ARALIN 17
PAMBANSANG AWIT AT
WATAWAT BILANG MGA SAGISAG
NG BANSA
Inihanda ni
MABETH J. CONSIGNA
CABADIANGAN ELEMENTARY
SCHOOL
ALAMIN MO
Isang atas sa lahat ng
pampublikong paaralan
ang pagsali ng bawat mag-
aaral sa pagtataas ng
watawat o flag ceremony
tuwing araw ng Lunes.
Sumasali ka ba rito? Ano
ang nararamdaman mo
tuwing inaawit mo ang
Lupang Hinirang?
Ang Pambansang Awit
“Lupang Hinirang” ang
pamagat ng pambansang
awit ng Pilipinas.
Isinasalaysay ng awit ang
pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa kalayaan.
Ipinahahayag din nito ang
pagmamahal sa bayan at ang
kahandaang ipagtanggol ito
sa anumang pagkakataon.
Alam mo na ba
ang kahulugan
ng mga liriko
nito? Awitin
natin ang Lupang
Hinirang.
Ang himig ng pambansang awit ng
Pilipinas ay ginawa ng piyanistang si
Julian Felipe sa kahilingan ni Hen.
Emilio Aguinaldo.
Ang orihinal na komposisyon ni Felipe
ay pinamagatang
“Marcha Filipina Magdalo.” Tinugtog
niya ito sa unang pagkakataon isang
araw bago ang pagdeklara ng
kasarinlan sa harap ng mga pinuno
ng rebolusyon na nagkaisang
aprobahan ito.
Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni
Felipe
habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng
Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni Aguinaldo sa
Cavite.
Pinalitan ng Marcha Nacional Filipina ang pamagat ng awit
nito at agad na naging pambansang awit kahit wala pa
itong liriko.
Nang sumunod na taon, isang tula na may pamagat na
“Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang
isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma.
Ito ang ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit.
Noong panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles ang
liriko ng pambansang awit.
Ang unang pagsasalin ay ginawa ni Paz M. Benitez ng
Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpaman pinakakilalang
bersyon ang isinulat nina Mary A. Lane at Sen.Camilo
Osias na kilala bilang “Philippine Hymn.”
Kinilala ito bilang pambansang awit na may lirikong Ingles
sa bisa ng Commonwealth Act 382.
Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng
pambansang awit ang dapat gamitin ngayon.
Ang saling kanta sa Filipino ay dapat awitin nang ayon
lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe.
Dapat madamdamin ang pag-awit ng Lupang Hinirang
bilang paggalang. Lahat ng umaawit nito ay dapat
nakaharap sa nakaladlad na pambansang watawat ng
Pilipinas kung walang watawat ay dapat nakaharap
sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas.
Bilang pagpupugay, ilagay ang kanang kamay sa tapat
ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit
hanggang matapos ito.
Ang Watawat ng Pilipinas
Isa sa mahahalagang simbolo ng bansa ang watawat
ng Pilipinas.
Tatlo ang pangunahing kulay nito—bughaw, pula, at puti.
Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa
pag-unlad ng bansa.
Ang pula ay para sa kagitingan na nagpapaalaala sa
matatag na kalooban ng mga mamamayan.
Ang puti naman ay para sa kalinisan ng puri at dangal
ng mga Pilipino.
Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat
ng pulo ng Pilipinas—Luzon, Mindanao, at Visayas.
Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan ay
mula sa salitang “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng
ipa at darak sa palay. Ito ay sumasagisag sa kasipagan
ng mga Pilipino.
Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang
pangalan ay mula sa “danaw” o lawa.
Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na
pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-
tubig ng Pilipinas.
Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang
pangalan ay mula sa salitang “masaya.” Ito ay upang laging
kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.
Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa
kaliwanagan ng isipan. Ang walong sinag naman ay
kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghimagsik
upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan— Maynila,
Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas,
at Cavite.
Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito na
ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang kulay ng
watawat ay nasa itaas habang nakawagayway.
Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo ni Emilio Aguinaldo.
