1
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
MATATAG
K to 10 Kurikulum
Lingguhang Aralin
Paaralan: Visit DepEdResources.com for More Baitang: 8
Pangalan ng Guro: Asignatura: VALUES EDUCATION
Petsa at Oras ng Pagtuturo: SEPTEMBER 22 - 26, 2025 (WEEK 5) Markahan at Linggo: Ikalawang Markahan
I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya.
B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa loob ng
pamilya upang malinang ang pananampalataya.
C. Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto
Naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa
kinabibilangang pamilya.
a. Nakakikilala ng mga situwasyon na indikasyon ng presensiya ng Diyos sa loob ng
pamilya.
b. Napatutunayan na ang presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya ay makikita sa
kapayapaan, katatagan, at pagmamahalan sa loob ng pamilya.
c. Nailalapat ang mga paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya.
D. Lilinanging Pagpapahalaga
(Values to be developed)
Pananampalataya (Faith)
E. Nilalaman Pagkilala sa Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya
A. Indikasyon ng Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya
B. Paglalapat ng Pananamplataya sa Pamamagitan ng Pagkilala sa Presensiya ng Diyos sa
Loob ng Pamilya
F. Integrasyon
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
1 Tesalonica 5:16-18 (MBBTAG). (n.d.). Bible Gateway. https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Tesalonica%205%3A16-
18&version=MBBTAG
49 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Ang Presensya Ng Diyos. (n.d.). https://bible.knowing-jesus.com/Tagalog/topics/Ang-Presensya- Ng-
Diyos
Ano ang ibig sabihin na pagiging kabahagi sa pamilya ng Diyos? (n.d.). https://www.gotquestions.org/Tagalog/pamilya-Diyos.html
2
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
BLESSED to be LUCKY. (2021, November 11). ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL with Lyrics [Video]. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=_3KcUlzDt2c
Lucas 17:11-19 (MBBTAG). (n.d.). Bible Gateway. https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas%2017%3A11-
19&version=MBBTAG
M, J. (2023, June 26). It Is Well with My Soul. Hymns. https://gccsatx.com/hymns/it-is-well-with-my-soul/
Michelle, M. (2021, July 17). Footprints In The Sand - 10 Free PDF Printables | Printablee. Pinterest.
https://www.pinterest.com/pin/footprints-in-the-sand-poem-printable-version--141089400815705219/
Pananampalataya: monolingual Tagalog definition of the word pananampalataya. (n.d.). TagalogDotCom.
https://www.tagalog.com/monolingual-dictionary/pananampalataya
Primero, D. (2022, December 18). Ano ang Pananampalataya? (At Ano ang Hindi) | Driven By The Gospel. Driven by the Gospel.
https://drivenbythegospel.org/ano-ang-pananampalataya-at-ano-ang-hindi/
TagalogLang. (2022, October 24). PANANAMPALATAYA. TAGALOG LANG. https://www.tagaloglang.com/pananampalataya/
The Presence of God - Bible Definition & Meaning. (n.d.). Bible Study Tools. https://www.biblestudytools.com/dictionary/presence-of-god/
TheVoltaire. (2012, February 29). FOOTPRINTS in the sand with lyrics. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=jKnb21pwESI Mga
sanggunian ng larawan:
X27;Playingwithbrushes&#X. (n.d.). Old paper texture. Flickr. https://www.flickr.com/photos/82518118@N00/2546732241
Christ healing man leprosy. Woodcut. (n.d.). Openverse. https://openverse.org/image/4ba428d3-3af3-4dba-a78b- 11c10f1eb860?q=Jesus%20heals
%20the%20leprosy
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO
A. Pagkuha ng
Dating
Kaalaman
UNANG ARAW
1. Maikling Balik-aral
SUSURIIN KO: Pagmasdan at basahing maigi ang mga kataga mula sa libro sa 1
Tesalonica 5:16-18 at sagutin ang mga katanungan na ibibigay ng guro
”16
Magalak kayong lagi, 17
palagi kayong manalangin,
18
at magpsalamat kayo sa Diyos sa lahat ng
pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para
sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Kristo
Hesus.”
1 Tesalonica 5:16-18
Bigyan ng isa hanggang
dalawang minuto ang bawat
mag-aaral na pagnilayan ang
nakapaloob sa papel. Magtawag
ng ilang mga mag-aaral upang
ibahagi ang kaniyang pananaw
sa nabasa. Huwag kalimutang
iugnay ito sa nakaraang aralin
ukol sa pagiging
mapagpasalamat sa Diyos sa
tulong ng pamilya at kapuwa.
