Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima na nararamdaman simula noong kalagitnaan ng ika-20 na siglo, na nagdudulot ng abnormal na pag-init at malalakas na pag-ulan. Ang mga sanhi nito ay ang natural na pagbabago ng klima at mga gawain ng tao na nagpapataas ng greenhouse gases sa atmospera. Ang mga epekto ng climate change ay kinabibilangan ng global warming, sakuna, pagkakaroon ng mga sakit, pagkawala ng tirahan, at banta sa food security sa Pilipinas.