.
St. Bosco College of Tayabas Inc.
Tayabas ,City
UNANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
PANGALAN: ________________ NAKUHA:_________________
GURO: Mrs.Cozette C. Atendido PETSA: ___________________
Test I. Pagpipili.
Panuto. Basahin at unawain ang maikling kuwento. Pagkatapos ay sagotan ang mga sumusunod na tanong
sa ibaba nito. Bilugan ang tamang sagot.
Si Kalabaw at Si Tagak
Tanghaling tapat. Mainit ang sikat ng araw. Tapos na ang gawain ni Kalabaw sa bukid. Nagpunta siya sa tubugang
putik at dito siya naglunoy. Pagkatapos, sumilong siya sa lilim ng punong mangga. Hindi nagtagal, nakatulog si
Kalabaw.
Matagal na nakatulog si Kalabaw. Nagising lamang siya nang maramdaman niya ang sakit at kati ng kagat ng mga
lamok.
“Ayan na naman kayo”, wika ni Kalabaw. “Bakit ba ako na lamang ng ako ang alaga ninyong kagatin? Ang sakit at kati
pa naman ninyong kumagat. Hala, alis kayo sa likod ko.”
“Ayaw namin. Hindi kami aalis sa likod mo. Kay sarap-sarap mong kagatin. Malaki at malaman ang inyong katawan”,
wika ng mga lamok.
At lalong dumami ang lamok na dumapo at kumagat sa likod at batok ni Kalabaw. Hinampas nang hinampas ni
Kalabaw ng kanyang buntot ang mga lamok. Ngunit nagpalipat-lipat lamang ang mga ito ng lugar sa likod at batok ni
Kalabaw na di abot ng hampas ng kanyang buntot. Inis na inis sa mga lamok si Kalabaw ngunit wala siyang magawa.
Siyang pagdating ni Tagak. Naawa siya kay Kalabaw.
“Nakakaawa ka naman”, wika ni Tagak kay Kalabaw. “Tutulungan kita. Pagtutukain ko ang mga pesteng lamok sa ito.”
“Salamat, Tagak, kaybuti mo”, wika ni Kalabaw.
Inisa-isa ni Tagak na pagtutukain ang mga lamok na nakadapo at dumadapo pa sa katawan ni Kalabaw. Naubos ang
mga lamok.
“Hayan, Kalabaw!” wika ni Tagak. “Naubos ko nang tukain ang mga lamok sa iyong batok at likod.”
“Kayginhawa na nga ng pakiramdam ko. Salamat na muli sa iyo, Tagak”, wika ni Kalabaw. “Magmula ngayon
makakasakay ka na sa aking likod.”
Lumipas ang mga araw. Naging mabuting magkaibigan si Tagak at si Kalabaw. Ang mga lamok na dumadapo sa likod
ni Kalabaw ay kanyang tinutuka kaya libre naman ang pagsakay ni Tagak sa likod ng Kalabaw.
Minsan umulan nang malakas. Nasa likod ni Kalabaw si Tagak.
“Tagak, dito ka sumilong sa ilalim ko”, wika ni Kalababaw sa kaibigan. “Malapad ang katawan ko at hindi ka
mababasa.”
“Salamat, Kalabaw. Kaybuti mo. Isa kang mabuting kaibigan”, wika ni Tagak.
“Ang mabuting magkaibigan ay nagtutulungan sa lahat ng araw at sa anumang panahon”, wika ni Kalabaw.
1. Paano inilarawan ang panahon sa kwentong binasa?
A. Umaga at maulan ang panahon
B. Tanghali at mainit ang sikat ng araw
C. Bumabagyo
D. Malamig na panahon
2. Saan pumunta si kalabaw nang matapos na ang kanyang mga gawain?
A. Sa bukid
B. Sa ilog
C. Sa ilalim ng puno
D. Tubugang putik
3. Baki nagising si kalabaw sa knayang pagkakatulog?
A. Dahil sa ingay ng kanyang kapwa kalabaw
B. Dahil umulan kaya siya nagisng
C. Dahil sa kagat ng mga lamok
Fil7 1 | P a g e
D. Dahil sa kagat ng mga langgam
4. Sino ang tumulong ka kalabaw at kalaunan nagging kaibigan niya?
A. SI uwak
B. Si Manok
C. Si lamok
D. Si Tagak
ANG MASAMANG KALAHI
Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan at madaling
nakapamayagpag na muli ang Talisain. Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at
lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamagandang sa mga banyagang manok na si
Lolitang Leghorn.
Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.
