MAGANDANG BUHAY
IKA-PITONG BAITANG
G O L I
K L A N B U
A D T U
P I R S S E A N
P A L U
D G I A N M A
ANO ANG
ALAMAT?
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong
bayan at panitikan na nagsasalaysay ng
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. At Ito ay uri lamang ng isang kat-
hang isip
Alamat
1. Mga hikbi at hagulgol para sa mga pumanaw ang
lumutang sa hangin.
2. Habang sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga
niyang iniibig,
3. Isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang
bumabalong sa magandang bayan ni Daragang
Magayon.
Iyak na pabugso-bugso
Hawak- hawak
Umaagos
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit. Piliin sa ibaba ang tamang sagot.
Isinilang si Villanueva noong ika-22 ng
Setyembre 1954 sa La Loma, Lungsod ng
Quezon, sa mag-asawang Francisco at
Vicenta Villanueva. Nakapagtapos siya ng
kursong Kasaysayan sa Lyceum of the
Philippines noong taong 1969
Rene Villanueva ay isang tanyag na manunulat ng mga
librong pambata, mga dula, at mga dayalogo sa telebisyon
at pelikula.
Naganap ito sa payapang rehiyon ng
Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na
pinamumunuan ng makatarungang
datung si Makusog. Ang asawa ng datu na
si Dawani ay namatay sa panganganak.
Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu
Makusog-isang anak na babaeng walang
kapares sa kagandahan at kabaitan, si
Daragang Magayon.
Wala, kahit ang makisig at
mapagmataas na si Pagtuga, ang
dakilang Mangangaso at datung
Iraga. Kahit pa pinaulanan ni
Pagtuga ng mga handog na ginto,
perlas, at iba pang kayamanan ang
ama ni Magayon, ay hindi pa rin
nito nakuha ang loob ng dalaga.
Isang katangi-tanging binatilyo ang
nagpakita si Rawis: si Ulap, ang
tahimik ngunit matapang na anak ni
Datu Karilaya ng Katagalugan.
Naglakad siya nang malayo upang
makita ng sarili niyang mga mata ang
ipinagbunying kagandahan ni Daragang
Magayon. Ngunit hindi katulad ng ibang
manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap.
Tiniis niya ang magnakaw lamang ng
mga sulyap mula sa malayo habang
nagtatampisaw si Daragang Magayon sa
ilog ng Yawa.
Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si
Magayon sa ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas
siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli-
dagling sumaklolo si Ulap at binuhat ang nangangatog
na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging
simula ng pag-iibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.
Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon.
Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-
uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas nang
loob na ibinaon ni Ulap ang kaniyang sibat sa hagdan.
Ipinapahiwatig nito ang kaniyang kagustuhang pakasalan si
Magayon. Walang nagawa si Magayon kundi mamula,
magpigil ng tawa, at umiwas ng tingin.
Dahil dito, napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang
kaniyang nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag
ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa si Magayon at si
Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang
buwan upang mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga
kababayan, at upang makapaghanda nang husto para sa
pagdiriwang.
Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni
Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe kay
Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang
ama at maghahasik ng digmaan sa kaniyang bayan
kung hindi siya pakakasalan. Sinunod ni Magayon
ang kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang
kalooban.Agad-agad na inihanda ang kasalan.
Nang malaman ni Ulap ang masaklap na pangyayari,
nagmadali siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting
niyang mandirigma. Kasisimula pa lamang ng seremonya nang
dumating sina Ulap. Sa halip na isang pagdiriwang para sa
kasal, isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang
langit ng mga palaso.
Napuno ang hangin ng tunog ng
nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap
at si Pagtuga, isang labanan para sa
kamay ng nag-iisang si Magayon.
Nadaig at napaslang ni Ulap si
Pagtuga.
Masayang sinalubong ni Magayon
si Ulap, akmang yayakapin – nang
biglang isang ligaw na palaso ang
tumama sa likod ng dalaga. At
habang sapo-sapo ni Ulap ang
nag-aagaw-hininga niyang iniibig,
nang bigla siyang sinibat sa likod
ng isang kawal ni Pagtuga.
