AP GRADE-8 First Quarter
AP GRADE-8 First Quarter
Department of Education
Region VII, Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF CANLAON CITY
ARALING PANLIPUNAN 8
UNANG MARKAHANG PAGSUBOK
2. Ang daigdig ay may limang tema ng heograpiya; alin dito ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may
magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. Lokasyon B. Lugar C. Paggalaw D. Rehiyon
3. Alin sa mga estruktura ng daigdig ang tumutukoy sa matigas at mabatong bahagi ngplaneta?
A. Core B. Crust C. Mantle D. Plate
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng
pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan
ng West Philippine Sea.
6. Ano ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na
panahon?
A. Araw B. Estruktura C. Klima D. Panahon
7. Sa iyong palagay, ano kaya ang dahilan sa pagkakaroon ng lindol sa isang lugar?
A. Pagbabago ng klima
B. Pagkaubos ng mga puno
C. Palatandaan na may paparating na bagyo
D. Dahil sa paggalaw ng mga plates sa ilalim ng lupa
9. Bakit ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon?
A. Mahirap ang hanapbuhay sa lugar
B. Maraming magagandang tanawin
C.Dahil sa sobrang ingat
D. Maraming mga punong kahoy
10. Alin sa sumusunod na teorya ang nagsasaad na ang kontinente ay dating magkakaugnay sa isang
malaking kontinente na tinatawag na Pangea?
A. Cognitive Theory B. Drift Continental Theory
C. Continental Drift Theory D. Evolution Theory
11. Ang daigdig ay binubuo ng mga anyong lupa at anyong tubig. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng
anyong lupa?
A. Arabian Sea B. Arabian Peninsula C. Gulf of Mexico D. Persian Gulf
Page 1 of 4 pages
12. Sa pagtatakda ng isang lugar sa globo o mapa mahalagang mabatid ang ilang termino katulad ng
longitude at latitude. Ano ang tawag sa linyang guhit na may 180 degrees longitude mula sa prime
meridian pakanluran man o pasilangan at nagbabago ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid
ng linyang ito?
A. Arctic circle B. Equator
C. International Date Line D. Tropic of Cancer
13. Alin sa sumusunod ang saklaw sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.
A. Heograpiya ng daigdig B. Heograpiyang pantao C. Relihiyon D. Wika
14. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
16. Maibubuod sa dalawang utos ang turo ni Hesus na “Mahalin mo ang Diyos ng higit sa lahat” at
“Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. Sa anong pananampalataya
sinusunod ito?
A. Buddhismo B. Judaismo C. Hinduismo D. Kristiyanismo
17. Ano ang ibig sabihin ng salitang ito na “The Enlightened One” o ang nakakakita sa katotohanan”?
A. Allah B. Buddha C. Brahma D. Ramadan
18. Ano ang tawag sa pangkat ng tao na may iisang kultura ,pinagmulan , wika at at relihiyon?
A. Etniko B. Kultura C. Lahi D. Relihiyon
19. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, pati na ang pisikal o biyolohikal
na katangian ng pangkat.
A. Kaluluwa B. Lahi C. Ritwal D. Wika
20. Ito ay yugto o panahon na kung saan unang ginamit ang apoy at nangaso ang mga sinaunang tao.
A. Metal B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko
22. Ano ang tawag sa pinakahuling species sa ebolusyon ng tao na may higit na malaking utak kaysa
ibang species?
A. Homo Sapiens B. Homo Habilis C.Homo Erectus D.Australopithecine
23. Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan na matatagpuan sa kapatagan ng Konya n gitnang
Anatolia (Turkey ngayon). Sa anong yugto o panahon umusbong ang pamayanang ito?
A. Paleolitiko B. Neolitiko C.Mesolitiko D.Metal
24. May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninunong mga
kasalukuyang tao. Alin ang hindi kabilang dito?
A.Homo Sapiens B. Homo Habilis C. Homo Erectus D. Australopithecine
Page 2 of 4 pages
26. Sa iyong palagay, bakit ang mga sinaunang tao sa daigdig ay naninirahan sa mga tabing ilog?
A. Sapagkat mataba ang lupa ditto
B. Mayaman sa pagkain ang lugar
C. Mahirap silang marating ng mga kaaway
D. Madali silang makapaglinis ng kanilang katawan
28. Alin sa sumusunod na kabihasnan ang itinuturing na pinakamatandang nanatili sa buong daigdig
hanggang sa kasalukuyan?
A. Kabihasnang Egypt B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Mesopotamia D. Kabihasnang Tsino
32. Ang lipunan sa kabihasnang Indus ay pinamahalaan ng mga imperyo. Alin sa mga sumusunod na
imperyo ang unang namayani dito?
A. Imperyong Gupta B. Imperyong Majapahit
C. Imperyong Mogul D. Imperyong Maurya
34. Ang lipunan sa kabihasnang Indus ay pinamahalaan ng mga imperyo. Alin sa mga sumusunod na
imperyo ang pinakahuling namayani dito?
A. Gupta B. Maurya C. Mogul D. Madjapahit
37. Ito ay isang pang ritwal na laro ng mga Olmec na kahalintulad ng larong basketbol
A. Jaguar B. Larong goma C. Piko D. Pok-ta-Pok
38. Ang mga pamayanan na naging sentro ng kabihasnan noong unang panahon ay nasa ____________.
A. lambak-ilog B. dagat-ilog C. lambak- kapatagan D. tabing dagat
40. Huminto sa pagiging nomadic ang mga tao nang siya ay ___________________.
A. Tumigil sa paglalakad
B. Nang magkaroon ng pamahalaan
C. Nanatili sa pangangalap ng pagkain at pangangaso
D. Nanatili sa isang permanenteng pamayanan
Page 3 of 4 pages
41. Siya ang kinikilalang diyos ng mga Teotihuacan
A. San Lorenzo B. La Venta C. Quetzalcoatl D. Veracruz
43. Ang Great Wall ng China ay itinayo bilang pananggalang sa mga nais lumusob sa lupaing ito.
Ito ay ambag ng bansang ____________
A. China B. Egypt C. Mesoamerika D. Mesopotamia
46. Napatanyag ang mga Persian sa pagsulong ng kanilang relihiyon na itinatag ni Zoroaster. Alin sa mga
sumusunod ang relihiyon ng mga Persiano?
A. Budhism B. Hinduism C. Paganism D. Zoroastrianism