“Naku!” ang bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan
niya…”
“Diyata’t?” ang bulalas din ni Aling Martang Manok.
“At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya.
Masamang lahi raw tayo…”
Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siya’y dumating.
“Napakasamang manok iyang si Tenoriong Talisain”, ang wika ng tandang. “Kangina’y nakita ko. Kung lumakad at
magslita’y ginagaya ang mga leghorn.”
“Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapang-nginig ng laman.”
“Bayaan ninyo siya”, ang wika ni Aling Martang Manok. “Pagsisisihan din niya ang kanyang ginawang iyan.”
Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si Tenoriong Talisain. Gusut-gusot na ang
balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, pasa-pasa ang buong katawan at hindi halos makagulapay.
“Bakit ano ang nangyari?” ang tanungan ng mga kalahing manok.
“Iyan pala ay maluwat nang kinaiinisan ng mga katyaw na Leghorn”, ang wika ni Toniong Tandang.
“Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn.”
“Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?” ang wika ng mga kalahing manok. “Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at
itinatakwil pa…”
“Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan”, ang wika ni Toniong Tandang. “Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talagang
namang kung hindi ako sumaklolo’y nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.”
“Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang wika ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi, kahit masamain mo’y talagang
hindi makatitiis.”
5. Ano ang aral sa kwentong binasa?
A. Ang mabuting kaibigan ay nagtutulungan sa lahat ng pagkakataon.
B. Ang magkaibigan ay dapat magtulungan sap ag gawa ng masama sa kapwa
C. Maging mapag isa sa lahat ng oras
D. Ang magkaibigan ay nagdadamot sa isa
6. Sino ang nauna umuwing galit na galit sa kwento?
A. Toiniong Tandang
B. Talisain
C. Denang Dumalaga
D. Martang Manok
7. Sino ang ngsabi na napakasamang manok ni ni tenoriong talisain at kung lumakad pa at magsalita ay ginagaya
ang mga leghorn?
A. Toiniong Tandang
B. Talisain
C. Denang Dumalaga
D.Martang Manok
8. Sino ang sinsabi sa kwento na masamang lahi dahil sa paninira nya sa kanyang kapwa?
A. Toniong Tandang
B. Martang Manok
C. Denang Dumalaga
D. Talisain
Fil7 2 | P a g e
9-10. Ano- ano ang aral na makukuha sa kwentong binasa?
A. Pahalagahan ang iyong pamilya. Maaring iiwan ka o pababayaan ng mga taong
nakapaligid sa iyo ngunit ang pamilya ang laging nandiyan para sa iyo.
B. Maging masunurin sa lahat ng oras
C. Mahalin ang sarili ng higit sa lahat dahil sa huli sarili mo lamh din ang iyong kakampi at makakasama.
D. Kahit pa gaano kasama ang ginawa mo sa iyong pamilya, sa oras ng pangangailangan ay sila rin ang
tutulong sa’yo.
Test II. Panuto: Piliin at bilugan ang salitang naiiba ang kahulugan sa mga binigay na mga salita sa ibaba.
1. Panaghoy Pag-iyak Pag-hagulhol Pag-sigaw
2. Mausisa Matanong Matabil mapagmasid
3. Nayayamot Naiinis Nababagot Nayayabangan
4. Mabilis Mahinahon Banayad Malumanay
5. Nalikha Nagawa Natangay Naimbento
6. Gulat Bigla Mangha Takot
7. Mapanglaw Masaya Malungkot Malumbay
8. Masaya Maligaya Natutuwa Nalulungkot
9. Masigla Maligaya Malumbay Natutuwa
10. Marikit Maganda Pangit Kaaya-aya
Test III.Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap sa paksang may kaugnayan sa pamamahalan ang mga
sumusunod na mga salitang nagpapahiwatig ng posibilidad at paghihinuha. (2puntos bawat isa)
1. Wari-__________________________________________________
2. Baka-__________________________________________________
3. Siguro-_________________________________________________
4. Marahil-________________________________________________
Test. IV. Gamitin ang mga sumusunod na mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga.
(2 puntos bawat isa)
1. Dahil-____________________________________________________
2. Sapagkat-_________________________________________________
3. Kasi-_____________________________________________________
4. Pagkat-___________________________________________________
5. Kaya-____________________________________________________
Fil7 3 | P a g e
Test V. Panuto: Magbigay ng sariling karanasan na nagpapakita ng Sanhi at Bunga. Gamitin ang mga
angkop na pang-ugnay. (2 puntos bawat isa)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Fil7 4 | P a g e