Agad na hinataw ni Datu
Makusug ang kawal ng
kaniyang minasbad, isang
matalim na bolo.Pagkatapos
ng mabilis na pangyayaring
iyon, tumahimik ang lahat ng
mandirigma. Tumigil ang
digmaan. Sa halip na marinig
ang kasiyahan ng isang
pagdiriwang ng kasalan, mga
hikbi at hagulgol para sa mga
pumanaw ang lumutang sa
hangin.
Kahit na halos walang makita
dahil sa walang-tigil na pagluha si
Datu Makusug, naghukay siya
nang naghukay. Nang matapos,
inilibing niya ang kaniyang nag-
iisang anak na si Magayon, at ang
nag-iisa nitong pag-ibig na si
Ulap, nang magkatabi at
magkayakap. Habang lumilipas
ang mga araw, unti-unting
tumaas ang lupang pinaglibingan
kina Ulap at Magayon.
Tumaas ito nang tumaas, at di
nagtagal, sinamahan ito ng
pagyanig ng lupa at pagtilapon
ng nagbabagang mga bato.
Naniniwala ang Mga matatanda
na kapag nangyayari ito,
ginagalit ni Pagtuga ang bulkan
upang maibalik sa kaniya ang
mga kayamanang iniregalo niya
kay Magayon – mga regalong
inilibing kasama ng dalaga sang-
ayon sa mga lumang paniniwala.
May mga araw kung kailan natatakpan ng mga ulap
ang tuktok ng bulkan Sinasabi ng mga matatanda na
kapag nangyayari ito, hinahalikan ni Ulap si Magayon.
At kung pagkatapos nito ay marahang dumampi ang
ulan sa magiliw na libis ng bulkan, naniniwala ang
mga matatandang lumuluha si Ulap.
Pagkatapos ng mahabang panahon ay umigsi na ang
pangalan ni Magayon at naging Mayong o Mayon.
Ngunit hanggang sa kasalukuyan; kahit na maaliwalas
ang panahon, isang anino ng masalimuot na kuwento
ng isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang
bumabalong sa magandang bayan ni Daragang
Magayon.
1. Sino - sino ang mga tauhan sa kuwento ?
2. Sa paanong paraan nag-simula ang pag-iibigan nina Magayon
at Ulap?
3. Bakit napilitang ipakasal si Magayon Kay Pagtuga ?
4. Tawag sa bayan na tinitirahan nila Magayon at ng kaniyang
ama.
5. Sino ang kalaban ni Ulap sa puso ni Magayon? Ano ang
ginawa nito upang mapilit niya si Magayon na ipakasal sa
kaniya.?
6. Nag katuluyan ba si Magayon at Ulap? Oo o Hindi?
Mga katanungan
Panuto: Pag-ibahin kung paano ipinakita nina Ulap
at Pagtuga ang kanilang pagmamahal kay
Magayon.
Ang paghahambing ay paglalarawan ng
kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit
pang mga bagay.
Ito rin ay pwedeng magamit sa
paglalarawan ng antas o katangian ng tao,
haopy, ideya o pangyayari.
Paghahambing
Ang paghahambing ay may dalawang uri;
Paghahambing ng Magkatulad
- Ginagamit kung ang dalawang inihahambing ay
antas na katangian ng isang tao, o bagay, etc.
Paghahambing na di Magkatulad.
- Ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang
antas ng isang bagay o anuman.
Panuto: Balangkasin ang bawat pangyayari sa
Alamat ng Daragang Magayon
PANGKATANG GAWAIN
UNANG PANGKAT- Ano ang pangunahing
kaalaman ang inyong natutuhan pagkatapos
talakayin ang kwento ng Sirena at si Santiago
IKALAWANG PANGKAT - Bigyan ng magandang
wakas ang pag iibigan nina Santiago at Clara
IKATLONG PANGKAT - . Gumawa ng timeline
patungkol sa kwento ng Sirena at si Santiago
Bilang isang kabataan sa
paanong paraan mo
tatanggapin ang mga
kabiguang dumarating sa
iyong buhay?
1. Ang pinakamagandang dalaga sa bayan ng Rawis.
a. Mariang Makiling
b. Alunsina
c. Daragang Magayon
d. Mayumi
2. Ang Ama ni Daragang Magayon.
a. Butuwan
b. Diwani
c. Karilaya
d. Makusog
3. Ang layunin ng Alamat ay;
a. Maipabatid ang pinagmulan ng mga bagay bagay.
b. Magbigay aliw.
c. Makadagdag sa Panitikang Pilipino.
d. Magbigay aral sa mga mambabasa.
