SlideShare a Scribd company logo
3
Most read
4
Most read
5
Most read
5
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa
Pilipinas
Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
ii
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay tugon ng Alternative Delivery Mode (ADM) na nagbigay tulong sa
edukasyon, para sa mga mag-aaral na mapunan ang kaalaman nila at naayon sa pangangailingan
ng mga bawat mag-aaral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon ng “New Normal” kung saan binigyang-diin ang
paglinang ng mga kakayahan at kasanayang magagamit sa araw-araw na pamumuhay, at higit sa
lahat ang paghubog ng isang Pilipino na kumikilala sa kanyang pinagmulan, binibigyang halaga
ang kasaysayan at kultura at aktibong nakibahagi sa mga gawaing makapagpaunlad sa bansa para
sa magandang kinabukasan. Layunin din nito na ihatid ang mga aralin sa paaralan sa inyong mga
tahanan at inaasahan na masasagot ninyo ang mga gawaing iniatas sa inyo.
Para sa mga facilitators, ang modyul na ito ay para pagtibayin ang mga kaalaman ng ating
mga mag-aaral. Inaasahang gagabayan at tutulungan natin sila sa kanilang pag-aaral upang
makamit nila ang kalidad na edukasyon at kasanayang pan 21 – siglo.
Alamin
Para sa mga Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa upang matutunan ng mga mag-aaral ang pinagmulan ng
unang pangkat ng tao sa Pilipinas.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
• Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
• Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
• Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
• Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
2
Aralin
Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng
Tao sa Pilipinas
a. Teoryang Austronesyano
b. Mito ng Luzon,Visayas at Mindanao
c. Relihiyon
1
Alamin
Layunin:
Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas
❖ Teorya ng Austronesyano
❖ Mito (Luzon,Visayas,Mindanao)
❖ Relihiyon
Balikan
Natalakay na natin ang teorya ng pinagmulan ng Pilipinas.Gunitain natin sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.
1. Anong teorya na kung saan gumagalaw ang mga lupain at naging dahilan sa pagkabuo ng
Pilipinas?
2. Paano ang paraan ng paggalaw ng mga kontinente sa kasalukuyan?
Tuklasin
Hulaan kung sino ang tinutukoy sa pamamagitan ng pag ayos ng scrambled na titik.
Unang grupo ng taong dumating sa Pilipinas.
1. S E N N I D O - ______________________
2. A L Y A M - ______________________
3. T I R O G N E - ______________________
Suriin
A. Austronesyano - ang tawag sa mga sinaunang taong nandarayuhan sa Pilipinas mula
Taiwan.
- Tumutukoy sa pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Wikang
Austronesian.
3
- Naging mabilis ang pagkalat ng mga Austronesyano dahil sa pagiging mahusay
na mandaragat at kumalat ito pa timog Celebes at Moluccas.
- Sila ay naninirahan sa gawing timog ng silangang Asya,Polynesia,at Oceania.
Ayon sa mga pag-aaral maaaring ang mga unang dumating na Austronesiano ay
nanatili sa hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral-Melanasian na nauna
nang naninirahan doon.
Nusantao – hango sa salitang Austronesyan na ibig sabihin ay nusa at tao o tao na mula
sa timog.
Sinasabing ang mga Austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino dahil sa
pagkakahawig nito sa wika at kultura ng mga Austronesian at mga Pilipino.
Peter Bellwood – ang bumuo ng teoryang Austronesian Migration.
B. Mito ng Luzon, Visayas, Mindanao
Noong unang panahon. may mag-asawang matagal bago nagkaroon ng anak. Sila ay sina
Sultana Luvimi at Sultan Karif. Nung sila ay magkaanak ay triplet ang isinilang ng Sultana.
Mahal na mahal ng Sultan ang asawa kaya't hinango nya dito ang pangalan ng mga anak
na sina Lu, Vi, at Mi. "Lu, Vi at Minda, nais ko ang pangalang Minda" wika ng Sultana.
