Kasanayang Pampagkatuto atKoda
• Naipaliliwanag ang mga salitang di-lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap
F9PT -IId -47
• Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan F9PN -IId -47
• Naipaliliwanag ang mga: - kaisipan, - layunin, - paksa at - paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
F9PB -IId -47
• Nabibigyang -puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o
opinyon sa isang talumpati F9PD -IId -47
4.
Aralin
• Sanaysay
• Uring Sanaysay
• Sanaysay na
Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraan 50 Taon
Isinalin sa Filipino Sheila C. Molina
5.
Taiwan
Ang Taiwan aykilala bilang isa sa mga
bansang nangunguna sa larangan ng
teknolohiya.
Karamihan ng Taiwanese ay may tradisyonal na pagpapahalaga
batay sa Confucian Ethics. Kasama rito ang kagandahang-asal,
karunungan, at angkop na ugnayang sosyal.
Ang Taiwan ay isang bansa na
matatagpuan sa Timog-Silangang Asya ito
ang pinakamalaking pulo sa Republika ng
Tsina na dating tinatawag na Formosa na
ibig sabihin ay ”Magandang Isla”.
.
Bansang Taiwan
6.
Sanaysay
Ito ay matalinong
pagkukurong
sumulat sa isang
paksa.
Ang sanaysay ay
pagsasalaysay ng
isang sanay.
Kabilang sa matatawag
na sanaysay ang mga
akdang pandalub-aral
gaya ng tesis, disertasyon
at pamanahong papel .
Ano ang Sanaysay?
7.
Dalawang Uri ngSanaysay
Pormal Di-Pormal
Ito ay tumatalakay sa mga
seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing
pag-aaral at malalim na
pagkaunawa sa paksa.
Ito ay tumatalakay sa
paksang magaan,
karaniwan, pang-araw-
araw at personal.
8.
Talasalitaan: Basahin atunawain ang sumusunod na pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon
ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit at isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Ang kalagayan ng mga babae makalipas ang ilang taon ay lalong naging komplikado.
2. Sa napakaraming pagbabagong naganap, naging kakaiba rin ang gampanin ng mga babae.
3. Ang mga kinauukulan ay handa nang kumuha ng mga babaeng may sapat na kakayahan.
4. Maraming kompanya rin ang nagpakita ng mabuting pagtrato at pagtanggap sa kababaihan.
5. Hanggang ngayon patuloy pa ring hinaharap ng kababaihan ang ating mundong
mapanghamon.
katayuan
tungkulin
namamahala
pakikitungo
mapanubok
katayuan
tungkulin
namamahala pakikitungo
nagmamay-ari
mapanubok
9.
Ang Kababaihan ngTaiwan: Ngayon at Noon
Nakaraan 50 Taon
Isinalin sa Filipino Sheila C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa
kalalakihan.
Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong
pagkakataon at
karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang
nakakakuha ng
pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan
ng
kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa
dalawang
kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang
pag-unlad ng
10.
Ngayon, nabago naang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging
komplikado. Sa bahay
ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.
Ngunit sa larangan
ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.
Sa madaling
salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang
ikalawang
kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong
makapag-aral, at mga
batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng
halaga sa
kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga
babaeng may
kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat
ang babae sa
isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas
11.
Ang gobyerno ngTaiwan ay gumagawa na ng
batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang
mapangalagaan ang kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong
mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at
kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan
na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at
pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi
makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa
kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring
dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking
pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan
nila sa lipunan.
Ikaapat na Pangkat
Pagbubuodsa kabuoan ng akda sa pamamagitan ng
pag-isa-isa sa mga mahahalagang impormasyon na
nakapalaoob sa akda.
18.
Gawain : Gamitang maikling video na ito sa Youtube
https://www.youtube.com/watch?v=LZ6mTw5jnRw&t=22s
Magbigay ng puna sa paraan ng pagsasalita
at pagpapahayag ng paninindigan ng tauhan.
