pilipino ay mayaman sa matalinghagang pananalita. Sa mga
gawaing isinagawa, nabigyan mo ng pagpapakahulugan ang mga masining na pananalita sa
tula. Lubos mo ring naunawaan ang diwa ng ginamit na lunsaran.

Mga Sanggunian

Aklat

Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., 2012. Pluma III Wika at Panitikan para sa
Mataas na Paaralan. Quezon City: Philippines, Phoenix Publishing House, Inc.

Lacsamana, Leodivico C., et.al. 2003. Filipino: Wika at Panitikan sa Makabagong


Henerasyon IV. Makati City: Diwa Learning Systems, Inc.

Nakpil, Lolita R. et al. 2000. Gintong Pamana. Metro Manila, SD Publishing Inc.

Santos, Bernie C. at Corazon L. Santos. 2002. Kawil II -Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa


Wika at Literatura. Quezon City: Rex Bookstrore Inc.

Internet

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 68


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: ____________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Malikhaing Pagsulat ng Tula

Panimula (Susing Konsepto)

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malikhain sa larangan ng pagsulat ng iba’t
ibang genre ng panitikan. Sa pamamagitan nito, nailalabas natin ang matinding damdamin at
malawak na kaisipan na madalas ang paksa ay ang malawak na mundo ng tao katulad ng
pagsulat ng tula.

Ang tula ay pagsasama ng mga piling salitang may tugma, sukat, talinghaga, at
kaisipan: mga nadaramang kaisipan, nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy
sa damdamin

Sa pagsulat ng tula, bilang isang makata o manunulat, dapat ikaw ay may mayamang
imahinasyon, sensitibong pandama, at matayog na kaisipan dahil ang mahusay na tula ay may
larawang diwa, gumigising ng damdamin at kamalayan, at pinagagalaw ang guniguni ng
mambabasa.

Kinakailangang isaalang-alang ang imahen o larawang-diwa sa pagsulat ng tula.


Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais
bigyang kahulugan.

Lalong gumaganda ang tula kung may tono. Ang damdaming nakapaloob sa tula ay
maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit, pagpapahalaga o pagtatagumpay at iba pa.

Mahalaga ring may persona o ang tauhang nagsasalita sa tula. Madalas itong nasa
unang panauhan.

Upang lubos ang kariktan ng tula, isaalang-alang mga mga mahalagang Elemento o
Sangkap ng tula

Mahalaga ring bigyang halaga ang uri ng tulang isusulat. At higit sa lahat, dapat
maging palabasa ka. Magbasa ng tula ng iba. Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung
hindi ka natututo sa iba. Sa pagbabasa mo ng ibang tula, maaring makakikita ka ng ibang
paraan ng pagsulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.

Kasanayan Pampagkatuto at Koda


Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-IIc-d-72)

Panuto

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 69


Sagutin nang buong husay at katapatan ang mga inihandang gawaing lilinang sa kasanayan
sa pagsulat ng sariling tula.

Gawain 1: Itala mo!


Magtala ng mga salitang may kaugnayan sa paksang pag-ibig. Isulat ang sagot sa loob

ng mga puso.

1 1
2 2

PAG-IBIG

1 1
2 2

Pangwakas/Repleksiyon
Sa pamamagitan ng mga gawain, nalinang ang iyong kakayahan sa pagsusuri at
pagsulat ng sariling tula. Natutunan mo rin ang mga paraan at mahalagang elemento sa
masining na pagsulat.

Sanggunian
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 70
Aklat
Ambat, V., Barcelo, T.,et al, 2015. Panitikang Pandaigdig sa Filipino10, Modyul para sa
Magaaral, Pasig City, Department of Education –IMCS.
Camba, M., Infantado R., Ricohermoso, M. & C. Sicat. 2015, Baybayin Paglalayag sa Wika
at Panitikan: Batayan at sanayang Aklat sa Filipino. Manila, Rex Printing Company,
Inc.
Marasigan, E. & M. Del Rosario. 2017. Pinagyamang Pluma 10: Aklat 1 Kabanata 1
hanggang
3. Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. Internet
https://www.slideshare.net/allanortiz/sangkap-at-elemento-ng-tula

https://www.slideserve.com/aisha/pagsulat

https://www.slideshare.net/andreatiangco9/malikhaing-pagsulat-tula

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10


Ikalawang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: ____________ Seksiyon:


_____________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Tula Gamit ang mga Tayutay

Panimula (Susing Konsepto)

Malikhain…Masining…Maanyo…
Ilan lamang sa katangiang taglay ng mga Pilipino sa larangan ng pagsulat ng tula. At isa sa
pinamagandang salik sa karikyan ng tula ay ang paggamit ng tayutay.
Ang tayutay ay isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan ng
pananalita. Ito’y maaaring isang patalinghagang anyo na hindi literal ang kahulugan ng mga
salita. Lumilikha rin ito ng larawang-diwa sapagkat di karaniwan ang paraan ng
pagpapahayag o pagkakasulat nito.
Mga Uri ng Tuyutay

1. Pagtutulad (Simile) - Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao,


bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng,
katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Halimbawa:
Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
2. Pagwawangis o Metapora (Metaphor) – Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban
sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
animo, kagaya ng atbp.
Halimbawa:

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 71


Si Jon ay lumalakad na babae.
Malakas na lalaki si Ken.
3. Pagtatao o Pagbibigay-katauhan (Personification) - Ito ay pagsasalin ng talino,
gawi at katangian ng tao sa bagay.
Halimbawa:
Ang mga damo ay sumasayaw.
Tumatawa ng malakas ang mga puno.
4. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) - Ito ay lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
Halimbawa:
Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
Nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.
5. Pag-uyam (Sarcasm/Irony) - Isang tayutay na nangungutya o nang-aasar sa tao o
bagay.
Halimbawa:
Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi
mong kwarto.
Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga taghiyawat
ng mukha mo.
6. Paglipat-wika - Ito ay paggamit ng pang-uri upang ilarawan ang mga bagay.
Halimbawa:
Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita ng kaniyang
emosyon ngayon.
Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.
7. Paglilipat-saklaw (Synecdoche) - Pagbanggit ito sa bahagi ng isang bagay o
ideya bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila
Hiningi ni Santiago ang kamay ng dalaga.
8. Pagtawag (Apostrophe) - Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang kinakausap
sila.
Halimbawa:
O Pag-ibig, nasaan ka na?
Galit, layuan mo ako magpakailanman.
9. Tanong Retorikal (Rhetorical Question) - Mga tanong ito na hindi
nangangailangan ng sagot.
Halimbawa:
Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ako mapapansin at
mamahalin?
Wala na bang pag-asang makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa
mga sunod-sunod na mga problema natin?
10. Pagpapalit- tawag (Metonymy) - Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga
pangalan ng bagay na magkaugnay.
Halimbawa:
Igalang dapat ang mga maputing buhok.
Mas magiting ang panulat kaysa espada.
11. Panaramdam (Exclamatory) - Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang
damdamin Halimbawa:

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 72


Noon, kapag nakikita kita, punong-puno ako ng kaligayahan at kilig
pero ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim
ang mundo ko at punong-puno ng pighati at kirot.
12. Tambisan (Antithesis) - Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita.
Halimbawa:
Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.
13. Paghihimig (Onomatopoeia) - Ito ay pagpapahiwatig ng kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
Halimbawa:
Maririnig ko ang tiktok ng orasan.
Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy.
14. Pag-uulit (Alliteration) - Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.
Halimbawa:
Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
Masipag maglaba ang mga magulang ko.

15. Pagtanggi (Litotes) - Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng


pangungusap.
Halimbawa:
Hindi niyo ako maloloko
Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.
16. Salantunay (Paradox) - Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa
pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o
dinig. Halimbawa:
Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.
17. Pangitain (Vision imagery) - Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na
animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita. Halimbawa:
Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat.
Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.
18. Paghahalintulad (Analogy) - Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o
ideya na magkatumbas.
Halimbawa:
Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang
bubuyog.
Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na
sumisikat sa umaga.
https://philnews.ph/2019/06/27/tayutay-uri-at-halimbawa/
Kasanayan Pampagkatuto at Koda
Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.(F10WG-Iic-d-65)

Panuto
Basahin at suriin ang mga inihandang gawaing lilinang sa kasanayan sa pagsulat ng tula
gamit ang matatalinghagang pananalita. Sagutin ang mga ito nang buong husay at katapatan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 73


Gawain 1. Suriin natin!
Bilugan ang tayutay sa bawat pangungusap. Pagkatapos, tukuyin kung anong uri ito.

___________ 1. Nagngingiyaw ang pusa sa alulod dahil sa ginaw.


___________ 2. Bilib ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura, nalulunok
mo.
___________ 3. Balahibuing parang labong ang mga braso niya’t binti.
___________ 4. Gangga-ulo ng pusa ang subo ng batang gutom.
___________ 5. Lagi mong tandaang hindi lahat ng kaligayahan ay natatamo sa
tagumpay dahil may tagumpay rin sa kabiguan.
___________ 6. Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na, sana naman tigilan
mo na ang pagbabarkada.
___________ 7. Kabagot-bagot maging tao lamang sa kahariang-Babel tulad ng isang
anghel na naghangad na maging Diyos sa impiyerno.
___________ 8. Ang musika ay hagdan n
kaluluwa paakyat sa langit.
___________ 9. Tinik sa lalamunan ko ang
katahimikan mo.
___________ 10. Humihinga pagsapit ng
takipsilim ang gabi.
Bumubulong ng libong
himutok.
___________ 11. Magmamaktol man ang
pag-ibig kung hindi
bibigyang pansin, tiyak
na matitigil din.
___________ 12. Sa sobrang problema,
namuting lahat ang buhok
niya.
___________ 13. Mahiyaing mata, subukin
mong mangusap sa akin.
___________ 14. Mahusay talagang
magpalaki ng anak
iyang mga magulang
mo! Nakakaabsent ka na
sa klase, nasasagot-sagot
mo pa sila.
___________ 15. Sa paglalakad ng buwan,
magbabago nang lahat ang
takbo ng panahon.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 74


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: _____________________________ Lebel: ____________ Seksiyon:


_____________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa Diyalogo ng mga Tauhan sa Akda Panimula
(Susing Konsepto)
Ang maikling kuwento ay isang maikling pagsasalaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o higit pang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Isa sa mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang maikling kuwneto ay ang
pagkakaroon ng mahusay na pagpapahayag ng diyalogo. Ito ang unang bagay na
nakapupukaw sa interes sa mga mambabasa. Dito makikita ang kasiningan ng isang akda

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 75


dahil namamayani dito ang kaisipan at damdamin ng salaysay. Ang mahusay na
pagpapahayag ng diyalogo ay nakatutulong din upang magkaroon ng kaisahan ang kuwento.
Makatutulong sa maayos na paglalahad ng diyalogo ang pagpili ng mga wastong
salita katulad ng mga tayutay na angkop sa diwang nais ipahatid ng may-akda. Ito ay
mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, magiging mabisa ang kaisipang ipinapasok ng
manunulat sa diyalogo o pahayag ng mga tauhan at nagiging malinaw ang paglalarawan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Maikling Kuwento: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda (F10PB-IIe -
73)

Panuto
Basahin at unawain ang maikling kuwento ng Amerika na pinamagatang “Aginaldo ng mga
Mago” ni O. Henry na isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro. Pagkatapos, sagutin ang mga
kasunod nitong mga gawain nang buong katapatan.

Aginaldo ng mga Mago


Maikling Kuwento ni O Henry ng Amerika
Salin sa Filipino ni Rufno Alejandro
Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay
barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan
noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at
magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y
nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang abuhing
pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.
Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at
walumpu’t pitong sentimos lamang para ipambili ng pang- aginaldo kay Jim. Kung ilang
buwan siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kaniyang natipon.
Gaano ba naman ang itatagal ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging
malaki ang kaniyang mga gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari.
Piso at walumpu’t pitong sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang
Jim. Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay
Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang
sabihing karapatdapat ariin ni Jim.
Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning
ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang kaniyang
pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok.
Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari- ariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kaniyang
ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 76


Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang kaniyang mga
mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas sa lansangan.

Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie.
Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang hagdanan at
saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.

“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della. “Bumibili ako ng buhok,” sabi
ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura niyan.” Ipinakita ni
Della ang alon-alon niyang buhok.

“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang makapal
na buhok.

“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.


At ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng dalawang
oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga tindahan sa
paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya. Walang
ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang disenyo ay
simplengsimple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang mamahalin. At
sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang- pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad
sa loob niya ang bagay na iyon kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga.
Dalawampu’t isang piso ang ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala
ang dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang
relos ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.
Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan ang oras
dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat.
Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha ng
pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.

Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne. Si Jim ay hindi
kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa sulok ng
mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang
hagdanan, at siya’y namutlang sandali. Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa
mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong
Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”

Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della at
ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni
pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della.
Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang damdaming
hindi mahulaan.

Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay


Jim. “Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 77


sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag
ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon.

Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko,
Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko
para sa iyo.”

“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng


pagsasalita.

“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na
putol ang aking buhok?”

Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.

“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o ano
pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit ako
nagkagayon noong bagong dating ako.”

Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili


ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang luha

Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay
na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang
bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas
ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas humaba ang
buhok ko, Jim.”

At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”Hindi
pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya.
Iniabot iyon ni Della sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay
kinang na gaya ng apoy ng kaniyang kaluluwa.

“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko
iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akin
na ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.”

Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang


kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.

Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw.
Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng
mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”

Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong
– at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng pagbibigay
ng mga aginaldo kung Pasko.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 78


Palibhasa’y marurunong, pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may
magagandang kahulugan, marahil ay yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling
magkakapareho.

At dito’y pinag- inutan kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang
hangal na bata na nakatira sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa
isa’t isa kahit na mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang
tahanan.

Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito
na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siya pinakamarunong.

Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang


pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

Gawain 1. Palawakin ang Talasalitaan


Punan ng angkop na letra ang kahon upang mabuo ang kahulugan ng mga italisadong salita sa
bawat bilang.

1. Tinapos ni Delia ang kan iyang pag -iyak at hinarap


ang kaniyang mga pisngi.
n p n a

2. Nagningning ang kaniyang mukha, datapwat dalawampung


segundong nawalan ng kulay ang kaniyang pisngi.
a l g k

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 79


8. At pagkatapos ay maliksi niyang pinusod niyang muli ang
buhok na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay.
g

9. Umalembong at nagkikinang ang kan iyang mga mata


nang siya ay humagibis na papalabas sa pintuan
a a g - a a

10. Hindi na ako makatatagal pa ha nggang sa isang Pasko


kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo.
r a

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 80


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________ Lebel: ___________
Seksiyon: _______________________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay

Panimula (Susing Konsepto)


Sa pag-unawa sa iba’t ibang uri ng akdang pam panitikan, malaki ang ginagampanang
tungkulin ng wika bilang daluyan ng kaayusan nito. Ang isang mambabasa ay maaaring
umugat ng pag-unawa sa akda batay sa mga salitang pamilyar sa kaniya. Ayon sa mga
pagaaral, mas nagiging matagumpay ang pag-unawa sa mga akda o teksto kung nasusulat ito
sa katutubong wika. Magkagayunman, may mga hakbangin din tungo sa pag-unawa ng akda
o teksto batay sa umiiral na wika at daloy ng pahayag sa kuwento.
Suriin ang mga salita sa ibaba.
*mabango–mahalimuyak–masamyo *maganda–kaakit-akit–maayos

May mga salitang akala nati’y magkakaparehas lamang ang gamit dahil halos
magkaparehas ito ng nais ipakahulugan. Ngunit ito ay mali sapagkat ang bawat salita ay may
inaangkupang pangungusap depende sa diwa o mensaheng nais ihayag nito.
Halimbawa:
Mabango ang bulaklak ng sampagita.
Masamyo ang pabangong iyong ginamit.
Mahalimuyak ang iyong buhok.

