Ang sinaunang kabihasnan sa lambak ng Tigris-Euphrates ay umusbong mula sa mga ilog, kung saan unang nalinang ang konsepto ng kabihasnan at mga lungsod-estado. Nagkaroon sila ng maunlad na teknolohiya at mahigpit na sistema ng pamahalaan, kasama ang mga batas tulad ng Kodigo ni Hammurabi. Ang mga pangunahing pangkat tulad ng Sumerians, Akkadians, at Assyrians ay nag-ambag sa pag-unlad ng sinaunang kultura at lipunan sa rehiyon.