Acknowledgements
Education Development Center (EDC) would like to thank the staff of the USAID Opportunity 2.0
Program, Philippines local team, and the DepEd Alternative Learning System Task Force, whose
invaluable insights guided the development of this Learner’s Guidebook.
As part of the Journey to Self-Reliance, the education system of DepEd ALS will be strengthened to
reach vulnerable out-of-school youth through providing them with second chance education so that
learners are better equipped with the soft and leadership skills they need to excel in further education
and training.
© 2022 Education Development Center, Inc.
This content may not be produced without the permission of Education Development Center or the
United States Agency for International Development.
This curriculum is made possible by the generous support of the American people through the United
Stets Agency for International Development (USAID). The contents are the responsibility of Education
Development Center, Inc and do not necessarily reflect the views of USAID or the United States
Government.
LISTAHAN NG MAHAHALAGANG TERMINOLOHIYA
Gamitin ang espasyong ito upang isulat
Terminolohiya Kahulugan ang mahahalagang impormasyon
tungkol sa terminolohiyang ito.
ALS Alternative Learning System
CHED Commission on Higher Education
DepEd Department of Education
Direktang Bayarin Mga bayarin na direktang ibinabayad
sa mga paaralan, tulad ng tuition fee
ETEEAP Expanded Tertiary Education
Equivalency and Accreditation
Program
Hindi Direktang Mga bayarin na hindi direktang
Bayarin ibinabayad sa mga paaralan ngunit
nakaaapekto sa kabuuang bayarin sa
pag-aaral
LGU Local Government Unit o lokal na
pamahalaan
PEAC Private Education Assistance
Committee
SHS Senior High School
HERO: Higher-level Education or Training Readiness Orientation 1
Gamitin ang espasyong ito upang isulat
Terminolohiya Kahulugan ang mahahalagang impormasyon
tungkol sa terminolohiyang ito.
SHS Voucher Ang tulong pinansiyal para sa mga
nais mag-aral ng Senior High School
sa mga pribadong paaralan
TESDA Technical Education and Skills
Development Authority
TVET Technical Vocational Education and
Training
UNIFAST Unified Student Financial Assistance
System for Tertiary Education
Magdagdag pa ng Gamitin ang espasyong ito upang isulat
mahahalagang Kahulugan ang mahahalagang impormasyon
terminolohiya dito tungkol sa terminolohiyang ito.
HERO: Higher-level Education or Training Readiness Orientation 2
Ang HERO ay isinasagawa pagkatapos ng Pathways Orientation for the Youth kung saan matutukoy mo
kung nais mong pumunta sa pag-aaral, pagtatrabaho, o pagnenegosyo. Kung pinili mong tahakin ang
landas tungo sa patuloy na pag-aaral, inihahandog namin sa iyo ang HERO, o ang Higher-level Education or
Training Readiness Orientation. Makikita sa flow chart sa ibaba kung nasaan ang HERO, at kung paano ka
makatutuloy sa iba’t ibang activities ng USAID Opportunity 2.0. Muli, hangad namin ang pag-alalay sa iyo
tungo sa pangalawang pagkakataon!
HERO: Higher-level Education or Training Readiness Orientation 3
Ano ang HERO? Ang HERO ang activity ng USAID Opportunity 2.0 na magbibigay sa iyo ng
impormasyon tungo sa patuloy na pag-aaral. Dahil sa HERO, masasagot ang iyong
mga tanong tungkol sa pamimili ng education program na nais mong puntahan, mapili
ang mga paaralang nais mong pasukan, masagot ang iyong mga tanong tungkol sa
libreng pag-aaral, at maihanda ang mga dokumentong kakailanganin upang ganap
kang makapag-enroll sa patuloy na pag-aaral. Higit sa lahat, dahil sa HERO, magiging
mas handa ka para ituloy mo ang iyong pag-aaral.
Ano ang HERO Upang maging matagumpay ka sa HERO, kailangan mong ma-accomplish ang anim na
Missions? HERO Missions. Nakalista sa ibaba ang anim na HERO Missions:
Sino ang mga HEROES?
Sa Mission na ito, sasagutin at aalamin natin kung sino nga ba ang
Page
1 mga HEROES natin. Malalaman mo rin kung aling landas tungo sa
patuloy na pag-aaral ang iyong tatahakin, kasama ang iyong mga 6-15
ka-HERO.
Bakit nais mong magpatuloy sa pag-aaral?
Sa Mission 2, mas lalaliman natin ang ating pag-alam kung bakit Page
2 nais mong mag-aral muli - para saan, at para kanino. Makahihingi 16-19
rin tayo ng “words of encouragement” mula sa ating mga ka-HERO.
Paano mo mababayaran ang iyong pag-aaral?
Sa Mission na ito, malalaman natin kung paano tayo makakapag- Page
3 aral nang libre, at kung ano ano ang mga scholarship or student 20-27
financial assistance programs na pwede mong applyan.
Ano ang maaari mong aralin?
Sa Mission 4, aalamin natin kung ano ang mga maaari mong aralin,
Page
4 at kung paano ka makakapunta sa iba’t ibang antas ng patuloy na 28-32
pag-aaral.
Saan ka pwedeng mag-aral?
Dito natin makikilala ang iba’t ibang uri ng paaralan na maaari Page
5 mong puntahan, at kung paano ito makakaapekto sa uri ng 33-35
pagpopondo na maaari mong applyan.
Maghanda na!
Dito natin aalamin ang mga dokumentong kailangan mong isubmit, Page
6 habang inaalam din natin kung ano ang mga tips and tricks upang 36-50
mas maging handa ka para sa iyong pag-aaral.
HERO: Higher-level Education or Training Readiness Orientation 4
Gaano katagal Kakailanganin namin ang iyong buong dalawang araw ng dedikasyon upang
ang HERO? matapos mo ang HERO. Kakailanganin natin ng halos walong oras kada araw upang
maisagawa ang mga assigned HERO Missions.
DAY ONE HERO Missions 1, 2, and 3
DAY TWO HERO Missions 4, 5, and 6
.
Sino ang Ang mga sumusunod ang maaaring sumali sa HERO:
pwedeng sumali 1. Completers ng Alternative Learning System (ALS) Junior High School level
sa HERO? 2. Completers ng Junior High School Grade 10
3. Completers ng Technical Vocational Education and Training ng TESDA
4. High School Graduates (nakatapos ng old high school curriculum, formal Senior
High School Grade 12, o ALS Senior High School)
5. Mga hindi nakatapos ng pag-aaral mula SHS o College
Ano ang mga Sa huli, ninanais ng ating programa na ikaw ay maging:
layunin ng HERO? 1. Mas handa papunta sa patuloy na pag-aaral
2. Mas maalam kung paano ka makararating sa iba’t ibang higher-level education
opportunities, at kung paano mo ito magagawa sa tulong ng patatrabaho o
pagnenegosyo
3. Mas empowered na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral, kasama ng pagbibigay
inspirasyon sa iyong mga ka-HERO
Paano kung Sa mga pagkakataong marami ka pang nais malaman tungkol sa patuloy na pag-aaral,
natapos mo na iniimbitahan ka namin na sumali sa iba pang activities ng HERO. Magsasagawa tayo
ang dalawang ng adisyunal na half-day HERO Plus Activity, kung saan maaari kang makakuha ng
araw ng HERO at adisyunal na kasagutan tungkol sa (a) Senior High School, (b) Technical Vocational
marami ka pang Education and Training, o (c) Kolehiyo.
tanong tungkol sa
patuloy na pag- Kung paano, malalaman mo ito sa mga susunod na pahina!
aaral?
Kung ready ka na, sagutin ang tanong sa ibaba:
Ano ang iyong superhero name at ano ang iyong superpower?
HERO: Higher-level Education or Training Readiness Orientation 5
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES?
Mga Layunin Sa pagtatapos ng HERO Mission 1, ninanais naming magawa mo ang mga sumusunod:
Maipaliwanag kung ano ang HERO gamit ang sariling salita
Mapili kung aling grupo ang nais salihan: (a) Senior High School, (b) Technical
Vocational Education and Training; (c) College
Sumali sa isang HERO Squad at makipagtulungan sa mga kapwa ka-HERO upang
sagutin ang mga tanong tungkol sa patuloy na pag-aaral
Sagutan ang HERO Pre-Test
ACTIVITY 1.1: Pamimili ng HERO Squads
1. Ako ay: 2. Sa loob ng anim na buwan, nais ko at kaya
A. Tapos na ng Grade 10 o ALS Junior High School, kong:
ngunit hindi pa nakakatapos ng SHS at nais A. Makatuntong sa SHS
kong makapagtapos ng SHS B. Makapagsimulang mag-aral ng TESDA course
B. Tapos na ng Grade 10, ALS JHS, o naka-graduate C. Makatuntong sa kolehiyo
na ng high school, at nagnanais na makakuha
ng skills certification mula sa TESDA 3. Sa loob ng anim na buwan, nakikita ko ang
C. Tapos na ng Senior High School o naka- sarili kong:
graduate na ng high school, at nagnanais na A. Makipag-usap sa aking mga kaibigan tungkol sa
makatuntong sa college SHS
B. Mahikayat ang iba na mag-aral ng TESDA
Program
C. Makatulong sa pagbibigay ng impormasyon
tungkol sa pagkokolehiyo
Sino ang Nakatapos na ng Grade 10
maaaring Nakatapos ng ALS Junior High School
pumunta sa Nakapasa na sa ALS Accreditation and Equivalency Exam para sa ALS Junior High
Senior High School, at may Certificate of Rating nang nagsasabing maaari nang pumunta sa SHS
School? Nakatuntong na sa SHS ngunit hindi pa naka-graduate ng high school, at wala pang
HS diploma
Nakagraduate na mula old HS curriculum ngunit nais mag-enroll sa SHS
Naghihintay para sa panibagong run ng ALS A&E Exam, at ninanais nang maghanda
papuntang SHS
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 6
Sino ang Ayon sa mga polisiya at patakaran ng Department of Education at ng ibang ahensya,
maaaring ang mga sumusunod ang maaaring tumuloy sa SHS:
pumunta sa ✓ Grade 10 Completer (DepEd Order No. 3, s. 2018)
Senior High ✓ Philippine Educational Placement Test (PEPT) Passer or A&E Test Passer (DepEd
School? Order No. 3, s. 2018; DepEd Order No. 25, s. 2016)
(continuation) ✓ OPTIONAL: HS Graduates of the old Basic Education Curriculum may enroll in SHS
in lieu of the Bridging Program (DepEd Order No. 27, s 2018; DepEd Order No. 25, s.