Kung susuriin ay ginamit sa iba’t ibang antas ang mga halimbawang salita.
“Mabango” pangkalahatang termino sa mabangong amoy. “Masamyo” para sa panandaliang
pagkakaamoy sa bango. At “Mahalimuyak” para sa pangmatagalan at nanunuot na bango.
Iba pang halimbawa:
suwail–pasaway–masama “Suwail” para sa taong
hindi sumusunod sa mga utos at panuntunan. “Pasaway” para sa taong matigas ang
ulo at hindi nasasaway. “Masama” para sa pangkalahatang kahulugan ng paggawa
ng masama.

sampal–tampal–suntok

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 81


“Sampal” para sa malakas na paghampas sa pisngi o mukha. “Tampal” para sa
paghampas sa katawan o bahagi ng katawan. “Suntok” para sa pananakita nang may
puwersa at nakuyom ang kamao.

Madalas nagkakaroon din tayo ng dagdag pag-unawa sa mga salita batay sa tinatawag
na contextual clues kung saan pinag-uugnay-ugnay natin ang mga salita sa loob ng
pangungusap upang ganap natin itong maunawaan. Ito ay tinatawag na kolokasyon.
Isa rin sa paraan ng madaling pag-unawa sa talasalitaan kung hahanapin natin ang
kaugnay nitong salita. Hindi nangangahulugan na kailangan parehas ng kahulugan ngunit
nararapat na magkaangkla o magkaugnay sa isa’t isa. Suriin ang mga salita sa ibaba.
Halimbawa:
masama – mabuti malakas –
mahina
bida –
liwanag – dilim kontrabida

Nakikita naman natin ang ugnayang nais ipahiwatig ng mga salita. Kahit na ang mga
salitang ito ay kabaligtaran ng bawat isa, pinalulutang naman nito ang katuturan ng isa pang
salita. Halimbawa, tumitingkad lamang ang karakter ng “bida” kung magagampanan nang
maayos ang karakter ng “kontrabida”. Kung mayroong “masama”, dapat mayroong “mabuti”
upang maging balanse. Ugnayan pa rin namang matatawag kung ang dalawang salita ay
magkaiba sa konteksto ngunit parehas ng pinupuntong mensahe.
Halimbawa:
problema–dalamhati–suliranin pag-asa–bukas–
positibo pagtitiis–sakripisyon–malasakit

Ang pangkat ng mga salitang ito ay matutukoy rin bilang magkakaugnay na salita, na
kapag makita mo sa isang kuwento o pahayag, madali mo na lamang malalaman kung ano ba
ang kahulugan ng iyong binasa.
Magkakaugnay ang mga salita sa loob ng isang pahayag na siyang nakatutulong sa
atin upang madaling maunawaan ang mensahe nito.
https://kape-at-utak.blogspot.com/2017/07/mga-salitang-magkakatulad-at.html

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan (F10PT-
IIe73)

Panuto
Suriin, unawain, at sagutin nang buong husay at katapatan ang mga inihandang
gawaing tiyak na lilinang sa iyong kasanayan sa pagtatala ng mga salitang magkakatulad at
magkakaugnay sa kahulugan.

Gawain 1. Pagtambalin mo
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 82
Basahin at suriin ang mga salitang nasa loob ng kahon. Hanapin ang mga
magkakaugnay at tukuyin ang mahalagang diwang kaloob nito.

maganda Hanapbuhay masamyo Eskuwelahan higaan


kama Masaya maluwang Maligaya silya
maliit Bata bansot Musmos trabaho
marikit mabango paaralan Upuan malaki

Pares ng salitang magkaugnay Diwang kaloob


1

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 83


6

10

Gawain 2. Hanapin mo
Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagtukoy sa kasalungat
nito. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Kilalanin at bilugan ang dalawang salitang
magkasalungat.

1. Kinuha niya ang ibinigay na ayuda ng pamahalaan nang buong puso.

2. Bawal ang pakikipagkamay sa panahon ng sakunang dala ng COVID19 ngunit pwede


pa rin naman makipagkamustahan sa pamamagitan ng pagyuko.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 84


3. Saka niya napansin ang kahalagahan ng pamilyang kaniyang binalewala habang siya
ay abala sa trabaho.

4. Ang maingay na kalsada ay biglang tumahimik nang nanalasa ang CoViD-19.

5. Sa panahong hindi natin nakikita ang ating kalaban ay siyang paglabas ng mga tunay
na kakampi, ang ating pamilya.

Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan:________________________________ Lebel:_________________________
Seksiyon:________________________________ Petsa:_________________________

GAWAING PAGKATUTO
Paghihinuha sa pakikipag-ugnayang pandaigdig
Panimula (Susing Konsepto)

Ikaw ba ay sunod sa moda? Kung ano ang “in” ay iyong ginagamit? Lagi ka bang
nakaabang sa mga bagong kasuotang inirarampa sa mga Fashion show sa iba’t ibang panig
ng mundo? Pinangarap mo bang umakyat o makita man lamang ang Eiffel Tower o ang
napakalaking orasan na nasa tuktok ng gusali? Isa ka ba sa nahumaling sa kagamitang
kanluranin?
Maraming bagay ang ating nakikita at nagagamit sa araw-araw nating pamumuhay na
nagmula sa mga bansa sa Kanluran. Iniisip nating kapag ito ay mula sa Europa o America ay
matibay at mamahalin na ang mga ito. Ang kultural na aspeto ay halos laganap na sa buong
mundo katulad ng pakikipagkamay sa bagong kakilala o tinatawag na beso-beso. Ang
handaang napakagarbo at mga damit na napakaganda ay hindi rin nawawala. Ang pagsasalita
ng French-English ay maririnig na rin sa pananalita ng tao at ito ay itinuturing na kasosyalan.
Ilan lamang ang mga ito sa makikitang kaugalian sa Europa partikular na sa France.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 85


Malaki ang impluwensiya ng mga panood sa buhay ng tao. Maaaring mas madali tayong
matuto sa pinanonood nating mga kuwento at isinasabuhay na natin ang mga ito. Katulad ng
pananamit, istilo ng buhok, tindig at paraan ng pakikisalamuha sa kapwa tao. Ang mga
kabataan ngayon ay mas gugustuhing manood kaysa umupo sa isang sulok na walang
ginagawa. Sa panonood nakikita ang mga lugar na hindi pa napuntahan, natututunan ang mga
kultura na siyang tinutularan ng mga tao.
Ang mga pinapanood na kuwento ay maaaring daan sa pakikipag-ugnayang pandaigdig
dahil sa ipinapakitang katangiang ginagampanan ng bawat tauhan at mga kulturang
ginagawa sa loob ng isang bansa. Nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pamumuhay na siyang
nagbibigay ng mensahe sa mga manonood na napakadaling maunawaan ng sinuman.
Nakikilala at nauunawaan ang katangian ng isang bansa batay sa mga napanood at
napakinggan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.
(F10PDIIe-71)

Panuto
Kilalanin ang kultura ng bansang France sa pamamagitan ng panonood sa link na ito:
http://www.youtube.com/watch?v=V4ny9qjDEA0&feature=share. Pagkatapos, sagutin ang
mga inihandang gawain nang buong husay at katapatan.
Gawain 1.
Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA. Gamitin ang
letrang nasa krusigrama bilang karagdagang palatandaan upang matukoy ang salitang
hinihingi ng bawat bilang.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 86


5.

PABABA PAHALANG
1. Ipinagdiriwang tuwing Disyembre 1 Kontinente kung saan matatagpuan ang
2. Bansang tinaguriang sentro ng moda Pransiya
3. Pinakasentro ng bansang France 2. Mahalagang sangkap ng pagkain
4 Istilo ng napapanahong pananamit 3. Pangunahing relihiyon sa France
5. Museo kung saan nakalagay ang 4. Pagkakapantay ng mga tao
mahahalagang disenyo ng sining
5. Pangunahing wika sa France
Gawain 2.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 87


Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ang sampung (10) salitang may kaugnayan sa pinanood.
Maaaring ito ay pangalan ng tao, bagay, hayop at pangyayari ang mga salita.
S D I Y C H A U V I N I S M K L
F A T E R A Y A K A W N A C Z F
R H A H P U H A Y K A O B C X G
AALOUVREAUYYABVDTTINTEWEYLAKSNMT
E F A G R G O T H I C A Q M T O
R S N A T U T I E T A P U F S W
N A K P I T E G A L I T E S R T
I K O L A A D H J U I P A T W I
T O K A K R A T C O T C A I Q O
E W A N K O I T O S I R J T D P
W Q E R T H D S A P G L K I S N
B O E U F B O U R G U I N
O N L Gawain 3.
Pangwakas/Repleksiyon
Marami man ang hindi maunawaang kaganapan sa buhay natin, huwag tayong sumuko
sa pagtuklas ng bagong kaalaman na siyang magiging sandata natin sa darating na panahon.
Ang edukasyon ay mahalaga sa buhay at kahit saan man tayo mapadpad sa iba’t ibang sulok
ng mundo, hindi tayo maliligaw.
Sanggunian Aklat Jocson, M. O. et. Al. (2015). Panitikang Pandaigdig: Filipino 10
Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Vibal Group Inc Internet
http://www.youtube.com/watch?v=V4ny9qjDEA0&feature=share

FILIPINO 10
Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________ Lebel: ____________


Seksiyon__________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Masining na Pagkukuwento

Panimula (Susing konsepto)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 88


Maraming makata at pilosopo ang nagtangkang bigyan ng kahulugan ang salitang
pagibig ngunit hindi pa sila ganap na nagtatagumpay. Ang tanging nababatid natin ay ang
katotohanang kapag ang isang tao ay umiibig, nakararamdam siya ng isang kasiya-siya at
panatag na damdamin, kabaitan, at pagpapakasakit. Sa akdang “Sa Loob ng Love Class”,
ipaunawa sa mga mambabasang tulad mo ang tunay na kahalagahan ng pagmamahal,
pagsasakripisyo at pag-unawa lalo na sa loob ng paaralan.
Gayundin, sa tulong ng lunsarang akda, inaasahang maisasalaysay mo nang masining
at may damdamin ang sinulat na kuwento. Ang pagkukuwento ay isang paraan ng
pagsasalaysay ng mga pangyayaring maaaring totoo o dili kaya’y mga pangyayaring bunga
ng imahinasyon o guniguni. Masasabing masining ang isang kuwento na nilakipan ng
damdamin sapagkat hinahayaan nitong ramdamin ng sinumang mambabasa ang damdaming
nais ipabatid ng akda. Hinahayaan din nitong galugarin ng akda ang katauhan ng mambabasa
at matuto sa nilalaman at mensaheng maaaring kakambal ng kuwentong buhay nito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento


(F10PS-IIe-75)

Panuto
Basahin at unawain ang akdang “Sa Loob ng Love Class.” Pagkatapos, sagutin ang
mga kasunod nitong mga gawain nang buong husay at katapatan.

Sa Loob ng Love Class


Ni Eric O. Carino

Lunes na naman. At tulad ng mga iba pang Lunes na nagdaan sa mga nakalipas na
mga linggo, wala itong pinagkaiba. Muli na naman akong maghahanda para sa buong
linggong pakikipagsapalaran sa piling ng mahigit dalawandaang mag-aaral na may iba’t
ibang kuwento rin ng buhay.

Pagkatapos ng maikling programa upang ianunsiyo ang iba’t ibang departamento ang
nakamit na parangal sa mga paligsahang dinaluhan at pinanalunan, sabay-sabay naming
tutunguhin kasama ang aking advisory class ang aming silid-aralan sa unang palapag sa
gusali ng JDV. Doon ang aming kaharian at lugar na tinatahanan.
Payak lamang ang maraming pangyayari sa aming klase sa araw-araw na nagdaraan.
Kung hindi ang aralin sa mga pahina ng aklat, ang aming pinag-aaralan ay ang tungkol sa
buhay-buhay, ng kanilang mga problema sa buhay, sa pamilya, sa mga kaibigan at maging sa
kanilang napupusuan. At ang ating pang-aliw na ginagawa ko sa kanila ay ang busugin sila
ng maraming katatawanan, punchline, at mga joke upang kahit sansaglit makita nilang
masaya ang buhay at may mga dahilan para tumawa at maging maligaya.

Halos lahat ng mag-aaral ko sa aking klase ay malapit sa akin at “in love” ako sa
kanilaisang kakaibang uri ng pagmamahalan na nasa hanggahan ng pagiging nakatatandang
kapatid at tapat na kaibigan sa kanila.

Kinaibigan ko ang marami sa kanila at sinadya ko iyon sapagkat sa paraang iyon ko


maaaring mapasok ang buhay at maintindihan ang pagkatao ng ilan sa kanila. Hindi ko lubos
na maunawaan kung bakit madalas silang taguriang “pasaway”- mga hanay ng mag-aaral na
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 89
madalas ay ituring ng iba pa nilang mga guro bilang “problem students”, mga tinaguriang
trouble makers ng taon dahil sa maraming negatibong komento sa kanila. Ngunit hindi sa
klase ko. Hindi ko kailanman tinitingnan ang kapintasang ipinupukol sa kanila bilang isang
negatibong pwersa upang kamuhian ko rin sila. Marahil kung katulad din ako ng iba nilang
guro, sino pa kaya ang magmumulat sa kanila na kailanman ay hindi sila pasanin sa loob ng
eskwelahan? Sino pa ang magpapaunawa sa kanila na sila ay mga espesyal na indibidwal at
maaring kapakinabangan ng lipunan sa paglipas ng mga taon? Sila ay mga bata at
nangangailangan ng paglingap na hindi na maramdaman o makita sa kanilang sariling
tahanan

Marami sa mga mag-aaral sa aking klase, kung hindi man produkto ng broken family
ay walang mga magulang na kumakalinga sa kanila. Mga batang napapabayaan.

Alam ko iyan at nalaman ko iyan nang minsang dinalaw ko at nagsagawa ng home


visit at background check. Doon, namulat ang aking isipan sa masaklap na karanasan ng
kabataang ito-bagay na hindi alam ng iba pa nilang guro.

Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mag-aaral. Si Aldrin,


iniwan ng kaniyang ina, nangibang-bansa at iniwan sa pangangalaga ng isang malayong
kamag-anak. Sinasaktan siya ng pinag-iwanan sa kaniya kaya’t lumayas siya at nakikitira
ngayon sa mga kaibigan. Napasok ko rin ang buhay ni Sarah na minsan o dalawang beses
lamang nakapapasok sa eskuwela. Nalaman ko sa kaniyang ina na siya lamang ang
nakatutulong niya sa pag-aalaga sa apat pang maliliit na kapatid habang sila ay nasa bukid. Si
Miguel naman, bagsak sa mga major subject niya dahil sa gabing pagpupuyat sa pagtitinda
ng lugaw at kape sa plasa. Ang plasa ay buhay na pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay
sa piling ng paralisadong ama. Lalo pang kinurot ng malungkot na kapalaran ni Jessa ang
aking damdamin nang mabatid kong dalawang buwan na siyang buntis sa kaniyang
lasenggong tiyuhin. Ang masaklap pa nito, hindi alam ng kaniyang mga magulang ang
pangmomolestiya nito sa kanya. Pinagkunan na niyang minsan ng halamang ugat si Aling
Loring upang wakasan ang buhay na nasa sinapupunan subalit napigilan lamang siya ng
kaniyang kasintahan. Lahat ng mga pangyayaring ito ay hindi lantad sa paningin ng marami
sa aking mga kasamahang guro. Isang maling panghuhusga ang walang kabutihang
maitutulong sa kanila upang kahit papaano’y malaman nila na kailanman ay hindi sila
pasanin at may mabibigat na problemang dinadala.

Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na


pangunawa. Simula noon, tinalikdan ko ang pagtuturo lamang ng mga aralin at sinimulan ko
silang turuan ng mga aralin sa labas ng paaralan at ng mga karanasang wala sa phina ng mga
aklat. Nagbago ang aking pananaw at doon ko sinimulang iparamdamn ang higit na
pagmamahal, pag-unawa at pagkalinga sa kanila. Ang tanging kailangan lamang nila ay isang
pusong nagpaparamdam at magpapaunawa sa kanila na higit pa palang mas mahirap ang mga
aralin sa buhay na kinahaharap nila kaysa sa mga leksiyon sa Agham, Ingles, o Matematika.
Doon ko lubos na nauunawaan ang kuwento ng kanilang buhay na salat sa pagmamahal. Dito
man lamang sa loob ng pangalawa nilang tahanan maramdaman nila ang mga “problem
maker” ay maaari naming maging “dream makers”.

Gawain 1.
Suriin ang akdang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gabay na
tanong.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 90


1. Bakit itinuring na pasanin sa eskuwelahan ang mga mag-aaral na binanggit sa teksto?
Bigyang patunay.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________
2. Paano ipinakita sa salaysay ang naiibang pagmamahal ng guro sa kaniyang mga
magaaral?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________
3. Sino ang maaaring makaimpluwensiya kung bakit maraming mag-aaral ang nagiging
problema ng mga guro? Patunayan ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________
4. Anong damdamin ang nangingibabaw sa kabuuan ng teksto? Patunayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________
5. Kung ikaw ang guro ng mga mag-aaral na binabanggit sa teksto, gagawin mo rin ba
ang ginawa niya? Pangatuwiranan ang sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________
6. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng teksto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________

Gawain 2 (PeTa 4)
Sumulat ng isang kuwentong masining at nang may damdamin tungkol sa alinman sa mga
paksa.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 91


PAGSASAKRIPISYO
PAGBIBIGAYAN

PAGPAPATAWAD PAG-IBIG

Rubriks sa Pagtataya ng Pagkukuwento


Mga Krayterya 4 6 8 10 Punto
s
Organisasyon Hindi maayos May lohikal Maayos ang Mahusay ang
ang na organisasyon pagkakasunodsuno
organisasyon organisasyon at pagkabuo d ng mga
ng ngunit hindi ng kuwento pangyayri sa
pagkukuwent masyadong at kabuuan ng
o. nakahihikayat nakahihikayat kuwento.
sa mga sa mga Lubhang
mambabasa/m mambabasa/m kaakit-akit sa mga
akikinig. akikinig. mambabasa/
makikinig.
Pagkukuwento Pautal-utal ang Maayos ang Maayos ang Mahusay ang
pagkukuwento. paraan ng paraan ng paraan ng
Hindi pagkukuwento pagkukuwen pagkukwento,
masyadong ngunit hindi t maliwanag at
maintindihan naiintindihan o ngunit naiintindihan ang
ang mga ang mga hindi mga pangyayri.
pangyayari. pangyayari. masundan ang
mga
pangyayari.
Kabuuang Puntos

Pangwakas/Repleksiyon

Ang iyong kalaman at kakayahan ay lalong napagyaman sa tulong ng mga


sinagutang gawain. Batid kong nakatulong ang mga gawaing ito upang lalong malinang ang
iyong kakayahan sa pagkukuwento.

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10


Ikalawang Markahan

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 92


Pangalan: _______________________________________Lebel:____________________
Seksiyon: _______________________________________Petsa: ____________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri ng Nobela: Pananaw Realismo

Panimula (Susing Konsepto)


Halos nagkakasanib ang teorya/pananaw ng panitikan sa teorya ng pagdulog sa pagsusuri at
pag-aaral ng panitikan. Ang mga dulog sa pagtuturo ng panitikan ay nakabatay sa mga
teoryang pampanitikan. Naniniwala ang maraming kritiko ng panitikang Pilipino na
nagpapalagay na upang ganap na maunawaan ang isang akda at manamnam ang matamis na
katas ng likhang-sining na ito, hindi lamang nararapat na basahin kung hindi sa halip ay dapat
suriin na ginagamitan ng angkop na teorya/pananaw o pagdulog.

Ang teoryang realismo ay nagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng


buhay kung saan, ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
mayakda sa kaniyang lipunan sa makatotohanang pamamaraan. Ipinaglalaban ng teoryang
realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.

Iba’t ibang pangkat ng pagsusuring realismo sa panitikan

1. PINONG (GENTLE) REALISMO


May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi ang
anumang pagmamalabis at kahindik-hindik
2. SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa
paglutas ng pang araw-araw na suliranin
3. SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos
4. KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito
5. SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang
maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga
anakpawis
6. MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na
mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

Sa gawaing ito ay susuriin natin ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” sapagkat
sa nobelang ito, litaw na litaw ang pananaw realismo. Matapat na pagsasalamin ng realidad
ang ginawa ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman
ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan. Inilalarawan din dito ang karanasan at
lipunan na parang sa tunay na buhay. Ninanais na ilarawan ang ugali, gawi ng tao at ng
kaniyang kapaligiran na pareho ng kanilang pagkilos at ng kanilang anyo sa buhay.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 93
Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/teoryang
pampanitikan (F10PB-IIf-77)
Panuto

Basahin, suriin at unawain ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”. Pagkatapos,
saguti ang mga kasunod nitong mga gawain na makatutulong sa malalimang pagsusuri sa
akda sa pananaw realismo.
Ang Matanda at Ang Dagat
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway

Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig-alat
at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa
ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag. Palaging
tinitingnan ng matanda ang isda para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang
dinunggol ng pating.
Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng tubig habang
tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim.
Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingat-ingat na binasag ang rabaw ng asul na
tubig at nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at
nagsimulang lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda.
Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli, o kahit
bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan ito.
Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na
kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban sa
kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at
madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa kaniyang
dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang lumalangoy, halos nasa
rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng
sarado niyang panga, nakahilig paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya
katulad ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga
daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng
matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha para
manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at napakalakas at armadong-armado kaya
wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas sariwang
amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod.
Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na walang
takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang at hinigpitan
ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng pating. Maigsi ang lubid dahil
binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda.
Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero halos
walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito. Pinagmasdan niyang
maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit nito. Mas mabuti pang naging
isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero
baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo.
Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng
matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na
pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot.
Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at naririnig ng matanda ang

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 94


ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa ulo
ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong
mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking
mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak
ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol
ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may
katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala.
Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang mga mata nito at
muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang
patay na pero hindi ito matanggap ng pating. Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang
buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng
isang speedboat. Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng
katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na
humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y
dahan-dahan itong lumubog.
“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay nito
ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at
marami pang susunod.
Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang sagpangin ang
isda, para siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang
pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.
Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong
panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa mga
diyaryo.
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating
na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at
may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi,
sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at
harapin ang anumang dumating.”
Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Iyon at ang
beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa kaniya
sa utak. Walang bagay ‘yon, sa loob-loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero sa
palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi ko
malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban noong
minsan na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang
ibabang binti at kumirot nang napakatindi.
“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y papalapit
ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa pagkawala ng kuwarenta
libras.”
Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob na
bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.
“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa
puluhan ng isang sagwan.”
Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.
“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”
Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang bungad na
bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 95
Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong
kasalanan ‘yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang
problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka hindi ko ito naiintindihan.
Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon.
Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para ako
mabuhay at mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag kang mag-
isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para
gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang
mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San Pedro
at gayundin ang ama ng dakilang DiMaggio.
Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at nang
husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para
lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil sa
iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong siya’y buhay pa at
minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo siya. O mas
malaking kasalanan ‘yon?
“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.
Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa buhay na
isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang gumagalang gutom
tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang kinakatakutan.
“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda.
“At pinatay ko siyang mahusay.”
Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano. Kung
paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay. Binubuhay ako ng bata,
sa loobloob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang aking sarili.
Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan ng
pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng lasa nito. Matigas ito at
makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang
magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng
matanda na may dumating na malaking kamalasan. Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa
may hilagang silangan at alam niya ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa
malayo ang matanda pero wala siyang makitang mga layag at wala na rin siyang makitang ni
balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang isdang-lawin na
patalontalon sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang mga dilaw na kumpol ng
damong Gulpo.
Ni wala siyang makitang isa mang ibon. Dalawang oras na siyang naglalayag,
nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa’y ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin,
nagsisikap na magpahinga at magpalakas, nang makita niya ang una sa dalawang pating.
“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa
lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na nakararamdam sa
pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy.
“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng
pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na hugis-
pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa pahalihaw na galaw ng
buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang matinding gutom,
naiwawaglit nila at natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan.

Pero palapit sila nang palapit. Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isinisiksik
ang timon. Pagkaraa’y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat
niyang binuhat ito dahil nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga kamay. Pagkaraa’y
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 96
ibinukassara niya ang mga ito roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para
matiis ang sakit at huwag mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating.
Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang
kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-muhing pating,
masama ang amoy, tagahalukay ng basura at mamamatay, at kapag sila’y gutom, kinakagat
nila ang sagwan o katig ng isang bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at
kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang sila ng
taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao.
“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”
Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at naglaho sa
paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka habang
kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang matanda, naningkit ang dilaw na
mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita ang
guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak at gulugod at
inulos ng matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa
dilaw, tila sa pusang mata ng pating.
Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat habang
siya’y namamatay.
Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating at
binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating mula
sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya sa gilid at hinambalos ito. Laman
lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya halos naibaon ang lanseta. Hindi
lamang ang kaniyang mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pag-ulos kundi pati ang kaniyang
mga balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan ito ng
matanda sa gitnanggitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at inginasab sa
isda. Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos sa dating lugar ang isda. Nakakapit pa
rin siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak ito ng matanda sa kaliwa nitong mata.
Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.
“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng gulugod at
utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang napatid ang litid. Binaligtad
ng matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit
niya ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim at habang
dumadausdos ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang milya ang
lalim. Sumige ka at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”
Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan.
Pagkaraa’y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya ang bangka sa dating
paglalayag.
“May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na laman,”
malakas niyang sabi. “Sana’y panaginip lang ito at hindi ko sana siya nabingwit kailanman.
Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo’y mali ang lahat.
Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo at
lulutanglutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang kaniyang mga
paha.

“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para sa akin.
Ikinalulungkot ko, isda.
”Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at tingnan mo
kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil marami pang darating.
“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos tingnan
ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami kang dapat dinala, sa
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 97
loobloob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano ang
wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.
“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko r’on.”
Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang umuusad ang
bangka.
“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero hamak na
mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na tiyan ng isda. Alam
niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay napipilas angkarne at ngayo’y sinlapad ng
haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na pagsusumundan ng lahat ng pating.
Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya. Huwag
mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa ipagtanggol ang
nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo sa mga kamay ko ngayong nangangamoy
ang buong dagat. Bukod pa’y hindi na sila gaanong nagdurugo. Walang anumang sugat na
dapat ikabahala. Baka makatulong pa ang pagdurugo para huwag pulikatin ang kaliwa.
Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong dapat
isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga’y panaginip lang iyon, sa loob-loob niya.
Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa ‘yon.

Gawain 1: Pagnilayan at unawain!


Suriin ang mahahalagang pangyayari sa akda sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang.
__________1. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang ipinamalas niya sa kuwento?
a. mabait
b. mabuti
c. mapagpahalaga
d. matapang

___________2. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa


paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng
tunggaliang ____________.
a. tao laban sa kalikasan
b. tao laban sa lipunan
c. tao laban sa sarili
d. tao laban sa tao

__________3. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi. Maaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na___.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 98


a. Hindi dapat magpapatalo sa hamon ng buhay.
b. Kung may dilim, may liwanag ding masisilayan.
c. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
d. May pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.

__________4. “Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda.


“At pinatay ko siyang mahusay.” Ang pahayag ay nagpapahiwatig na___.
a. makipaglaban ng may dangal
b. kailangang ipagtanggol ang sarili
c. harapin ang mga hamon sa buhay
d. nangibabaw ang katapangan upang maipagtanggol ang sarili

__________5. Ano ang positibong epekto ng dagat kay Santiago?


a. natuto siyang lumaban
b. pinatay niya ang mga pating
c. pinapahalagahan ang mga maliliit na nilalang tulad ng mga isda

d. naging matapang na harapin ang mga hamon sa kanyang buhay Gawain 2:


Alamin at suriin!
A. Balikan ang pangunahing tauhan sa nobelang binasa. Ibigay ang naging kilos o
gawi, paniniwala at saloobing taglay nito na maaring gawing huwaran tungo sa
mabuting pamumuhay. Ihanay sa pamamagitan ng isang grapiko sa ibaba

Pangunahing Tauhan

Saloobin/Paniniwala
Kilos/Gawi

Paano gagawing huwaran

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 99


Pangwakas/Repleksiyon
Sa mga isinagawang gawain, higit mong nauunawan at napapalawak ang kaalaman sa
pagsusuri ng mga akda batay sa pananaw/teoryang realismo. Sa pamamagitan nito, naiugnay
mo ang mga pangyayari sa binasang bahagi ng nobela sa mga pangyayaring tunay na
nagaganap sa lipunan.
Mga Sanggunian A. Aklat
Marasigan, Emily V. Pluma, Wika at Panitikan para sa mataas na paaralan. Phoenix
Publishing House, Inc. Quezon City.2012
Gorrospe, Florentina S. et al. 2015. Panitikang Pandaigdig, Filipino Modyul. Vibal
Group Inc. at Dep.Ed-IMCS, Meralco Avenue, Pasig City. B. Website
https://www.slideshare.net http://panitikangpinoy.com/nobela.html
https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/08/teoryang-realismo/

Gawain 2, 3, 4, 5 (Maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 100


FILIPINO 10
Ikalawang Markahan
Pangalan: __________________________ Lebel: ________
Seksyon: ___________________________ Petsa: ______
GAWAING PAGKATUTO
Kaibhan ng Nobela sa iba pang Genre

Panimula (Susing Konsepto)


Ang nobela o kathambuhay ay itinuturing na makulay, pinakamatayog,
pinakamayaman at pinakamakabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Maraming
kawingkawing ang mga pangyayaring inilalahad sa nobela at binubuo ito ng iba’t ibang
kabanata. Ito’y di tulad ng maikling kuwentong iisang pangyayari lamang ang binibigyang-
diin at madalas na may isa o iilang tauhan at sumasaklaw sa maikling panahon lamang ang
pagbabasa rito.
Ang mga uri ng nobela ay tulad din sa mga uri ng maikling kuwento - nobela ng
tauhan, nobelang makabanghay, nobelang maromansa, maliban sa nobelang historikal.
Magkagayunpaman, ang mga bahagi, sangkap at elemento at balangkas ng mga ito ay
magkakatulad ngunit magkaiba ang nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito
ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mga mamamayan at naglalarawan ng kultura
ng bawat bansang pinanggalingan nito.
ELEMENTO NG NOBELA
a. Tagpuan- lugar at panahon ng mga pangyayari
b. Tauhan- nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
c. Banghay/ balangkas- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. Pananaw- panauhang ginagamit ng may-akda
e. Tema- Paksang-diwang binibigyang diin sa nobela
f. Damdamin- nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
g. Pamamaraan- estilo ng manunulat/awtor
h. Pananalita- diyalogong ginamit
i. Simbolismo- nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento
nito. (F10PB-IIf-78)
Panuto
Suriin at sagutin nang buong husay at katapatan ang mga gawaing inihanda upang malinang
ang kasanayan sa paghahambing ng akda sa iba pang katulad na genre.

