MASUSING
BANGHAY–
ARALIN
Paaralan LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 10
Guro MA. CAROLIN IRIS T. CEPIDA Asignatura FILIPIN
O
Petsa at Oras January 14, 2021 Markahan 2nd
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
isinagawang critque tungkol sa alimang akdang
pampanitikang Mediterranean
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/
Layunin
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-
asal - F10PN-Ib-c-63
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at
binasang mitolohiya - F10PB-Ib-c-63
3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga
salita at ekspresyong ginamit sa akda, at ang bisa ng
paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding
damdamin - F10PT-Ib-c-62
II. PAKSANG-ARALIN
Modyul 2
Parabula
Tusong Katiwala (Lukas 16: 1-5)
III. MGA KAGAMITAN
Aklat, Laptop, Projector, Cellphone, Panulat
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
2. Pagpapanatili sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng mga liban sa klase
B. Balik-Aral at/o Panimula
Panuto: Pagtapatin ang dalawang hanay batay sa ginawang talakayan noong nakaraang
tagpo. Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
C. PANGGANYAK
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba.
MGA TANONG:
1. Ano ang kanilang pagkakatulad?
2. Anong salita ang pwedeng gamiting paglalarawan sa mga ito?
3. Mula sa mga ipinakitang larawan, ano kaya ang mensahing nais ipabatid nito sa atin?
4. Paano makakatulong ang mga mensaheng nakapaloob sa larawan sa pag-uugali ng isang tao?
D. PAGLALAHAD
Ang pag-aaralan nating aralin ngayon ay tungkol sa isang Parabula na pinamagatang ang
A
_____ 1. Igat
_____ 2. Ritwal
_____ 3. Bu-ad
_____ 4. Bugan
_____ 5. Wigan
B
a. sa salita ng Ifugao nangangahulugang babae
b. sa salita ng Ifugao nangangahulugang lalaki
c. isang ritwal na ginagawa upang magkaroon ng
anak
d. isang uri ng isda na napakadulas
e. sinaunag paraan sa pag-aalay sa mga diyos at
diyosa
“Tusong Katiwala” ito ay hango sa Lukas 16:1-5)
E. PAGTALAKAY
Basahin ang isang halimbawa ng parabola. Nais kong bigyan mo ng pansin ang
pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na tanong na: Bakit mahalagang
maunawaan at mapahalagahan ang parabola bilang akdang pampanitikan?
ANG TUSONG KATIWALA
(Lukas 16: 1-5)
Philippine bible Society
¹ Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya
na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan.
2
Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng
ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’
3
Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang
pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos.
4
Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin
sa kanilang tahanan.’
5
Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una,
‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’
6
At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan
ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’
7
Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong,
‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at
isulat mo na walumpu.’
8
Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak
ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng
liwanag.
9
Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung
maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan.
10
Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa
marami.
11
Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo
sa tunay na kayamanan?
12
At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili
ninyong kayamanan?
13
Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa
ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang
isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.”
Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kanyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa
inyong negosyo?
Pangkatang Gawain:
Suriing mabuti ang binasang parabula at tukuyin ang mga elemento nito.
Alam mo ba na….
Ang parabola ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang
moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko
ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabola ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.
Mula sa Elements of Literaturenina Holt et.Al. 2008.Texas, USA
Elemento ng Parabula
1.Tauhan - ito ang mga karakter na hango sa Bibliya na maaaring makapagbibigay aral.
2. Tagpuan - ito ang lugar at panahon na pinang- yarihan ng kuwento.
3. Banghay - Ito ang pagka- sunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ito ay binubuo
ng simula, gitna at wakas.
4. Aral o magandang Kaisipan - Ito ay ang makabuluhang mensaheng matutuhan mula
sa akdang binasa.
Unang pangkat
TAUHAN
Ikalawang pangkat
TAGPUAN
F. PAGLALAHAT
Bumuo ng isang mahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentsyon.
G. PAGLALAPAT
Panuto: Kopyahin ang tsart at isulat ang mga pangyayari na maaaring iugnay sa sariling
karanasan o tunay na buhay.
Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sariling Karanasan
H. PAGPAPAHALAGA
Sa pagbabago ng henerasyon, nakita natin kung paano sinubok ng panahon at
Ikatlong pangkat
BANGHAY
Ikaapat na Pangkat
Aral o Magandang Kaisipan
PARABULA
KAHALAGAHAN PAG-UNAWA
nagkaroon ng pagbabago sa ating panitikan. Tandaan natin, yumabong man ang ating
kaalaman kaalinsabay ng paglipas ng panahon ang pagkatuto ng bawat henerasyon ay
nakasalalay sa mga kamay ng responsableng mamamayan na magpapatuloy ng lalo pang
mabuti at may kalidad na mga akdang babasahin.
Bilang kabataan, paano mo maipapakita sa iba ang kahalagan ng parabula sa ating
panitikan? Itala ang iyong sagot
I. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng KATOTOHANAN, KABUTIHAN,
KAGANDAHANG ASAL
KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG - ASAL
J. KARAGDAGANG GAWAIN AT/O PAGPAPAHUSAY
Panuto: Magbasa ng ilan pang halimbawa ng parabula at ibahagi ito sa klase sa susunod na
talakayan.
V. MGA TALA
VI. PANINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)? Bilang ngmag-aaral na
naunawaan ang aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailang ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin saaking pagtuturo ang naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaring malutas sa tulong ng
aking punongguto at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit/
natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang guro?
Inihanda ni:
MA. CAROLIN IRIS T. CEPIDA
Guro sa Filipino
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
Labnig, Talacogon, Agusan del Sur
School I.D. 317432

1st COT grade10 sy 2020- 2021.docx

  • 1.