2016), but are not required to go to SHS (CHED Memo from the Chair Nov 18, 2020)
Sino ang Ang mga inirerekomendang pumunta sa grupo ng
maaaring HERO for Upskilling and Multiskilling ay ang mga:
pumunta sa Kasalukuyang nag-aaral ng TVET courses sa alinmang Technical Vocational
Technical Institutions o TESDA Technology Institution at nais pang palawakin ng kakayanan
Vocational upang maging mas handa sa trabaho o negosyo
Education and Nakatapos na ng high school mula old HS curriculum o mula SHS, na nagnanais na
Training? matuto pa ng karagdagang skills, ngunit hindi pa handang magkolehiyo
Nakatapos na ng Grade 10 o ng JHS-level ng ALS, ngunit hindi pa handang
tumuntong sa SHS
Ayon sa mga polisiya at patakaran ng Technical Education and Skills Development
Authority at ng ibang ahensya, ang mga sumusunod ang maaaring tumuloy sa TVET:
Passers of previous ALS A&E Test HS Level (Nov 2017, Mar 2018, 2019) may take
skills development training programs (DepEd Order No. 27, s. 2018)
For those who wish to avail of TESDA Scholarships (TESDA Circular No. 11, s. 2020)
o For Training for Work Scholarship Program, at least 18 yrs old by end of
program
o For Special Training for Employment Program and Private Education Student
Financial Assistance, at least 15 yrs old at start of program
o For PESFA, must be at least HS Graduate / Completer
o For Universal Access to Quality Tertiary Education, at least 10 yrs basic
education, ALS Graduates
Sino ang Ang mga inirerekomendang pumunta sa grupo ng
maaaring HERO for College ay ang mga:
pumunta sa ❑ Nakagraduate ng high school (maaaring mula old HS curriculum o SHS Graduate) at
College? handa at interesadong tumuntong sa college
❑ Nakatapos na ng ALS SHS program, at mayroon nang Certificate of Completion na
nagsasabing handa nang pumunta sa college
❑ Nakatuntong na sa college, ngunit hindi pa nakakagraduate at hindi pa nakakakuha
ng college degree
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 7
Sino ang Ayon sa mga polisiya at patakaran ng Commission on Higher Education, ang mga
maaaring sumusunod ang maaaring tumuloy sa college:
pumunta sa All graduates of the old Basic Education Curriculum (CHED Memo from the Chair,
College? November 18, 2020)
(continuation) All Grade 12 graduates, regardless of the Track or Strand taken in SHS (CHED Memo
from the Chair, November 18, 2020)
Passers of the previous ALS Accreditation and Equivalency Tests at HS Level
(November 2017, March 2018, and 2019) (CHED Memorandum Order No. 10 s. 2018)
(DepEd Order No. 27 s. 2018)
NAKAPILI KA NA BA KUNG ANONG HERO SQUAD ANG NAIS MONG SALIHAN?
Ang HERO Squad na nais kong salihan ay ang
________________________________________________________________.
PAALALA: Isulat sa iyong HERO Notebook ang dalawang bagay na iyong natutunan mula sa
araw na ito, at magsulat din ng isang tanong na nais mong masagot sa susunod na Mission.
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 8
PANUTO: LAHAT NG HERO YOUTH AY KAILANGANG SAGUTIN ANG PAGE 9.
NAME SITE
AGE GENDER DATE
PART ONE: ABOUT HERO AND FURTHER EDUCATION AND TRAINING
1 Alin sa mga sumusunod ang sinisiguradong mangyayari pagkatapos mong daanan ang
HERO o Higher-level Education o Training Readiness Orientation?
A. Magkakaroon ka ng scholarship
B. Agaran kang makakapasok sa Senior High School, TechVoc, o College
C. Makakakuha ka ng diploma pagkatapos ng orientation
D. Magiging mas handa ka sa patuloy na pag-aaral
2 Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng HERO?
A. Magiging mas handa papunta sa patuloy na pag-aaral
B. Gawin kang mas matagumpay sa pagtatayo ng sariling trabaho o negosyo
C. Magiging mas maalam kung paano ka makararating sa iba’t ibang higher-level education
opportunities
D. Magiging mas empowered na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral, kasama ng pagbibigay
inspirasyon sa iyong mga ka-HERO
3 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa pagpunta sa Senior High School?
A. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos na ng college
B. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos ng ALS Elementary
C. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos ng ALS Junior High School
D. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos ng ALS Senior High School
4 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa pagpunta sa Technical Vocational
Education and Training (TVET)?
A. Maaari kang kumuha ng mas mataas na National Certification-level pagkatapos mong
makakuha ng isang NC sa kaparehong programa
B. Hindi ka maaaring kumuha ng iba’t ibang TechVoc skills o kumuha ng samu’t saring
TechVoc skills mula sa ibang programa
C. Kailangang bayaran nang buo ang iyong pag-aaral sa TechVoc
D. Kung nais mong mag-aral ng TESDA Scholarships, mangyaring lumapit sa DepEd.
5 Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO tungkol sa pagpunta sa College?
A. Maaaring pumasok sa kolehiyo ang mga nakagraduate na ng high school
B. Tipikal na mas mahaba ang panahon na kakailanganin upang makatapos ng isang college
degree kaysa makatapos ng isang TESDA Course.
C. Ang isang estudyante nakatapos ng kolehiyo ay maaaring tumuloy sa pagtatrabaho,
pagnenegosyo o sa patuloy pang pag-aaral.
D. Hindi nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan para sa mga estudyanteng nais mag-
aral sa kolehiyo.
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 9
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL.
PART TWO (A): SENIOR HIGH SCHOOL
1 Bukod sa ALS Completers, sino sa mga sumusunod ang ipinapayong tumuloy sa SHS?
A. Mga papasok palang ng ALS
B. Mga nakatapos na ng Grade 10
C. Mga nakatapos na ng SHS
D. Mga nakatuntong na ng kolehiyo ngunit hindi pa nakakagraduate ng college
2 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TOTOO patungkol sa SHS Voucher
Program?
A. Ang SHS Voucher Program ay pinamamahalaan ng Private Education Assistance
Committee.
B. Kailangang mag-apply ng ating mga estudyante sa SHS Voucher Program kung nais nilang
mag-aral sa Public School.
C. Kasama sa voucher ang pambili ng uniporme at sapatos ng mag-aaral.
D. Hindi na kailangang mag-apply sa SHS Voucher Program kung nais nilang mag-aral sa
pribadong SHS.
3 Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO patungkol sa pagkuha ng SHS Track?
A. Nakatutulong ang SHS upang maging handa ka sa mundo ng trabaho, kolehiyo o negosyo.
B. Kapag mayroon kang SHS Diploma ay magiging mas competitive ka sa pag-apply ng
trabaho.
C. Anuman ang kunin mong SHS Track ay magiging handa ka sa anumang College Degree na
nais mong kunin.
D. Nakadepende sa iyong pipiliing SHS Track kung aling College Degree ang maaari mo
lamang kunin.
4 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TOTOO?
A. Kailangan mag-SHS ng ating mga estudyante dahil ito lang ang dahilan upang magkaroon
sila ng trabaho.
B. Kailangang kailangang mag-SHS ng ating mga estudyante upang maging matagumpay sa
buhay.
C. Kailangang makatapos ng high school ang sinumang nais tumuloy sa kolehiyo.
D. Tanging mga mag-aaral lamang na papasok ng public SHS ang tutulungan nggobyerno
5 Alin sa mga sumusunod ang siguradong LIBRE at HINDI KAILANGANG bayaran ng ating
mga estudyante kung nais nilang pumasok sa isang pampublikong SHS?
A. Laptop o tablet
B. Pang-araw araw na baon
C. Sapatos at uniporme
D. Tuition fee
6 Kung may pagkakataong hindi available sa pampublikong SHS ang nais nilang SHS Track,
alin sa mga sumusunod ang ipinapayo nating gawin ng ating mga estudyante?
A. Huwag nalang magpatuloy ng pag-aaral sa SHS.
B. Mag-ipon ng pambayad sa Tuition Fee papunta sa malapit na pribadong SHS.
C. Ikonsiderang kunin ang anumang SHS Track na ini-offer sa malapit na public SHS.
D. Maghintay ng ilang taon hanggang maging available ang ninanais na SHS Track sa
pinakamalapit na public SHS.
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 10
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL.
PART TWO (A): SENIOR HIGH SCHOOL
7 Aling dokumento ang nagpapatunay ng kumpletong pangalan ng ating mga estudyante,
pangalan ng ama at ina, at petsa ng kanilang kapanganakan?
A. Certified Birth Certificate
B. Certificate of Completion
C. Certificate of Rating
D. Certificate of Indigency
8 Saan maaring makita ang mga paaralan na nag-ooffer ng libreng SHS at mga tracks nito?
A. TESDA Website
B. CHED website
C. DepEd Website
D. Website ng Lokal na Pamahalaan
9 Alin sa mga sumusunod ang Apat na SHS Tracks?
A. STEM, ABM, HUMSS, GAS
B. Academic, Technical-Vocational-Livelihood, Sports, Arts and Design
C. Home Economics, ICT, AgriFisheries, Industrial Arts
D. STEM, ABM, Academic, Technical-Vocational-Livelihood
10 Ang mga nakatapos ng SHS ay maaaring:
A. Magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo
B. Magtayo ng sariling negosyo
C. Magtrabaho sa iba’t ibang industriya
D. Lahat ng nabanggit
Isulat dito ang mga nais matutunan sa HERO:
- END OF HERO (SENIOR HIGH SCHOOL) PRETEST -
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 11
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG TVET.
PART TWO (B): TECHNICAL VOCATIONAL EDUCATION AND TRAINING (TVET)
1 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI tungkol sa pagkuha ng TESDA
courses?
A. Tipikal na mas mahaba ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
ng isang college degree kaysa makatapos ng isang TESDA course.
B. Karaniwang mas maikli ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
mula sa SHS kaysa makatapos ng isang TESDA course.
