0% found this document useful (0 votes)
377 views19 pages

Kom11 - Q2 - Mod7 - Introduksyon Sa Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino - Version3

Module in Filipino
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
377 views19 pages

Kom11 - Q2 - Mod7 - Introduksyon Sa Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino - Version3

Module in Filipino
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 19

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kwarter – Modyul 7
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Kwarter – Modyul 7: Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagapatnugot ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas
Wikang Tagapatnugot: Desiree E. Mesias
Tagawasto: Desiree E. Mesias
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar,PhD, EPS 1
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Kasapi: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar,PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: [email protected]
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kwarter – Modyul 7
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


MODYUL 7

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino

Markahan: Ikalawa Linggo: 7th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN
Panimulang Ideya

Sa naunang 6 na modyul, nabigyan ka ng pagkakataong matutunan ang


iba’t ibang bagay tungkol sa wika at komunikasyon. Ngayon batid kong mas
masasabik kang matutunan ang huli nating aralin. Sa Modyul 7-9, malalaman
mo ang ilang panimulang kaalaman tungkol sa pananaliksik. Sa Senior High
School, isang mahalagang aspeto ang pag-aaral mo sa pananaliksik. Upang
lubusang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa
gawaing ito, itinakda ng kurikulum sa Filipino mula sa Kagawaran ng
Edukasyon ang pagkakaroon ng mga bahagi ng pananaliksik para sa iba’t
ibang kurso at larangang pang-akademiko

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik.


Ayon kay Kerlinger(1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
empirikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal
tungkol sa mga natural na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang
pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o
paglutas ng isang suliranin. Inaasahang sa katapusan ng kabanatang ito:

1
1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino
(F11PB – IIg – 97)

2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik


(F11PU-IIg-88)

3. Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang


mahahalagang mga hakbang na kakailanganin mo sa pagbuo ng isang
pananaliksik. Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na
sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa
modyul na ito.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto. Tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay (Subukin at Tayahin) kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang
mga konseptong pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin naman ang mga
mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa
aralin. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga layuning
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng
mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa
araling tinalakay.

2
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
“Maraming maibubungang mabuti ang pananaliksik sa pagtugon sa mga
suliranin at mga katanungan ng isip.”

https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+ng+pananaliksik&sxsrf=ALeKk03PVlYDfuWR4G7cg0o2yhy6XYmO_g:1590143610198
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjnhJzIosfpAhXfyYsBHU-9BK8Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1024&bih=457#imgrc=uTIgVR_Uq-
4sXM

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga tanong para sa isang impormal na sarbey. Lagyan ng tsek
ang kahon ng iyong sagot o isulat ang sagot mo sa linya.

1. Ilang aklat ang nababasa mo sa loob ng isang taon?


1-3 5-6
4-5 10 o higit pa ______

2. Ano ang pamagat ng huling aklat na nabasa mo mula sa inyong aklatan?


___________________________________________________________

3. Tungkol saan ang aklat na ito?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Ilang oras ang nauubos mo sa internet araw-araw para sa mga bagay na


walang kaugnayan sa mga gawain mo sa paaralan? (Maaaring sa paglalaro
ng video games, panonood ng video sa YouTube, paggamit ng social media
at iba pa.)
0-1 4-6
2-3 7 o higit pa _______

5. Kailan ka huling pumunta sa aklatan ng inyong paaralan upang manghiram ng


aklat o magbasa ng anumang aklat na naroroon?
Noong isang buwan Noong isang taon

6. Ano ang kadalasang ginawa mo sa aklatan kapag pumunta ka roon?


Nagbasa o nanghiram ng aklat, magasin, o diyaryo
Nakipagkita sa kaibigan
Gumamit ng Internet

7. Kailan ka huling gumamit internet, hindi upang mag log-in sa Facebook,


Instagram, Twitter o maglaro ng video games kundi upang maghanap ng
impormasyon o magsaliksik tungkol sa isang paksa?
_____ Kahapon _____ sa kasalukuyang lingo
_____ Sa kasalukuyang buwan _____ sa kasalukuyang taon

4
8. Sa iyong palagay, handa ka na bang manaliksik at bumuo ng isang sulating
pananaliksik? Maglahad ng mga paliwanag sa iyong sagot.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

9. Sa iyong sariling opinion, paano nakatulong ang pananaliksik sa isang mag-


aaral?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

10. Kung sakaling ikaw ay gagawa ng isang pananaliksik, ano ang gusto mong
maging paksa? At bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5
ARALIN 7