Gawain 1

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 101


Isulat ang T kung tama ang tinutukoy ng pahayag hinggil sa nobela at M kung mali.
_____ 1. Ang nobela ay nagbibigay-diin sa isang pangyayari lamang.
_____ 2. Makikita sa bawat paksa ng nobela ang kultura ng bansang pinagmulan nito.
_____ 3. Iisa o maaaring pareho ang balangkas o banghay ng nobela at maikling kuwento.
_____ 4. Taglay ng nobela ang mga elemento tulad ng tagpuan, tauhan, tono, sukat at
simbolo.
_____ 5. Maihahalintulad sa nobela ang lahat ng uri maikling kuwento.

Gawain 2
Batay sa mga natamong impormasyon tungkol sa iba’t ibang akdang pampanitikan, itala ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang akdang tuluyan.
PAGKAKATULAD

NOBELA

vs
MAIKLING KUWENTO
PAGKAKAIBA

G 3

Pangwakas
Matapos mong masagot ang mga gawain, nakatitiyak akong unti-unti mo nang nabuo
ang sariling paglalahat kung paano naiiba ang nobela sa iba pang akdang tuluyan at naglaho
nang tuluyan ang kalituhan at agam-agam sa iyong isipan sa kung paano naiiba ang nobela sa
iba pang mga akda.

Mga Sanggunian Aklat


Jocson, M. O. et. Al. (2015). Panitikang Pandaigdig: Filipino 10 Modyul para sa
Mag-aaral. Quezon City, Vibal Group Inc

Dayag, A. M., del Rosario, M.G., & Marasigan, E. V. (2017). Pinagyamang


Pluma 10. Quezon City Phoenix Publishing House, Inc.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 102


Edma E. M. et.Al. (2015). Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon. 361Culianin,
Plaridel, Bulacan St. Andrew publishing House, Inc.

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10


Ikalawang Markahan

Pangalan: _________________________________________Lebel: ____________________


Seksiyon: _________________________________________Petsa: ____________________

GAWAING PAGKATUTO
Nobela: Paglinang ng talasalitaan

Panimula (Susing Konsepto)


Ang nobela ay isang uri ng akdang panitikang nabibilang sa anyong tuluyan. Ito ay binubuo
ng mga yugto ng mga pangyayaring nagbibigay-aral, naghahatid ng aliw, at pumupukaw sa
damdamin ng mga mambabasa.
Maliban sa mga nabanggit, isa pang naidudulot ng pagbabasa ng nobela at iba pang uri ng
akda ay ang paglinang ng talasalitaan. Napalalawak nito ang kaalaman ng mga mambabasa
hinggil sa mga salitang maaaring gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Nabibigyanglinaw rin ang kahulugan ng mga malalalim na salita na matatagpuan sa mga
akdang binabasa.
Sa mga gawaing inihanda, mapayayabong ang iyong kaalaman hinggil sa mga salitang
matatagpuan sa nobelang natalakay sa naunang modyul pati na rin sa mga terminong
ginagamit sa panunuring pampanitikan.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa
panunuring pampanitikan (F10PT-IIf-74)

Panuto
Basahin at unawaing mabuti ang mga inihandang gawain na makadaragdag ng iyong
kaalaman hinggil sa mga salitang matatagpuan sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” na
iyong nabasa sa naunang modyul.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 103


Gawain 1. Puzzle tayo!
Punan ang mga kahon ng mga titik ng mga salitang hinahanap upang mabuo ang crossword
puzzle.

Pababa Pahalang
1. Pagharurot 2. Pagkakasaksak
2. Unahang bahagi ng isang sasakyang pandagat 4. Likurang bahagi ng sasakyang pandagat gaya
gaya ng Bangka ng bangka
3. Mabilis 6. Isang nilalang na may malaking sukat at
mayroong hindi pangkaraniwang lakas, taas, o
kabangisan.
5. Isang uri ng pating na matakaw, nakatatakot 8. Nangangahulugang mabilis at galawgaw na
at may mga hanay ng mga malalaki at matatalas galaw
na ngipin.
7. Matalo 9. Isang uri ng sibat na karaniwang ginagamit
sa panghuhuli ng malalaking isda

Gawain 2. Gamitin mo ako!


Gamitin sa pangungusap ang mga salita sa ibaba. Sa mga bubuuing pangungusap, gawing
paksa ang COVID-19 o ano mang may kinalaman dito gaya ng community quarantine, mass
testing, at iba pa.
1. Dumausdos. _______________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
2. Pumihit. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 104


Gawin 3. Hanapin mo ako!

Sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat”, si Santiago ay nakipagsapalaran sa dagat upang


manghuli ng mga isdang kaniyang ibebenta. Hanapin sa ibaba ang limang salitang may
kauganayan sa “pakikipagsapalaran”. Bilugan ang mga salitang mahahanap.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 105


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10
Ikalawang Markahan

Pangalan: _________________________ Grade lebel: ___________


Seksiyon: _________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbuo ng sariling wakas ng teleseryeng napanood

Panimula (Susing Konsepto)


Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring i-uri sa
iba’tibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na napapanood sa telebisyon
na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo.
Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”,
salitang Tagalog para sa “series” at “drama” para naman sa drama. Ang salitang Teleserye ay
karaniwang ginagamit bilang pangkalahatang katawagan para sa mga Filipino soap operas sa
telebisyon, bagaman naging opisiyal lamang ito noong taong 2000 nang unang inere ng
ABSCBN, isang Filipino network, ang teleseryeng pinamagatang “Pangako Sa ’Yo”. Sa
kabilang dako, tinatawag din namang “telenovelas” ang mga Filipino soap operas. Ngunit,
mula noong taong 2010, opisiyal nang ginagamit ng GMA Network ang teledrama bilang
pagkakakilanlan sa kanilang Philippine TV Series na may kinalaman sa drama.

Masasabi nating may pagkakahambing ang Teleserye sa mga klasikong soap operas at
telenovelas pagdating sa katangian at pinagugatan. Gayun pa man, habang tumatagal ay
nagbabago at nagkakaroon ito ng sariling katangian na malimit na inilalarawan sa
makatotohanang pakikipagkapwa ng mga Pilipino. Ipinapalabas ang teleserye limang beses
sa isang linggo, at madalas pang inuulit tuwing sabado at linggo. Nakakaakit ito ng malawak
na manonood kabilang na ang mga bata at matatanda pati narin ang mga kababaihan at
kalalakihan lalo na’t ito ang may pinakamataas na kinikita sa Philippine television.
Tumatagal ito ng tatlong buwan hanggang isang taon, o mas matagal pa, depende sa
kagustuhan ng madla.

Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Mayroon itong 60,000 – 200,000 salita at 300 – 1,300 pahina. Di katulad ng maikling
kuwentong iisang pangyayari lamang ang inilalahad, maraming inilalahad na pangayyari sa
isang nobela. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang
ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa
lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang
pinanggalingan nito.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin tulad ng iba pang akdang
pampanitikan. Ito ay ang mga sumusunod: a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo
at kaisipan, b) pagsaalang – alang sa kailangang kaasalan, c) kawili –wili at pumupukaw ng
damdamin, d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng
gobyerno at relihiyon, e) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at f) nag
–iiwan ng kakintalan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 106


Kadalasan, ang paksa sa mga nobela ay may pagkakatulad at pagkakaugnay sa mga
napanonood tulad ng mga teleserye. Sa babasahing buod ng nobelang “Ang Matanda at ang
Dagat,” iyong tutuklasin ang kaugnayan ng paksa nito sa teleseryeng napanood na
makatutulong sa pagbuo ng sariling pagwawakas dito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may paksang
kaugnay ng binasa (F10PD – IIf – 72)

Gawain 1
Batay sa inyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa dayagram kaugnay
ng araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-alala, ito’y pag-alam lamang Kung gaano
ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aralan natin. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang
papel.

Ano ang Nobela?

NOBELA Paano itolumaganap sa kanluran?

Ihambing ang nobela sa iba pang


akdangpampanitikan

Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 107


Gawain 2. Panoorin ang bahagi ng teleseryeng nasa kabilang pahina na may paksang kahawig sa
tatalakaying nobela. Bigyan ng sarili mong orihinal na wakas ang teleseryeng ito.Bigyan din ng orihinal
na wakas ang babasahing nobela.

a.

b.

Ang matanda at Ipinakita sa teleserye angAng pagwawakas na


Ang Dagat sipag at tiyaga ng isang naiisip ko para sa
mangingisda na walang teleseryeng ito ay …
kasiguraduhan kung may
maiuuwi sa pamilya.

Mga Sanggunian:
A. Aklat
Emily V. Marasigan, at Mary Grace G. Del Rosario, Awtor-Koordinetor Alma M. Dayag.
Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House, INC...
Modyul para sa Mag-aaral: Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Panitikang Pandaigdig
B. Internet

https://www.youtube.com/watch?v=yvFHd6WAbsI

Filipino 10
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 108
Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________ Lebel: __________________ Seksiyon:


__________________________________ Petsa:__________________

GAWAING PAGKATUTO

Panunuring Pampanitikan

Panimula (Susing Konsepto)

Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling


kurokuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nito ang mailahad ang mga
kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.


2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling
lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa

I. PANIMULA

A. Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.
B. Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
C. Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng may-akda
kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
D. Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong
magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at iba pa.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A.Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o


tutugon sa sensibilidad ng mambabasa

B. Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunanng
ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang
lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang
ilarawan.
C. Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan? kapaligiran
at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng
indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
D.Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari ang inilahad sa akda? May
kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo,
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 109
anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng
mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan
ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?
E. Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o
kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at


nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan,
magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas
ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang
masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.

Estilo ng Pagkasulat ng Akda –

-Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita?

-Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda?

-May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang
pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa
katangian ng isang mahusay na akda?

IV. BUOD

Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang
detalye ang bigyang-tuon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o


panunuring pampanitikan (F10WG-IIf-69)

Panuto

Basahin at unawaing mabuti ang buod ng nobela upang masagutan nang wasto ang
mga inihandang gawain.
Pamagat: Maynila sa Kuko ng Liwanag
May-akda: Edgardo M. Reyes