"Kung iyon ang ibig mo ay masusunod" saad naman ng Sultan. Wala pang anim na buwan
ay sumakabilang buhay na ang Sultana. Lubhang nalungkot ang Sultan. Lumipas ang
maraming panahon at nagkaron ng gulo sa nasasakupan ni Sultan Karif. Isang datu ang
nais manakop ng kanilang kaharian. "Sasama kami sa laban", wika ni Lu. "Marunong
akong humawak ng armas", ani Vi. "Hindi kami papayag na manood lang sapagkat may
magagawa kami", wika naman ni Minda na pinakamatapang sa kanilang tatlo. Gaya ng
inasahan ay umatake ang mga mandirigma ng datu. Nang matapos na ang labanan ay nakita
ng Sultan ang walang buhay na mga anak na hawak pa ang mga sandata. Ipinaanod ng
Sultan ang labi ng tatlong magkakapatid sa dagat upang doon ilibing. Ilang buwan lamang
ang lumipas ay napansin nila ang pagsibol ng tatlong malalaking pulo sa dagat kung saan
inanod ang bangkay ng tatlong dalaga.Tinawag ng Sultan ang mga pulo na Lu, Vi at Minda.
At nang lumaon ito ay tinawag na ngayong "Luzon, Visayas at Mindanao".
C. Relihiyon
Pagano ang ating mga ninuno. Sinasamba nila si Bathala, ang lumikha ng langit
at lupa. Sinasamba rin nila ang kalikasan tulad ng araw, ilang hayop at punong-kahoy.
Sumasamba rin sila sa mga anito at espiritu ng namatay na kamag-anak. Naniniwala sila
na may buhay sa kabilang-buhay. Ayon sa kanila, ang mga kaluluwa ng mabubuti ay
napupunta sa langit at sa impiyerno ang masasama.
Bunsod sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Filipino sa mga Arabong
Muslim ay nakarating sa Pilipinas ang relihiyong Islam.
Islam – mahalagang impluwensya ng mangangalakal na Arabong Muslim sa ating mga
ninuno
-itinatag ng propetang Muhammad bandang 600 C.E.
Allah- katawagan sa Diyos ng mga nanampalataya sa Islam
Qur’an- banal na aklat ng mga Muslim
Muhammad- propeta at sugo ng Diyos na si Allah.
4
Lumaganap ang Islam mula Sulu at Mindanao hanggang sa Luzon at Visayas ngunit
natuldukan ito sa pagdating ng mga Espanyol. Bumalik ang mga Filipinong Muslim sa
Mindanao.
Pagyamanin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang teorya tungkol sa unang taong nanirahan sa kapuluan ng Pilipinas?
2. Anong salitang Austronesian ang nangangahulugang tao mula sa timog?
3. Sino ang bumuo ng teoryang Austronesian?
4. Ano ang ibig sabihin ng Nusantao?
5. Saang bansa galing ang Austronesian?
6. Saan nanggaling ang salitang Luzon, Visayas at Mindanao?
7. Ano ano ang sinasamba ng ating mga sinaunang Pilipino?
8. Sa anong paraan lumaganap ang Islam sa ating bansa?
9. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam?
10. Bakit ito nahinto sa paglaganap sa Luzon at Visayas?
Isaisip
Lagyan ng tamang sagot ang patlang. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Tandaan!
Ang (1)___________ ay mga dayuhang nakarating sa Pilipinas mula Taiwan.
Mabilis ang pagkalat nila dahil sila ay mahusay na(2)____________. Ayon sa pag – aaral, sila ay
nananatili sa Hilagang (3)__________. Si (4)____________ ang bumuo sa teoryang Austronesian
Migration.
Ang mga sinaunang Filipino ay mga(5) _____________. Sumasamba sila kay
(6)___________ at sa (7)__________,_(8)__________ at espiritu ng namamayapa.
Isagawa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.Kung ikaw ay isa sa mga sinaunang tao na naghahanap ng matitirhan, ano ang
pangunahing dahilan ng pagpili ng lugar na lilipatan? Bakit? (5 puntos)
2. Sa palagay mo, tama ba ang ginawang pagpayag ni Sultan na sumali sa digmaan ang
kanyang mga anak? Bakit? (5 puntos)
3. Paano mo maipakita ang paggalang sa relihiyon ng ibang tao? (5 puntos)
Rubriks:
Pagbuo ng ideya----------------------------3
Wastong bantas at kapitalisasyon --------2
Kabuuan------------------------------------- 5
5
Pagtatasa
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang bumuo ng teoryang Austronesian Migration?
