FILIPINO 7
IKALAWANG KWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT 2
I.Panuto:Hanapin sa kahon ang inyong sagot. Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
II.Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Biyaya ka ng Diyos sa amin, kaya ipinagmamalaki ka namin ng inay mo. Bakit sinabi ito ng ama ni Aryan sa kanya?
a. Dahil napagtanto niya ang kanyang pagkakaiba sa mga kaklase . b. Dahil siya ay nalulungkot sa kanyang sitwasyon.
c. Dahil siya ay nag-aalinlangan sa kanyang sarili. d. Dahil hindi siya masaya sa kanyang itsura
2. Sa mga katangiang inilahad kay Aryan sa alamat ng kawayan alin dito ang dito ang pinakanagustuhan ng kanyang
magulang?
a. Siya ay isang batang mabait sa magulang b. Siya ay may mababang kalooban
c. Siya ay isang batang masunurin d. A at B
3. Ang halamang nakayuko ay katangian ni Aryan. Ano ang nais ipahiwatig nito sa mga Mambabasa na mabuting
katangian ni Aryan na palaging payo ng kanyang magulang sa kanya?
a. Magkaroon ng mababang kalooban sa lahat ng pagkakataon b. Palaging nakayuko sa lahat ng pagkakataon
c. Maging masunurin sa magulang d. Maging mahiyain sa mga tao
4. Kung naramdaman mo na ayaw sa iyo ng karamihan dahil sa panlabas na kaanyuan mo,ano ang mas tamang gawin?
a. Papatunayan ko sa kanila na hindi nasusukat ang katangian ng tao sa panlabas na kaanyuan lamang
b. Iiwasan ko na lng sila upang hindi ko maramdaman na ayaw nila sa akin
c. Nanaisin kung maging katulad ni Aryan na maging kawayan na
d. Kalalabanin ko ang mga taong ayaw sa akin
5. Sa palagay mo ano ang sumasalamin sa alamat na pinamagatang “Alamat ng kawayan” sa buhay ng tao?
a. Dapat nating ipagmalaki kung ano ang nararating natin sa buhay
b. Manatiling mapagkumbaba kahit gaano na katayog ang naabot natin
c. Pagiging tapat sa lahat ng panahon d. Maging mapagmahal sa kapwa
6. Paano ipinakita ni Mang Andoy at Aling Lilian ang pagmamahal nila kay Aryan?
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa lahat ng gusto ng anak
b. Hindi nila ito ikinahihiya at kinalimutan hanggang ito ay naging halaman
c. Sa pamamagitan ng pagtatanggol nito tuwing ito ay kinukutya ng mga kaklase
d. Ipinagmamalaki nila ito sa mga kaibigan at kakilala.
7. Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon kung saan naganap ang alamat
a. Alamat b. tagpuan c. banghay d. tauhan
8. Bahagi ng banghay na inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat.
a. katawan b. simula c. banghay d. wakas
9. Dito inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip kaugalian ng bawat tauhan at paraan ng pagharap sa
suliranin.
a. katawan B. wakas C. banghay d. Tagpuan
10. Ito ay bahagi ng banghay na nag-iwan ng mensahe sa mambabasa.
a. simula B. katawan C. tauhan d. wakas
11. Elemento ng alamat na gumaganap at nagbibigay buhay sa tema.
a. simula B. tauhan C. wakas D. tagpuan
12. Elemento ng alamat na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
a. banghay B. tauhan C. tagpuan d. simula
13. Ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o
mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
a. mitolohiya B. kultura c. panrehiyon d. teorya
14. Ang hindi batayan sa paglikha ng kaligirang pangkasaysayan?
a. mitolohiya B. kultura c. panrehiyon d. teorya
15. Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang latin na ______________.
a. de facto b. legendus c. invicya d. heroicus