Buod:
Sa simula, si Julio isang lalaking karaniwan sa bukid na buhok ay tumatambal,malaginto sa
kauhawan sa porma, dibdib na wari’y bariles dahil sqa malaki nitong maselat makakapal na
kamao ay hindi matatagpuan sa bukid kundi sa mga lansangan ngLungsod.
Maaaninag sa kanyang itsura na siya ay maralita. Umaga noong Marso, siya aynakatayo sa
Issac Peral, nangangamba sa pagtawid. Dahil sa mga animo’y mabangis nasasakyan sa
kanyang harapan. Sa kanyang patuloy na paglalakad natunton rin niya angkanyang
paroroonan. Sa gusali ng The Future La Madrid Building Architectural Design:T.S. Obes and
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 110
Associates. Naroroon siya upang maghanap ng trabaho at hindi naman siyanabigo. Pinasok
siya sa pagpipiyon, kahit na mas malaki ang sahod iya sa dati niyang pinagtratrabahuan sa
konstruksyon na matatapos na sa Cubao. Kaya’t hindi niya itonahindian. Doon nakilala niya
si Omeng na naghatid sa kanya sa lugar ng kanyang pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng
simento. Sila ay sina Atong at Benny na tigatakalng graba at buhangin. Si Imo naman ang
nagtutubig at nag-uuho ng simento.
Dahil samatinding init ng araw, gutom at hirap ng trabaho hinimatay sa Julio at agad
siyangsinaklolohan ni Atong at ibinigyan ang baon nito upang maibsan ang
nararamdamanggutom.Dahil sa inalmusal ni Julio ang baon ni Atong. Nananghalian naman
siya sa baonni Omeng. Ibinahagi nito ang baong tatlong pritong galunggong at kamatis.
Mataposnilang mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at nagkwentuhan habang
namamahinga.
Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay taga- Marinduque, doon siya
aymangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho. Kinahapunan ay
pumilasila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa walang
matirahan si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas ng gabi sa sa mismong konstruksyon
site.Bago pa man umuwi sina Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-diyes sentimo. Sa
konstruksiyon site kasam niya si Benny at Imo na isang estudyante sa kolehiyo.
Lumabas si Julio at naglakad lakad ito sa malapit na parke.Isang umaga, matapos
magalmusal nina Julio,nabalitaan nilang may napatay naordinaryong mangagawa kagabi.
Sina Atong ay nagkausap tungkol dito. Samantala siJulio ay naibagsak ang sako ng
simentong hawak. Naisip ni Julio, bakit niya pinatay angkatulad niyang ordinaryong
mangagawa dahi sa maliit na halagang limang piso.
Bumaling na lamang sa paghahalo ng simento si Julio. Samantalng si benny naman,
nakilalang masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtratrabahoi.
Di akalaing lubosng kanyang mga kasama na ito na ang huli trabaho nito. Ang masaklap pa
ay namatayitong dukha. Si Atong naman ay masuwerteng daplis lang ang natamo sa
masaklap naaksidente. Dahil ito ay hirap lumakad inihatid ito ni Julio sa kanilang tahanan.Sa
pagkakahatid ni Julio kay Atong.
Nakita niya sa daan ang realidad ng hirap ng buhay. Mula sa Bus, bumaba sila sa North
Boulevard na patunong Estero Sunog-Apo. Saesterong ito nananahan ang ama at kapatid na
babae ni Atong. Si Perla kapatid ni Atong na sumalubong sa kanilang pagdating. Siya ay
tumatanggap ng pagantsilyuhing kobrekama.
Samantalng ang ama naman niya ay paralitiko dahil nakipaglaban sa naiskumamkam ng
lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a binaril attinamaan sa
buto.Araw ng Sabado, ito ang araw na pinakahihintay ng mga trabahador dahilibibigauy na
ang kanilang pinagpaguran sweldo.
Kahit na nadaya si Julio ni Mister Balajadia sa sweldo niyang kinse pesos, ayos lang.
Napagpasyahan niyang mamili ngdamit at tsinelas kaya’t nagpasama siya kay Atong sa
Central Market. Matapos mamilikumain sila ng goto at nagkwentuhan tungkol sa mapait na
nangyari sa nobya ni Julio.Gabi na ng makabalik sa Julio sa gusaling kanyang tinutuluyan.
Matagal na si Julio sa Gusaling pinagtratrabahuan. Si Mister Balajadia aynagpasyang
magbawas ng tao at kasamang matatanggal si Julio.
Dahil patapos na anggusali kaya pinapa-unti-unti na ang mga taong nagtratrabaho roon lalo
na sa piyon. Isanglingo nalang ang itatagal niya sa trabaho. Napag-isip niyang manuluyan pa
rin sa bodegang gusali para may matulugan lamang.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 111
Ngunit hindi siya pinayagan ng gwardia ng gusali.Lumabas si Julio at naglakad-lakad
sa malamig at marahas na lungsod, hangang maratingniya ang kalye ng A. Mabini.Sa patuloy
na paglalakad ni Julio nagawi ito sa Santa Cruz sa may Misericordiakung saan marami
siyang nakitang sulat intsik.
Nagpagala-gala siya at natulog sa kalye.Sa matandang apartment sa Doroteo Jose, kumatok
siya at nagtanong tungkol sa babaengnagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya niyang
si Ligaya, ngunit isang lalaki angnagbukas ng pinto at kunot ang noong sumagot na wala ang
hinahanap niyasa bahay naiyon.
Unti-unti inalala ni Julio ang sinabi ni Pol at Imo sa kanya, na maaaring ipinasok sakasa at
ibinenta sa Intsik si Ligaya upang pakasalan. At isang araw, sumulat si Misis Cruzsa ina ni
Ligaya at ayon sa sulat ang kasintahan niya ay nawawala at bukod pa rito ay ninakawan pa
raw siya ng Diyamanteng hikaw.
Isang pagkakataon, nakita ni Julio saMisis Cruz na pumasok sa tinitirahan nito sa Doroteo
Jose. Patuloy siyang nagmanman,hindi naman siya nabigo sa pagsunod_sunod niya sa mga
pinupuntahan ni misis cruznakarating siya sa Sta Cruz sa lugar kung saan maraming
nakasulat na intsik. Matapos pumasok ni Misis Cruz sa isang pintuan.
Agad siyang kumatok at nagtanong sa isangkatulong. Kung mayroon nakatira Ligaya
Paraiso roon. Ngunit biglang may dumating na intsik mula sa loob na nagngangalang Ah Tek
at pinagsaraduhan siya ng pinto.
Bumalik sa gusaling pinagtratrabahuan si Julio.
Sa kanyang pagbabalik siya ay pinakiusapan ni Imo na humalili sa kanya kinabukasan dahil
mag-aaplay siya saAdvertising Company. Dahil nalaman ni Mister Balajadia na
nagsisinungaling sa Imotungkol sa kunwaring may libing siyang pupuntahan agad siyang
tinangal sa listahan. Ngunit magkaganoon man swerte pa rin niya dahil natanggap siya sa
opisina. Kumalat ang balita hanggang obrero. Masaya sina Gido, Atong, Omeng at Frank sa
tinatamasa ng kanilang kaibigan.

Gawain 1
Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang akdang Maynila sa Kuko ng Liwanag ni
Edgardo M. Reyes.Isulat sa talahanayan. Gawin ito sagutang papel.

Mga Elementong Ginamit Patunay


1

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 112


2

Pangwakas:

Ang natutunan ko sa aralin ay….

Mga Sanggunian

A. Aklat

Ambat, Vilma C. et al. Modyul para sa Mag-aaral Filipino 10 (Unang Edisyon ).


DepEd-IMCS. Pasig City: Vibal Group Inc. (2015) Internet

Dayag, Alma M. (2015) Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing
House.
B. Internet
Filipino 10 Ikalawang Markahan

Pangalan:________________________________________ Lebel: _____________________


Seksiyon:_________________________________________Petsa;
_____________________

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 113


GAWAING PAGKATUTO
Teoryang Pampanitikan Panimula (Susing Konsepto)

Mahilig ka bang magbasa ng iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan gaya ng


maikling kuwento, dula, tula, sanaysay, nobela at iba pa? Pamilyar ka rin ba sa mga teoryang
pampanitikan?
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at mga
paraan sa pag -aaral nito. Narito ang iba’t ibang teoryang pampanitikang ginagamit sa pag-
aaral ng panitikan.
1. Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.
Binibigyan-tuon dito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.

Pananaw Humanismo
a. Ang tao at ang kaniyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa rito.
b. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino –
kakayahan at kalikasan ng tao.
c. Para sa humanista, ang literatura ay kailangang
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito.
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo.
3. Nakawiwili at nagbibigay – kasiyahan sa mambabasa

2. Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kaniyang sarili na siyang pinakasentro ng kaniyang pananatili sa
mundo (human existence).

Pananaw Eksistensyalismo
a. Malaya ang tao – siya lamang ang maaaring magdesisyon kung paano niya
gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.
b. Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kaniyang buhay kahit
pa ang desisyon niya ay para sa kaniyang kabutihan o kasamaan.
c. Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kaniyang
pagiisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kaniya lamang.
d. Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong
nakaranas sa pinag – usapan.
e. Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag- ugnayan sa lipunan
at sa mundo.
f. Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap
niya sa naging bunga ng pagpapasya.

3. Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 114


Pananaw Feminismo

a. Naglalayon itong mawala ang de – kahong imaheng ibinibigay sa babae.


b. Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa
matapat na pamamaraan.
c. Sa estilo, malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
d. Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
e. Sa tauhan, hindi na de – kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.

4. Teoryang Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot
gamit ang kaniyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-
akda sa kaniyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pang- unawa.

Pananaw Formalismo/ Formalistiko

a. Nasa porma o kaanyunan ng akda ang kasiningan nito.


b. Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa
sariling paraan.
c. May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay
kaugnay ng iba pang elemento; magkakaugnay- ugnay ang mga
elemento upang maging mahusay ang akda.

5. Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kaniyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kaniyang sinulat.

Pananaw Realismo

a. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.


b. Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
c. Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, politikal, atbp.)
d. Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
e. Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
f. Optimistiko ang pananalig na lalaya ang masa sa pagkakalugmok nito.

6. Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal


Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag -uugali, paniniwala, pagkatao) sa isang
tauhan sa kaniyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

7. Teoryang Naturalismo
Tinatangka nito ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 115


Pananaw Naturalismo

a. Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awang


kagubatan.
b. Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
c. Ang indibidwal ay produkto ng kaniyang kapaligiran at
pinanggalingan.
d. Mahina ang hawak ng tauhan sa kaniyang buhay. Pesimista siya sa
simula pa lamang.
e. Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
f. Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang
likas sa tao kaysa katangiang moral.
g. Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

8. Teoryang Dekonstruksyon
Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi
lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya
at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto
ay nasa kamalayan ng gumagamit sa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang
isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa
oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa
mambabasa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga


teoryang pampanitikan (F10 WG -IIf – 69)

Panuto
Sa bahaging ito, mabibigyan mo ng pansin ang kahalagahan ng mga Teoryang
Pampanitikan. Upang higit na mapagtibay ang ideyang ito, subuking sagutin/gawin ang mga
inilaang gawain.
GAWAIN 1:
A. Piliin sa loob ng kahon ang uri ng teoryang pampanitikang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat lamang
ang letra ng sagot bago ang bilang.

A. Realismo E. Formalistiko
B. Dekonstruksyon F. Ekistenyalismo
C. Feminismo G. Sikolohikal
D. Naturalismo H. Humanismo

_____1. Layunin ng teoryang ito na ipakita na ang tao ng sentro ng mundo. Ang
binibigyang-tuon ay ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 116
talino, talento atbp.
_____2. Sa pananaw na ito, ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
_____3. Tumutuon ang teoryang ito na tinatawag na post- instrakturalismo.
_____4. Sa teoryang ito ipakita na may kalayaang pumili para sa kaniyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
_____5. Layunin ng pananaw na ito na unawain ang mga pag-uudyok, pagnanasa,
damdaming hindi abot ng malay ng tao ngunit nakaiimpluwensiya sa kaniyang
mga nararamdaman at ikinikilos.
_____6. Sa pananaw na ito ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa
sariling paraan.
_____7. Layunin ng teoryang ito na magpakilala ng mga kakayahang pambabae at iangat
ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
_____8. Nakikita sa pananaw na ito ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at
pinanggalingan.
_____9. Sa teoryang ito ipinapakita ang pananaw na malaya, responsible at indibidwal ang
tao.
_____10. Layunin ng teoryang ito na walang labis at walang kulang na sinasabi ng may-
akda sa kaniya ang nais niyang ipaabot sa mambabasa.
B.Sa tulong ng googoe.com, tukuyin ang teoryang pampanitikan at genre/uri ng
mgaumusunod na akda

B.
Akdang Pampanitikan Uri Teoryang Pampanitikan Paksa
1. Sintahang Romeo at
Juliet
2. Ang Aking Pag-ibig
3. Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga
Higante
4. Liongo
5. Ang Matanda at Dagat
6. Florante at Laura
7. Noli Me Tangere
8. Sandaang Damit
9. Ako ang Daigdig
10. Tata Selo
GAWAIN 2:
Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa loob ng isa hanggang dalawang
pangungusap lamang. Ilapat ang mga teoryang pampanitikan.

Mga Taga – Langit


ni: Amado V. Hernandez
“Saan ako galing?” ang tanong ng anak
“Galing ka sa langit, “ang sagot ng ina;
“Ang tatang at ikaw, taga- langit din ba?”
“Oo, bunso, doon galing tayong lahat.”

“Masarap ba, Inang, ang buhay sa langit?”


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 117
“Buhay -anghel: walang sakit, gutom, uhaw,
Walang dusa’t hirap, walang gabi’t araw,
Abot ng kamay mo ang balang maibig.”

Bata’y nagtatakang tanong ay ganito;


“Kung tayong mag-anak ay sa langit mula
At ang buhay doo’y kung pulot at gata,
Bakit nagtitiis tayo sa impiyerno?”
Sa gayon, ang tanging panagot ng ina,
Ay isang malalim na buntonghininga.

1. Anu-ano ang mga ugnayang pinalulutang dito upang higit na mapaigting ang kahulugan
ng tula?

2. Bumuo ng dalawang tanong na maaaring itanong ng isang eksistensyalistang


makababasa ng tula.

Pangwakas

Magsilbing gabay ang mga teoryang pampanitikan sa pagsusuri sa nobela, dula,


maikling kuwento, tula, sanasay at iba pang genreng pampanitikan. Sa patuloy na adhikain
sa pag- aaral ng mga teorya puwede mong ipaalam sa kapwa mo mag-aaral na may
kahalagahan ito sa ating sarili .Kaya ating linangin ang ating kaisipan sa pamamagitan ng
pananaliksik at pagbabasa sa patuloy na adbokasiya ng edukasyon.

Mga Sanggunian;

Aklat

Dayag, Alma M. et al., Pinagyamang Pluma K to 12 ( Phoenix Publishing House)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 118


Santos, Bernie C. et al., Sambotani III ( Rex Printing Com., Inc., 2007

Mallillin, Gabriel F. et al., Sambotani IV Patnubay ng Guro sa Paglinang ng Kasanayan sa


Wika at Panitikan ( Rex Printing Co., Inc., 2007

Rubin, Ligaya T. et al., Kasanayan sa Komunikasyon at Sulating Pananaliksik


Lungsod ng Quezon: Rex Printing Co., Inc., 2001

Dinglasan, Resurreccion D. Ph.D. et al., Kritisismong Pampanitikan (Lungsod ng Quezon:


Rex Printing Co., Inc., 2005
Internet

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html

http://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-pampanitikan.html#/

https://www.google.com/search?client=firefoxd&q=pagsusuri+ng+kuko+sa+iwa
nag+ng+maynila

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
A.
1. H 5. G
6. E
2. A 7. C
8. D
3. B 9. F
10. E
4. F

Kalipunan ng Gawaing Pampagkatuto Sa Filipino 10


Ikalawang Markahan

Pangalan: ______________________________ Baitang: _______


Seksiyon: ______________________________ Petsa: _________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri ng sariling saloobin at damdamin

Panimula (Susing Konsepto)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 119


Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad. Layunin nitong makakuha ng ano
mang pagbabago, bagaman maaring makalilibang din. Ang pangunahing katagian nito ay ang
pagsasalita mismo ng may-akda sa isang akda sa kanyang malikhaing paraan.
Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan.
Makikita sa salitang sanaysay ang mga salitang “sanay” at “salaysay”. Kung pagdurugtungin
ang dalawa, maaring sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” ng isang “sanay” o eksperto sa
isang paksa. Karaniwang ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay bagay
na maaring kapupulutan ng impormasyon upang makatutulong sa pagbuo ng sariling
pananaw.
Ito ay may tatlong mahahalagang bahagi o balangkas: ang panimula kung saan dito
inilalahad ang pangunahing kaisipan, gitna o katawan kung saan tinatalakay ang mga
patunay o pantulong na ideyang inilahad sa pangunahing kaisipan at wakas kung saan
nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay. Dito inilalahad ng may-akda ang pangkalahatang
pasya sa paksa batay sa mga katibayang inilahad sa katawan ng inakdang sanaysay.
Sa araling ito, inaasahang maipapamalas mo ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga
sa paksa, kaya’t halina at tuklasin natin ang natatago mong kakayahan sa pagsulat.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na


balita, komentaryo, talumpati, at iba pa (F10PN-IIg-h-69)

Panuto
Basahing at unawaing mabuti ang mga inihandang gawain. Sagutin ang mga ito nang buong
husay at katapatan.

GAWAIN 1: Kilalanin Natin!

Basahin at unawain ang talatang nagpapakilala kay pangulong Dilma Rousseff.


Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa kasunod na bahagi.

Sino ba si Dilma Rousseff?

Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang


babaeng pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksiyon
noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff.

Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo,


Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at
ang kaniyang ina ay isang Brazilian. Estudyante pa lamang
si Dilma ay naugnay na siya sa isang militanteng
sosyalistang grupo kung saan nakasama niya si Carlos
Araujo na kinalaunan ay siya niyang naging pangalawang asawa. Noong 1970, dahil sa
kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal ng tatlong taon. Habang
nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya
ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pagaaral (1977) at pumasok sa lokal na politika
bilang kasapi ng Democratic Labor Party. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni
Rousseff ang pagiging consultant at mahusay na tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha niya
si Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 120
Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni
Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan niyang
tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.