2. Saang lugar sa Pilipinas nananatili ang mga Austronesian?
3. Anong relihiyon ang dala ng mga Arabong Muslim?
4. Saang bahagi ng Pilipinas unang lumaganap ang Islam?
5. Saan nanggaling ang pangalang Luzon, Visayas at Mindanao?
6. Sino ang sinasamba ng mga sinaunang Filipino?
7. Saang bansa nanggaling ang mga Austronesian?
8. Paano nakarating ang mga Austronesian sa Pilipinas?
9. Bakit naudlot ang paglaganap ng Islam sa Luzon at Visayas?
10. Bakit nagkaroon ng tatlong malalaking pulo ang Pilipinas?
Karagdagang Gawain:
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Saan nagsimula ang paglaganap ng Islam?
2. Bakit sinabing mga Austronesian ang ninuno nating mga Filipino?
3. Bakit nakarating sa Pilipinas ang relihiyong Islam?

More Related Content

PPTX
Araling panlipunan 6 Q2 WK8 D2 - Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para...
PPTX
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
DOCX
Cot dlp araling panlipunan 6 q3
PPTX
Grade 6 PPT_Araling Panlipunan_Q1_W2.pptx
PPTX
Mga natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan.pptx
PPTX
Aralin 4 kabuhayan, kalakalan at kaugnayan sa kapaligiran ng sinaunang pilipino
PPTX
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
PPT
Sinaunang pilipino
Araling panlipunan 6 Q2 WK8 D2 - Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para...
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Cot dlp araling panlipunan 6 q3
Grade 6 PPT_Araling Panlipunan_Q1_W2.pptx
Mga natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan.pptx
Aralin 4 kabuhayan, kalakalan at kaugnayan sa kapaligiran ng sinaunang pilipino
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
Sinaunang pilipino

What's hot (20)

PPTX
Pwersang Militar/ Divide and Rule
PPTX
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
PPTX
Ang pilipinas bilang arkipelago
PPTX
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas (Bulkanismo)
PDF
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita
PDF
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
DOCX
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
PPTX
Pananakop ng mga hapon sa pilipinas
PPT
Mga espesyal na guhit latitude
PPTX
Pang uring panlarawan
PPTX
Pang-uri (paglalarawan)
PPTX
Teorya ng bulkanismo
PPTX
Pang-angkop, pang-ukol pangatnig
PPTX
Kayarian ng Pang-uri
PDF
AP-Q1.pdf
PDF
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
PPTX
Soberanya
PPTX
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
PPTX
AP week 6.pptx
PPTX
Mga Panumbas sa mga Hiram na Salita
Pwersang Militar/ Divide and Rule
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang pilipinas bilang arkipelago
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas (Bulkanismo)
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
Pananakop ng mga hapon sa pilipinas
Mga espesyal na guhit latitude
Pang uring panlarawan
Pang-uri (paglalarawan)
Teorya ng bulkanismo
Pang-angkop, pang-ukol pangatnig
Kayarian ng Pang-uri
AP-Q1.pdf
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Soberanya
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
AP week 6.pptx
Mga Panumbas sa mga Hiram na Salita
Ad

Similar to AP5_Q1_Module 3.pdf (20)

PDF
