0% found this document useful (0 votes)
281 views

Sample Module in AP

This self-paced learning module covers key laws related to the gradual transfer of sovereignty from the United States to the Philippines. It discusses (1) the Philippine Organic Act of 1902 which established civil government in the Philippines; (2) the Jones Law of 1916 which promised independence after establishing stable government; and (3) the Hare–Hawes–Cutting Act which provided for Philippine independence after a 10-year transition period. The module aims to help students understand the mission of gaining independence through these defining laws.

Uploaded by

MaRyel Fariscal
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPT, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
281 views

Sample Module in AP

This self-paced learning module covers key laws related to the gradual transfer of sovereignty from the United States to the Philippines. It discusses (1) the Philippine Organic Act of 1902 which established civil government in the Philippines; (2) the Jones Law of 1916 which promised independence after establishing stable government; and (3) the Hare–Hawes–Cutting Act which provided for Philippine independence after a 10-year transition period. The module aims to help students understand the mission of gaining independence through these defining laws.

Uploaded by

MaRyel Fariscal
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPT, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 58

Self-Paced

Learning
Module
OVERVIEW

•Definition of SPLM
•Characteristics of SPLM
•Purposes of SPLM
•Guidelines in Developing
SPLMs
•Parts of the SPLM
•Sample SPLM
ACTIVITY

Arrange the
jumbled letters
to form the
correct word.
PULATIVEMANI
MANIPULATIVE
LFES ECDAP
SELF PACED
DHILC
D L Y N IE R F
CHILD
FRIENDLY
LACGIOL
EQUESNCE
LOGICAL
SEQUENCE
ELBSSIAECC
ACCESSIBLE
DOELMU
MODULE
Self-Paced Learning Module
An orderly set of instructions
designed to facilitate the learner’s
mastery of a body of knowledge or a
procedure. Its covers relatively small
topics or short procedure. Although
SPLMs are traditionally printed, they
may also be computer-based and
administered. (Oklahoma Dept. of
Career & Technology Education)
Self-Paced Learning Module
• A unit of education covering a
single topic. (wiktionary.org)

• A unit of education or instruction


with a relatively low student-to-
teacher ratio, in which a single
topic or a small section of a broad
topic is studied for a given period
of time. (the freedictonary.com)
• Logical sequence
• Accessible
• Child/User-friendly
• Comprehensive
• Cohesive
• Self-paced
• Manipulative

Source : Oklahoma Dept. of Career &


Technology Education
• To facilitate learning for
individualized or self-paced
instruction.
• To supplement traditional
instruction to provide more
thorough and/or additional
training.
Source : Oklahoma Dept. of Career &
Technology Education
• Appropriate, Congruent, Relevant
• Size
• Color
• Durability
• Economy & Accessibility
• Mobility
• Multi-disciplinary
• Easy to Reproduce
Abad (1996)
According to Abad (1996)

•Title
•Target Learner
•Overview
•Objectives
•Instructions to the Learners
•Entry Behavior
•Pre-test
•Feedback for Pre-test
According to Abad (1996)

•Learning Activities
•Questions/Exercises
•Post-test
•Feedback for Post-test
•Closing Page

End
NILIKHA NI:
ANNALLENE MARIELLE R. FARISCAL
(COVER) GURO
NILIKHA NI:
ANNALLENE MARIELLE R. FARISCAL
(TITLE) GURO
LAGOM – PANANAW
(Overview)

