PROSESO NG PAGSULAT
KAHULUGAN NG PAGSULAT
Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan
sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala
bilang sistema ng pagsulat).
Isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga idea ng tao ay
isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para
maihayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal
na pamamaraan.
Isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t ibang
layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan na ng
isang tao na mailabas ang kanyang mga idea sa pamamagitan ng pagsasatitik
sa mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat
ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
(Bernales, et.al, 2001)
BAHAGI NG PAGSULAT O TEKSTO
Ang pamagat ay dapat kawili wili upang makuha ang atensyon ng mga
mambabasa. • Maari rin naman na ang pamagat ay tumatalakay sa tema o
paksang binibigyan pokus sa isang komposisyon, akda, o isyu. • Ang
pangunahing tauhang tinatalakay ay maaari ring gawing pamagat ang tagpuan o
pinangyarihan o kayay ang nangingibabaw na damdamin ng pangunahing tauhan
sa kwento.
Ang panimulang bahagi ng isang akda o komposisyon ay ang mukha ng sulatin.
Ito ay bahaging humahatak o umaakit sa mga mambabasa nangangailangan
itong gamitan ng malikhaing pag- iisip ang panimula ng isang akda dahil
nakasalalay rito ang kawilihan ng bumabasa (Gomes 2013:59).
Ang Katawan o Gitnang Bahagi ng Teksto ay tinagurian bilang
pinakamahalagang bahagi ng teksto. Nakapaloob dito ang mga mahahalagang
kaisipan at diwang ibinabahagi ng mayamang guniguni ng manunulat. Sa
katawan o gitnang bahagi ng teksto ay dapat malinaw at isa-isang masagot ang
bawat tanong na inilalahad sa panimula. Kaya ang magiging katawan ng
tekstong tumatalakay sa kung ano ang pag-ibig ay ganito.
Ang konklusyon/Wakas na Bahagi ng Teksto ay ang isang mabisang pahayag sa
bahaging wakas ng teksto ay napakahalaga. Kinakailangan ito upang makuha
ang interes sa mga mambabasa upang patuloy na humanap ng mga materyales
na maaaring mabasa hinggil sa paksang kaugnay na kaisipan doon sa paksang
may kaugnay na kaisipan doon sa paksang napili.
MGA PARAAN NG MABISANG PANIMULA
A. Introduksiyon
Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-
akit upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring
pangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha. Ito’y dapat maging
malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong ibibigay
ng mambabasa.
Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon.
Nakasalalay dito ang pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay
ang kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa
haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang komposisyon, ang isang talataan o
maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.
Mga Paraan ng Pagsisimula
Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan
ang maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan
sa pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:
Mga Paraan
1. Pasaklaw na Pahayag
Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-
sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye.
Ito’y karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga
awtoridad makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa
isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City.
-Pilipino Star Ngayon
Nobyembre 14, 2004
2. Pagbubuod
Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Halimbawa:
Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo…..
-Pilipino Star Ngayon
Nobyembre 14, 2004
3. Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng
malamig na simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at
panakanakang kidlat sa kalangitan.
-People’s Journal Tonight
Nobyembre 14, 2004
4. Tuwirang Sinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na
tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at
isasagawa ko ito….”
-The Philippine Star
Setyembre 15, 2001
5. Panlahat na Pahayag
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga
salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang
kasalanan ay baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni
Carmelita Tagonon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita.
6. Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon,
mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
Halimbawa:
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa
kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya.
Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook.
mula sa “Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva E. Matute
7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas
matindi ang bisa.
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga
ang pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
B. Gitna o Nilalaman
Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga
pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang
pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang
kawilihan ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya
ay makababagot sa mga mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga kaisipang
magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay upang maging maliwanag at hindi
nakalilito ang pagpapahayag.
Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng katawan ng komposisyon ay
ang mga sumusunod (Arrogante, 1994):
Mga Paraan
1. Pakronolihikal
Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa
pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang
inay hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.
2. Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat
tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa
isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin
sa; mga kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan
na magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang
sa bilang ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa.
3. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay
dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay
ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.
C. Wakas o Kongklusyon
Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang
wastong pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas.
Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay
nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas
ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.
Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di
kasiya-siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng
kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon ay ang mga
sumusunod:
1. Tuwirang Sinasabi
Halimbawa:
“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make
an intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral
system,” ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang
anumang butas upang ipatupad ang batas modernisasyon.
-Taliba (Nobyembre 5, 2004)
2. Panlahat na Pahayag
Halimbawa:
… Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din
kalaunan, wika nga.
3. Pagbubuod
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Halimbawa:
… Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong
magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang
pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.
5. Pagtatanong
Halimbawa:
Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at
karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin
para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan
ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?
6. Pagsisipi
Halimbawa:
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan,
na angkop sa tinatalakay na paksa.)
PARAAN SA PAGSASAAYOS NG KATAWAN
1. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal
2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa,papasok o
palabas
3. Iayos ang mga datos nang pasahol
4. Iayos ang mga datos nang pasaklaw.
5. Paghambingin ang mga datos
6. Isa-isahin ang mga datos.
7. Suriin ang mga datos