Pumili ng emoticon na nasa ibaba at iguhit
ito sa inyong sagutang papel. Pagkatapos ay
ilahad ang iyong mga puna sa pamamagitan
ng pagsulat ng isang sanaysay.
20.
Pangatnig
Mga kataga olipon ng mga
salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala sa
kapwa parirala at sugnay sa
kapwa sugnay upang
maipakita ang dalawa o
higit pang kaisipan sa loob
ng pangungusap.
Ginagamit din sa mga
pangungusap na
tambalan, hugnayan at
langkapan.
21.
Pangatnig na nag-uugnaysa
magkatimbang na yunit Pangatnig na nag-uugnay sa di-
magkatimbang na yunit
Dalawang pangkat ng Pangatnig
22.
Pangatnig na nag-uugnaysa magkatimbang na yunit
Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa, kabilang sa mga pangatnig na
ito ang o, ni, maging, at , ‘t, o, ni, maging, ngunit, subalit, kundi atbp.
Halimbawa:
• Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
• Nakatulog ako’t nakapagpahinga.
• Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?
(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang
kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Halimbawa:
• Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
• Mabait siya pero istrikto.
23.
Pangatnig na nag-uugnaysa di-magkatimbang na yunit
Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi magkatimbang, na ang ibig
sabihin ay pantulong lamang ng isang sugnay, kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago, upang,
kapag, o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana, atbp.
(kapag, dahil sa, sapagkat, palibhasa) – nagpapakilala ng sanhi at bunga
(kaya, kung gayon, sana) – pangatnig na panlinaw
Halimbawa:
• Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
• Ang pamayanan ay umunlad dahil sa pagsusumikap ng bawat isa.
Halimbawa:
• Nag-usap na kami sa baranggay kung kaya ang kasong ito ay tapos na.
• Umamin na ang tunay na salarin kaya makakalaya na ang kaibigan mo.
24.
Gawain 1:
Basahin angtalataan at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.Isulat sa sagutang papel ang iyong mga kasagutan.
Sa pagharap sa maraming hamon sa buhay, kailangang-kailangan ang edukasyon sa
pagpupunyaging makamit ang ideyal na kapayapaan, kalayaan, at panlipunang katarungan. Hindi sa
dahilang ang edukasyon ay mapaghimalang gamot o mahika na magbubukas sa mundong ideyal kundi
ito’y isa sa pangunahing paraan upang mapagyaman ang higit na magkatugma at malalim na uri sa
pagdedebelop ng tao para mabawasan ang kahirapan, eksklusyon, kamangmangan, pang-aapi, at
giyera. Batay sa report sa UNESCO ng Internasyunal na Komisyon sa Edukasyon para sa ika-21 dantaon,
malaki ang maitutulong ng mga polisiya sa edukasyon upang makabuo nang higit na mabuting daigdig.
-halaw sa “Edukasyon: Ang Kinakailangang Utopia” ni Jaques Delors
1. Ayon sa iyong nabasang talata, bakit mahalaga ang edukasyon?
2. Bakit importateng ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemiyang ating
nararanasan? Ano ang maitutulong ng edukasyon sa iyong buhay?
25.
Gawain 2:
Balikan angnabasang talata at itala ang mga pangatnig na ginamit at suriin ito kung
magkatimbang o di-magkatimbang na yunit. Ilagay sa sagutang papel ang iyong kasagutan.
PANGATNIG NA MAGKATIMBANG PANGATNIG NA DI-MAGKATIMBANG
at o upang
Sa pagharap sa maraming hamon sa buhay, kailangang-kailangan ang edukasyon sa pagpupunyaging
makamit ang ideyal na kapayapaan, kalayaan, at panlipunang katarungan. Hindi sa dahilang ang edukasyon ay
mapaghimalang gamot o mahika na magbubukas sa mundong ideyal kundi ito’y isa sa pangunahing paraan upang
mapagyaman ang higit na magkatugma at malalim na uri sa pagdedebelop ng tao para mabawasan ang kahirapan,
eksklusyon, kamangmangan, pang-aapi, at giyera. Batay sa report sa UNESCO ng Internasyunal na Komisyon sa
Edukasyon para sa ika-21 dantaon, malaki ang maitutulong ng mga polisiya sa edukasyon upang makabuo nang higit
na mabuting daigdig.