Ang modyul na ito “ANG MISYON


NI MALAYA” ay ginawa upang
matulungan ang mga mag-aaral sa
ikaanim na baitang upang lubos na
maunawaan at matukoy ang mga batas
na may kinalaman sa unti-unting
pagsasalin ng kapangyarihan sa mga
Pilipino tungo sa pagsasarili.
Ang mga sumusunod na konsepto
ang nakapaloob sa modyul na ito:
A. Batas Pilipinas ng 1902 ( Philippine
Organic Act of 1902)
B. Batas Jones ng 1916 ( Philippine
Autonomy Act of 1916)
C. Misyong OSROX
D. Batas Hare –Hawes – Cutting
E. Batas Tydings Mcduffie ( Philippine
independence act of 1934)
LAYUNIN
(Objective)
Bago natin simulan ang ating
paglalakbay tungo sa ating
misyon,kailangan mo munang
matutong makipaglaban hindi sa
pamamagitan ng lakas, armas o
sandata kundi sa pamamagitan ng
pag-aaral ng mga batas at kasunduang
gumagabay dito. Huwag kang mag-
alala sapagkat ako ang iyong magiging
gabay sa bawat pahina ng iyong
paglalakbay at pakikipaglaban tungo
sa iyong tagumpay.
Inaasahan ko na
sa pagtatapos ng ating 1. Natutukoy ang mga batas na
paglalakbay at may kinalaman sa unti-unting
pagsasalin ng kapangyarihan sa
pakikipaglaban ay mga Pilipino tungo sa
nagagawa mo na ang mga pagsasarili
sumusunod:
2. Nasusuri ang nilalaman ng mga
batas na ipinatupad kaugnay sa
pagkakaloob sa Pilipinas ng
karapatan sa pamamahala sa
sariling bansa
3. Naipapahayag ang
pagmamalaki sa pagpupunyagi
ng mga Pilipino upang
makapagtatag ng nagsasariling
pamahalaan
PAMANTAYAN
(Instructions to the Learner)
1. Siguraduhing malinis ang iyong
Alam kong handa kamay kung hahawakan ang
ka na sa ating paglalakbay at mga pahina ng modyul na ito.
pakikipaglaban tungo sa 2. Gumamit ng malinis na papel
ating misyon ang makamit para sagutan ang mga gawain
ang ating kasarinlan. Ngunit at pagsasanay na dapat mong
bago natin ito simulan,
gawain.
basahin ang mga sumusunod 3. Basahin at unawaing Mabuti
ang bawat panuto na nakasaad
na paalala. sa modyul na ito. Kung hindi
maunawaan maaaring
magtanong o humingi ng
tulong sa iyong guro o sa
sinumang nakatatanda.
4. Sagutin ng buong katapatan
ang mga tanong sa bawat
pagsasanay.
Handa ka na ba?
Magaling! Maari
na nating
simulan ang
ating misyon!
PRE-TEST
Sa unang bahagi ng ating paglalakbay at
pakikipaglaban tungo sa ating misyon. Kailangan
kong subukan ang lalim ng iyong kaalaman at
kahandaan tungkol sa mga batas na may
kinalaman sa ating pagsasarili. Kailangan mong
sagutin nang buong katapatan ang mga
sumusunod na tanong.
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat pangungusap
at MALI kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay tinatawag din na Organict Act
ng Pilipinas.
2. Ang unang opisyal na pahayag ng paglaya ng Pilipinas ay
nakapaloob sa Batas Jones.
3. Ang Batas Hare – Hawes- Cutting ay tinatawag din na
Philippine Autonomy Act.
4. Ipinadala ng Pilipinas nag Misyong OSROX upang ilakad ang
pagpapatibay sa batas para sa kalayaan ng Pilipinas.
5. Ang probisyon sa pagbibigay ng sampung taong
transisyon sa pilipinas para sa pagsasarili ay unang
itinakda sa batas Hare-Hawes-Cutting.
Feedback for Pre-Test
Tapos ka na ba? Ngayon alamin
natin ang mga kasagutan sa unang pagsubok
na iyong pinagdaanan.Buksan mo ang
kasunod na pahina ng aking modyul para
malaman mo kung tugma ang iyong mga
kasagutan. Kung hindi naman huwag kang
mag-alala tutulungan kitang malaman at
matutunan ang mga kasanayan at kaalamang
dapat mong taglayin upang magtagumpay ka
sa iyong paglalakbay at pakikipaglaban tungo
sa iyong misyon, ang makamit ang kasarinlan.
Tandaan mo na ang isang magiting
na mandirigma ay hindi agad sumusuko sa
laban. Sa takdang panahon bunga ng iyong
magiting na pagtitiyaga at pagsasanay
magiging bihasa ka rin sa mga kaalaman at
kasanayang dapat mong taglayin at
matutunan.
Pre-Test
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
Upang lubos mong maunawaan
at matutunan ang mga kasanayang dapat
mong taglayin tungo sa tagumpay ng
ating misyon samahan mo akong balikan
at pag-aralang muli ang bawat pahina ng
ating kasaysayan tungo sa pagsasarili.
Isa- isa nating talakayin ang bawat batas
na gagabay sa ating misyon tungo sa
ating kasarinlan.
Buksan mo ang iyong mga mata
at palawakin ang iyong pag-unawa
habang nilalakbay natin ang bawat
pahina tungo sa ating kasarinlan.
Alam kong handang-handa ka na
kayat simulan na natin ang ating pag-
Learning
aaaral. Activities
BATAS PILIPINAS NG 1902
Narito ang
mga batas na ( PHILIPPINE BILL OF 1902 )
nagging daan upang ito ang organic Act ng Pilipinas na
unti-unting maisalin isinulat ni Henry Allen Cooper
sa mga Pilipino ang kaya’t tinawag din itong Cooper
kapangyarihan sa Act.
pamamahala tungo Unang batas na ipinasa sa
sa pagsasarili. Kongreso ng US na nagsilbing
batayan ng Pamamahala sa
Pilipinas.
Unang pormal na dokumentong
nagsasaad ng patakaran ng US sa
Pilipinas bilang teritoryo nito.
Unang hakbang sa pagbibigay ng
US ng pagkakataon sa mga Pilipino
upang pamahalaan ang sariling
bansa.
BATAS JONES NG 1916
(JONES LAW OF 1916)
Inakda ng Amerikanong Ito ang unang batas na
mambabatas na si William nagbigay ng pangakong
Atkinson Jones. Ang batas kalayaan sa mga Pilipino.
na ito ay kilala din bilang
Philippine Autonomy Act.
Ayon sa Preamble ng
batas Jones, babawiin ng
US ang soberanya nito sa
Pilipinas at kikilalanin ang
kalayaan ng mga Pilipino
makaraang magkaroon ang
mga Pilipino ng isang
matatag na Pamahalaan.
MISYONG OSROX
isa sa mga misyong Layunin ng misyong ito
ipinadala ng Pilipinas sa na ilakad ang
US upang tuluyan ng pagpapatibay sa batas
makalaya sa para sa kalayaan ng
impluwensiya ng Pilipinas.
Estados Unidos. Naging daan ang
Ito ay pinangunahan misyong ito upang
nina Sergio Osmeña at mabuo ang batas Hare-
Manuel Roxas. Hawes- Cutting.
Itinadhana sa batas na ito
BATAS HARE-HAWES-
ang pagkakaloob sa Pilipinas
CUTTING
ng kalayaan matapos ang
sampung taong transisyon o
 Binalangkas at binuo ng pagsasanay sa pamamahala.
mga mambabatas na sina Ito rin ang unang batas na
Harry Hawes, Butler Hare, nagtakda ng petsa ng paglaya
at Bronson Cutting. ng Pilipinas mula sa
pananakop ng mga
Amerikano sa petsang Hulyo
4,1946.
Isa pa sa mga probisyon ng
batas na ito ang
pagpapanatili ng mga base
military ng US sa Pilipinas.
BATAS TYDINGS MCDUFFIE
( TYDINGS MCDUFFIE ACT
OF 1934 )
misyong pangkalayaan na
Hindi nagustuhan ni may layuning tutulan ang
Manuel L.Quezon ang isa sa Hare-Hawes-Cutting Act.
mga probisyon ng Hare-
Hawes-Cutting ang Nagtungo siya sa US at
pagkakaroon ng US ng nakipag-ugnayan siya kina
kapangyarihang Senador Millard Tydings at
magpanatili ng mga base Kinatawan John McDuffie,
militar sa Pilipinas,kayat daan upang mabuo ang
nagsagawa ito ng isang tinaguriang Tydings
Mcduffie Act of 1934.
Nilagdaan ni Pangulong Franklin D. Naitatag ang Pamahalaang
Roosevelt ng Amerika ang batas Komonwelt kung saan nahirang na
Tydings McDuffie noong ika 24 ng Pangulo ng bansa si Manuel L.Quezon
Marso 1934. at Sergio Osmeña naman bilang
Halos magkatulad ang mga probisyon pangalawang pangulo. Bunga ng
ng batas na ito sa Hare-Hawes-Cutting kagitingan sa pakikipaglaban at
maliban sa pagpapanatili ng mga base pagmamahal ng mga Pilipino sa
militar ng US sa Pilipinas. Pilipinas,natupad narin ang matagal
Sa bisa ng batas na ito unti-unting ng pangarap ng mga Pilipino ang
inilipat sa mga Pilipino ang pumunuan ang sarli nitong bansa.
pamamahala sa bansa.
Nagkaroon ng halalan para sa mga
kasapi ng Constitutional Convention
na siyang magbabalangkas sa Saligang
Batas para sa pamahalaang
Komonwelt.
Pinamunuan ni Claro M.Recto ang
pagbalangkas ng Saligang Batas ng
1935, na nging daan upang pasinayaan
ang transisyonal na pamahalaang
maghahanda sa Pilipinas para sa
pagsasarili.
Binabati kita! Natapos mo ang iyong misyon ang
maunawaan at matutunan ang mga batas na
gumabay tungo sa ating kasarinlan. Ang iyong
pagtitiyaga at buong giting na pakikipaglaban
upang unawain ang mga kaalamang nakapaloob
sa bawat pahina ng modyul na ito ang siyang
magbibigay saiyo ng ibayong lakas at talino upang
higit mong mapagtagumpayan ang mga susunod
pang hamon sa iyo.
Handa ka na ba?
PAGSASANAY/
EXERCISES
A. Panahon na upang subukan ko ang iyong katatagan sa pakikipaglaban.
Kailangan mo ng gamitin ang mga natutunang mong kaalaman upang
magtagumpay ka sa iyong laban. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ang ang mga sumusunod ay mga Pilipinong naging bahagi ng mga