Ito ay unang tinahi sa loob ng limang
araw sa Hongkong nina Marcela
Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina
Herbosa Natividad. Iniladlad sa unang
pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa
bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo
noong Hunyo 12, 1898.
Gawain A
Pagsunud-sunurin
ang mga liriko ng
Lupang Hinirang ayon
sa wastong ayos
nito. Isulat ang sagot
sa kwaderno.
Gawain B
Analohiya. Isulat ang kapareha ng salita batay sa naunang
grupo ng salita. Isulat ang sagot sa notbuk.
1. bughaw – kapayapaan; pula – ___________
2. Mindanao – danao; Luzon – ___________
3. 8 sinag ng araw – 8 lalawigang naghimagsik;
3 bituin –___________
4. disenyo – ___________; tumahi – Delfina Herbosa-Natividad,
Marcela Agoncillo at Lorenza Agoncillo
5. ___________ – kulay; 3 – bituin
6. ___________ – sagisag ng bansa;
Lupang Hinirang –pambansang awit
7. pagtahi – Hongkong; pagwagayway – ___________
8. Jose Palma – sumulat ng titik;
___________ – naglapat ng tugtog o musika
9. Luzon – kasipagan; Visayas – ___________
10. sinag ng araw – naghimagsik;
Araw sa gitna ng tatsulok___________
• Ang pambansang awit at watawat
ay mga sagisag ng ating bansa.
• Ang mga pambansang sagisag ay
dapat nating ipagmalaki.
• Nakikilala ang ating bayan dahil sa
kaniyang mga sagisag.
TANDAAN MO
Lagyan ng bituin ang bilang kung wastong gawin
at tatsulok kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Patuloy sa paglalakad habang inaawit ang
pambansang awit.
2. Ilagay ang kanang kamay sa may dibdib
habang inaawit ang Lupang Hinirang.
3. Huwag nang tanggalin ang suot na sombrero
kahit may flag ceremony.
4. Ituloy lamang ang kuwentuhan habang
itinataas ang watawat.
5. Tumayo nang tuwid habang inaawit ang
pambansang awit.
6. Tiklupin nang maayos ang watawat.
7. Awitin nang wasto at may damdamin
ang Lupang Hinirang.
8. Ira-rap ang pag-awit ng Lupang Hinirang.
9. Iingatan na huwag sumayad o bumagsak
sa lupa ang watawat.
10. Laging pahalagahan ang paghihirap ng
mga ninuno upang makamit ang kalayaan.

AP 4 PPT Q3 - Aralin 17 - Pambansang Awit At Watawat Bilang Mga Sagisag Ng Bansa.pptx

  • 1.
    ARALIN 17 PAMBANSANG AWITAT WATAWAT BILANG MGA SAGISAG NG BANSA Inihanda ni MABETH J. CONSIGNA CABADIANGAN ELEMENTARY SCHOOL
  • 2.
    ALAMIN MO Isang atassa lahat ng pampublikong paaralan ang pagsali ng bawat mag- aaral sa pagtataas ng watawat o flag ceremony tuwing araw ng Lunes. Sumasali ka ba rito? Ano ang nararamdaman mo tuwing inaawit mo ang Lupang Hinirang?
  • 3.
    Ang Pambansang Awit “LupangHinirang” ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan. Ipinahahayag din nito ang pagmamahal sa bayan at ang kahandaang ipagtanggol ito sa anumang pagkakataon.
  • 4.
    Alam mo naba ang kahulugan ng mga liriko nito? Awitin natin ang Lupang Hinirang.
  • 6.
    Ang himig ngpambansang awit ng Pilipinas ay ginawa ng piyanistang si Julian Felipe sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina Magdalo.” Tinugtog niya ito sa unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na nagkaisang aprobahan ito. Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni Aguinaldo sa Cavite.
  • 7.