    MASUSING BANGHAY– ARALIN Paaralan LABNIG NATIONALHIGH SCHOOL Baitang 10 Guro MA. CAROLIN IRIS T. CEPIDA Asignatura FILIPIN O Petsa at Oras January 14, 2021 Markahan 2nd I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critque tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/ Layunin 1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang- asal - F10PN-Ib-c-63 2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at binasang mitolohiya - F10PB-Ib-c-63 3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda, at ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin - F10PT-Ib-c-62
  • 2.
    II. PAKSANG-ARALIN Modyul 2 Parabula TusongKatiwala (Lukas 16: 1-5) III. MGA KAGAMITAN Aklat, Laptop, Projector, Cellphone, Panulat IV. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral 2. Pagpapanatili sa kalinisan ng silid-aralan 3. Pagtatala ng mga liban sa klase B. Balik-Aral at/o Panimula Panuto: Pagtapatin ang dalawang hanay batay sa ginawang talakayan noong nakaraang tagpo. Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
  • 3.
    C. PANGGANYAK Panuto: Suriingmabuti ang mga larawan at sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba. MGA TANONG: 1. Ano ang kanilang pagkakatulad? 2. Anong salita ang pwedeng gamiting paglalarawan sa mga ito? 3. Mula sa mga ipinakitang larawan, ano kaya ang mensahing nais ipabatid nito sa atin? 4. Paano makakatulong ang mga mensaheng nakapaloob sa larawan sa pag-uugali ng isang tao? D. PAGLALAHAD Ang pag-aaralan nating aralin ngayon ay tungkol sa isang Parabula na pinamagatang ang A _____ 1. Igat _____ 2. Ritwal _____ 3. Bu-ad _____ 4. Bugan _____ 5. Wigan B a. sa salita ng Ifugao nangangahulugang babae b. sa salita ng Ifugao nangangahulugang lalaki c. isang ritwal na ginagawa upang magkaroon ng anak d. isang uri ng isda na napakadulas e. sinaunag paraan sa pag-aalay sa mga diyos at diyosa
  • 4.
    “Tusong Katiwala” itoay hango sa Lukas 16:1-5) E. PAGTALAKAY Basahin ang isang halimbawa ng parabola. Nais kong bigyan mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na tanong na: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabola bilang akdang pampanitikan? ANG TUSONG KATIWALA (Lukas 16: 1-5) Philippine bible Society ¹ Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan. 2 Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’ 3 Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos. 4 Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’ 5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ 6 At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’ 7 Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na walumpu.’ 8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag. 9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami. 11 Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili
  • 5.
    ninyong kayamanan? 13 Walang alipingmakapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.” Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala. 2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kanyang amo? 3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa inyong negosyo? Pangkatang Gawain: Suriing mabuti ang binasang parabula at tukuyin ang mga elemento nito. Alam mo ba na…. Ang parabola ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabola ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula sa Elements of Literaturenina Holt et.Al. 2008.Texas, USA Elemento ng Parabula 1.Tauhan - ito ang mga karakter na hango sa Bibliya na maaaring makapagbibigay aral. 2. Tagpuan - ito ang lugar at panahon na pinang- yarihan ng kuwento. 3. Banghay - Ito ang pagka- sunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ito ay binubuo ng simula, gitna at wakas. 4. Aral o magandang Kaisipan - Ito ay ang makabuluhang mensaheng matutuhan mula sa akdang binasa. Unang pangkat TAUHAN Ikalawang pangkat TAGPUAN
  • 6.
    F. PAGLALAHAT Bumuo ngisang mahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentsyon. G. PAGLALAPAT Panuto: Kopyahin ang tsart at isulat ang mga pangyayari na maaaring iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay. Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sariling Karanasan H. PAGPAPAHALAGA Sa pagbabago ng henerasyon, nakita natin kung paano sinubok ng panahon at Ikatlong pangkat BANGHAY Ikaapat na Pangkat Aral o Magandang Kaisipan PARABULA KAHALAGAHAN PAG-UNAWA
  • 7.
    nagkaroon ng pagbabagosa ating panitikan. Tandaan natin, yumabong man ang ating kaalaman kaalinsabay ng paglipas ng panahon ang pagkatuto ng bawat henerasyon ay nakasalalay sa mga kamay ng responsableng mamamayan na magpapatuloy ng lalo pang mabuti at may kalidad na mga akdang babasahin. Bilang kabataan, paano mo maipapakita sa iba ang kahalagan ng parabula sa ating panitikan? Itala ang iyong sagot I. PAGTATAYA Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng KATOTOHANAN, KABUTIHAN, KAGANDAHANG ASAL KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG - ASAL J. KARAGDAGANG GAWAIN AT/O PAGPAPAHUSAY Panuto: Magbasa ng ilan pang halimbawa ng parabula at ibahagi ito sa klase sa susunod na talakayan. V. MGA TALA VI. PANINILAY
  • 8.
    A. Bilang ngmag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga gawaing pagpapahusay (remedial) C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)? Bilang ngmag-aaral na naunawaan ang aralin. D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailang ng pagpapahusay (remediation) E. Alin saaking pagtuturo ang naging epektibo? Bakit? F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaring malutas sa tulong ng aking punongguto at superbisor? G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit/ natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang guro? Inihanda ni: MA. CAROLIN IRIS T. CEPIDA Guro sa Filipino Republic of the Philippines Department of Education Caraga Administrative Region DIVISION OF AGUSAN DEL SUR LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL Labnig, Talacogon, Agusan del Sur School I.D. 317432