Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Guro: Kristelle D. Ducay Antas ng Grado at Seksyon: 7-Perseverance
Paaralan: Gatbo National High School Kwarter: Ikalawa
Petsa at Oras: Oktubre 11, 2019, 3:00-4:00 pm Asignatura: ESP 7
I. Layunin:
a. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
dignidad ng tao.
b. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga konkretong paraan
upang ipakita ang paggalang at pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit
na nangangailangan.
c. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman
ang kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa.
EsP7PTIIg-8.1
II. Nilalaman:
Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAO
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
III. Mga Kagamitan sa Pagtuturo:
a. Sanggunian:
b. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
c. Mga pahina sa Kagamitang pang Mag-aaral:
d. Mga Pahina ng Teksbuk
e. Iba pang Kagamitan=
IV. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paunanang Gawain:
“Magandang hapon, class!” “Magandang hapon naman po sainyo,
Ma’am!”
“Magsipagtayo po tayo para sa panalangin.”
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral na (Pangungunahan ng piling estudyante ang
mangunguna sa panalangin.) panalangin.)
“Pakipulot po ang mga basura sa ilalim at (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga
palibot ng inyong mga upuan. Magsiupo na basura’t itatapon sa basurahan.)
po ng maayos.”
“Pakitaas po ng inyong kamay kapag tinawag
ko ang inyong pangalan.” (Tatawagin isa-isa
ng guro ang mga pangalan ng estudyante.)
Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin:
(Balikan ang mahahalagang konseptong
natutunan sa Kalayaan.)
“Kailan masasabing ang tao ay ganap na (Magbabahagi ang mga mag-aaral ng
Malaya?” kanilang natutunan sa nakaraang aralin.)
(Bigyan ng limang puntos ang mag-aaral na
makakapagbigay ng magandang kasagutan
sa ibinigay na katanungan.)
Paghahabi sa Layuni ng Aralin:
(Ipabasa ang mga Layunin ng Aralin)
a. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa dignidad ng tao.
b. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
konkretong paraan upang ipakita ang
paggalang at pagmamalasakit sa mga
taong kapus-palad o higit na
nangangailangan.
c. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Nakikilala na may dignidad ang bawat
tao anoman ang kanyang kalagayang
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon,
relihiyon at iba pa. EsP7PTIIg-8.1
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
Aralin:
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Gawain 1:
1. Gamit ang laptop at projector, ipakita
ang mga larawan ng pulubi, taong-
grasa, may Down syndrome, at
manager. Ipabasa sa mga mag-aaral
ang inihandang paglalarawan para sa
bawat isa nito.
(Integrasyon sa Science: “Trivia: Alam
niyo bang ang Down Syndrome ay…..)
2. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Madalas na Katawagan sa kanila
ng mga tao
b. Ang iiyong damdamin kapag
nakakakita ka ng mga tao na tulad
niya sa kalye
c. Paraan ng pakikitungo sa kanila
ng mga tao
(Magtawag ng ilang mag-aaral upang
magbahagi ng kani-kanilang sagot.)
“Ano ang maaaring dahilan kung bakit iba-iba
(Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kani-
ang iyong pakikitungo sa iba’t ibang uri ng
kanilang opinion.)
tao?”
(Bigyan ng limang puntos ang mag-aaral na
makakapagbigay ng kasagutan)