C. Ang isang estudyanteng nakatapos ng TESDA National Certificate ay maaaring pumunta sa
mundo ng trabaho at negosyo.
2 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA tungkol sa TESDA Scholarships?
A. Libre ang pag-aaral ng TVET sa mga pampublikong TESDA
B. Bagamat libre ang tuition and school fees sa pag-aaral sa TechVoc Institutions, hindi
kabilang sa mga pwede kumuha nito ang mga out-of-school youth.
C. Ang scholarships ay available lamang sa formal o higher education sa kolehiyo. Kung
kukuha ka ng TechVoc, kailangan mong bayaran ang iyong tuition fees.
D. Ang mga scholarships ay available lamang sa public TESDA Technology Institutions. May
bayad ang pag-aaral sa mga pribadong Tech Voc Institutions.
3 Sino sa mga sumusunod ang maaaring tumuloy sa TVET?
A. Kasalukuyang nag-aaral ng TVET courses sa alinmang Technical Vocational Institutions
(TVIs) o TESDA Technology Institutions (TTIs), at nais pang palawakin ang kakayanan
upang maging mas handa sa trabaho o negosyo
B. Nakatapos na ng high school mula old HS curriculum o mula SHS, na nagnanais na matuto
pa ng karagdagang skills, ngunit hindi pa handang magkolehiyo
C. Nakatapos na ng Grade 10 o ng JHS-level ng ALS, ngunit hindi pa handang tumuntong sa
SHS
D. Lahat ng nabanggit
4 Kailan maaaring kumuha o pumasok sa isang TESDA Course?
A. Pagkatapos ng Grade 4
B. Pagkatapos ng ALS Elementary
C. Pagkatapos ng Junior High School
D. Pagtuntong ng 14 years old
5 Alin sa mga sumusunod HINDI kabilang sa mga Priority Sectors ng TESDA?
A. Tourism, Hotels and Restaurants
B. Transport, Communication and Storage
C. Health, Wellness and Other Social Services
D. Accountancy, Business and Management
6 Alin ang TOTOO tungkol sa Upskilling at Multiskilling?
A. Ang Upskilling ay ang paraan upang mas mahasa pa ang kasanayan ng isang tao sa
pamamagitan ng pagkumpleto ng requirement sa mas mataas na National Certification Level
sa kaparehong TESDA Program.
B. Ang Multiskilling ang pagsasanay ng isang manggagawa sa iba’t ibang TechVoc Skills at
pagkuha ng iba’t ibang National Certification Level mula sa samu’t saring TESDA Programs.
C. Parehong totoo ang A at B.
D. Walang tamang pangungusap sa nabanggit. Mali ang A, B at C.
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 12
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG TVET.
PART TWO (B): TECHNICAL VOCATIONAL EDUCATION AND TRAINING (TVET)
7 Alin naman sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI tungkol sa mga paaralang
nag-offer ng TVET?
A. Ang mga pampublikong TESDA Schools ay tinatawag na “Technical Vocational Institutions”
o TVIs
B. Ang TESDA Technology Institutions naman ang mga paaralang pinapamahalaan ng TESDA.
C. Sa mga TESDA Technology Institutions, automatic nang libre ang iyong pag-aaral.
D. Napakaraming TESDA Scholarships ang handog sa Technical Vocational Institutions.
8 Saan maaring makita ang mga institusyon na nag-offer ng TVET?
A. CHED website
B. DepEd Website
C. TESDA Website
D. Website ng Lokal na Pamahalaan
9 Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga benepisyong mararanasan ng isang
National Certificate-holder?
A. Quality assurance in terms of skills, knowledge, attitudes, and values relevant to the
industry-based competencies
B. Able to fire someone from work without any reasons
C. More opportunity for higher-paying jobs
D. Higher employability rate
10 Bakit mahalaga ang mag-upskill o mag-multiskill gamit ang TVET?
A. Upang maging mas sigurado na magkaroon ng trabaho
B. Upang matuto ng 21st Century Skills
C. Upang maging handa sa nagbabagong mundo ng pagtatrabaho
D. Lahat ng nabanggit
Isulat dito ang mga nais matutunan sa HERO:
- END OF HERO (TVET) PRETEST -
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 13
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG KOLEHIYO.
PART TWO (C): COLLEGE
1 Ang mga sumusunod ay inirerekomendang tumuloy sa kolehiyo, maliban sa:
A. Nakagraduate ng high school (maaaring mula old HS curriculum o SHS Graduate) at handa
at interesadong tumuntong sa college
B. Nakapagtapos ng ALS JHS program, at mayroon nang Certificate of Completion na
nagpapatotoo sa pagtatapos ng JHS-level
C. Nakatapos na ng ALS SHS program, at mayroon nang Certificate of Completion na
nagsasabing handa nang pumunta sa college
D. Nakatuntong na sa college, ngunit hindi pa nakakagraduate at hindi pa nakakakuha ng
college degree
2 Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa college-level scholarships?
A. Karapatan mo ang libreng tuition fee, higit lalo sa mga pampublikong higher education
institutions (HEIs).
B. Ang tution fee ay automatic nang libre sa alinmang pribadong HEI na nais mong puntahan.
C. Mangyaring lumapit sa DepEd upang malaman ang iba’t ibang college-level scholarships,
higit lalo sa mga pribadong HEIs.
D. Kung maaaring wala pang naipong pera patungo sa pribadong kolehiyo, mainam na huwag
na lamang tangkain na tumungo sa mga pampublikong kolehiyo.
3 Alin sa mga sumusunod ang maaari mong lapitan upang makahingi ng dagdag na impormasyon
tungkol sa college-level scholarships?
A. Commission on Higher Education
B. Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education
C. Mismong kolehiyo o pamantasan na nais puntahan
D. Lahat ng nabanggit
4 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa college degrees?
A. Karaniwang mas maikli ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
ng isang college degree kaysa makatapos ng Senior High School diploma.
B. Kung nais tumuloy ng isang mag-aaral sa kolehiyo, hindi mo kailangan ng isang high school
diploma.
C. Tipikal na mas mahaba ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
ng isang college degree kaysa makatapos ng isang TESDA course.
5 Alin sa mga sumusunod na kataga ang inilalarawan sa pangungusap na ito “Ito ay ang post-
secondary study na tinatapos sa loob ng isa hanggang dalawang taon, na nagpapatuloy sa
pagkuha ng isang associate diploma o certificate.”
A. College Units
B. College degree
C. Baccalaureate
D. Pre-Baccalaureate
6 Sino sa mga sumusunod ang maaaring pumasok sa ETEEAP (Expanded Tertiary Education
Equivalency and Accreditation Program)?
A. Nakatapos ng Grade 6, o passers ng ALS Accreditation and Equivalency Assessment
B. Filipino citizen, na at least 35 years old
C. Filipino citizen, at hindi pa nakakatapos ng alinmang bachelor’s degree
D. Dapat ay nagtrabaho sa loob ng 10 taon sa industriyang nais kuhanan ng academic degree
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 14
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG KOLEHIYO.
PART TWO (C): COLLEGE
7 Ano ang pinakatamang kahulugan ng ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and
Accreditation Program)?
A. Ito ang programa ng CHED na naglalayong i-assess, i-validate, at bigyang halaga ang
formal, non-formal, at informal na training at relevant work experience bilang undergraduate
level units.
B. Ito ang programa ng CHED na naglalayong gawing work units ang nakuhang bachelor’s
degree upang maging handa ang isang indibidwal tungo sa pagtatrabaho.
C. Ito ang programa ng CHED na naglalayong gawing entrepreneurial units ang nakuhang
bachelor’s degree upang maging eligible ang isang tao tungo sa pagtatayo ng sariling
negosyo.
D. Ito ang programa ng CHED na mas magpapadali sa isang tao na kumuha ng master’s at
doctorate degree, sa proseso ng pagpapaikli ng post-baccalaureate units.
8 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa mga paaralang naghahandog ng college
degrees?
A. Ang mga pribadong higher education institutions (HEIs) ay tinatawag na “state or local
universities and colleges”
B. Sa mga nais mag-aral sa private HEIs, automatic nang libre ang iyong tuition and other
school fees. Sagot na ito ng CHED at ng UNIFAST.
C. Bukod sa Tertiary Education Subsidy na handog ng CHED, marami ring national level / city
level o school-based scholarships na pwede mong applyan upang makapasok sa private
HEIs.
D. Mangyaring lumapit sa DepEd at sa TESDA upang malaman pa ang iba’t ibang college-level
scholarships.
9 Ang mga sumusunod ay tipikal na inihahanda upang mag-enroll papuntang kolehiyo, maliban sa:
A. Original or Certified True Copy of Form 137 / ALS Form 5
B. Proof of Financial Means of Parents / Guardian
C. Original Copy of NSO Birth Certificate
D. Accomplished Application Form
10 Saan maaring makita ang mga institusyon na nag-offer ng college degrees?
A. DepEd Website
B. TESDA Website
C. DOST Website
D. CHED website
Isulat dito ang mga nais matutunan sa HERO:
- END OF HERO (COLLEGE) PRETEST -
HERO Mission 1: SINO ANG MGA HEROES? 15
HERO Mission 2: BAKIT NAIS MONG MAGPATULOY SA PAG-AARAL?
Mga Layunin Sa pagtatapos ng HERO Mission 2, ninanais naming magawa mo ang mga sumusunod:
Magbigay ng sagot kung bakit nais mong ipagpatuloy ang iyong pag-aaral, at
maipamahagi ang sagot sa mga ka-HERO
Makatukoy ng iba’t ibang hamon na kinakaharap patungkol sa patuloy na pag-aaral,
at makapagbigay ng iba’t ibang suhestyon kung paano matutugunan ang mga hamon
na ito
Maipaliwanag ang HERO Mindset gamit ang sariling salita
Importanteng Bilang isang HERO Youth, ikaw ay:
Paalala: Ikaw 1. Kabilang sa populasyon na nasa 15-24 yrs old, at kasama sa henerasyon ng mga GenZ
ay isang HERO 2. May “competitive spirit” at nais nilang maging independent
Youth! Totoo 3. Considered na mga “digital natives”, at likas sa kanila ang pagiging magaling sa mga
ba ang mga makabagong teknolohiya
nakalista sa 4. May kapasidad silang magmulti-task
kabilang 5. May likas na creativity, entrepreneurial mindset, grit at resilience
kolum?