3
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
Mga Tanong:
A. Ano ang iyong pananaw ukol sa nabasa? Bakit kailangang magpasalamat sa
lahat ng pagkakataon?
B. Ano-ano ang mga paraan ng pasasalamat na natutuhan mo sa iyong pamilya at
sa kapuwa?
Tunay nga na napakahalaga ng pasasalamat at pagkilala sa mga biyayang natanggap
mula sa Diyos. Na kung saan, ang pamilya ay isang mahalagang bahagi ng ating
buhay na nagbibigay ng suporta, pagmamahal, at pagkakaisa. Sa pamamagitan ng
kanilang buhay, nararamdaman natin ang biyayang dulot ng Diyos sa ating buhay.
Sa bawat sandali ng kasiyahan, pagsubok, at tagumpay, ang pamilya ay kasama
nating nagpapasalamat sa mga biyayang ito. Sa ganitong paraan, ang pagkilala at
pasasalamat sa Diyos ay nagiging mas malalim at makabuluhan dahil sa
pagiging bahagi ng ating pamilya. Sa bawat araw, isang patunay ang pamilya na
ang pagpapala ng Diyos ay patuloy na naglalakbay sa ating buhay, at sa
pamamagitan ng kanilang pagmamahal at suporta, patuloy tayong nagiging
bukas-palad at mapagpasalamat sa Kaniyang biyaya.
Maaaring gamitin ang site na ito
para magtawag ng mga mag-
aaral na magbahagi ng kanilang
pananaw at karanasan:
https://spinit.connectedpe.com
/
4
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
A. Paglalahad ng
Layunin
1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
Suriin ang Sarili: Sagutan ng may katapatan ang bawat pahayag.
Indikasyon:
0- hindi ginagawa
1- paminsan-minsang ginagawa
2-palaging ginagawa
Situwasyon 0 1 2
1. Sama-samang nagsisimba tuwing linggo ang aming pamilya.
2. May panahong inilalaan ang bawat miyembro ng pamilya para
sa pag-aaral at pagbabasa sa salita ng Diyos.
3. Nagdarasal bago kumain.
4. Nakikilala ang mga biyayang natatanggap at
ipinagpapasalamat ito sa Diyos.
5. Ang mga nababasang aral mula sa salita ng Diyos ay aking
isinasabuhay.
6. Tumutulong sa kapuwa na nangangailangan.
7. Positibo ang pananaw sa buhay sa kabila ng mga
pinagdadaanan.
8. Sinisigurado na ang aking mga ginagawa ay nagbibigay ng parangal
sa Diyos.
9. Pinapahalagahan ang relasyon at pagmamahal sa pamilya.
10.Kinikilala na ang Diyos ang nagbigay ng buhay kaya naman
inaalagaan ang sarili.
Mga tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos sagutan ang mga
pangungusap?
2. Ano sa palagay mo ang nagtutulak sa isang pamilya na magawa o
magampanan ang mga nabanggit sa mga situwasyon?
3. Base sa resulta ng gawain, masasabi mo ba na ang presensiya ng Diyos ay
nasa loob ng iyong pamilya? Pangatwiranan
5
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
Ipaliwanag na sa araling ito matututuhan ang kahalagahan ng presensiya ng Diyos
sa loob ng tahanan, at ang mga indikasyon nito.