misyong pangkalayaan maliban kay___
A. Sergio Osmeña C. Manuel Roxas
B. Manuel Quezon D. Claro M. Recto
2. Ang probisyong tinutulan ni Manuel Quezon sa Hare-Hawes-Cutting ay
ang ___
A. Pagboto ng kabataan
B. Pagpapanatili ng mga base military ng US sa Pilipinas
C. Pagtatag ng korte suprema
D. Pagtatalaga ng dalawang Pilipino sa US
3. Pangulo ng Amerika na lumagda sa Batas Tydings McDuffie
A. Franklin D. Roosevelt C. Thomas Johnson
B. William Atkinson D. Millard Tydings
4. Anong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino sa kanilang
pakikipaglaban upang tuluyang makalaya sa impluwensiya ng mga
Amerikano?
A. pagmamahal sa sarili C. masipag at matiyaga
B. mapamaraan D. pagmamahal sa kapwa at sa
bansa
5. Ang batas pangkalayaan na tinutulan ni Manuel L. Quezon ay ang ___
A. Batas Jones C. Batas Hare-Hawes-Cutting
B. Batas Pilipinas ng 1902 D. Batas Tydings McDuffie
B. Upang lalong malinang ang iyong kakayahan sa pakikipaglaban.
Susubukan kong muli ang iyong kaalaman . Kailangan mong pagtambalin
ang mga salita sa hanay A mula sa mga kaisipang nasa hanay B. Isulat
lamang ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A B
1. Batas Jones a. pangulo ng pamahalaang
komonwelt
2. Roxas at Osmeña b. batas na nagtakda ng pagbigay
ng pangakong kalayaan sa pilipinas
3. Manuel Quezon c. batas organiko ng Pilipinas