Kabilang daw sa mga tipikal na hamon na kinakaharap ng HERO Youth patungkol sa
patuloy na pag-aaral ay ang mga sumusunod:
1. 49.5% - Financial Problems
2. 29.3% - Time constraints
3. 11.1% - Family priorities
Ilan pa sa mga sumusunod na hamon ay:
a. Technological challenges (ie slow internet; lacks gadget/mobile phone)
b. Lack of proper guidance
c. Lack of parental support
ACTIVITY 2.1: Ano ang iyong pananaw tungkol sa mga nakasulat sa itaas? Alin dito ang
totoo sa iyo, at alin naman ang hindi?
HERO Mission 2: BAKIT NAIS MONG MAGPATULOY SA PAG-AARAL? 16
ACTIVITY 2.2. BIYAHERO! Let’s Go!
Sagutin ang mga katanungan sa BIYAHERO! Let’s Go! Worksheet upang mailahad ang iyong mga kadahilanan sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral. Maaari ka
ring gumamit ng karagdagang papel kung maaaring hindi kasya ang iyong mga sagot sa bawat tanong.
HERO Mission 2: BAKIT NAIS MONG MAGPATULOY SA PAG-AARAL? 17
Ang HERO Mindset
Kilalanin natin Ang HERO Mindset ay ang ating paniniwala na ang lahat ng tao, anuman ang kanilang
ang HERO estado sa buhay, ay maaaring makapunta sa higher-level education pathway na nais
Mindset niyang puntahan. Gamit ang HERO Mindset, kailangan nating maintindihan na may mga
kinakaharap na hamon ang mga HERO Youth na ating tinutugunan.
Gamit ang HERO Mindset, nagagawa natin ang dalawang hakbang na ito:
1. Bigyang suporta ang ating mga kabataan papuntang higher-level education, gamit
ang pagpapalakas ng kanilang mga kalakasan
2. Bigyang suporta ang ating mga kabataan papuntang higher-level education, gamit
ang pagbibigay ng “empathy” sa mga hamon at sitwasyon na kanilang kinakaharap
ACTIVITY 2.3: INSPIRATIONAL MESSAGES
Magsulat ng dalawang maikling inspirational messages para sa iyong sarili. Maaaring ito ang mga
pangungusap na gustong gusto mong marinig. Siguraduhing ang bawat pangungusap ay ‘di lalampas
sa walong salita.
HERO Mission 2: BAKIT NAIS MONG MAGPATULOY SA PAG-AARAL? 18
REFLECTION: Isulat dito ang mga bagay na natutunan o mga katanungan tungkol sa
HERO Mission 2: Bakit nais mong magpatuloy sa pag-aaral?
HERO Mission 2: BAKIT NAIS MONG MAGPATULOY SA PAG-AARAL? 19
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL?
Mga Layunin Sa pagtatapos ng HERO Mission 3, ninanais naming magawa mo ang mga sumusunod:
Alamin ang pagkakaiba ng direkta at hindi direktanong bayarin patungkol sa
pagpapatuloy ng iyong pag-aaral
Makilala ang iba’t ibang ahensya na maaaring tumulong sa iyo upang matustusan ang
mga direkta at hindi direktang bayarin sa pag-aaral
Magbahagi ng impormasyon sa iyong mga ka-HERO patungkol sa mga scholarships
at iba pang financial assistance programs upang mapagpatuloy ang inyong pag-aaral
ACTIVITY 3.1: Isulat sa kahon ang mga bagay na kailangang bayaran para sa patuloy na pag-
aaral.
Ang Dalawang Uri ng Bayarin
DIREKTANG BAYARIN
Ito ang mga bayarin na direktang binabayaran sa paaralan upang ikaw ay
makapag-aral. (Halimbawa: Tuition fee)
HINDI DIREKTANG BAYARIN
Ito ang mga bayarin na hindi mo direktang binabayaran sa paaralan ngunit kailangan
ding pag-ipunan. (Halimbawa: Pamasahe, pambaon, pang-proyekto, pang-internet)
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 20
Bilang isang Pilipino, karapatan mo ang
LIBRENG PAG-AARAL sa PAMPUBLIKONG PAARALAN.
LEVEL BATAS FOR MORE INFO
SENIOR Ayon sa Republic Act 9155 “It is hereby declared the policy of the Para sa karagdagang
HIGH State to protect and promote the right of all citizens to quality impormasyon, lumapit
SCHOOL basic education and to make such education accessible to all by sa Department of
providing all Filipino children a free and compulsory education in Education (DepEd).
the elementary level and FREE EDUCATION IN THE HIGH
SCHOOL LEVEL. Such education shall also include alternative
learning systems for out-of-school youth and adult learners.”
TVET Ayon sa Republic Act 10931, “It is the policy of the state to protect Para sa karagdagang
and promote the rights of all students to quality education at all impormasyon, lumapit
levels.” sa Technical Education
and Skills
SECTION 5. FREE TVET IN POST-SECONDARY TVIS.
Development
All Filipino students who are currently enrolled, or shall enroll at
Authority (TESDA).
any time thereafter in any post-secondary TVET leading to
nondegree certificate or diploma programs offered by any state-
run TVI under TESDA shall be exempt from paying tuition and
other school fees.”
KOLEHIYO Libre din ang tuition fee ng mga estudyanteng nais mag-aral sa Para sa karagdagang
KOLEHIYO. Ayon sa Republic Act 10931 “All Filipino students impormasyon, lumapit
who are either currently enrolled at the time of the effectivity of sa Commission on
this Act, or shall enroll at any time thereafter, in courses in Higher Education
pursuance of a bachelor’s degree, certificate degree, or any (CHED).
comparable undergraduate degree IN ANY STATE OR LOCAL
UNIVERSITY OR COLLEGE (SUC OR LUC) SHALL BE EXEMPT
FROM PAYING TUITION AND OTHER SCHOOL FEES.”
Pumunta sa DepEd Website upang Pumunta sa TESDA Website upang Pumunta sa UNIFAST Website ng
makita ang listahan ng makita ang iba’t ibang TESDA CHED upang makita ang iba’t ibang
Senior High Schools Scholarships tertiary-level scholarships
bit.ly/K12SHSchools bit.ly/TESDAScholarships bit.ly/UniFASTScholarships
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 21
Nais kong mag-aral sa PRIBADONG PAARALAN.
Paano ito maaaring maging libre?
Mayroong tatlong paraan upang maging LIBRE ang DIREKTANG BAYARIN sa Pribadong Paaralan.
Saan ka man sa bansa, maaari kang makakuha ng tulong pinansiyal na ito, dahil
NATIONAL
mayroong public at private agencies na tutulong sa’yo para dito.
Maaari kang makakuha ng tulong pinansiyal na ito kung mayroong naghahandog na
CITY BASED
public o private agency sa inyong siyudad.
SCHOOL Maaari kang makakuha ng tulong pinansiyal na ito depende kung ino-offer ito ng private
BASED school na nais mong pasukan.
.
TYPE OF
SENIOR HIGH SCHOOL TVET COLLEGE
FUNDING
NATIONAL Lumapit sa DepEd at sa Lumapit sa TESDA. Lumapit sa CHED at sa
Private Education Napakaraming TESDA UNIFAST. Kung nais mo
Assistance Committee. Scholarships ang handog namang mag-aral ng college
Kung nais mong mag-aral sa sa’yo ng TESDA kung nais sa private HEIs, mayroong
private SHSs, mayroong mong mag-aral sa Tech-Voc Tertiary Education Subsidy
DepEd SHS Voucher Institutions (TVIs). na handog sa’yo ang CHED.
Program na nag-aabang
para sa’yo!
CITY BASED Lumapit sa LGU. Maaari Lumapit sa LGU. Maaari Lumapit sa LGU. Maaari
ring may handog na tulong ring may handog na tulong ring may handog na tulong
pinansiyal ang inyong lokal pinansiyal ang inyong lokal pinansiyal ang inyong lokal
na pamahalaan para sa na pamahalaan para sa na pamahalaan para sa
mga estudyanteng nais mga estudyanteng nais mga estudyanteng nais
mag-aral sa private SHSs. mag-aral sa private TVIs. mag-aral sa private HEIs.
SCHOOL Huwag mahiyang Huwag mahiyang Huwag mahiyang
BASED magtanong sa Private SHS. magtanong sa TVI. magtanong sa kolehiyo /
Kung sakaling hindi sapat Bukod sa TESDA, maaari ka unibersidad. Magtanong ng
ang halaga ng DepEd SHS ring magtanong sa paaralan iba pang paraan kung saan
Voucher, magtanong sa na nais mong pasukan. makakakuha ng subsidy /
private school na nais tulong pinansiyal upang
pasukan kung mayroong masagot ang iyong tuition
tulong pinansiyal para sa’yo. fee.
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 22
Iba-iba tayo ng ruta sa patuloy na pag-aaral.
Maaari kang magtayo ng sariling business o magtrabaho ng part-time
upang matustusan ang mga hindi direktang bayarin ng iyong pag-aaral.
Mangyaring lapitan ang EDC para sa “Be Your Own Boss” upang matutunan kung paano
ka makabubuo ng iyong sariling business. Ang mga naiipon mo gamit ang iyong sariling
business ay maaari mong gamitin para sa mga hindi direktang bayarin ng pag-aaral.
Mangyaring lapitan ang EDC para sa “Work Based Learning” upang matutunan kung
paano ka magiging handa papuntang trabaho. Ang mga naiipon mo gamit ang iyong
pagtatrabaho ay maaari mong ipunin habang naghahanda ka sa patuloy na pag-aaral.
.
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 23
ACTIVITY 3.2A: WORKSHEET PARA SA HERO FOR SENIOR HIGH SCHOOL SQUAD
TANONG SAGOT
Nais mag-aral ni Mario ng Grade 11 sa
isang pampublikong paaralan sa inyong
siyudad. Hanapan siya ng tatlong
paaralan na maaari niyang pasukan.
Nais mag-aral ni Rica, dating isang ALS
Student, sa isang pribadong SHS sa
inyong lungsod. Narinig din niya ang
balita tungkol sa “SHS Voucher Program.”