4. Bulkan na matatagpuan sa Bicol.
a. Pinatubo
b. Mayon
c. Banahaw
d. Apo
5. Paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng
dalawa o higit pang mga bagay.
a. Pang-uri
b. Panghalip
c. Pang-abay
d. Paghahambing
1. C
2. D
3. A
4. B
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
TAKDANG ARALIN
1. Bumuo ng limang (5) sariling pangungusap ng
nagpapakita ng paghahambing.
2. Magsaliksik patungkol sa kuwentong bayan
mula sa Bicol.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG!!!

DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx

  • 1.
  • 2.
    G O LI K L A N B U
  • 3.
    A D TU P I R S S E A N
  • 4.
    P A LU D G I A N M A
  • 6.
  • 7.
    Ang alamat ayisang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. At Ito ay uri lamang ng isang kat- hang isip Alamat
  • 8.
    1. Mga hikbiat hagulgol para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin. 2. Habang sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, 3. Isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang bumabalong sa magandang bayan ni Daragang Magayon. Iyak na pabugso-bugso Hawak- hawak Umaagos Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Piliin sa ibaba ang tamang sagot.
  • 9.
    Isinilang si Villanuevanoong ika-22 ng Setyembre 1954 sa La Loma, Lungsod ng Quezon, sa mag-asawang Francisco at Vicenta Villanueva. Nakapagtapos siya ng kursong Kasaysayan sa Lyceum of the Philippines noong taong 1969 Rene Villanueva ay isang tanyag na manunulat ng mga librong pambata, mga dula, at mga dayalogo sa telebisyon at pelikula.
  • 11.
    Naganap ito sapayapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak. Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog-isang anak na babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon.
  • 13.
    Wala, kahit angmakisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang Mangangaso at datung Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga. Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan.
  • 14.
    Naglakad siya nangmalayo upang makita ng sarili niyang mga mata ang ipinagbunying kagandahan ni Daragang Magayon. Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniis niya ang magnakaw lamang ng mga sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa.
  • 15.
    Pagkatapos ng isangmaulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli- dagling sumaklolo si Ulap at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging simula ng pag-iibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.
  • 16.
    Ilang beses pangnagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag- uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas nang loob na ibinaon ni Ulap ang kaniyang sibat sa hagdan. Ipinapahiwatig nito ang kaniyang kagustuhang pakasalan si Magayon. Walang nagawa si Magayon kundi mamula, magpigil ng tawa, at umiwas ng tingin.
  • 17.
    Dahil dito, napagtantoni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa si Magayon at si Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang makapaghanda nang husto para sa pagdiriwang.
  • 18.
    Nang mangaso siDatu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan sa kaniyang bayan kung hindi siya pakakasalan. Sinunod ni Magayon ang kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang kalooban.Agad-agad na inihanda ang kasalan.
  • 19.
    Nang malaman niUlap ang masaklap na pangyayari, nagmadali siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang mandirigma. Kasisimula pa lamang ng seremonya nang dumating sina Ulap. Sa halip na isang pagdiriwang para sa kasal, isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang langit ng mga palaso.
  • 20.
    Napuno ang hanginng tunog ng nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap at si Pagtuga, isang labanan para sa kamay ng nag-iisang si Magayon. Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga. Masayang sinalubong ni Magayon si Ulap, akmang yayakapin – nang biglang isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ng dalaga. At habang sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, nang bigla siyang sinibat sa likod ng isang kawal ni Pagtuga.
  • 21.
    Agad na hinatawni Datu Makusug ang kawal ng kaniyang minasbad, isang matalim na bolo.Pagkatapos ng mabilis na pangyayaring iyon, tumahimik ang lahat ng mandirigma. Tumigil ang digmaan. Sa halip na marinig ang kasiyahan ng isang pagdiriwang ng kasalan, mga hikbi at hagulgol para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin.
  • 22.
    Kahit na haloswalang makita dahil sa walang-tigil na pagluha si Datu Makusug, naghukay siya nang naghukay. Nang matapos, inilibing niya ang kaniyang nag- iisang anak na si Magayon, at ang nag-iisa nitong pag-ibig na si Ulap, nang magkatabi at magkayakap. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting tumaas ang lupang pinaglibingan kina Ulap at Magayon.