4. Batas Pilipinas ng 1902 d. batas na nagtakda ng petsa ng Kalayaan


ng Pilipinas na hulyo 4,1946
5. Hare-Hawes-Cutting e. misyong OSROX
Tingnan mo ang kasunod na
pahina ng aking modyul upang
malaman mo kung tama ang mga
kasagutan sa pagsasanay na iyong
ginawa. kung hindi naman huwag
kang masyadong mag-alala maari
mong hingin ang tulong ng iyong
mga magulang,o sino mang
nakatatanda saiyo. Maari ka ring
sumangguni sa iyong guro.
A. B.
1. D
2. B
1. b
2. e
SUSING
3. A
4. D
3. a
4. c
SAGOT
5. C 5. d (Pagsasanay)
Post-test

Alam kong bihasang - bihasa ka na sa mga


kasanayan at kaalaman sa pakikipaglaban tungo
sa iyong misyon. Ngayon muli mong ipapakita
sakin ang iyong husay at galing. Buksan ang
iyong isipan upang matukoy mo kung ano o sino
ang inilalarawan sa bawat pangungusap.Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ang unang pormal na dokumentong
nagsasaad ng patakaran ng US sa Pilipinas
bilang teritoryo nito.
2. Nakasaad sa Preamble nito na kikilalanin ang
kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon
ang Pilipinas ng isang matatag na pamahalaan.
3. Ang pamamahala sa bansa ay unti-unting
nailipat sa mga Pilipino sa bias ng batas na ito.
4. Misyon na nagging daan upang mabuo ang
batas Hare-Hawes-Cutting.
5. Batas na nagtakda ng petsa ng paglaya ng
Pilipinas.
FEED BACK FOR POST TEST

Tingnan mo ang kasunod na pahina ng aking modyul upang


malaman mo kung tama ang mga kasagutan sa pagsasanay na
iyong ginawa. kung hindi naman huwag kang masyadong mag-
alala maari mong hingin ang tulong ng iyong mga magulang,o
sino mang nakatatanda saiyo. Maari ka ring sumangguni sa
iyong guro.
1. Batas Pilipinas ng 1902
2. Batas Jones
3. Batas Tydings Mcduffie
4. Misyong OSROX
5. Batas Hare-Hawes-Cutting
Binabati kita! Isa kang magiting na mandirigma!
Hindi man naging madali ang iyong paglalakbay at
pakikipaglaban sa bawat pahina ng iyong misyon,
alam kong buong tiyaga at giting kang
nakipaglaban upang makamit mo ang matamis na
tagumpay tungo sa iyong kasarinlan.
Masaya ako na nakasama kita sa bawat pahina ng
iyong paglalakbay at pakikipaglaban. Salamat at
hinayaan mo akong gabayan kita sa bawat hamon
na iyong naranasan.
Ngayon isa ka ng MALAYANG MADIRIGMA!
natitiyak ko na kaya mo ng harapin mag-isa ang
mga darating na hamon sa mga susunod mo pang
paglalakbay.
Muli ako si MALAYA ang iyong gabay sa bawat
misyon ng iyong paglalakbay.

CLOSING PAGE

You might also like