Maaari mo ba siyang tulungan na alamin
kung magkano ang tulong pinansiyal na
maihahandog sa kanya nito, at kung ano
ang prosesong kailangan niyang
pagdaanan upang makapag-apply sa SHS
Voucher Program? (Clue: I-check ang
website ng Private Education Assistance
Committee)
Ang kaibigan ni Rica na si Fatima ay nais
ding mag-aral ng SHS, ngunit hindi sapat
ang kinikita ng pamilya ng Fatima upang
siya’y makapag-aral. Naisip ni Fatima na
magtayo ng negosyo upang makatulong
sa kaniyang pag-aaral. Bigyan si Fatima
ng ilang suhestyon kung paano siya
makakapag-aral at kung ano ang
negosyong maaari niyang itayo.
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 24
ACTIVITY 3.2B: WORKSHEET PARA SA HERO FOR UPSKILLING AND MULTISKILLING SQUAD
TANONG SAGOT
Nais ni Eric na magtrabaho kaagad
pagkatapos niyang mag-aral ng isang
course sa TESDA. Hanapin ang
pinakamalapit na TESDA Technology
Institute sa inyong lugar kung saan
pwede mag-aral sa Eric, at alamin din
kung ano ang mga pwede niyang aralin
sa TTI na ito. (Clue: Ang TTI ay ang
pampublikong paaralan kung saan pwede
kang mag-aral ng TESDA Courses).
Nais mag-aral ni Bianca ng Bread and
Pastry, kahit pa ito ay ini-offer sa
pribadong Technical-Vocational
Institution (TVI). Alam ni Bianca na ang
TVI ay ang mga private schools na nag-
offer ng TESDA courses. Maghanap ng
tatlo hanggang limang TVI sa inyong
lugar na maaari mong irekomenda kay
Bianca.
Si Justin ang breadwinner ng kanilang
pamilya. Nais niya rin sanang mag-aral ng
TESDA Course ngunit hindi naman niya
maiwan ang pagtatrabaho bilang isang
construction worker. Ano ang maipapayo
mo kay Justin na nais mag-aral ng TESDA
Course ngunit nais ding ipagpatuloy ang
kaniyang pagaaral?
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 25
ACTIVITY 3.2C: WORKSHEET PARA SA HERO FOR COLLEGE SQUAD
TANONG SAGOT
Nakatapos si Abby ng high school mula
old high school curriculum noong 2015.
Nais niyang mag-aral sa pampublikong
pamantasan kung saan maaari siyang
maka-avail ng Free Higher Education.
Hanapan si Abby ng dalawa hanggang
tatlong HEI sa inyong lugar kung saan
pwedeng mag-aral si Abby.
Si Jeric naman ay nakatapos ng SHS
noong 2017. Naantala din ang kaniyang
pag-aaral dahil kinailangan niyang mag-
alaga ng kaniyang lola. Ngayong ready
na si Jeric na mag-kolehiyo, gusto niyang
mag-aral ng BS Engineering kahit pa ito
ay nasa isang pribadong kolehiyo.
Tulungan si Jeric na alamin kung ano ang
Tertiary Education Subsidy, at ano ang
mga pribilehiyo nito at ang proseso ng
pag-apply dito.
Si Jay ay isang aspiring college student
din. Bilang isang self-made man, nais
niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-
aaral, ngunit kailangan din niyang
magtrabaho. Bigyan ng payo si Jay kung
paano siya makakapag-aral ng BS
Nursing, habang siya ay kasalukuyang
nagtatrabaho sa isang call center
company.
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 26
REFLECTION: Isulat dito ang mga bagay na natutunan o mga katanungan tungkol sa
HERO Mission 3: Paano mo mababayaran ang iyong pag-aaral?
HERO Mission 3: PAANO MO MABABAYARAN ANG IYONG PAG-AARAL? 27
HERO Mission 4: ANO ANG MAAARI MONG ARALIN?
Mga Layunin Sa pagtatapos ng HERO Mission 4, ninanais naming magawa mo ang mga sumusunod:
Malaman ang koneksyon ng SHS, TVET at College-level education, at kung paano
makatutulay mula sa isang level papunta sa isa
Makagawa ng isang personal Learning Roadmap na gagabay sa sarili kung paano
makapagpapatuloy ng pag-aaral
SHS, TVET, o College: Ano nga ba ang mga ito?
HELLO, SHS!
Ang mga maaaring pumunta sa SENIOR HIGH SCHOOL ay ang mga estudyanteng nakatapos ng
(a) Formal Junior High School Grades 7-10, at ng (b) Alternative Learning System – Junior High School level.
Ang Senior High School ay:
Huling dalawang taon ng K-12 Program, na binubuo ng Grades 11 and 12 (Republic Act 10533)
Mayroong apat na SHS Tracks (Academic, TVL, Sports, Arts and Design), na nag-offer ng iba’t
ibang specializations upang matulungan ang mga estudyante na maging mas handa sa mundo ng
pagtatrabaho, pagnenegosyo, o pagkokolehiyo
Pagkatapos ng dalawang taon ng Senior High School, ang mga estudyante ay:
Makakakuha ng SHS Diploma, na maaaring gamitin papuntang trabaho, negosyo, kolehiyo, o TVET
Ayon sa CHED, ano pa man ang iyong SHS Track ay maaari kang kumuha ng alinmang degree sa
kolehiyo, ngunit maaari kang pakuhanin ng bridging program kung sakaling hindi tugma ang iyong
SHS Track sa nais na bachelor’s degree (CHED Memorandum from the Chair, November 18, 2020)
Ayon sa DepEd, kung hindi pa handa ang mga HS graduates ng old basic education curriculum ay
maaari rin silang pumasok sa SHS kaysa dumerecho ng kolehiyo at kumuha ng bridging programs
(DepEd Order No. 27, s. 2018)
HERO Mission 4: ANO ANG MAAARI MONG ARALIN? 28
SHS, TVET, o College: Ano nga ba ang mga ito?
HELLO, TVET!
Kapag ikaw ay mag-aaral ng Technical Vocational Education and Training (TVET), maaari kang mag:
UPSKILLING – Ito ang paraan upang mas mahasa pa ang inyong karanasan gamit ang pag-enroll at
pagkumpleto sa requirements ng mas mataas na National Certification Level sa kaparehong
programa (Bread and Pastry NC II to Bread and Pastry NC III)
MULTISKILLING – Ito ang pagsasanay sa iba’t ibang TechVoc Skills na maaaring magamit sa
pagsasagawa ng trabaho sa samu’t saring industriya. (Bread and Pastry NC II to Bartending NC II)
Maaari kang pumili ng TVET Program mula sa pitong priority sectors:
1. Tourism, Hotels and Restaurants
2. Construction
3. IT-BPO
4. Transport, Communication and Storage
5. Manufacturing
6. Health, Wellness and Other Social Services
7. Agriculture, Fisheries and Forestry
Nakalista sa susunod na pahina ang iba’t ibang TVET Courses na maaari mong kunin.
HERO Mission 4: ANO ANG MAAARI MONG ARALIN? 29
Tourism, Hotels and Restaurants Transport, Communication and Storage
1. Food and Beverage Services NCI – NCIII 1. Automotive Body Painting / Finishing NC II
2. Food Processing NCI-NCIII 2. Auto Engine Rebuilding NC II
3. Bread and Pastry Production NCI-NCIII 3. Automotive Servicing NC I – IV
4. Commercial Cooking NCI-NCIII 4. Motorcycle / Small Engine Servicing NC II
5. Bartending NCI-NCIII 5. Front Office Services NC II
6. Housekeeping Procedures NCI-NCIII 6. Driving NC II
7. Front Office Procedures NCI-NCIII 7. Driving (Passenger Bus / Straight Truck) NC III
8. Event Management Procedures NCI-NCIII 8. Driving (Articulated Vehicle) NC III
9. Warehousing Services NC II
IT-BPO Health, Wellness and Other Social Services
1. 2D Animation NC III 1. Barbering NC II
2. 3D Animation NC III 2. Beauty Care NC II-III
3. Animation NC II 3. Bookkeeping NC III
4. Technical Drafting NC II 4. Caregiving NC II
5. CAD / CAM Operation NC III 5. Hairdressing NC II-III
6. Contact Center Services NC II 6. Pharmacy Services NC III
7. Customer Service NC II 7. Security Services NC I-III
8. Web Development NC III 8. Health Care Services NC II
9. Game Programming NC III 9. Contact Center Services NC II
10. Programming (.net technology) NC III 10. Biomedical Equipment Services NC II
11. Programming (Java) NC III
12. Programming (Oracle Database) NC III
Agriculture, Fisheries and Forestry Construction
1. Agricultural Crops Production NC I-NC III 1. Masonry NCI-NCII
2. Agro-Entrepreneurship NC II 2. Pipe Fitting NCII
3. Animal Production NC II 3. Plumbing NCI-NCII
4. Aquaculture NC II 4. Architectural Desktop
5. Horticulture NC II-NC III 5. Building Maintenance Supervision
6. Fish Capture NC I-NCII 6. Building Wiring Installation NCII
7. Animal Health Care and Management NC III 7. Carpentry NCII
8. Fishing Gear Repair and Maintenance NC III 8. Construction Painting NCII
9. Pest Management (Vegetables) NC II 9. Crane Operator Course
10. Fishport / Wharf Operation NC I 10. Heavy Equipment Operation Backhoe Loader NCII
11. Rice Machinery Operations NC II 11. Heavy Equipment Operation Bulldozer NCII
12. Landscape Installataion and Maintenance (Softscape) NC II 12. Diploma in Civil Technology
13. Drafting Technology (1-yr)
14. Fiberglass Craft
15. Industrial Electricity
Manufacturing )
1. Mechatronics Servicing NC II to IV 8. Chemical Process Operations NC III
2. Tailoring NC II 9. Computer Systems Servicing NC II
3. Dressmaking NC II 10. Consumer Electronics Servicing NC II-III
4. Food Processing NC I to IV 11. Shielded Metal Arc Welding NC I-IV
5. Automotive Body Painting/Finishing NC II 12. Tool and Die Making NC II
6. Auto Engine Rebuilding NC II 13. Fish Products Packaging NC II
7. Automotive Body Repairing NC II 14. Slaughtering Operations (Large Animal) NC II
15. Slaughtering Operations (Swine) NC II
HERO Mission 4: ANO ANG MAAARI MONG ARALIN? 30
SHS, TVET, o College: Ano nga ba ang mga ito?
HELLO, COLLEGE!