Modyul 3 ang iba’t ibang mukha ng ating lahi
PPTX
AP & Filipino.pptx
PPTX
599437590-Aral-12-Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Lahing-Pilipino.pptx
PPTX
WEEK 3-Day 1-5.Kasaysayan ng mga Mananakop sa Pilipinas
PPTX
POWER POINT PRESENTATION FOR ARALING PANLIPUNAN
PPTX
AP Q1 W2-W3.pptx
DOCX
DAILY LESSON LOG WEEK 3 ARALING PANLIPUNAN 5
PPTX
KALIGIRANG AUSTRONESYANO SA TULUYANG PANITIKAN.pptx
DOCX
Daily Lesson Log_Grade 5_AP_Quarter 4_W3.docx
DOCX
DLL WEEK 1-Q3 AgggdggggggghhvhghbbP.docx
PDF
Ohspm1b q1
PPTX
Q1- AP - WEEK 8.pptx openesajdauodiaudio
DOCX
DLL WEEK 1-Q3 AP.docx12312312312312312312312
PPTX
Kolonyalismo sa Pilipinas-Indonesia-Malaysia.pptx
PPTX
ARALIN 4 AT 5 (PINAGMULAN NG FILIPINO AT SINAUNANG KABIHASNAN).pptx
PPTX
ARALIN 4 AT 5 (PINAGMULAN NG FILIPINO AT SINAUNANG KABIHASNAN).pptx
PPTX
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
DOCX
DLL WEEK 8 AP.docx DLL WEEK 8 Aralingpanlipunan.docx
PPTX
Q1 ARAL PAN 5 matatag urWEEK 2 DAY 3.pptx
PPTX
Modyul 3 ang iba’t ibang mukha ng ating lahi
AP & Filipino.pptx
599437590-Aral-12-Teorya-ng-Pinagmulan-ng-Lahing-Pilipino.pptx
WEEK 3-Day 1-5.Kasaysayan ng mga Mananakop sa Pilipinas
POWER POINT PRESENTATION FOR ARALING PANLIPUNAN
AP Q1 W2-W3.pptx
DAILY LESSON LOG WEEK 3 ARALING PANLIPUNAN 5
KALIGIRANG AUSTRONESYANO SA TULUYANG PANITIKAN.pptx
Daily Lesson Log_Grade 5_AP_Quarter 4_W3.docx
DLL WEEK 1-Q3 AgggdggggggghhvhghbbP.docx
Ohspm1b q1
Q1- AP - WEEK 8.pptx openesajdauodiaudio
DLL WEEK 1-Q3 AP.docx12312312312312312312312
Kolonyalismo sa Pilipinas-Indonesia-Malaysia.pptx
ARALIN 4 AT 5 (PINAGMULAN NG FILIPINO AT SINAUNANG KABIHASNAN).pptx
ARALIN 4 AT 5 (PINAGMULAN NG FILIPINO AT SINAUNANG KABIHASNAN).pptx
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
DLL WEEK 8 AP.docx DLL WEEK 8 Aralingpanlipunan.docx
Q1 ARAL PAN 5 matatag urWEEK 2 DAY 3.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
PPTX
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
PPTX
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
PPTX
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
PPTX
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
DOCX
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
PPTX
Values Education Curriculum Content.pptx
PPTX
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
PPTX
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
DOCX
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
DOCX
DAILY LOG LESSON FILIPINO 8 QUARTR1WEEK5
PPTX
MATATAG FILES-FILIPINO 7-QUARTER1-WEEK1.pptx
DOCX
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
PPTX
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
Buwan ng Wikang Pambansa Program Education Presentation in Red, Blue, and Yel...
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
PDF
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PPTX
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
Values Education Curriculum Content.pptx
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
DAILY LOG LESSON FILIPINO 8 QUARTR1WEEK5
MATATAG FILES-FILIPINO 7-QUARTER1-WEEK1.pptx
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
Buwan ng Wikang Pambansa Program Education Presentation in Red, Blue, and Yel...