2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Ang Aking Kaalaman: Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay may kaugnayan sa
presensiya ng Diyos sa pamilya. Sumulat sa labas ng kahon ng tatlong salita o
parilala na may kaugnayan sa kahulugan ng mga ito. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
KATATAGAN PAGMAMAHALAN
Presensiya ng Diyos
sa Pamilya
PAGBUBUKLOD KAPAYAPAAN
Paghawan ng Bokabolaryo
Mga inaasahang kasagutan:
Katatagan:
● lakas ng kalooban
● katagumpayan
● determinasyon
● hindi pagsuko
Pagmamahalan
● paggawa ng mabuti
● pagtanggap sa kahinaan
● pag-aalaga
● hindi pagpapabaya
● pagkapit sa kabila ng
pagsubok
Pagbubuklod
● pagkakaisa
● pagsasama
● pagpapatatag
● pagtutulungan
Kapayapaan
● katahimikan
● katiwasayan
● walang kaguluhan
● walang alitan
B. Paglinang at
Pagpapalalim
Kaugnay na Paksa 1: Indikasyon ng Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya Ang
pinakakaraniwang salitang Hebreo para sa presensiya ay panim, na isinalin din na
"mukha," na nagpapahiwatig ng malapit at personal na pakikipagtagpo sa
Panginoon. Ang Diyos ay sinasabing nasa lahat ng lugar (omnipresence) kasama na
ang ating pamilya – ang unang institusyon na nilikha Niya. Mula pa noong una,
ang kalooban ng Diyos ay makaniig at makatagpo ang tao. Nangyayari ito kung
may mabuting relasyon ang mga kasapi ng pamilya at ang Diyos. Kaya sa panahon
man ng hirap o ginhawa nararanasan ng pamilya ang presensiya ng
6
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
Diyos. May mga pagkakataon na parang malayo ang Diyos pero may pangako Siya
sa bawat anak Niya na hindi iiwan o pababayaan man. Ano nga ba ang mga
indikasyon na nagpapahiwatig ng presensiya ng Diyos sa ating buhay at sa ating
tahanan?
Balikan ang gawain sa paglinang sa kahalagahan sa pagkatuto sa aralin. Itanong:
Alin sa mga situwasyon ang ginagawa ninyo sa inyong pamilya na
nagpapatunay na ang presensiya ng Diyos ay nasa inyong pamilya?
MGA INDIKASYON NA NAGPAPAKITA NG PRESENSIYA NG DIYOS
● Pagkakaisa at Pagmamahalan: Ang pamilyang pinapangunahan ng
pananampalataya sa Diyos ay karaniwang nagpapakita ng pagmamahalan,
pagbibigayan, at respeto sa isa't isa bilang mga anak ng Diyos. Ang pagmamahal na
tinanggap sa Diyos ay naibabahagi rin sa ibang kasapi ng pamilya.
● Pagsamba: Ang pagdalo sa mga pangangaral, pagsamba, at iba pang gawain ng
pananampalataya bilang isang pamilya ay nagpapakita ng kanilang pagtanggap sa
presensiya at kahalagahan ng Diyos sa kanilang buhay. (halimbawa: pakikidalo sa
Prayer Meeting, pakikibahagi sa mga aktibidad ng simbahan, pagsisimba tuwing
linggo o araw ng samba).
● Panalangin: Ang panalangin bilang isang pamilya ay nagpapakita ng kanilang
pagtitiwala at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila na
maging bukas sa Kaniyang gabay at tulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
(Halimbawa: padarasal bago kumain, o bago bumangon sa umaga o bago matulog)
● Pagtanggap sa Salita ng Diyos: Ang pag-aaral at pagsusuri sa Banal na
Kasulatan (Bibliya) bilang isang pamilya ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
aral ng Diyos at pagiging bukas sa Kaniyang mga turo at gabay. Nakapaloob din dito
ang sariling pag-aaral sa Salita ng Diyos at paglalaan ng oras upang magnilay sa
sinasabi ng Kaniyang salita.
● Pagtanggap at Pagpapatawad: Ang kakayahan na magpatawad at
magpahalaga sa pagkakamali ng isa't isa sa loob ng pamilya ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga aral ng Diyos tungkol sa pagmamahal at pagpapatawad.
● Pagtulong sa Kapuwa: Ang pagbibigay-tulong at paglilingkod sa mga
nangangailangan sa loob at labas ng pamilya ay nagpapakita ng kanilang
pagmamalasakit at pagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa, na itinuturing na
paglilingkod sa Diyos.
7
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
● Pagpapalaganap ng Kabutihan: Ang pagiging tagapagtaguyod ng kabutihan,
katarungan, at pagmamahalan sa komunidad ay nagpapakita ng impluwensiya ng
pananampalataya sa Diyos sa pagpapalaganap ng Kaniyang kaharian sa lupa.
● Pagkakaroon ng Kapayapaan: Ang kapayapaan sa pamilya ay nagmumula sa
Diyos. Kapag ang pamilya ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagtanggap sa
isa’t isa, ito’y nagpapakita ng presensiya ng Diyos sa kanilang tahanan.
