“Bestfriends”
Isinulat ni Blessie Marie Gomez
“best friend”…
Siya yung palaging tutulong sa iyo,
palaging poprotekta sa iyo at palaging
kasama mo sa problema…
Pero paano kung siya rin pala ang taong
minamahal mo?...
Kaya mo bang isakripisyo ang
pagkakaibigan niyo para sa pag-ibig na
pinapanagarap mo?
…
Kabanata 1:
Ang Simula
Ako si Kristine.
16 years old, 4th year high school student.
Mayroon akong kababata…
Ang pangalan niya ay Nathan.
Nagkakilala kami noong ako ay
5 years old.
Malapit na magkaibigan din ang aming mga
magulang.
Kaya naman palagi kaming magkasabay sa
tuwing papasok at uuwi sa school.
Palagi din kaming magkasama pagdating sa
kalokohan.
Nagsasabihan din kami ng mga
sekreto, kaya naman malaki ang tiwala
namin sa isa’t isa.
Pero, may sekreto akong hindi ko kayang
sabihin sakanya…
Yun ay ang sabihin sakanya na mahal ko
siya, higit pa sa kaibigan.
…
Isang araw, sa eskwelahan.
habang papunta ako sa canteen ay may narinig
ako.
“Nathan, girlfriend mo ba si Kristine?
Napansin kasi namin na palagi kayong
magkasama sa tuwing uuwi at papasok sa
school.”
Pinag-uusap nila ako…
Ni Nathan at ng mga kaibigan niya.
Pero nacucurious ako sa tanong ng kaibigan
ni Nathan…
Gusto ko rin malaman ang isasagot
niya, kaya naman pumunta ako sa isang
gilid at pinagpatuloy ang pakikinig sa
kanila.
“A-anu bang sinasabi mo?
magkababata lang kami nun. Haha”
…
Nasaktan ako sa sinabi niya…
Pero, tama nga naman siya,
Kababata niya lang ako.
At siguro, haggang dun lang talaga ako para
sakanya...
…
Kabanata 2:
Ang Pagtanggap
Kababata lang ako…
Tanggap ko na iyon.
…
Uwian na nang biglang umulan.
Naiisip ko na umuwi ng mag isa ngayon
dahil kapag nakita ko si nathan, ay baka
maalala ko lamang ang mga sinabi niya…
Binuksan ko na ang payong ko, at
hahakbang na sana ako ng biglang may
tumawag sa akin.
“Kristine!
Sandali lang!”
Si Nathan.
Tumatakbo papalapit sa akin.
Tumalikod ako at pumikit ng sandali.
Pagmulat ko ay nasa harap ko na si Nathan.
Hingal na hingal siya.
Mukang napagod siya sa pagtakbo.
“Kristine! Akala ko ba sabay tayo palagi?
Bakit hindi mo ako hinintay?”
Napayuko ako at napahigpit ang kapit ko sa
bag ko.
“…s-sorry, nakalimutan ko eh”
“Huh? Nakalimutan mo?
Parang imposible naman yun.”
“…sorry talaga”
“Okay, apology accepted! Tara na.”
Sa totoo lang, gusto ko na sanang tumakbo
nun, pero, naisip ko na hindi na ituloy…
Dahil ayos lang sa akin kung hindi niya ako
kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan…
Basta makasama ko lang siya ay masaya na
ako.
…
Kabanata 3:
Ang Pag-amin
Hinatid ako ni Nathan hanggang sa aming
bahay.
Nang mga oras na yun ay nagdesisyon na
ako sumuko sakanya…
Nang biglang…
Niyakap ako ni Nathan.
“N-nathan?! Bakit? Anung problema?!”
“Sorry, pero pwede bang mayakap ka kahit
sandali lang?”
“…s-sige”
Napaka higpit ng yakap niya sa akin.
“Kristine… may sasabihin ako sa iyo…”
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
“…Kristine, maaaring hindi na magtatagal
ang buhay ko…”
Nagulat ako.
“A-anung sinasabi mo?! A-anung hindi
kana magtatagal?! Anu bang joke to?!”
“Matagal kong sinekreto ang sakit ko sa iyo,
mayroon na akong sakit simula pa noong
5 years old ako. Sana mapatawad mo
ako.”
Napatulo ang luha ko ng mga oras na yon.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nakatingin lang ako sakanya.
“…Kristine, ito na rin ang huli nating beses
na magkakasama tayo…”
“Huh? ”
“Pupunta kaming states para doon ako
ipagamot,kaya naman, mamaya, pumunta
ka sa park kung saan tayo madalas maglaro
noon. Hihintayin kita doon.”
“S-sige! Pupunta ako.”
Nginitian niya ako at pagkatapos ay umalis na
siya.