  • 23.
    Tumaas ito nangtumaas, at di nagtagal, sinamahan ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng nagbabagang mga bato. Naniniwala ang Mga matatanda na kapag nangyayari ito, ginagalit ni Pagtuga ang bulkan upang maibalik sa kaniya ang mga kayamanang iniregalo niya kay Magayon – mga regalong inilibing kasama ng dalaga sang- ayon sa mga lumang paniniwala.
  • 24.
    May mga arawkung kailan natatakpan ng mga ulap ang tuktok ng bulkan Sinasabi ng mga matatanda na kapag nangyayari ito, hinahalikan ni Ulap si Magayon. At kung pagkatapos nito ay marahang dumampi ang ulan sa magiliw na libis ng bulkan, naniniwala ang mga matatandang lumuluha si Ulap.
  • 25.
    Pagkatapos ng mahabangpanahon ay umigsi na ang pangalan ni Magayon at naging Mayong o Mayon. Ngunit hanggang sa kasalukuyan; kahit na maaliwalas ang panahon, isang anino ng masalimuot na kuwento ng isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang bumabalong sa magandang bayan ni Daragang Magayon.
  • 26.
    1. Sino -sino ang mga tauhan sa kuwento ? 2. Sa paanong paraan nag-simula ang pag-iibigan nina Magayon at Ulap? 3. Bakit napilitang ipakasal si Magayon Kay Pagtuga ? 4. Tawag sa bayan na tinitirahan nila Magayon at ng kaniyang ama. 5. Sino ang kalaban ni Ulap sa puso ni Magayon? Ano ang ginawa nito upang mapilit niya si Magayon na ipakasal sa kaniya.? 6. Nag katuluyan ba si Magayon at Ulap? Oo o Hindi? Mga katanungan
  • 27.
    Panuto: Pag-ibahin kungpaano ipinakita nina Ulap at Pagtuga ang kanilang pagmamahal kay Magayon.
  • 28.
    Ang paghahambing aypaglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit pang mga bagay. Ito rin ay pwedeng magamit sa paglalarawan ng antas o katangian ng tao, haopy, ideya o pangyayari. Paghahambing
  • 29.
    Ang paghahambing aymay dalawang uri; Paghahambing ng Magkatulad - Ginagamit kung ang dalawang inihahambing ay antas na katangian ng isang tao, o bagay, etc. Paghahambing na di Magkatulad. - Ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman.
  • 30.
    Panuto: Balangkasin angbawat pangyayari sa Alamat ng Daragang Magayon
  • 31.
    PANGKATANG GAWAIN UNANG PANGKAT-Ano ang pangunahing kaalaman ang inyong natutuhan pagkatapos talakayin ang kwento ng Sirena at si Santiago IKALAWANG PANGKAT - Bigyan ng magandang wakas ang pag iibigan nina Santiago at Clara IKATLONG PANGKAT - . Gumawa ng timeline patungkol sa kwento ng Sirena at si Santiago
  • 33.
    Bilang isang kabataansa paanong paraan mo tatanggapin ang mga kabiguang dumarating sa iyong buhay?
  • 34.
    1. Ang pinakamagandangdalaga sa bayan ng Rawis. a. Mariang Makiling b. Alunsina c. Daragang Magayon d. Mayumi 2. Ang Ama ni Daragang Magayon. a. Butuwan b. Diwani c. Karilaya d. Makusog 3. Ang layunin ng Alamat ay; a. Maipabatid ang pinagmulan ng mga bagay bagay. b. Magbigay aliw. c. Makadagdag sa Panitikang Pilipino. d. Magbigay aral sa mga mambabasa.
  • 35.
    4. Bulkan namatatagpuan sa Bicol. a. Pinatubo b. Mayon c. Banahaw d. Apo 5. Paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit pang mga bagay. a. Pang-uri b. Panghalip c. Pang-abay d. Paghahambing
  • 36.
    1. C 2. D 3.A 4. B 5. D SUSI SA PAGWAWASTO
  • 37.
    TAKDANG ARALIN 1. Bumuong limang (5) sariling pangungusap ng nagpapakita ng paghahambing. 2. Magsaliksik patungkol sa kuwentong bayan mula sa Bicol.
  • 38.