0% found this document useful (0 votes)
7 views2 pages

Hand-Outs Sa Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino (KABANATA I-Tungo Sa Mabisang Komunikasyon)

For my review

Uploaded by

anacletolouise10
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
7 views2 pages

Hand-Outs Sa Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino (KABANATA I-Tungo Sa Mabisang Komunikasyon)

For my review

Uploaded by

anacletolouise10
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

HAND-OUTS SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

(KABANATA I- Tungo sa Mabisang Komunikasyon)

PAKSA: Aralin 1- MGA KONSEPTONG PANGWIKA


Inihanda ni: Gng. Ma. Reciela Baliguat- Placido
__________________________________________________________________________________________________

Wika- isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.


-ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
-ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin (Paz,
Hernandez at Peneyra)
-ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura (Henry Allan Gleason Jr.)
-isang Sistema ng komunikasyon na nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain (Cambridge Dictionary)
-isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o ng pagsusulat. (Charles Darwin)
- ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog. (Sapiro, 2014)
-masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang
pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao.
(Hemphill,2014)

Wikang Pambansa- sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahala


at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.

1934- Naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensyong


Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Iminungkahi ng grupo ng Lope K. Santos na ang wikang
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.Ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na
noo’y pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935- Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.

- Nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
- Pinili ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa dahil tumugma ito sa pamantayang binuo ng
surian.
a. wika ng sentro ng pamahalaan
b. wika ng sentro ng edukasyon
c. wika ng sentro ng kalakalan
d.wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.

1937- Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging
batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

1940- Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang
wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pampribado.

1946- Nang ipagkaloob ng Amerika ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4,
1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt
bilang 570.

1959- Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang nkalihim ng edukasyon noon.
1972- Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng
usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
seksiyon 3, blg. 2:

“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na


magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kilalaning Filipino.”

1987- Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating pangulong
Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang
probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Wikang Opisyal- ayon kay Virgilio Almario (2014), ito ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan. Ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa
anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

Wikang Panturo- opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo
at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga a klat at kagamitang panturo sa mga silid-
aralan.

You might also like