Ano ang ibig sabihin ng pagkokolehiyo?
Mayroong dalawang level ang tertiary education:
1. Ang una ay ang “Pre-Baccalaureate”, na binubuo ng post-secondary study na tipikal na tinatapos sa
loob ng isa hanggang dalawang taon, na magpapatuloy sa pagkuha ng isang associate diploma o
certificate.
2. Ang four-year college education naman ay tinawatag na “Baccalaureate” o bachelor’s degree.
Tinatapos ito sa loob ng apat hanggang limang taon.
Paano kung hindi pa ako handang magkolehiyo at kailangan kong magtrabaho? Mayroon pa bang
ibang landas tungo sa pagkokolehiyo?
Kung hindi pa handang magkolehiyo ngayon, maaari mo ring tahakin ang Expanded Tertiary Education
Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). Ang ETEEAP ang programa ng CHED na naglalayong
i-assess, i-validate, at bigyang halaga ang formal, non-formal, at informal na training at relevant work
experience bilang undergraduate level units, papunta sa paghahandog ng appropriate na academic
degree.
Sino ang pwede sa ETEEAP?
Nakatapos ng high school, o passers ng ALS A&E na may resultang pwede nang pumasok sa first
year college
Filipino citizen, na at least 23 years old
Dapat ay nagtrabaho sa loob ng 5 taon sa industriyang nais kuhanan ng academic degree
HERO Mission 4: ANO ANG MAAARI MONG ARALIN? 31
HERO Mission 4: ANO ANG MAAARI MONG ARALIN? 32
HERO Mission 5: SAAN KA PWEDENG MAG-ARAL?
Mga Layunin Sa pagtatapos ng HERO Mission 5, ninanais naming magawa mo ang mga sumusunod:
Mailarawan ang paaralan na nais puntahan
Malaman kung paano naaapektuhan ng uri ng paaralang nais pasukan ang uri ng
funding na maaari mong applyan
Makagawa ng Community Map kasama ang mga ka-HERO upang mailarawan ang
lapit o layo ng mga paaralan mula sa tahanan
ACTIVITY 5.1: IGUHIT ANG IYONG DREAM SCHOOL!
Ano ang mga lugar dito? Ano ang mga nangyayari rito? Ano ang slogan nito?
HERO Mission 5: SAAN KA PWEDENG MAG-ARAL? 33
Technical Vocational
Ang Dalawang Uri ng Paaralan Senior High School College
Education and Training
Public / Pampublikong Paaralan ✓ Bukod sa “public SHS”, ✓ Tipikal silang tinatawag na ✓ Ang public HEIs ay tinatawag
Ito ang mga paaralang tinatawag din silang “DepEd TESDA Technology na State o Local Universities
pinapatakbo ng pamahalaan, at Senior High Schools” Institutions and Colleges.
nagpapatuloy gamit ang buwis /
taxes na binabayad ng bawat ✓ AUTOMATIC nang libre ang ✓ AUTOMATIC ding libre ang ✓ Sa mga nais na mag-aral sa
Pilipino. direktang bayarin / tuition fee direktang bayarin / tuition fee SUCs / LUCs, AUTOMATIC ding
mo sa public SHSs. Sagot na mo sa TESDA Technology libre ang iyong direktang
ito ng DepEd. Institutions. Sagot na ito ng bayarin / tuition fees. Sagot na
TESDA. ito ng CHED at UNIFAST.
Private / Pribadong Paaralan ✓ Bukod sa “private SHS”, ✓ Tipikal silang tinatawag na ✓ Maraming katagang ginagamit
Ito ang mga paaralang tinatawag din silang “Non- Technical Vocational sa private HEIs tulad ng
pinapatakbo ng mga pribadong DepEd Senior High Schools” Institutions (TVIs) institute, academy, college,
ahensiya, at nagpapatuloy gamit school, o university.
ang direktang bayarin / tuition fee ✓ Kagaya ng inaral sa HERO ✓ Napakarami ring TESDA
mula sa mga magaaral. Mission 2, mayroong DepEd Scholarships kung nais mag- ✓ Bukod sa Tertiary Education
SHS Voucher Program na aral sa mga TVIs. Mangyaring Subsidy na handog ng CHED,
maaari mong applyan kung lumapit sa mismong TVI upang marami ring national level /
nais mag-aral sa Private SHS. malaman ang mga handog city level o school-based
nilang TESDA Scholarships. scholarships na pwede mong
applyan upang makapasok sa
private HEIs.
HERO Mission 5: SAAN KA PWEDENG MAG-ARAL? 34
Ngayong alam na MGA SALIK NA MAAARING IKONSIDERA SA PAGHAHANAP NG PAARALAN:
natin kung ano ang 1. DISTANSIYA - Gusto mo bang mag-aral sa isang paaralang malayo o malapit
dalawang uri ng mula sa inyong tirahan?
paaralan, paano 2. KOMUNIDAD - Sino ang mga kakilala mo dito? Sino ang makakatulong sa iyo
naman natin dito?
malalaman ang 3. IMPORMASYON - Ano na ang alam mo tungkol sa paaralang ito?
paaralan na para sa 4. KURSONG HANDOG - Ano ang mga maaari mong aralin sa paaralang ito? Ini-
atin? offer ba nito ang course na nais mo?
Sino ang mga 1. LOCAL COUNCIL - Makipag-ugnayan sa inyong barangay o lokal na
maaaring pamahalaan tungkol sa mga paaralang malapit sa inyong lugar.
makapagbigay 2. INTERNET - I-search ang mga paaralan gamit ang internet at mga link ng
sa’yo ng DepEd, TESDA o CHED. Kung may napupusuan ka nang paaralan ay maaari mo
impormasyon tungkol na ring i-check ang websites ng mga paaralan.
sa mga paaralang 3. MGA KAKILALA - Magtanong sa mga kakilala, tulad ng mga kaibigan,
maaaring pasukan? kapamilya, dating guro, kapitbahay, at iba pang mapagkakatiwalaang tao kung
saan pwede mag-aral.
REFLECTION: Isulat dito ang mga bagay na natutunan o mga katanungan tungkol sa
HERO Mission 5: Saan ka pwedeng mag-aral?
HERO Mission 5: SAAN KA PWEDENG MAG-ARAL? 35
HERO Mission 6: MAGHANDA NA!
Mga Layunin Sa pagtatapos ng HERO Mission 6, ninanais naming magawa mo ang mga sumusunod:
Malaman kung ano ang mga dokumentong kailangang ihanda upang maipagpatuloy
ang pag-aaral
Pagtuklas kung paano mas maihahanda ang sarili sa patuloy na pag-aaral
ACTIVITY 6.1: Isulat sa kahon ang mga dokumentong kailangan mong ihanda upang makapag-
apply sa patuloy na pag-aaral.
Ilan sa mga Dokumentong Kailangang Ihanda
SENIOR HIGH Para sa mga nais mag-aral ng Senior High School, tipikal na hihingin ang mga
SCHOOL sumusunod na requirements:
Accomplished Application Form
ALS Form 5 / Form 137
Certificate of ALS Completion / High School Diploma
Kung available ay Resulta ng ALS A&E Test
2x2 pictures
Certificate of Good Moral Character
Birth Certificate
Para sa mga nais mag-aral sa private SHS, maaaring may reservation fee /
admission fee na kailangang bayaran.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 36
Kung nais namang mag-apply sa SHS Voucher Program o sa alinmang available na
student financial assistance program, tipikal ding hinihingi ang mga sumusunod:
Certificate of Indigency (libre, mula sa barangay)
Completed Application Form
Proof of Financial Means of Parents / Guardian
Certified True Copy of Form 137 / Grade Slip / ALS Form 5
Recommendation Letter
Mainam na i-check ang website ng nais pag-applyan ng scholarship program upang
malaman kung ano ang mga requirements na kailangan. Maaaring ang mga
nakalista sa itaas ay hindi na rin kailangang isumite.
TVET Para sa mga nais mag-aral ng Technical Vocational Education and Training Course,
tipikal na hihingin ang mga sumusunod na requirements:
Accomplished Application Form
ALS Form 5 / Form 137
Certificate of ALS Completion / High School Diploma
Certificate of Good Moral Character
Birth Certificate
May ibang TESDA Courses din na nangangailangan ng Health Certificate. Muli, mainam
na makipag-usap sa TESDA School na nais puntahan upang malaman ang detalyadong
listahan ng requirements.
COLLEGE Maaaring mas maraming requirements ang hingin para sa mga nais tumuloy sa kolehiyo.
Ilan na rito ang:
Accomplished Application Form
Original or Certified True Copy of Form 137 / ALS Form 5
Certificate of Good Moral Character
Original Copy of NSO Birth Certificate
Letter of Application
Two pieces of 2x2 picture
Admission Test Fee
Recommendation Letters
Para sa mga nais kumuha ng arts degrees, mayroon ding hinihinging portfolio ang
ibang Pamantasan
Mas masusi ang proseso ng pag-apply papuntang kolehiyo, ngunit huwag mangamba.
Makipag-usap lamang sa Admissions Officer / Registrar ng pamantasan na nais puntahan
upang malaman ang detalyadong listahan ng requirements.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 37
Ipinapayo namin na ikaw ay LUMAPIT at MAKIPAG-USAP sa mga PAARALANG NAIS PASUKAN
upang malaman ang aktwal, tama, at detalyadong listahan ng requirements para sa papasukang
paaralan, mangyaring makipag-usap sa Admissions Officer / School Registrar.
Kung may mga requirements namang kailangan mula sa pinanggalingang paaralan, huwag rin
mahiyang lumapit sa inyong Guro / ALS Teacher / School Registrar.
Bukod sa mga dokumentong kailangang ihanda, ang pinaka-kailangan mong ihanda ay ang iyong sarili.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 38
ACTIVITY 6.2: PAANO KAYA MAIHAHANDA ANG SARILI?
Isulat sa mga inilaang kahon sa ibaba ang iyong kasagutan.
Pagkatapos ng anim na
Missions ng HERO, isulat dito
kung saan ka malakas at
mahusay.
Pagkatapos ng anim na
missions ng HERO, isulat dito
kung ano pa ang dapat
mong palakasin pa.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 39
Isulat sa pahinang ito ang
iyong mga natutunan mula
sa HERO.
(a) Ano ang pinakanatutunan
mo mula sa iyong sarili?