Character Profile
Pangalan: ____________________________________________________________
Tirahan: _____________________________________________________________
Kasarian: ____________________________________________________________
Hanapbuhay: _________________________________________________________
Pagkamamamayan: ____________________________________________________
Naging tagumpay: _____________________________________________________
Kahanga-hangang katangian: ____________________________________________

Sagutin:
Ano- anong impresyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang impormasyon kay
Pangulong Dilma Rousseff?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pangwakas
Sa iyong ipinamalas na kakayahan sa pagsulat, nahubog mo ang iyong kaisipan sa
pagbibigay ng sariling pagkukuro at pananaw. Tulad ng talumpati ni Pangulong Rousseff,
malaya niyang naipahayag ang kaniyang damdamin at saloobin para sa ikabubuti ng
kaniyang nasasakupan at naniniwala akong may magagawa ka rin sa iyong sariling bayan.
Ipahayag lamang ang iyong nararamdaman!

Filipino 10
IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan: ______________________________ Baitang: _______


Seksiyon: ______________________________ Petsa: _________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri ng Sariling Saloobin at Damdamin

Panimula (Susing Konsepto)

Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad. Layunin nitong makakuha ng ano
mang pagbabago, bagaman maaring makalilibang din. Ang pangunahing katagian nito ay ang
pagsasalita mismo ng may-akda sa isang akda sa kanyang malikhaing paraan.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 121


Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan.
Makikita sa salitang sanaysay ang mga salitang “sanay” at “salaysay”. Kung pagdurugtungin
ang dalawa, maaring sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” ng isang “sanay” o eksperto sa
isang paksa. Karaniwang ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay bagay
na maaring kapupulutan ng impormasyon upang makatutulong sa pagbuo ng sariling
pananaw.
Ito ay may tatlong mahahalagang bahagi o balangkas ang Panimula kung saan dito
inilalahad ang pangunahing kaisipan, Gitna o katawan kung saan tinatalakay ang mga
patunay o pantulong na ideyang inilahad sa pangunahing kaisipan at Wakas kung saan
nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay. Dito inilalahad ng may- akda ang pangkalahatang
pasya sa paksa batay sa mga katibayang inilahad sa katawan ng inakdang sanaysay.
Sa araling ito inaasahang maipapamalas mo ang iyong pag- unawa at pagpapahalaga
sa paksa, kaya’t halina at tuklasin natin ang natatago mong kakayahan sa pagsulat.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na


balita, komentaryo, talumpati, at iba pa (F10PN-IIg-h-69)

Panuto: Basahin at unawain ang mga talataan nang may pag-unawa.

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong


Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Sino ba si Dilma Rousseff?

Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahangbabaeng pangulo ng Brazil


matapos manalo sa eleksiyon noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama ay
isang Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang Brazilian.
Estudyante pa lamang si Dilma ay naugnay na siya sa isang militanteng sosyalistang grupo
kung saan nakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay siya niyang naging pangalawang
asawa.
Noong 1970, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal
ng tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na pagpapahirap tulad ng
electric shocks.
Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977) at pumasok sa lokal na
politika bilang kasapi ng Democratic Labor Party.
Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at mahusay
na tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si
Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng
Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni
Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan niyang
tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 122


Sipi ng ni Talumpati ni Dilma Rousseff

Minamahal kong Brazilians,


Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan,
gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang
bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang
maunlad na nga tayo bilang mamamayan.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may
mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya
kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong
maisakatuparan.

Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat
gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang
suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga
nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang
pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang


panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga
hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang
malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng
ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na
paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga
manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating
ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang
panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang
pagaalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga
polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na
kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling


interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng
mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito na
may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 123


pangedukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang
isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng


pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo.
Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang
pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,


pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo ng
Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na pagtutulungan


ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na
binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa
pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang
pangmatagalang mga pondong pampribado.

Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang


pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na transportasyon.


Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World
Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon
sa tulong ng lahat ng Brazilian.
(Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses
Congress in Brasilia, kinuha nong Pebrero. 26, 2014,
mula sa(http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseffinaugurati_1_n_803450.html)

Gawain 1
Punan ang Character Profile ng mga impormasyon tungkol sa kauna-unahang babeng
pangulo ng Brazil. Sagutin ang mga ilang tanong na nakalahad.

Character Profile
Pangalan
Tirahan
Kasarian
Hanapbuhay
Pagkamamamaya
n
Napagtagumpayan
Kahanga-hangang
katangia

Sagutin:
Ano- anong impresyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang impormasyon kay
Pangulong Dilma Rousseff?

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 124


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Gamit ang mga ekspresyon ng pagpapahayag, bumuo ng hinuha at palagay kung ano
kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa kanyang kababayan. Pagkatapos ay subuking
palawakin ang ideyang ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pangungusap.

Sa aking pananaw, ___________________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sa kabilang dako, ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin ang mga sumusunod na pahayag at magbigay ng sariling pananaw, opinyon o


damdamin sa mga ito. Ilagay sa kahon ang iyong sagot

d. “Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway na sasaktan”


- Pangulong Rodrigo Roa Duterte (Salin mula sa Inagurasyong talumpati, 2016)

e. “Ipapakita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di pagkakaunawaan sa
ibang nasyon nang mapayapa- hindi dahil naduduwag tayong harapin ang mga
panganib, kundi dahil ang pakikipagsundo ang matibay na mag- aalis sa pagdududa at
takot” –
Pangulong Barack Obama (Salin mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013)

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 125


f. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon ng
edukasyon at oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang henerasyon. Ang
pagkakataon na mapag- ambag sa lipunan at magkaroon ng matatag na kinabukasan” –
Prime Minister Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening Ceremony ng Danish
Presidency, 2012)

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10


Ikalawang Markahan

Pangalan : ___________________________________ Lebel :___________________


Seksyon:______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon

Panimula (Susing Konsepto)


Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Samantala, ayon naman kay Genoveva E. Matute, ito ay komposisyong
pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda.
Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad na kung minsan ay may layuning
makakuha ng ano mang pagbabago, bagaman maaaring makalibang din. Ang pangunahing
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 126
katangian ng sanaysay ay ang pagsasalita mismo ng may-akda sa akda. Ipinahahayag ng
kumatha ang sariling pangmalas, ang kaniyang pagkukuro at damdamin. Ito ay isang sangay
ng panitikan na nasa anyong tuluyan. Bukod sa nagpapaliwanag, ito rin ay kinapapalooban
ng sariling kuro-kuro o palagay ng akda.
Ang talumpati ay isang uri ng sanaysay na isinulat ng isang mananalumpati upang
bigkasin sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan ng
mga tagapakinig. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa
harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa,
pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan.

Kasanayang Pampagkatuto
Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay
(talumpati o editoryal) (F10PB-IIi-j-71)

Panuto
Basahin at unawain ang mga inihandang gawain lilinang sa kakayahan sa pagbibigay ng
sariling pananaw o opinyon. Sagutin ang mga ito nang buong katapatan.

Gawain 1. Ipahayag mo….


Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at pagkatapos ay magbigay ng
iyong sariling opinyon tungkol dito.
1. Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa
kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa
pamahalaan.” – Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III (Inagurasyong Talumpati,
2010).
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

1. “Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di pagkakaunawaan
sa ibang nasyon nang mapayapa – hindi dahil naduduwag tayong harapin ang mga
panganib, kundi dahil ang pakikipagkasundo ang matibay na mag-aalis sa pagdududa
at takot.” – Pangulong Barack Obama (Salin mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013).
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon ng


edukasyon at oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang henerasyon. Ang
pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan at magkaroon ng matatag na
kinabukasan.” – Prime Minister Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening
Ceremony ng Danish Presidency, 2012).
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. “Ang pangunahing banta sa kapayapaan ng mundo ay hindi ang di-magandang


ugnayan ng mga bansa, kundi ang paglaganap ng kasamaan. Ang tinutukoy ko ay ang
terorismo, drug trafficking, organisadong krimen at ang sindikatong mafia. Ang lahat
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 127
ng krimeng ito ay nagsilbing banta sa buhay, progreso at pag-unlad lalo na ng
mahihirap. Sa kasalukuyan, ang mga krimeng ito ang pangunahing hadlang sa
pagkakamit ng mga layunin ng United Nation.” – Peru Pres. Ollanta Humala (Salin
mula sa 68th Session ng General Assembly ng United Nation, Set 25, 2013, New
York).
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. “Hindi natin mahihiling na makaiwas sa kaguluhan ng mundo. Ngunit kung tayo ay
makatutulong sa paglutas nito at makikiisa sa paghubog ng magandang kinabukasan.
Masasabing tunay na makabuluhan ang pakikiisa ng Germany sa European
Cooperation.” – Pres. Joachim Gauck (Salin mula sa talumpati sa pagbubukas ng
Munich Security Conference noong Enero 31, 2014).
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________

www.google.com.ph/search?q=circle+cartoon+characterhl=en=GB&tbm=isch&tbs=ri
mg:Cca1edepositphotos.com
www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%25%2Fwww.pinterest.com
https://Quizlet.com https://www.scribd.com

Susi ng Pagwawasto:

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filpino 10


Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________ Lebel: ______________


Seksyon: ________________ Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay kahulugan sa mga salitang di lantad ang kahulugan

Panimula (Susing Konsepto)


Nasubukan mo na bang magbasa ng mga kuwento o anumang babasahing ginamitan
ng awtor ng mga salitang hindi lantad ang kahulugan? Kung oo, ano-ano ang mga ginagawa
mo para maintindihan mo ang mga ito? Sa araling ito ay kinakailangan mong alamin at ibigay
ang mga kahulugan ng mga salitang ginamit sa isang talumpating iyong babasahin.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 128


Sinasabing di lantad ang kahulugan ng isang salita kung ginamitan ito ng awtor ng mga
salitang hindi pangkaraniwan na minsa’y tumutulong para sa ikagaganda ng kaniyang
susulatin. Isa sa mga paraan upang matukoy ang kahulugan ng salitang hindi lantad ay sa
mga pamamagitan ng word association. Sa pamamagitan nito, nakapag-iisip ng mga salitang
maaaring may kaugnayan sa salitang nais bigyang-kahulugan upang maintindihan ang
nilalaman ng akdang binabasa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng
word association (F10PT-11g-h-69) Panuto
Basahin at unawain ang talumpati. Pagkatapos, sagutin nang buong husay at katapatan ang
mga inihandang gawaing lilinang sa kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga salitang di
lantad ang kahulugan.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rouseff sa Kaniyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan,


gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang
bansa sapagkat hindi nawawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang
patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may
mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya
kung may pagkain, kapayapaan, at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong
maisakatuparan.

Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat gampanan
ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga
institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa negosyo
at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat
na naghahangad ng kabutihan para sa kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang


panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga
hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang
malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 129


Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng
ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan natin, kasama ang matibay na paniniwala
na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa.
Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at
magdusa ang mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balance ang
panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang
pagaalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga
polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na
kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes
na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit, ngunit nangangahulugan ito na
may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong
pangedukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang
isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng


pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga
ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at
kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,


pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo ng
Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na pagtutulungan ng


pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na
binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa
pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang
pangmatagalang mga ponding pampribado.
Ang pamuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang pakinabang
sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na transportasyon.


Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World
Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon
sa tulong ng lahat ng Brazilian.

GAWAIN 1: Kumpletuhin mo!


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 130
Punan ng angkop na titik ang patlang upang mabuo ang kasingkahulugan ng salita o
pariralang may salungguhit.

1. Nais sugpuin ng pamahalaan ang kalakaran patungkol sa droga. = _ a_ _ s _ _


2. Marami ang programang ipinapatupad ng mga nanunungkulan sa bansa para mabilis
ang paglago ng ekonomiya.
= P_ g _ _ s _ _ n _
3. Hindi pahihintulutan ng pangulong magutom ang mga mahihirap sa panahon ng
pandemya kaya nagbigay siya ng mga ayuda.
= _ ap_ _ _g_ _
4. Maraming mga mayayamang dayuhan ang nagpupunyaging makipagkalakalan sa
ating bansa.
=N_ _n _ _ a _ _
5. Sa panahon ng pandemyang ito ay maraming mga Pilipinong walang pagkain sa
kanilang mga hapag.
=_ _ g _ _ _ t _ _

GAWAIN 2: Palawakin mo….


Maglista ng limang salitang hindi mo pa masyadong maunawaan sa talumpating
binasa. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga ito sa tulong ng diksyonaryo o konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit. Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa makabuluhang
pangungusap.
Mga salitang di lantad Kahulugan Makabuluhang Pangungusap
ang kahulugang ginamit
sa akda

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 131


4.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 132


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________


Seksiyon: ___________________________________ Petsa: ____________

Pagsusuri sa Napanood na Pagbabalita Panimula (Susing


Konsepto)

Napakalaking bagay ang nagagawa ng pakikinig, panonood at pagbabasa ng balita sa


buhay ng bawat Pilipino. Hindi natin maikakaila sapagkat bawat isa sa atin ay nais mabatid
ang mga kaganapan araw-araw sa ating paligid. Kaya naman, kahit halos wala nang
mapigang enerhiya mula sa baterya ng radyo ay pilit pa ring inihahanap sa kung anumang
makayanan nitong istasyon para lamang makapakinig ng balita ang ilan lalo na sa mga
malalayong lugar at hindi pa abot ng kuryente. Pagdating naman sa telebisyon ay gawain na
ng ilang pamilyang Pilipino ang kumain habang nanonood ng balita at sa trabaho naman gaya
ng mga nasa opisina, tindahan at iba’t ibang establisyemento ay uso ang pagbabasa ng mga
balita sa diyaryo bilang pampalipas oras at pantanggal na rin ng pagkabagot.

Sa katunayan, maging tayo mismo ay nagiging taga-ulat sa kapwa natin kapag


ibinabahagi natin ang mga balitang ating napakikinggan, napapanood o nababasa. Bunga
nito, mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman hinggil sa pagbibigay ng impormasyon o
pagbabalita upang hindi madagdagan o mabawasan ang anumang balitang ating ibabahagi sa
kapwa.

Ngunit, ano nga ba ang balita? Ito ay ang napapanahon at makatotohanang ulat ng
mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.

Matutunghayan natin dito ang mga angkop na gawain sa pagsusuri ng napanood na


pagbabalita.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: a) Paksa b) Paraan ng
pagbabalita atbp. ( F10PD-IIg-h-68)

Gawain 1:

Basahin ng mabuti ang nailahad na balita at suriin ang nilalaman nito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga nakahandang katanungan sa ibaba.
Handa ka na ba? Simulan mo na!

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 133


Mga Tanong Mga Sagot

1. Tungkol saan sa binasang balita?


2. Sino ang biktima sa binasang balita?
3. Saan naganap ang balita?
4. Kailan ito nangyari?
5. Bakit nangyari ang nasabing insidente?

Tatlong guguwapong katao ang malungkot na nasawi at apat ang malubhang


nasaktan nang ang kanilang mahal na sinasakyang bus ay bumangga sa isang poste sa
kilometro 70 sa Dau Express Way, Lungsod ng Angeles

Ang mga nasawi sa kasamaang palad na kinilala ng mga magigiting na pulisya ay


sina Rosa David, 45 ngunit mukhang bata pa ng Mabalacat, Pampanga; Ramon Miclat na
isang bakla, 17 ng Capas, Tarlac at si Mario Guinto na walang hiya, 50 ng Dau, Pampanga.