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
panitikang katutubo matatag filipino seveb
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx

AP5_Q1_Module 3.pdf

  • 1. 5 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
  • 2. ii Paunang Salita Ang modyul na ito ay tugon ng Alternative Delivery Mode (ADM) na nagbigay tulong sa edukasyon, para sa mga mag-aaral na mapunan ang kaalaman nila at naayon sa pangangailingan ng mga bawat mag-aaral. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon ng “New Normal” kung saan binigyang-diin ang paglinang ng mga kakayahan at kasanayang magagamit sa araw-araw na pamumuhay, at higit sa lahat ang paghubog ng isang Pilipino na kumikilala sa kanyang pinagmulan, binibigyang halaga ang kasaysayan at kultura at aktibong nakibahagi sa mga gawaing makapagpaunlad sa bansa para sa magandang kinabukasan. Layunin din nito na ihatid ang mga aralin sa paaralan sa inyong mga tahanan at inaasahan na masasagot ninyo ang mga gawaing iniatas sa inyo. Para sa mga facilitators, ang modyul na ito ay para pagtibayin ang mga kaalaman ng ating mga mag-aaral. Inaasahang gagabayan at tutulungan natin sila sa kanilang pag-aaral upang makamit nila ang kalidad na edukasyon at kasanayang pan 21 – siglo. Alamin Para sa mga Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa upang matutunan ng mga mag-aaral ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas. Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito: • Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. • Sagutin ang lahat ng mga katanungan. • Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. • Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
  • 3. 2 Aralin Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas a. Teoryang Austronesyano b. Mito ng Luzon,Visayas at Mindanao c. Relihiyon 1 Alamin Layunin: Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas ❖ Teorya ng Austronesyano ❖ Mito (Luzon,Visayas,Mindanao) ❖ Relihiyon Balikan Natalakay na natin ang teorya ng pinagmulan ng Pilipinas.Gunitain natin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong. 1. Anong teorya na kung saan gumagalaw ang mga lupain at naging dahilan sa pagkabuo ng Pilipinas? 2. Paano ang paraan ng paggalaw ng mga kontinente sa kasalukuyan? Tuklasin Hulaan kung sino ang tinutukoy sa pamamagitan ng pag ayos ng scrambled na titik. Unang grupo ng taong dumating sa Pilipinas. 1. S E N N I D O - ______________________ 2. A L Y A M - ______________________ 3. T I R O G N E - ______________________ Suriin A. Austronesyano - ang tawag sa mga sinaunang taong nandarayuhan sa Pilipinas mula Taiwan. - Tumutukoy sa pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Wikang Austronesian.
  • 4. 3 - Naging mabilis ang pagkalat ng mga Austronesyano dahil sa pagiging mahusay na mandaragat at kumalat ito pa timog Celebes at Moluccas. - Sila ay naninirahan sa gawing timog ng silangang Asya,Polynesia,at Oceania. Ayon sa mga pag-aaral maaaring ang mga unang dumating na Austronesiano ay nanatili sa hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral-Melanasian na nauna nang naninirahan doon. Nusantao – hango sa salitang Austronesyan na ibig sabihin ay nusa at tao o tao na mula sa timog. Sinasabing ang mga Austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino dahil sa pagkakahawig nito sa wika at kultura ng mga Austronesian at mga Pilipino. Peter Bellwood – ang bumuo ng teoryang Austronesian Migration. B. Mito ng Luzon, Visayas, Mindanao Noong unang panahon. may mag-asawang matagal bago nagkaroon ng anak. Sila ay sina Sultana Luvimi at Sultan Karif. Nung sila ay magkaanak ay triplet ang isinilang ng Sultana. Mahal na mahal ng Sultan ang asawa kaya't hinango nya dito ang pangalan ng mga anak na sina Lu, Vi, at Mi. "Lu, Vi at Minda, nais ko ang pangalang Minda" wika ng Sultana. "Kung iyon ang ibig mo ay masusunod" saad naman ng Sultan. Wala pang anim na buwan ay sumakabilang buhay na ang Sultana. Lubhang nalungkot ang Sultan. Lumipas ang maraming panahon at nagkaron ng gulo sa nasasakupan ni Sultan Karif. Isang datu ang nais manakop ng kanilang kaharian. "Sasama kami sa laban", wika ni Lu. "Marunong akong humawak ng armas", ani Vi. "Hindi kami papayag na manood lang sapagkat may magagawa kami", wika naman ni Minda na pinakamatapang sa kanilang tatlo. Gaya ng inasahan ay umatake ang mga mandirigma ng datu. Nang matapos na ang labanan ay nakita ng Sultan ang walang buhay na mga anak na hawak pa ang mga sandata. Ipinaanod ng Sultan ang labi ng tatlong magkakapatid sa dagat upang doon ilibing. Ilang buwan lamang ang lumipas ay napansin nila ang pagsibol ng tatlong malalaking pulo sa dagat kung saan inanod ang bangkay ng tatlong dalaga.Tinawag ng Sultan ang mga pulo na Lu, Vi at Minda. At nang lumaon ito ay tinawag na ngayong "Luzon, Visayas at Mindanao". C. Relihiyon Pagano ang ating mga ninuno. Sinasamba nila si Bathala, ang lumikha ng langit at lupa. Sinasamba rin nila ang kalikasan tulad ng araw, ilang hayop at punong-kahoy. Sumasamba rin sila sa mga anito at espiritu ng namatay na kamag-anak. Naniniwala sila na may buhay sa kabilang-buhay. Ayon sa kanila, ang mga kaluluwa ng mabubuti ay napupunta sa langit at sa impiyerno ang masasama. Bunsod sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Filipino sa mga Arabong Muslim ay nakarating sa Pilipinas ang relihiyong Islam. Islam – mahalagang impluwensya ng mangangalakal na Arabong Muslim sa ating mga ninuno -itinatag ng propetang Muhammad bandang 600 C.E. Allah- katawagan sa Diyos ng mga nanampalataya sa Islam Qur’an- banal na aklat ng mga Muslim Muhammad- propeta at sugo ng Diyos na si Allah.