(b) Ano ang natutunan mo
mula sa iyong mga ka-HERO?
(c) Ano ang masasabi mo
tungkol sa HERO bilang isang
programa?
(d) Sino ang mga nais mong
pasalamatan para sa iyong
Biyaheng HERO?
(e) Ano pa ang ipinapangako
mong gawin upang maging
mas handa tungo sa patuloy na
pag-aaral?
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 40
ADDITIONAL RESOURCES QR CODE
SENIOR HIGH The K to 12 Basic Education Program
SCHOOL Puntahan ang link na ito upang malaman kung ano ang K to 12 Program at kung saan
pumapasok ang programa ng Senior High School.
bit.ly/K12-SHS
DepEd List of Senior High Schools
Puntahan ang link na ito kung nais makita ang kumpletong listahan ng mga pribadong paaralan
na nag-ooffer ng Senior High School.
bit.ly/K12SHSchools
PEAC Online Voucher Application Portal
Puntahan ang link na ito kung nais mong mag-apply sa SHS Voucher Program na handog ng
Department of Education at ng Private Education Assistance Committee.
https://ovap.peac.org.ph/
TECHNICAL List of TESDA Accredited Schools and Training Centers
VOCATIONAL Bisitahin ang link na ito upang makita ang iba’t ibang TESDA Schools and Training Centers sa
EDUCATION AND buong bansa.
TRAINING
bit.ly/TESDASchools
List of TESDA Courses
I-check ang link na ito upang makita ang komprehensibong listahan ng TESDA Courses at alamin
kung saan maaaring aralin ang mga courses na ito. Saliksikin ang website na ito!
bit.ly/TESDACourses
TESDA Scholarship Programs
Alamin ang iba’t ibang TESDA Scholarship Programs tulad ng Universal Access to Quality Tertiary
Education, Training for Work Scholarship Program, Private Education Student Financial
Assistance, Special Training for Employment Program, TESDA Online Program, Rice Extension
Services Program at Tulong Trabaho Law.
bit.ly/TESDAScholarships2
COLLEGE UNIFAST Website
Puntahan ang website ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education
(UNIFAST) upang malaman ang iba’t ibang student financial assistance programs para sa mga
nagnanais tumuntong sa kolehiyo. Napakaraming scholarships opportunities sa link na ito.
https://unifast.gov.ph/
ETEEAP
Kung nais mong mag-ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation),
puntahan ang link na ito. Nandito ang proseso ng pag-apply sa ETEEAP, at ang listahan ng mga
kolehiyo at unibersidad na nag-offer ng ETEEAP.
bit.ly/CHED-ETEEAP
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 41
NAME SITE
AGE GENDER DATE
PANUTO: LAHAT NG HERO YOUTH AY KAILANGANG SAGUTIN ANG PAGES 42-44
PART ONE: About HERO and Further Education and Training
1 Alin sa mga sumusunod ang sinisiguradong mangyayari pagkatapos mong daanan ang
HERO o Higher-level Education o Training Readiness Orientation?
A. Magkakaroon ka ng scholarship
B. Agaran kang makakapasok sa Senior High School, TechVoc, o College
C. Makakakuha ka ng diploma pagkatapos ng orientation
D. Magiging mas handa ka sa patuloy na pag-aaral
2 Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng HERO?
A. Magiging mas handa papunta sa patuloy na pag-aaral
B. Gawin kang mas matagumpay sa pagtatayo ng sariling trabaho o negosyo
C. Magiging mas maalam kung paano ka makararating sa iba’t ibang higher-level education
opportunities
D. Magiging mas empowered na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral, kasama ng pagbibigay
inspirasyon sa iyong mga ka-HERO
3 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa pagpunta sa Senior High School?
A. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos na ng college
B. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos ng ALS Elementary
C. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos ng ALS Junior High School
D. Maaaring tumuloy sa SHS ang mga nakatapos ng ALS Senior High School
4 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa pagpunta sa Technical Vocational
Education and Training (TVET)?
A. Maaari kang kumuha ng mas mataas na National Certification-level pagkatapos mong
makakuha ng isang NC sa kaparehong programa
B. Hindi ka maaaring kumuha ng iba’t ibang TechVoc skills o kumuha ng samu’t saring
TechVoc skills mula sa ibang programa
C. Kailangang bayaran nang buo ang iyong pag-aaral sa TechVoc
D. Kung nais mong mag-aral ng TESDA Scholarships, mangyaring lumapit sa DepEd.
5 Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO tungkol sa pagpunta sa College?
A. Maaaring pumasok sa kolehiyo ang mga nakagraduate na ng high school
B. Tipikal na mas mahaba ang panahon na kakailanganin upang makatapos ng isang college
degree kaysa makatapos ng isang TESDA Course.
C. Ang isang estudyante nakatapos ng kolehiyo ay maaaring tumuloy sa pagtatrabaho,
pagnenegosyo o sa patuloy pang pag-aaral.
D. Hindi nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan para sa mga estudyanteng nais mag-
aral sa kolehiyo.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 42
PART TWO: TRAINING EVALUATION
Sumasangayon ka ba sa mga sumusunod na pangungusap?
Lagyan ng check ang kolum na pinaka-tumutugma sa iyong sagot.
MATINDING HINDI HINDI MATINDING
SUMASANGAYON
SUMASANGAYON SUMASANGAYON SUMASANGAYON
(1) Malinaw at nakaka-engganyo
ang pagkakalahad ng mga Mission
sa HERO.
(2) Friendly at professional ang
learning atmosphere ng HERO
Training.
(3) Ang mga materyales, slide
decks, worksheets at iba pang
handouts ay maayos na naipamigay
sa amin.
(4) Maganda ang diskusyon at ang
interaksyon sa pagitan ng mga
HERO Facilitators at ng mga
participants.
(5) Maayos na na-manage ang oras.
Nagsimula at natapos kami sa
itinakdang oras.
(6) Nasagot ng mga HERO
Facilitators ang aming mga tanong
sa malinaw at tamang paraan.
(7) Nakakatuwa ang mga HERO
Facilitators. Pakiramdam ko ay safe
na magtanong sa kanila.
(8) Napakaraming ibinigay na
valuable insights at tips ang mga
HERO Facilitators na makatutulong
sa amin sa pagpapatuloy ng pag-
aaral.
(9) Malinaw ang lahat ng mga
ibinigay na instructions sa amin
(i.e. pre-work, training completion
requirements, and post-work), at
naihingi ito sa amin sa isang
maayos na pamamaraan.
(10) Napakahusay ng
pagkakadeliver at
pagkakaimplement ng HERO.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 43
KARAGDAGANG TANONG TUNGKOL SA KALIDAD NG TRAINING
(11) Aling bahagi ng HERO ang
pinaka-naenjoy mo?
(12) Aling tatlong bagay ang
pinaka nakatulong sa’yo
pagkatapos ng HERO?
(13) Ano ang dalawang bagay
tungkol sa HERO ang maaari
pang ayusin / mas paghusayan
pa?
(14) Magbigay ng isang tanong
na iyong iniisip pagkatapos ng
HERO.
(15) Mayroon ka pa bang ibang
komento tungkol sa HERO?
PAALALA: Para sa Part Three, sagutan lamang ang akmang Post-Test portion
base sa nasagutang HERO PreTest.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 44
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL.
PART THREE (A): SENIOR HIGH SCHOOL
1 Bukod sa ALS Completers, sino sa mga sumusunod ang ipinapayong tumuloy sa SHS?
A. Mga papasok palang ng ALS
B. Mga nakatapos na ng Grade 10
C. Mga nakatapos na ng SHS
D. Mga nakatuntong na ng kolehiyo ngunit hindi pa nakakagraduate ng college
2 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TOTOO patungkol sa SHS Voucher
Program?
A. Ang SHS Voucher Program ay pinamamahalaan ng Private Education Assistance
Committee.
B. Kailangang mag-apply ng ating mga estudyante sa SHS Voucher Program kung nais nilang
mag-aral sa Public School.
C. Kasama sa voucher ang pambili ng uniporme at sapatos ng mag-aaral.
D. Hindi na kailangang mag-apply sa SHS Voucher Program kung nais nilang mag-aral sa
pribadong SHS.
3 Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO patungkol sa pagkuha ng SHS Track?
A. Nakatutulong ang SHS upang maging handa ka sa mundo ng trabaho, kolehiyo o negosyo.
B. Kapag mayroon kang SHS Diploma ay magiging mas competitive ka sa pag-apply ng
trabaho.
C. Anuman ang kunin mong SHS Track ay magiging handa ka sa anumang College Degree na
nais mong kunin.
D. Nakadepende sa iyong pipiliing SHS Track kung aling College Degree ang maaari mo
lamang kunin.
4 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TOTOO?
A. Kailangan mag-SHS ng ating mga estudyante dahil ito lang ang dahilan upang magkaroon
sila ng trabaho.
B. Kailangang kailangang mag-SHS ng ating mga estudyante upang maging matagumpay sa
buhay.
C. Kailangang makatapos ng high school ang sinumang nais tumuloy sa kolehiyo.
D. Tanging mga mag-aaral lamang na papasok ng public SHS ang tutulungan nggobyerno
5 Alin sa mga sumusunod ang siguradong LIBRE at HINDI KAILANGANG bayaran ng ating
mga estudyante kung nais nilang pumasok sa isang pampublikong SHS?
A. Laptop o tablet
B. Pang-araw araw na baon
C. Sapatos at uniporme
D. Tuition fee
6 Kung may pagkakataong hindi available sa pampublikong SHS ang nais nilang SHS Track,
alin sa mga sumusunod ang ipinapayo nating gawin ng ating mga estudyante?
A. Huwag nalang magpatuloy ng pag-aaral sa SHS.
B. Mag-ipon ng pambayad sa Tuition Fee papunta sa malapit na pribadong SHS.
C. Ikonsiderang kunin ang anumang SHS Track na ini-offer sa malapit na public SHS.
D. Maghintay ng ilang taon hanggang maging available ang ninanais na SHS Track sa
pinakamalapit na public SHS.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 45
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL.
PART THREE (A): SENIOR HIGH SCHOOL
7 Aling dokumento ang nagpapatunay ng kumpletong pangalan ng ating mga estudyante,
pangalan ng ama at ina, at petsa ng kanilang kapanganakan?
