Ap 8
Ap 8
Pangalan:_____________________________________________
Paaralan:_____________________________ Iskor:_________
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka tamang sagot.
1. Ano ang pinakamataas na bundok sa daigdig?
A. Annapurna B. Everest C. Lhotse D. Makalu
3. Anong pamamaraan ang dapat mong gamitin sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan
ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito?
A. latitude line C. lokasyong absolute
B. longitude line D. relatibong lokasyon
4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-
aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.
9. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon
batay sa wika?
A. etniko
B. etnolingguwistiko
C. etnisidad
D. katutubo
14.Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinaka- maraming
gumagamit?
A. Afro-Asiatic
B. Indo-European
C. Austronesian
D. Niger-Congo
Para sa bilang 15-16. Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na
tanong.
17.Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng
mga yumao?
A. Mesolitiko
B. Neolitiko
C. Metal
D. Paleolitiko
21.Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan
sa pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain.
B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.
22.Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong
may kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado
B. maramot
C. mapagtimpi
D. matalino
23. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian
B. Assyrian
C. Aryan
D. Chaldean
29. Sino ang pinuno na nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan
ang isang pag-aalsa laban sa Assyria?
A. Cyrus the Great
B. Nebuchadnezzar II
C. Nabopolassar
D. Sargon I
31.Ano ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal,
sawikain at mga salaysay ng mga Hindu?
A. Bibliya C. Koran
B. Ritwal D. Vedas
43.Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos?
A. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis.
B. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.
C. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo
ng pook-sambahan.
D. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at pagtubo
ng mga pananim.
45. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan?
A. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay.
C. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
D. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.
47. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at
iba pang uri ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
B. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
C. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
D. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.