Mga Sanggunian

A. Aklat
Cruz, Ceciliano-Jose (2003). Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo.
Philippine Normal University.

B. Internet

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/20/2015282/dinapuan-
ng-covid-19-sa-pilipinas-lampas-13000-na/amp/
https://www.bing.com/videos/search?q=bandila+news&docid=607986065449881205

&mid=FFF79A123AFE28BE1724FFF79A123AFE28BE1724&view=detail&F
ORM=VIRE
https://news.abs-cbn.com/news/06/17/20/danding-cojuangco-pumanaw-na

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 134


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________


Seksiyon: ___________________________________ Petsa: ____________

Pagpapahayag ng Sariling Kaalaman o Opinyon

Panimula (Susing Konsepto)


Ikaw ba ay mahilig dumalo sa mga pagtitipon? Ano ang mga kadalasang pinag-uusapan
dito? Naranasan mo bang hingan ka ng sariling opinyon tungkol sa paksang tinalakay? Ano
ang iyong pakiramdaman pagkatapos mong magpahayag ng iyong kaisipan?
Sa mga naririnig mong binibitiwang salita ng tagapagsalita, hindi mo maiiwasang magbigay
ng reaksiyon gaya ng; pagkiling ng ulo, pagkibit ng balikat, pagngiti, pagtango, pagngiwi,
pag-ismid o maari namang hindi inaasahang pagbulalas ng mga salitang nagsasaad ng
pagsang-ayon o pagsalungat. Ang mga reaksiyong ito ay nagpapahiwatig na nauunawaan mo
ang tinutumbok ng tagapagsalita.
Bilang isang mag-aaral, ikaw ay nakaririnig ng mga talumpati ng ilang mga panauhin sa
iyong paaralan tuwing may mga palatuntunan. Minsan, ang ilan sa iyong mga guro ay
nagbibigay ng mga gawaing tataya sa kaalamang iyong natamo mula sa iyong napakinggan.
Maaring ang gawaing ito ay ang matalinong pagpapahayag ng iyong sariling kaisipan at
opinyon tungkol sa paksang tinalakay ng tagapagsalita. Marapat lamang na matutuhan mo
kung paano ang matalinong pagpapahayag ng kaalaman at opinyon upang mas maging
maliwanag ang paksa ng talumpati.
Matutunghayan mo sa susunod na mga pahina ang mga gawaing hahasa sa iyong matalinong
pagpapapahayag ng kaalaman at opinyon tungkol sa paksa sa isang talumpati.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipahahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang talumpati
(F10PS-IIg-h-71). Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na bahagi ng talumpati at pagkatapos ay
sagutin ang sumusunod na tanong.
Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating bansa. Nais ng pamahalaan
na tulungan ang mga mamamayan bagaman ito’y nangangailangan ng masusing pagaaral. Tayong mga
mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan. Libu-libong mamamayan ang
nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan kaya’t hindi natin dapat balisahin ang namumuno
nito. Buksan natin ang ating isipan sa mga bagay na makabuluhan sa atin.
(siping pahayag mula kay Ambat 2015)

_____1. Ang tekstong iyong binasa ay may layuning __________.


a. mangaral c. manuligsa
b. manghikayat d. magbigay impormasyon
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 135
_____2. Tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan.
Ibig ipahiwatig ng pahayag na __________.
a. nakadepende ang kinabukasan ng bayan sa kaniyang pamahalaan.
b. kailangang tumulong ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran.
c. dapat magkaisa ang namumuno at ang pinamumunuan upang umunlad ang bayan.
d. kailangang mag-isip, kumilos, at makisangkot ang mga mamamayan sa pagpapaunlad
ng bayan.

Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa


na ito nila Rizal at Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila
ito dahil mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang
magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating
ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan
at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.
Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan, mulat
ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kaya naman
naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang
baying nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling bandila na
kapantay ng lahat.
(siping pahayag mula kay Ambat 2015)

_____3. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang __________.


a. pagtuligsa sa mga mananakop
b. paghikayat sa madling magkaisa
c. pagpapahalaga sa pagtatanggol sa bayan
d. pagbibiga-pugay sa mga bayaning Pilipino
_____4. Ang mga sumusunod ay binanggit ng pangulo sa ikalawang talata liban
sa __________.
a. pahalagahan ang ating kalayaan
b. magbuwis ng buhay para sa kalayaan
c. tungkulin ng estado na pangalagaan ang kalayaan
d. manindigan sa mga karapatan bilang bansang malaya
_____5. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga __________.
a. bansa c. bandila
b. bayani d. kalayaan

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 136


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan:___________________________________Lebel:___________________________
Seksyon:____________________________________Petsa:__________________________
_

Pagsulat ng Isang Talumpati Panimula (Susing Konsepto)

Naranasan mo na bang tumayo at magsalita sa harapan ng maraming taong tagapakinig? Ano


ang naging pakiramdam mo habang ikaw ay nakatayo at nagsasalita? Ang iyong ginawa ay
tinatawag nating talumpati. Ano nga ba ang talumpati?
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahatid- kaisipan hinggil sa isang
napapanahong paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng mabisang pagbigkas.

Ang isang talumpati ay may iba’t ibang layuning tulad ng sumusunod:


1. Makapagbigay ng Kabatiran- mga kaalamang makapagdaragdag sa mga dating
kaalaman ng mga nakikinig.
2. Makapagturo at Makapagpaliwanag- mga bagong paraan, kaisipan o paniniwalang
kaugnay sa paksa na maaaring makatulong sa tagapakinig upang makita ang paksa sa
ibang anggulo at maiangat ang nalalaman ukol dito.
3. Makapanghikayat- maaaring mabago nito ang pananaw ng isang tagapakinig at sumang-
ayon o tanggapin ang pinagtatalunang bagay o kalagayan. Kadalasang magamit ito ng
mga pulitiko.
4. Makapagpaganap o Makapagpatupad- nakapaglalahad ng adhikain, proyekto, batas o
ordinansang kailangang mapalaganap o maipatupad sa nakararami. Ito ay
magtutulak sa tagapakinig upang isakatuparan ang kaisipang nabanggit sa
talumpati.
5. Manlibang- kailangang magkaroon ng pang-akit at makapanlibang sa mga nakikinig na
lubos nilang kagigiliwan.
Narito ang mga bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng talumpati:
1. Pagtukoy sa uri ng tagapakinig- upang maiakma ang estilo, salita, paksa at paraan ng
pagsasaad ng talumpati.
2. Pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa- makakatulong ito upang masagot ng
walang gatol at makapagpapaliwanag nang mahusay sa mga tanong buhat sa mga tagapakinig
kung malawak ang kabatiran sa paksa.
3. Pagbuo ng isang mabisang balangkas- malaking makakatulong ito sa mas madali at
mabisang pagsulat ng makabuluhang talumpati.
Mga hakbang na maaaring sundin sa pagbabalangkas ng bubuuing talumpati:

Pambungad ng Talumpati
a. Panimula-ito ang magiging batayan ng tagapakinig kung ibibigay ang buong atensiyon sa
nagtatalumpati o hindi, kaya’t kailangang ang panimula ay makapupukaw o
makatawag-pansin sa tagapakinig kung saan ay maihahayag na ng
mananalumpati ang kanyang paksa.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 137


Katawan ng Talumpati
b. Paglalahad- ito ang nilalaman ng talumpati na kailangang masinop ang mananalumpati sa
mga puntong bibigyang- pansin upang walang makaligtaan batay sa balangkas
na sinundan.

Pagwawakas ng Talumpati
c. Impresyon- hindi lamang ito lagom ng kabuuang talumpati kundi mag-iiwan ng isang
malalim na impresyong kikintal sa puso at isipan ng mga tagapakinig kaugnay
sa kabuuan ng talumpati.

4. Pagsulat ng Talumpati- Mula sa nabuong balangkas at nasaliksik na datos ay maaari nang


maupo at isulat ng mananalumpati ang kabuuan ng kanyang talumpati.
Makakatulong kung batid niya ang haba ng oras na nakalaan sa kanya.
Makakatulong ang pagsulat muna ng burador at saka rebisahin upang makaiwas
sa maligoy ngunit maliwanag, malaman at kawili-wili sa mga tagapakinig.

Ngayong batid mo na ang mga hakbang at mahahalagang kaalaman sa pagbuo ng


talumpati ay subukin ang iyong kakayahan sa pagpapahayag nang may katalinuhan sa isang
maikli ngunit maliwanag, malaman at kawili-wiling talumpati tungkol sa isang paksang
kaugnay ng ilang napapanahong isyu.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu (F10PU-IIg-h-71)

Gawain 1: Piliin ang wastong titik na angkop sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

_____1. Ang __________ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan
at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
pangangatuwiran sa paksang tinatalakay.
a. Dula c. Sanaysay
b. Pagtatalumpati d. Tula
_____2. Isa itong uri ng pagtatalumpati na biglaan na binibigkas sa pamamaraan na maaaring
gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na
mismo ng pagsasalita.
a. Talumpating walang paghahanda c. Isinaulong talumpati
b. Talumpating pabasa d. pagbasa ng papel sa panayam
_____3. Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa
kumperensya.
a. Talumpating walang paghahanda c. Isinaulong talumpati
b. Talumpating pabasa d. pagbasa ng papel sa panayam
_____4. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na gumawa muna ng
kanyang talumpati.
a. Talumpating walang paghahanda c. Isinaulong talumpati
b. Talumpating pabasa d. Pagbasa ng papel sa panayam
_____5. Ang kasangkapang ito ng mananalumpati ay nakatutulong sa pag-unawa sa
nilalaman ng talumpati. Isinasaalang-alang dito ang tulin o bilis at tono ng pananalita.
a. Tinig c. Kumpas ng mga kamay
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 138
b. Galaw d. Tindig

_____6. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagbibigay-diin sa sinasabi.


a. Tinig c. Kumpas ng mga kamay
b. Galaw d. Tindig
_____7. Kasangkapan ng mananalumpati na tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng
tao namay kaugnayan sa pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa mga
tagapakinig.
a. Tinig c. Kumpas ng mga kamay
b. Galaw d. Tindig
_____8. Iwasan ang posturang military na parang naninigas ang katawan at sikaping maging
magaan ang katawan at nakarelaks.
a. Tinig c. Kumpas ng mga kamay
b. Galaw d. Tindig
______9. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat makaagaw ng
pansin habang nagsasalita.
a. Tinig c. Kumpas ng mga kamay
b. Galaw d. Tindig
______10. Ito ay bahagi ng talumpating nag-iiwan ng kakintalan sa puso’t isipan ng
tagapakinig.
a. Panimula c. Wakas
b. Katawan d. Mensahe

GAWAIN 2.(PeTa 5)

Panuto: Pumili ng isa sa sumusunod na napapanahong isyu at sumulat ng isang mabisang


Talumpati. At bigkasin.

a. Lalong Nagpapahirap sa mga Mahihirap ang COVID -19


b. Social Amelioration Pay (SAP) at relief goods para sa mamamayang Pilipino
c. 2M na Patong sa Ulo ng sinumang Makapagtuturo sa Kinaroroonan ng Lider ng mga NPA
d. Hindi Pagbubukas ng Klase hanggat Walang Vaccine ng COVID

Pangwakas
Iyong natutunan ang iba’t ibang hakbang sa pagsulat ng isang mabisang talumpati
tungkol sa napapanahong isyu sa ating lipunan. Ang talumpati ay di lang makikita o
natututunan sa paaralan bagkus ginagamit natin ito sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang
mga hakbang sa pagsulat ng isang talumpati ay nakatutulong nang malaki upang maipahayag
ang ating mga saloobin sa harap ng ating tagapakinig.

Sanggunian:
Aklat
Julian, Ailene G. Baisa, Dayag, Alma M. (2015) Pinagyamang Pluma 10, Aklat

Internet

http://chrislingadkabling.blogspot.com pagtatalumpati .html


Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 139
https://www.rappler.com/nation/235888-rodrigo-duterte-sona 2019-philippines

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan:___________________________________Lebel:___________________________
Seksyon:____________________________________Petsa:__________________________
_

Pagpapalawak ng Pangungusap

Panimula (Susing Konsepto)


Isa sa mga nagpapaangat ng kalidad ng bawat akda ay kung paano binuo at
pinaguugnay-ugnay ang mga kaisipan sa pamamagitan ng mga pangungusap, mga
pangungusap na pinalawak ang kaisipan upang maging mas makabuluhan.
Naalala mo pa ba ang napag-aralan mo tungkol sa pangungusap? Natatandaan mo pa ba ang
dalawang bahaging bumubuo sa pangungusap, ang panaguri at paksa. Ang panaguri at ang
paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi.
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa mga maliliit na bahaging ito. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-abay
at iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa pamamagitan ng paksa sa tulong ng
atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan at pariralang nagpapahayag ng
pagmamay-ari. Ilan sa mga punto na kailangang malaman ay ang mga sumusunod:
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa. Isinasaad nito
ang detalye tungkol sa paksa.
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa
unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-
abay. - ba, kaya din/rin, pa, pala, man at iba pa
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Si Ryan Cayabyab ang tinaguriang ama ng OPM.
* Si Ryan Cayabyab pala ang tinaguriang ama ng OPM.
* Si Ryan Cayabyab ba ang tinaguriang ama ng OPM?
2. Komplemento/ Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri
na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.

a) Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. (Tagaganap)


b) Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis at kape para sa matatanda, gatas
para sa mga bata. (Tagatanggap)
c) Ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (layon)
d) Nagtalumpati ang pangulo sa bayan. (Ganapan)
e) Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)
f) Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay
bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. (Sanhi)
g) Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang making sa talumpati
ng pangulo. (Direksyunal)
3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 140
Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaaring gumaganap ng kilos
o pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa at ganapan
ng kilos ng pandiwa.
1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng pangungusap
Halimbawa:
* Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
* Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.
2. Pariralang Lokatibo/Panlunan ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng
lugar.
Halimbawa:
* Inaayos ang plasa sa Brazil.
* Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.

3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari


- Gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
* Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
* Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap
(F10WG-IIg-h-64)

GAWAIN 1 .
Panuto: Basahin at unawain ang usapan. Pagkatapos sagutin ang mga tanong batay sa
binanggit sa usapan.

1. Bakit masayang-masayang umuwi si Mico mula sa paaralan?


____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Sa anong aralin siya magaling? Patunayan ang iyong sagot.


______________________________________________________________
______________________________________________________________.
3. Anong katangian ang dapat tularan sa kanya?
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 141
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
GAWAIN 2.
Panuto: Mula sa usapan sa Gawain 1 pumili ng mga pangungusap at tukuyin ang
ginamit na paraan sa pagpapalawak nito.

Pangungusa Paraang Ginamit


p

GAWAIN 3.
Panuto: Tukuyin ang ginamit na paraan ng pagpapalawak ng pangungusap batay sa mga
nasalungguhitang mga salita o lipon ng mga salita.