A. Certified Birth Certificate
B. Certificate of Completion
C. Certificate of Rating
D. Certificate of Indigency
8 Saan maaring makita ang mga paaralan na nag-ooffer ng libreng SHS at mga tracks nito?
A. TESDA Website
B. CHED website
C. DepEd Website
D. Website ng Lokal na Pamahalaan
9 Alin sa mga sumusunod ang Apat na SHS Tracks?
A. STEM, ABM, HUMSS, GAS
B. Academic, Technical-Vocational-Livelihood, Sports, Arts and Design
C. Home Economics, ICT, AgriFisheries, Industrial Arts
D. STEM, ABM, Academic, Technical-Vocational-Livelihood
10 Ang mga nakatapos ng SHS ay maaaring:
A. Magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo
B. Magtayo ng sariling negosyo
C. Magtrabaho sa iba’t ibang industriya
D. Lahat ng nabanggit
- END OF HERO (SHS) POST TEST -
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 46
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG TVET.
PART THREE (B): TVET
1 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI tungkol sa pagkuha ng TESDA
courses?
A. Tipikal na mas mahaba ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
ng isang college degree kaysa makatapos ng isang TESDA course.
B. Karaniwang mas maikli ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
mula sa SHS kaysa makatapos ng isang TESDA course.
C. Ang isang estudyanteng nakatapos ng TESDA National Certificate ay maaaring pumunta sa
mundo ng trabaho at negosyo.
2 Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA tungkol sa TESDA Scholarships?
A. Libre ang pag-aaral ng TVET sa mga pampublikong TESDA
B. Bagamat libre ang tuition and school fees sa pag-aaral sa TechVoc Institutions, hindi
kabilang sa mga pwede kumuha nito ang mga out-of-school youth.
C. Ang scholarships ay available lamang sa formal o higher education sa kolehiyo. Kung
kukuha ka ng TechVoc, kailangan mong bayaran ang iyong tuition fees.
D. Ang mga scholarships ay available lamang sa public TESDA Technology Institutions. May
bayad ang pag-aaral sa mga pribadong Tech Voc Institutions.
3 Sino sa mga sumusunod ang maaaring tumuloy sa TVET?
A. Kasalukuyang nag-aaral ng TVET courses sa alinmang Technical Vocational Institutions
(TVIs) o TESDA Technology Institutions (TTIs), at nais pang palawakin ang kakayanan
upang maging mas handa sa trabaho o negosyo
B. Nakatapos na ng high school mula old HS curriculum o mula SHS, na nagnanais na matuto
pa ng karagdagang skills, ngunit hindi pa handang magkolehiyo
C. Nakatapos na ng Grade 10 o ng JHS-level ng ALS, ngunit hindi pa handang tumuntong sa
SHS
D. Lahat ng nabanggit
4 Kailan maaaring kumuha o pumasok sa isang TESDA Course?
A. Pagkatapos ng Grade 4
B. Pagkatapos ng ALS Elementary
C. Pagkatapos ng Junior High School
D. Pagtuntong ng 14 years old
5 Alin sa mga sumusunod HINDI kabilang sa mga Priority Sectors ng TESDA?
A. Tourism, Hotels and Restaurants
B. Transport, Communication and Storage
C. Health, Wellness and Other Social Services
D. Accountancy, Business and Management
6 Alin ang TOTOO tungkol sa Upskilling at Multiskilling?
A. Ang Upskilling ay ang paraan upang mas mahasa pa ang kasanayan ng isang tao sa
pamamagitan ng pagkumpleto ng requirement sa mas mataas na National Certification Level
sa kaparehong TESDA Program.
B. Ang Multiskilling ang pagsasanay ng isang manggagawa sa iba’t ibang TechVoc Skills at
pagkuha ng iba’t ibang National Certification Level mula sa samu’t saring TESDA Programs.
C. Parehong totoo ang A at B.
D. Walang tamang pangungusap sa nabanggit. Mali ang A, B at C.
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 47
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG TVET.
PART THREE (B): TVET
7 Alin naman sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI tungkol sa mga paaralang
nag-offer ng TVET?
A. Ang mga pampublikong TESDA Schools ay tinatawag na “Technical Vocational Institutions”
o TVIs
B. Ang TESDA Technology Institutions naman ang mga paaralang pinapamahalaan ng TESDA.
C. Sa mga TESDA Technology Institutions, automatic nang libre ang iyong pag-aaral.
D. Napakaraming TESDA Scholarships ang handog sa Technical Vocational Institutions.
8 Saan maaring makita ang mga institusyon na nag-offer ng TVET?
A. CHED website
B. DepEd Website
C. TESDA Website
D. Website ng Lokal na Pamahalaan
9 Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga benepisyong mararanasan ng isang
National Certificate-holder?
A. Quality assurance in terms of skills, knowledge, attitudes, and values relevant to the
industry-based competencies
B. Able to fire someone from work without any reasons
C. More opportunity for higher-paying jobs
D. Higher employability rate
10 Bakit mahalaga ang mag-upskill o mag-multiskill gamit ang TVET?
A. Upang maging mas sigurado na magkaroon ng trabaho
B. Upang matuto ng 21st Century Skills
C. Upang maging handa sa nagbabagong mundo ng pagtatrabaho
D. Lahat ng nabanggit
- END OF HERO (TVET) POST TEST -
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 48
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG KOLEHIYO.
PART THREE (C): COLLEGE
1 Ang mga sumusunod ay inirerekomendang tumuloy sa kolehiyo, maliban sa:
A. Nakagraduate ng high school (maaaring mula old HS curriculum o SHS Graduate) at handa
at interesadong tumuntong sa college
B. Nakapagtapos ng ALS JHS program, at mayroon nang Certificate of Completion na
nagpapatotoo sa pagtatapos ng JHS-level
C. Nakatapos na ng ALS SHS program, at mayroon nang Certificate of Completion na
nagsasabing handa nang pumunta sa college
D. Nakatuntong na sa college, ngunit hindi pa nakakagraduate at hindi pa nakakakuha ng
college degree
2 Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa college-level scholarships?
A. Karapatan mo ang libreng tuition fee, higit lalo sa mga pampublikong higher education
institutions (HEIs).
B. Ang tution fee ay automatic nang libre sa alinmang pribadong HEI na nais mong puntahan.
C. Mangyaring lumapit sa DepEd upang malaman ang iba’t ibang college-level scholarships,
higit lalo sa mga pribadong HEIs.
D. Kung maaaring wala pang naipong pera patungo sa pribadong kolehiyo, mainam na huwag
na lamang tangkain na tumungo sa mga pampublikong kolehiyo.
3 Alin sa mga sumusunod ang maaari mong lapitan upang makahingi ng dagdag na impormasyon
tungkol sa college-level scholarships?
A. Commission on Higher Education
B. Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education
C. Mismong kolehiyo o pamantasan na nais puntahan
D. Lahat ng nabanggit
4 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa college degrees?
A. Karaniwang mas maikli ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
ng isang college degree kaysa makatapos ng Senior High School diploma.
B. Kung nais tumuloy ng isang mag-aaral sa kolehiyo, hindi mo kailangan ng isang high school
diploma.
C. Tipikal na mas mahaba ang panahon na kailangan ng isang estudyante upang makatapos
ng isang college degree kaysa makatapos ng isang TESDA course.
5 Alin sa mga sumusunod na kataga ang inilalarawan sa pangungusap na ito “Ito ay ang post-
secondary study na tinatapos sa loob ng isa hanggang dalawang taon, na nagpapatuloy sa
pagkuha ng isang associate diploma o certificate.”
A. College Units
B. College degree
C. Baccalaureate
D. Pre-Baccalaureate
6 Sino sa mga sumusunod ang maaaring pumasok sa ETEEAP (Expanded Tertiary Education
Equivalency and Accreditation Program)?
A. Nakatapos ng Grade 6, o passers ng ALS Accreditation and Equivalency Assessment
B. Filipino citizen, na at least 35 years old
C. Filipino citizen, at hindi pa nakakatapos ng alinmang bachelor’s degree
D. Dapat ay nagtrabaho sa loob ng 10 taon sa industriyang nais kuhanan ng academic degree
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 49
SAGUTAN LAMANG ITO KUNG NAIS MAG-ARAL NG KOLEHIYO.
PART THREE (C): COLLEGE
7 Ano ang pinakatamang kahulugan ng ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and
Accreditation Program)?
A. Ito ang programa ng CHED na naglalayong i-assess, i-validate, at bigyang halaga ang
formal, non-formal, at informal na training at relevant work experience bilang undergraduate
level units.
B. Ito ang programa ng CHED na naglalayong gawing work units ang nakuhang bachelor’s
degree upang maging handa ang isang indibidwal tungo sa pagtatrabaho.
C. Ito ang programa ng CHED na naglalayong gawing entrepreneurial units ang nakuhang
bachelor’s degree upang maging eligible ang isang tao tungo sa pagtatayo ng sariling
negosyo.
D. Ito ang programa ng CHED na mas magpapadali sa isang tao na kumuha ng master’s at
doctorate degree, sa proseso ng pagpapaikli ng post-baccalaureate units.
8 Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa mga paaralang naghahandog ng college
degrees?
A. Ang mga pribadong higher education institutions (HEIs) ay tinatawag na “state or local
universities and colleges”
B. Sa mga nais mag-aral sa private HEIs, automatic nang libre ang iyong tuition and other
school fees. Sagot na ito ng CHED at ng UNIFAST.
C. Bukod sa Tertiary Education Subsidy na handog ng CHED, marami ring national level / city
level o school-based scholarships na pwede mong applyan upang makapasok sa private
HEIs.
D. Mangyaring lumapit sa DepEd at sa TESDA upang malaman pa ang iba’t ibang college-level
scholarships.
9 Ang mga sumusunod ay tipikal na inihahanda upang mag-enroll papuntang kolehiyo, maliban sa:
A. Original or Certified True Copy of Form 137 / ALS Form 5
B. Proof of Financial Means of Parents / Guardian
C. Original Copy of NSO Birth Certificate
D. Accomplished Application Form
10 Saan maaring makita ang mga institusyon na nag-offer ng college degrees?
A. DepEd Website
B. TESDA Website
C. DOST Website
D. CHED website
- END OF HERO (COLLEGE) POST TEST -
HERO Mission 6: MAGHANDA NA! 50