…
Kabanata 4:
Ang Pag-alis
Pumunta ako sa lugar na pinag usapan.
Naroon na si Nathan ng makarating ako.
Tinawag ko siya.
“Nathan!”
Napalingon siya at lumakad papalapit sa
akin.
Naisip ko na aminin na ang tunay kong
nararamdaman para sakanya.
“Nathan, bago ka magsalita ay may gusto
muna akong ipagtapat sa’yo…”
“Sandali lang Kristine!”
“Huh?”
“Pasensya na, pero, pwede bang makinig ka
muna sa akin?…”
“…s-sige”
“… may gusto akong ibigay sa iyo.”
Mayroon siyang nilabas na maliit na kahon.
Binuksan niya ito.
Ang nilalaaman ay isang napakagandang
kuwintas.
“Kristine, gusto ko sanang tanggapin mo
ang kuwintas na ito. Ito lang ang
magiging remembrance mo sa akin kapag
umalis na ako.”
Tinanggap ko ang kuwintas.
Isinuot niya ito sa akin.
Habang sinusuot niya sa akin ang kuwintas
ay hindi ko mapigilang lumuha.
“Nathan, mahal na mahal kita…”
Napangiti si nathan sa sinabi ko.
“…ako rin, mahal na mahal kita Kristine.”
Niyakap niya muli ako ng mahigpit.
Habang yakap niya ako ay mayroon akong
naisip…
“Nathan, magpromise ka na babalik ka dito,
na gagaling ka. Hinhintayin kita kahit
gaano pa katagal”
“… Ok. Promise…”
…
Pagkatapos noon ay umalis na siya.
At yoon na ang huli naming pagkikita.
…
Kabanata 5:
Ang Pamamaalam
Isang taon ang lumipas…
Simula nang siya ay umalis ay wala na
akong narinig na balita tungkol sakanya.
Kahit isang sulat o tawag ay walang
dumating.
“Kumusta na kaya siya?”
“Gusto ko siya makita…”
…
Kinabukasan, pag kauwi ko galing sa school
ay may inabot sa akin na sobre ang aking
nanay.
“Ma, ano po ito?”
“Basahin mo at nang malaman mo.”
Bigla akong kinabahan…
Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.
Napaluha ako…
Kay Nathan nanggaling ang sulat.
At ang nakasulat ay…
“Dear Kristine,
Kakarating lang namin dito sa states. Nag iisnow
ngayon dito. Sana ay nandito ka para makapaglaro tayo
sa snow.
Namimiss na kita…
Ipagnalangin mo na sana ay gumaling na ako para
magkasama na tayo. Gustong gusto ko na talaga
bumalik diyan.
May aaminin pa pala ako.
Simula pa noong umpisa ay minahal na kita. Sorry ah
kung ngayon ko lang sinabi sayo, kung kelan na huli na.
Mahal na mahal na mahal na mahal kita Kristine.
Nagmamahal,
Nathan”
Lumuluha ako habang binabasa ko iyon.
Ang petsa ng sulat ay dalawang araw
simula ng umalis si nathan dito.
Ngayon lang daw ito nakarating dahil
nawala ang sulat.
Mayamaya ay may inabot pa na sulat si
mama.
“Mayroon pa?”
“Ang sulat na yan ay pinadala kahapon ng
mama ni Nathan.”
Sinimulan ko na basahin ang sulat…
…
Nagimbal ako sa nabasa ko.
Patay na daw sa Nathan…
Hindi niya daw kinaya ang ginawang
operasyon….
Matapos ko mabasa yoon ay nagsimula na
ako umiyak ng umiyak.
“Bakit?! Bakit ba kasi kailangan niyang
mamatay? Kung kelan na mahal na namin
ang isa’t isa ng higit pa sa kaibigan..”
“Nangako siya sa akin na babalik siya dito!
Ngayon imposible na mangyare iyon!”
Hinayaan lang ako ng mama ko na umiyak
ng umiyak ng mga oras na iyon.
Hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko,
nasa tabi ko ang mama ko.
Kinausap niya ako…
“Anak, hindi porket wala na si Nathan ay
hindi kana iibig. May makikilala ka pa na
aalagan ka at hndi ka iiwan. Sigurado ako
na gusto din yoon ni Nathan para sa iyo.
Kasi gusto ka niya maging masaya.”
Napaisip ako sa sinabi ni mama…
“Tama ka po ma, gugustuhin din yoon ni
Nathan para sa akin.”
…
5 taon ang lumipas…
Ngayon ay may pamilya na ako.
Mayroon akong butihing asawa at
dalawang anak.
Minsan ay kinukwento ko pa sa mga anak
ko ang tungkol kay Nathan…
Kung paano niya ako napasaya,
napalungkot at napaibig…
At kung paano ko siya naging Bestfriend.
…
The End

Bestfriends