1. Si Rodrigo Roa Duterte, ang Pangulo ng bansang Pilipinas ay dating


Mayor ng Davao.
Paraan:
________________________________________________________ 2. Talagang
napakabilis na kumalat ang Corona Virus sa buong mundo bunsod ng
kakulangan sa disiplina ng mga mamamayan.
Paraan:________________________________________________________
3. Tinulungan ng pamahalaan ang mamamayan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng ayuda.
Paraan:________________________________________________________
4. Ang bawat mamamayan ay dapat na maging maagap sa pakikinig at
pagsunod sa utos ng ating pangulo tungo sa kabutihang panlahat.
Paraan:__________________________________________
5. Idineklarang nasa ilalim ng ECQ ang mga lugar sa Maynila
na nagkakaroon ng maraming kaso ng Covid 19.
Paraan:___________________________________________

GAWAIN 4.
Panuto: Mula sa nakatalang paksa bumuo ng pangungusap na ginamitan ng mga paraan
ng pagpapalawak ng pangungusap.
1. Anti-Terrorism Bill
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Online Learning
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

3. Paglaganap ng Corona Virus


__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 142


278 Pangwakas
Binabati kita sa iyong matiyagang pag-aaral at sa pagsasagawa mo nang mahusay sa mga
gawain sa araling ito. Tiyak kong nakatulong ito sa iyong kasanayan at mayroon ka ng sapat
na kaalaman na magagamit mo sa pagsulat at sa pakikipag-ugnayan sa makabuluhang paraan.

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan: _____________________________________________ Lebel: ____________


Seksiyon: ______________________________________________Petsa: ____________

Pagbibigay puna sa mga nababasa sa Social Media

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya tulad ng multimedia, ang paglaganap ng


internet, social media network gaya ng Facebook Twitter, Instagram, Snapchat, gayundin
ang pagkahumaling ng maraming kabataan sa pagtangkilik sa mga websites gaya ng You
Tube, blogs, ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pananaw ng karamihan sa mga Pilipino.
Ika nga nila, “kinakain na tayo ng sistema. Sistema ng social media.
Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin ang katotohanang malaki ang impuwensiya
ng multimedia, hindi lamang social media, maging ang isa pang uri nito ang mass media tulad
ng pahayagan, magasin, radyo at telebisyon. Nang dahil sa ating mga napapanood, naririnig, o
nababasa naapektuhan ng social at mass media ang ating saloobin, pagtingin, pag-uugali at
kilos. Nakapaglalahad tayo ng mga pahayag o puna na pwedeng makasira o makatulong sa
iba. Sabi nga, ang Social Media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Marahil bunsod ito ng pagiging interaktibo ng tao, ang
pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon hinggil sa kanyang napanood, nabasa o narinig at
kadalasan, humahantong sa pagsang-ayon o pagtutol ang ating mga pahayag o puna.
Sa mga isasagawang gawain para sa araling ito mapalalawak ang iyong kaalaman at
mababago o mailalahad mo ang iyong mga pananaw hinggil sa mga bagay bagay sa iyong
paligid.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan,TV, internet
tulad ng fb,e-mail,at iba pa. (F10PB-Iii-j-79)

GAWAIN 1.
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong pananaw o opinyon hinggil sa nais ipabatid
ng mga salitang may kaugnayan sa multimedia.

280 Kolum A Kolum


B

1. Internet
2. Blogsites

3. pahayagan o dyaryo
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 143
4. Twitter

5. Telebisyon

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10


Pangalan: ___________________________ Lebel: ___________
Seksiyon: ___________________________ Petsa: ___________
Pagbibigay-kahulugan sa mga Salitang nakikita sa Social Media

Panimula (Susing Konsepto)

Hindi maipagkakaila na ang social media ay nagdulot ng napakalaking pagbabago at


impluwensiya hindi lamang sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan, maging sa
pagpapalawak ng ating mga kaalaman sa mga salitang nauugnay dito. Ang social media ay
isa sa may pinakamalaking impak sa ating buhay lalo na sa pagkakaroon ng komunikasyon sa
mas maraming tao . Ito ay nakatutulong upang lalo pang mapadali ang pagkalap ng
impormasyon at malaya nating naibabahagi ang ating saloobin, opinyon at pananaw sa mga
social networking sites katulad ng facebook, twitter, blogs at iba pa. Mas napauunlad nito ang
ating sariling wika dahil sa pag-usbong ng mga bagong salita katulad halimbawa ng
hashtags, twitter, vlogger, meme, AMA, ang wika ng mga jologs, bakla , jejemon at marami
pang iba.
Ang mga gawaing nakapaloob sa araling ito ay magiging gabay sa pagpapalawak ng iyong
kaalaman hinggil sa mga terminolohiyang may kaugnayan o nakikita sa social media. Handa
ka na bang tuklasin ang mga ito?

Kasanayang Pagkatuto at Koda


Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social
media. (F10PT-IIg-h-75)

GAWAIN 1a
Panuto: Isulat ang wastong salita na nabuo mula sa ginulong mga letra. Ilagay ang tamang
sagot sa katapat na kahon.

a. E E I T N T R N

b. L G O G R E B

c. O O A E F B C K

d. D V E I O A L C L

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 144


e. T T T I W E R GAWAIN 1b
Panuto: Kilalanin ang mga terminolohiyang may kaugnayan sa Social Media na binuo sa
Gawain 1. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang

_______________ 1. Ito ay isang uri ng social media o social networking site na ang mga
magkakilala ay maaring mag post ng mga larawan, damdamin, magkomento at iba pang uri
ng pakikipag komunikasyon.
_______________ 2. Ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba't-ibang mga
partikular na paksa.
_______________ 3. Tumutukoy sa isang online news at social networking service kung
saan ang mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensahe.
_______________ 4. Isang network ng mga computer at iba pang mga gadgets. Ito ay
kombinasyon ng maraming mga computer shop kung saan pwedeng makapag-access ang
isang tao hindi lamang ng impormasyon kundi ng mga balita.
_______________ 5. Isang paraan ng pakikipagkonekta sa ibang tao gamit ang gadget kung
saan nakikita ang kausap.

GAWAIN 2
Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salita sa kahon at ilagay ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang. Titik lamang ang isulat.

_____ 1. LOL
_____ 2. YOLO
_____ 3. SEENZONE
_____ 4. OTW
_____ 5. OOTD

GAWAIN 3
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa mga salitang
ginagamit ng mga kabataan sa social media.
1. Si Esther ay wapali dahil sa sobrang pagkaabala sa pag-aalaga sa mga anak.
a. wala pang ligaw c. nagkasakit
b. wala pang ligo d. nagpabaya
2. Atm hindi magkadaugaga si Charry sa pagbuo ng kanyang ipakikitang TikTok.
a. at the moment c. at the mall
b. at the meantime d. at the middle
3. Lagi silang olats dahil sa mga ginagawa ng kanilang mga kagrupo.
a. nananalo b. natatalo c. nawawala d. napipikon

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 145


4. Dahil sa labis na tomguts, nagmadali siyang umuwi.
a. gutom b. galit c. inis d. uhaw
5. Kinagawian ni Rico na magwalwal sa araw ng sabado.
a. magtaping b. gumala c. maglaro d. gumimik
Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan:______________________ Lebel:_________________
Seksiyon:______________________ Petsa:___________________

Popular na Anyo ng Panitikan sa Social Media

Panimula (Susing Konsepto)

Sa ikalawang bahagi ng Modyul para sa Filipino 10 binigyang-diin ang iba’t ibang akdang
pampanitikan ng South America at ng mga Bansang Kanluranin. Inilarawan dito ang
kaugalian, tradisyon, paniniwala at kabihasnan ng mga mamamayan ng Mediterranean upang
maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paniniwala at paraan ng pamumuhay ng mga nasa
bansang Mediterranean.
Sa tulong ng mga akdang pampanitikang tinalakay, nalinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral na gamitin ang kanilang mapanuring pag-iisip at pag-unawa sa panitikan bilang
bahagi ng pagpapaunlad ng pandaigdigang pagkakapatiran at kapayapaan.
Sa pag-usad ng panahon nagkaroon ng maraming pagbabago lalo na sa pagpasok ng
mga makabagong teknolohiya na nagdulot ng malaking impluwensiya sa pag-unlad ng
panitikan. May mga akdang pampanitikang nailalathala at nababasa sa tulong ng Social
Media tulad ng Facebook, You Tube, Blog, Twitter at iba pa.
Ang ilan sa mga popular na panitikan na nakikita sa Social Media ay Blogging, Hugot
Lines, Pick-up Lines, Flip Top at iba pa. Ang pick-up lines ay mga grupo ng salita na
kadalasang nagpapahiwatig ng interes sa isang tao. Samantalang ang Hugot Lines ay mga
salitang nagpapahawatig ng malalim na pagdaramdam. Nabuo ang mga salita sa
pamamagitan ng emosyon. Ang blog ay pinaikling salita na weblog, na tumutukoy sa mga
akda o sulatin na karaniwang makikita sa internet. Ang uri ng sulatin na ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon, argumento, salaysay, o ng iba pang layunin na karaniwang
makikita sa lahat ng uri ng akda o panitikan. Kadalasang lakbay-sanaysay ang nilalaman ng
mga blogs sa internet. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang vblog, edublog, Art Blog, at Photo
Blog.
Ang mga gawaing inihanda ay nakatutulong upang matukoy at mapahalagahan ang
mga nasabing akdang pampanitikan higit sa lahat masukat ang pagiging responsableng
“Internet User” ng mga mag-aaral.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa social
media (F10PD-IIg-h-73).
GAWAIN 1.
Panuto: Punan ang hinihingi ng talahanayan.

ALAM: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mga popular na anyo ng panitikan na
karaniwang nakikita sa Social Media?

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 146


NAIS MALAMAN: Ano ang nais mong malaman tungkol sa mga popular na anyo ng
panitikan na karaniwang nakikita sa Social Media?
NATUTUHAN: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa mga popular na anyo
ng panitikan na karaniwang nakikita sa Social Media?

ALAM NAIS MALAMAN NATUTUHAN

GAWAIN 2
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag kung Pick-up Lines o Hugot
Lines. Isulat ang iyong sagot sa inilaang patlang bago ang bilang.
_________________1. Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang ulan. Mahirap iwasan at hindi ko
kayang pigilan.
_________________2. Sa panahon ngayon, tanghali na lang talaga ang tapat.

_________________3. Kapag nahanap mo na yung taong sa palagay mo, para sa ‘yo, huwag
mo nang pakakawalan, ipaglaban mo. —The Achy Breaky Hearts

_________________4. Boy: Tubig ka ba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi I can’t live without you

_________________5. Boy: May kilala ka bang gumagawa ng relo? May sira ata relo ko…
Girl: Bakit?
Boy: Pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 147


Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 10

Pangalan: ________________________________________ Lebel: __________________


Seksyon: __________________________________________ Petsa: ___________________

Gramatikal at Diskorsal na Pagsulat

Panimula
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung naipaabot mo ang iyong mensahe at
nagkakaintindihan kayo ng iyong kausap? Angkop ba ang mga salitang iyong ginamit?
Magkakaugnay-ugnay ba ang iyong mga ideya?
Sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan ang kahusayang gramatikal at diskorsal ay
dapat isaalang-alang upang maunawaan ang mensaheng nais iparating sa tagatanggap.
Ang komponent na gramatikal ay nagsasaad kung anu-anong mga salita ang angkop
at kung kailan sila nagagamit nang tama sa pasalita man o sa pasulat. Ang mga tuntuning
panggramatika ay nakatutulong sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, pagbaybay at
maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang diskorsal naman ay komponent sa nagbibigay
kakayahang magamit ang wika sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at
maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang
salita, pangungusap o pahayag upang makabuo ng mas malawak at malalim na kahulugan.
Tinuturo ng paraang diskorsal kung sa paanong paraan ang mga salita, parirala at
pangungusap ay mapagsama-sama o mapag-ugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na
usapan, sanaysay, talumpati, tula, lathalain, maikling kwento, e-mail at iba pa.
Sa pamamaraang diskorsal lalong mapagaganda ang pagkakabuo ng alin mang akda
kung gagamit tayo ng mga salitang nagpapalawak ( na tinalakay tulad ng mga kataga
(paningit o Ingklitik) at mga panuring (pang-abay, pang-uri, at kaganapan) upang ilarawan
nang mahusay at malinaw ang mga pangyayari. Higit sa lahat ay mas nakawiwili itong
basahin. Kailangan lamang isaalang-alang ang cohesion o pagkakaisa at coherence o
pagkakaugnayugnay ng mga ito.
Kasanayang Pampagkatuto at koda:
Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda (F10WG-IIij-70).

GAWIN 1
Panuto:Salungguhitan ang mga salitang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap.
Halimbawa: Tila nauupos na kandila ang sakiting matanda habang nakatanaw mula
sa maliit na durungawan ng kanyang dampa.
1. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo at totoong humanga ang lahat sa kanya.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 148


2. Sabi ng mapagmahal na ina ko ay ibang iba raw ang mundo ngayon, hindi mo alam
kung kailan uulan o aaraw.
3. Kung dati ay madalas akong lumabas ng bahay para mamasyal sa mga pook-pasyalan
ngayon ay nasa loob muna ako ng bahay.
4. Naiisip mo ba kung saan napupunta ang basurang itinatapon natin araw-araw?
5. Hayaan mo, maaga akong luluwas bukas at pupuntahan ko ang kaibigan kong may-ari
ng pabrika.
6. Kahit ano pa man ang mangyari ay hindi ko hahayaang mahinto ako sa aking
pagaaral.
7. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino
8. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong kapwa”.
9. Maraming mamamayan sa kasalukuyan ang nahihirapan sa kanilang kabuhayan dahil
sa nangyayaring pandemic. Halos lahat kasi ng kanilang mga negosyo ay sarado pa at
hindi makapag-operate.
10. Kung ikaw din pala ay naghahangad ng kapayapaan ay matuto kang magpakumbaba,
gaya ng aking ginawa upang ikaw rin ay matahimik.
GAWAIN 2a
Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap . Gamitin ang tuntuning gramatikal at
diskorsal upang makabuo ng mas makahulugang pangungusap.
Halimbawa:
A. Ang mga magsasaka sa bayan ay nalungkot dahil nasira ang kanilang mga pananim. Ito
ay inatake ng mga insektong kung tawagin nila ay leaf miners.

B. Ang mga magsasaka sa bayan ng Dupax Del Norte ay labis na nalungkot dahil
tuluyang nasira ang kanilang mga panamin na repolyo at mais. Ito ay inataki ng mga
insectong mapanira na kung tawagin nila ay leaf miners.

1. Ang sakit na Corona Virus (Covid-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay isang sanhi
ng bagong virus.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Namasyal kami ng aking kaibigan sa probinsiya. Kami ay namitas ng bunga ng mangga


na sariling tanim at nagtungo rin kami sa ilog upang maligo at doon na kumain. Habang
naglalakad pauwi ay nakita namin si Benjie patungo sa kanilang taniman. Siya ay
magdidilig.

3. Pinaigting ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagpapatupad ng Social Distancing sa kahit


saanmang lugar sa bansa.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 149


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 150

You might also like