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga hakbang sa pagsulat ng pananaliksik

YUGTO NG PAGKATUTO

https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+ng+pananaliksik&sxsrf=ALeKk03PVlYDfuWR4G7cg0o2yhy6XYmO_g:1590143610198
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjnhJzIosfpAhXfyYsBHU-
9BK8Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1024&bih=457#imgrc=SI3iIP8e9neixM&imgdii=xn2vTx2IkNXlbM

6
A. TUKLASIN

Aralin 1 - Mga Hakbang sa Pananaliksik at Iba Pang Batayang


Kaalaman

Tunay na maituturing na hindi madaling gawain ang pananaliksik


sapagkat ang bawat pagsunod sa mga proseso nito’y nabibigyan ka ng
pagkakataong mas mapalawak pa ang iyong karanasan at kaalaman. Ito’y
isang akademikong gawain na nangangailangang tutukan at bigyan ng sapat
na panahon. Bukod pa rito ay may malaki kang pakinabang dito lalo na sa
tunguhin mong mapaunlad ang iyong sarili. Ngayon, narito ang ilang katuturan
ng pananaliksik subukan nating unawain ang bawat isa nito at lagumin gamit
ang graphic organizer sa ibaba. Simulan natin!

SURIIN

Gawain 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga depinisyon ng pananaliksik mula sa iba’t ibang
dalubhasa. Mula sa katuturang inilahad at iba pang iskema, bumuo ng paglalagom
ng mahahalagang konsepto na dapat tandaan sa pananaliksik gamit ang graphic
organizer sa ibaba:

a. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong
inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

b. Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa
kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

c. Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso
ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na
suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.

d. Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o


investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang
mananaliksik.

7
e. Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik ay isang pagtatangka
upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang
pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng
prediksyon at explanasyon.

f. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at


siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-
unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa
suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng
umuunlad na buhay ng tao.

g. Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,


emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa
inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg
sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin,
pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong
pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano.

h. Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay,
konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

i. Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat
ng isang komposisyon sa musika.

j. Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng


phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw,
patunay o pasubali.

k. Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na


nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-
aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong
maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.

PANANALIKSIK

8
ISAISIP

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang pananaliksik tungkol sa wika at


kulturang Pilipino. Susuriin ang halimbawang pananaliksik base sa
hinihingi sa ibaba.

a. Pangunahing Paksa
b. Pantulong na Paksa

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang


lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa
wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas,
kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na
kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng
wikang yaon.

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng


pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may
naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay
yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa
paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang
katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay
nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at
naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.

https://ejournals.ph/article.php?id=7757

9
Gawain 3

Basahin Mo.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik


1. Pagpili ng Mabuting Paksa – Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating
pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa o suliranin.
Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang
isang sulating pananaliksik. Nararapat na pinag-iisipang mabuti at dumaan sa
isang maingat na pagsusuri ang paksa upang matiyak na makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis – Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka


na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.

Halimbawa:

Paksa – Mas pinipili ng tao ang mga coffee shops bilang lugar para sa
pakikipag-usap o socialization kumpara sa mga fastfood outlets, restaurants o
mga karinderya.

Pahayag ng Tesis – Sa pagsikat ng mga coffee shops, sumabay ang


imaheng ipinapakita nito sa madla sa tulong na rin ng social media, bilang lugar
na pinagkakakita-kitaan o pakikipagkilala na sinamahan pa ng kakaiba nitong
mga arkitektura at internal na disenyo ng lugar, dala na rin ng pagkilala at
pagrekomenda ng mga parokyano gamit ang social media nakikilala ng iba
pang mga tao ang mga coffee shops na naglipanan dito sa bansa.