    Pinalitan ng MarchaNacional Filipina ang pamagat ng awit nito at agad na naging pambansang awit kahit wala pa itong liriko. Nang sumunod na taon, isang tula na may pamagat na “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma. Ito ang ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit. Noong panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles ang liriko ng pambansang awit. Ang unang pagsasalin ay ginawa ni Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpaman pinakakilalang bersyon ang isinulat nina Mary A. Lane at Sen.Camilo Osias na kilala bilang “Philippine Hymn.” Kinilala ito bilang pambansang awit na may lirikong Ingles sa bisa ng Commonwealth Act 382.
  • 8.
    Ayon sa batas,tanging ang bersyong Filipino ng pambansang awit ang dapat gamitin ngayon. Ang saling kanta sa Filipino ay dapat awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe. Dapat madamdamin ang pag-awit ng Lupang Hinirang bilang paggalang. Lahat ng umaawit nito ay dapat nakaharap sa nakaladlad na pambansang watawat ng Pilipinas kung walang watawat ay dapat nakaharap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, ilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit hanggang matapos ito.
  • 9.
    Ang Watawat ngPilipinas Isa sa mahahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas. Tatlo ang pangunahing kulay nito—bughaw, pula, at puti. Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Ang pula ay para sa kagitingan na nagpapaalaala sa matatag na kalooban ng mga mamamayan. Ang puti naman ay para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino.
  • 10.
    Ang tatlong bituinay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas—Luzon, Mindanao, at Visayas. Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan ay mula sa salitang “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak sa palay. Ito ay sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino. Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang- tubig ng Pilipinas.
  • 11.
    Ang ikatlong bituinay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan ay mula sa salitang “masaya.” Ito ay upang laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino. Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan. Ang walong sinag naman ay kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan— Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite. Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito na ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang kulay ng watawat ay nasa itaas habang nakawagayway. Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo ni Emilio Aguinaldo.
  • 12.
    Ito ay unangtinahi sa loob ng limang araw sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad. Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.
  • 13.
    Gawain A Pagsunud-sunurin ang mgaliriko ng Lupang Hinirang ayon sa wastong ayos nito. Isulat ang sagot sa kwaderno.
  • 14.
    Gawain B Analohiya. Isulatang kapareha ng salita batay sa naunang grupo ng salita. Isulat ang sagot sa notbuk. 1. bughaw – kapayapaan; pula – ___________ 2. Mindanao – danao; Luzon – ___________ 3. 8 sinag ng araw – 8 lalawigang naghimagsik; 3 bituin –___________ 4. disenyo – ___________; tumahi – Delfina Herbosa-Natividad, Marcela Agoncillo at Lorenza Agoncillo 5. ___________ – kulay; 3 – bituin 6. ___________ – sagisag ng bansa; Lupang Hinirang –pambansang awit 7. pagtahi – Hongkong; pagwagayway – ___________ 8. Jose Palma – sumulat ng titik; ___________ – naglapat ng tugtog o musika 9. Luzon – kasipagan; Visayas – ___________ 10. sinag ng araw – naghimagsik; Araw sa gitna ng tatsulok___________
  • 15.
    • Ang pambansangawit at watawat ay mga sagisag ng ating bansa. • Ang mga pambansang sagisag ay dapat nating ipagmalaki. • Nakikilala ang ating bayan dahil sa kaniyang mga sagisag. TANDAAN MO
  • 16.
    Lagyan ng bituinang bilang kung wastong gawin at tatsulok kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Patuloy sa paglalakad habang inaawit ang pambansang awit. 2. Ilagay ang kanang kamay sa may dibdib habang inaawit ang Lupang Hinirang. 3. Huwag nang tanggalin ang suot na sombrero kahit may flag ceremony. 4. Ituloy lamang ang kuwentuhan habang itinataas ang watawat. 5. Tumayo nang tuwid habang inaawit ang pambansang awit.
  • 17.
    6. Tiklupin nangmaayos ang watawat. 7. Awitin nang wasto at may damdamin ang Lupang Hinirang. 8. Ira-rap ang pag-awit ng Lupang Hinirang. 9. Iingatan na huwag sumayad o bumagsak sa lupa ang watawat. 10. Laging pahalagahan ang paghihirap ng mga ninuno upang makamit ang kalayaan.