  • 5. 4 Lumaganap ang Islam mula Sulu at Mindanao hanggang sa Luzon at Visayas ngunit natuldukan ito sa pagdating ng mga Espanyol. Bumalik ang mga Filipinong Muslim sa Mindanao. Pagyamanin Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang teorya tungkol sa unang taong nanirahan sa kapuluan ng Pilipinas? 2. Anong salitang Austronesian ang nangangahulugang tao mula sa timog? 3. Sino ang bumuo ng teoryang Austronesian? 4. Ano ang ibig sabihin ng Nusantao? 5. Saang bansa galing ang Austronesian? 6. Saan nanggaling ang salitang Luzon, Visayas at Mindanao? 7. Ano ano ang sinasamba ng ating mga sinaunang Pilipino? 8. Sa anong paraan lumaganap ang Islam sa ating bansa? 9. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam? 10. Bakit ito nahinto sa paglaganap sa Luzon at Visayas? Isaisip Lagyan ng tamang sagot ang patlang. Isulat ito sa iyong kwaderno. Tandaan! Ang (1)___________ ay mga dayuhang nakarating sa Pilipinas mula Taiwan. Mabilis ang pagkalat nila dahil sila ay mahusay na(2)____________. Ayon sa pag – aaral, sila ay nananatili sa Hilagang (3)__________. Si (4)____________ ang bumuo sa teoryang Austronesian Migration. Ang mga sinaunang Filipino ay mga(5) _____________. Sumasamba sila kay (6)___________ at sa (7)__________,_(8)__________ at espiritu ng namamayapa. Isagawa Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1.Kung ikaw ay isa sa mga sinaunang tao na naghahanap ng matitirhan, ano ang pangunahing dahilan ng pagpili ng lugar na lilipatan? Bakit? (5 puntos) 2. Sa palagay mo, tama ba ang ginawang pagpayag ni Sultan na sumali sa digmaan ang kanyang mga anak? Bakit? (5 puntos) 3. Paano mo maipakita ang paggalang sa relihiyon ng ibang tao? (5 puntos) Rubriks: Pagbuo ng ideya----------------------------3 Wastong bantas at kapitalisasyon --------2 Kabuuan------------------------------------- 5
  • 6. 5 Pagtatasa Sagutin ang mga tanong: 1. Sino ang bumuo ng teoryang Austronesian Migration? 2. Saang lugar sa Pilipinas nananatili ang mga Austronesian? 3. Anong relihiyon ang dala ng mga Arabong Muslim? 4. Saang bahagi ng Pilipinas unang lumaganap ang Islam? 5. Saan nanggaling ang pangalang Luzon, Visayas at Mindanao? 6. Sino ang sinasamba ng mga sinaunang Filipino? 7. Saang bansa nanggaling ang mga Austronesian? 8. Paano nakarating ang mga Austronesian sa Pilipinas? 9. Bakit naudlot ang paglaganap ng Islam sa Luzon at Visayas? 10. Bakit nagkaroon ng tatlong malalaking pulo ang Pilipinas? Karagdagang Gawain: Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Saan nagsimula ang paglaganap ng Islam? 2. Bakit sinabing mga Austronesian ang ninuno nating mga Filipino? 3. Bakit nakarating sa Pilipinas ang relihiyong Islam?