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya – Sa pagpili mo ng iyong


paksa, mahalagang isaalang-alang ang iyong sanggunian. May sapat bang
kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking
pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito? Mula sa iyong mga
nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya. Ito ay
isang talaan ng iba’t ibang sanggunian tulad ng aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, website at iba pang nalathalang materyal na ginamit. Ito’y
maaaring isang 3”x5” na index card na kakikitaan ng sumusunod na mga
impormasyon:

10
a. Pangalan ng Awtor

b. Pamagat ng kanyang isinulat

c. Impormasyon tungkol sa pagkakalathala

d. Mga naglimbag

e. Lugar at taon ng pagkalimbag

f. Pamagat ng aklat; at

g. Ilang mahahalagang tala tungkol sa nilalaman

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas – Mahalaga ito upang magbigay ng


direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong
materyal pa ang kailangan hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong
card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5.Pangangalap ng Tala o Note taking – Iminumungkahing isulat nang


maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index card na mas Malaki kaysa sa
ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas
marami kang maisusulat sa mas malaking card. Maari kang gumamit ng 3 uri
ng tala:

a. Tuwirang sipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang


sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang
sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.

b. Buod – Ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto


subalit nagtataglay ng lahat nang mahahalagang kaisipan ng orihinal
na teksto.

c. Hawig – Kung binago lamang ang mga pananalita subalit


mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline – Dito na susuriing


mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga
bagay pang kailangang baguhin o ayusin.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft – Mula sa iyong iwinastong balangkas


at mga card ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador.
Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng sumusunod:

11
a. Introduksiyon – kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa
kabuoan ng sulatin.

b. Katawan – kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng


iyong balangkas.

c. Konklusyon – na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga


natuklasan sa iyong pananaliksik.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador – I-proofread o basahing mabuti at


iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan ng
pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong
gamit, pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maari nang
pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin, Ihanda ang pauang salita, talaan
ng nilalaman at pinal na bibliyograpiya.

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik – Pagkatapos pagdaanan at


isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak
ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang
pormat na ibinigay ng iyong guro.

Nagagalak ako at mahusay mong ibinigay ang iyong sariling


interpretasyon sa iba’t ibang katuturan ng pananaliksik. Gaya ng mga natalakay
tungkol sa pananaliksik. Ang mga hakbang o proseso na magsisilbing panuto mo
sa paggawa ng iyong sariling pananaliksik.

PAGYAMANIN

Gawain 4

Panuto: Mula sa iyong naunawaan sa binasang mga hakbang sa pabubuo ng


pananaliksik ay iyong simulang i-organisa ang panimulang pananaliksik
na iyong gagawin. Isa-isahin mo ang mga hakbang na iyong gagawin
gamit ang Graphic Organizer sa ibaba.E base ang gagawin sa paksang
nakasulat sa kahong parihaba.
12
Bagong Normal na Edukasyon

ISAGAWA

Upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa tungkol sa mga hakbang sa


pananaliksik sagutin ang sumusunod na mga katanungan base sa mga tekstong iyong
nabasa sa araling ito:

1. Bakit mahalagang alam ang mga hakbang sa pagbuo ng isang


panimula at makabuluhang pananaliksik bansa?

2. Paano nakatutulong ang mga hakbang sa pagbuo ng isang


panimula at makabuluhang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa?

13
TAYAHIN

HULING PAGTATAYA
Panuto: Isa isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang sulating
pananaliksik na tinalakay sa araling ito. Isulat sa mga kahon ang tamang
gapagkakasunod-sunod ng mga hakbang.

1 2 3 4

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Makabuluhang Sulating Pananaliksik

9 8 7 6

14
15
Subukin
(Nasa Guro na kung wasto o mali ang kasagutan)
Gawain 1.
( Nasa Guro ang Pagpapasya)
Gawain 4.
1. Pagpili ng mabuting paksa
2. Pagbuo ng pahayag ng Tesis
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya
4. Paghahanda ng Tentatibong paksa
5. Pangangalap ng tala
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
7. Pagsulat ng Burador
8. Pagwawasto at pagrebisa ng borador
9. Pagsulat ng pinal na sulating pananaliksik
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon
Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa.
2016Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. C&E.2016 Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

B. Websites

https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+ng+pananaliksik&sxsrf=ALeKk

03PVlYDfuWR4G7cg0o2yhy6XYmO_g:1590143610198&source=lnms&tbm=isch&s

a=X&ved=2ahUKEwjnhJzIosfpAhXfyYsBHU-

9BK8Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1024&bih=457#imgrc=uTIgVR_Uq-4sXM

https://www.google.com.ph/search?q=mga+hakbang+ng+pananaliksik&sxsrf=ALeKk

03PVlYDfuWR4G7cg0o2yhy6XYmO_g:1590143610198&source=lnms&tbm=isch&s

a=X&ved=2ahUKEwjnhJzIosfpAhXfyYsBHU-

9BK8Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1024&bih=457#imgrc=SI3iIP8e9neixM&imgdii=xn

2vTx2IkNXlbM

16

You might also like