-halaw sa “Edukasyon: Ang Kinakailangang Utopia” ni Jaques Delors
26.
Gawain 3: Isulatsa patlang ang pangatnig na bubuo sa pangungusap.
1. Mahusay gumuhit ______ magpinta ang mga mag-aaral.
2. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit _____ nag-aaral siya nang mabuti.
3. Sa kabila ng pandemiyang ating nararanasan, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral _____ ito ang
yaman na hindi mananakaw ninuman.
4. Nais kong sumama sa inyo sa mall ______ kailangan kong tapusin ang aking proyekto sa
Filipino.
5. Mag-iipon ako ng pera __________ makabili ako ng mga bagong aklat para sa aking
pag-aaral.
at
kaya
dahil
upang/para
ngunit
27.
Gawain 3: Isulatsa patlang ang pangatnig na bubuo sa pangungusap.
1. Mahusay gumuhit ______ magpinta ang mga mag-aaral.
2. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit _____ nag-aaral siya nang mabuti.
3. Sa kabila ng pandemiyang ating nararanasan, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral _____ ito ang
yaman na hindi mananakaw ninuman.
4. Nais kong sumama sa inyo sa mall ______ kailangan kong tapusin ang aking proyekto sa
Filipino.
5. Mag-iipon ako ng pera __________ makabili ako ng mga bagong aklat para sa aking
pag-aaral.
at
kaya
dahil
upang/para
ngunit
28.
Gawain 4: Basahinat suriin kung anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap.
1. Magaling umawit si Joey at mahusay magtugtog ng gitara si Dean.
2. Tawagan mo ako sa opisina kung may dumating na sulat mula kay Ernesto.
3. Si Tita Mia o si Ate Lisa ang sasama sa aming klase sa lakbay-aral.
4. Wala akong tiwala kay Raul dahil madalas siyang magsinungaling sa akin.
5. Uminom na ako ng gamot kaninang umaga ngunit masakit pa rin ang ulo ko
hanggang ngayon.
30.
Gawain 5:
Ngayon palaliminmo pa ang iyong kasanayang panggramatika sa pamamagitan ng
paggamit ng pangatnig sa pagbibigay ng sariling opinyon at pananaw tungkol sa mga
larawan. Gumamit ng mga pangatnig. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Pagtaas ng bilihin
Pagkalat ng Corona
Virus
Paglaganap ng krimen
31.
Gawain 6: Sainyong sagutang papel, gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng
panawagan sa pagbibigay ng pantay na karapatan ng babae at lalake sa lipunan. Isaalang-
alang ang pamantayan na nasa ibaba.
Kaugnayan sa Paksa……………………………. 10 puntos
Orihinalidad…………………………………… 5 puntos
Pagkamalikhain………………………………… 5 puntos
Kalinisan…………………………………………... 5 puntos
Kabuuan 25 puntos
Pamantayan sa Pagguhit ng Larawan
32.
Gawain 7 Mataposang iyong ginawang pagguhit, sumulat ka naman ngayon ng isang sanaysay
na maaring magbigay suporta o magpatibay sa panawagang iyong iginuhit. Isaalang-
alang ang rubric na nasa ibaba.
34.
Ang Kababaihan ngTaiwan: Ngayon at Noon Nakaraan 50 Taon
Isinalin sa Filipino Sheila C. Molina
Noon Ngayon
• Mas pinalawak ang pangangalaga sa mga kababaihan.
• Naninilbihan sila sa kanilang mga pamilya.
• Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon
dahil sa kanilang mababangkalagayan sa tahanan.
• Naging komplikado
- nagtatrabaho
- may pananagutan sa mga gawaing bahay
• Pagtaas ng sahod
• Sa edukasyon nabigyan ng pagkakataon ang mga
kababaihan na makapag-aral.
• Ang mga babae ay isa lamang katulad ng kasambahay.
• Mapanghamon ang kanilang gampanin