● Pagkakaroon ng katagumpayan sa mga pagsubok sa buhay. Ano man ang
mga pinagdadaanang pagsubok, nagiging magaan ito at nalalampasan ng
matagumpay dahil ang Diyos ang nagbibigay ng gabay at karunungan upang
malagpasan ang mga pagsubok.
Ang mga indikasyong ito ay nagpapakita ng epekto ng presensiya ng Diyos sa loob
ng pamilya. Ito ay nagiging gabay at pundasyon ng kanilang buhay at relasyon sa
isa't isa. Sa bawat aspekto ng buhay, makikita ang Kaniyang biyaya, gabay, at
pagmamahal na nagpapatibay sa pananampalataya at pagkakaisa bilang isang
pamilya. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga nabanggit na indikasyon,
nagiging patotoo ang pamilya sa pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos sa kanilang
buhay at maging sa komunidad.
IKALAWANG ARAW
2. Pinatnubayang Pagsasanay Awitin
Natin
Iparinig at ipasuri ang awiting ”Footprints in the Sand”
Footprints in the sand, He held me in His hands
Someday I'll understand
footprints in the sand (ooh, oooh)
Last night I had a dream.
I dreamed I was walking along the beach with my Lord.
Across the sky flashed scenes from my life.
For each scene, I noticed two sets of footprints in the sand, One
belong to me and the other to the Lord.
After the last scene of my life flashed before me, I
looked back at the footprints in the sand.
I noticed that at many times along the path of my life,
especially at the very lowest and saddest times, there
was only one set of footprints.
Footprints in the sand, He held me in His hands
Awitin Natin
8
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
Someday I'll understand footprints
in the sand (ooh, oooh)
Now, this really troubled me, so I asked the Lord about it.
"Lord, you said once I decided to follow you,
You'd walk with me all the way.
But I noticed that during the saddest and the lowest times in my life, there was only one
set of footprints.
I don't understand why, when I needed You the most, You
would leave me."
The Lord replied, "My son, my precious child, I
love you and I would never leave you" During
your times of suffering,
When you could see only one set of footprints, It
was then that I carried you."
Pamprosesong katanungan:
1. Nasaan ang tagapagsalita at ano ang kaniyang nararanasan?
2. Ano ang pakahulugan mo sa "mga bakas ng paa sa buhangin"?
3. Ano ang iba't ibang interpretasyon ng mga linyang "Isang hanay ng mga bakas
ng paa" at "dalawang hanay ng mga bakas ng paa"?
4. Sa anong pagkakataon "lumalakad sa tabi" natin ang Diyos?
5. Nagkaroon na ba ng panahon sa iyong buhay na naramdaman mong nag-iisa o
hindi ka sinusuportahan? Paano mo ito hinarap? Naranasan na din ba ito ng iyong
pamilya?
6. Ano ang aral na mapupulot sa kanta tungkol sa presensiya ng Diyos sa ating
buhay?
3. Paglalapat at Pag-uugnay
Gawain: Aking Karanasan, Aking Ilalahad
Isasalaysay ng mga mag-aaral ang kanilang karanasan kung paano nakita sa
loob ng pamilya ang presensiya ng Diyos. Maaaring ihayag ang mga
pagsubok na naransan o kaya naman ay mga pagpapalang natanggap mula sa Diyos
na nagpapatunay ng Kaniyang presensiya.
1. Isalaysay ang sariling kwento ukol sa iyong karanasan na nagpapatunay na
ang Diyos ay laging nariyan at hindi tayo pinababayaan.
Bago iparinig, ipabasa, o
ipaaawit ang kanta, maglaaan
ng ilang sandali upang talakayin
ang kahulugan ng bawat talata
ng kanta.
Mapapanood ang bidyo ng
kanta sa link:
https://www.youtube.com/wat
ch?v=jKnb21pwESI
9
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
2. Ibigay ang mga indikasyon ng presensiya ng Diyos na nakita mula sa
situwasyong nailahad.
3. Gumuhit ng isang simbolo na magpapaalala sa’yo ng presensiya ng Diyos sa
buhay ninyo bilang pamilya (halimbawa mula sa kanta ang mga yapak sa
buhangin).
IKATLONG ARAW
Kaugnay na Paksa 2: Paglalapat ng Pananampalataya sa Pamamagitan ng Pagkilala
sa Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya
1. Pagproseso ng Pag-unawa
Ang presensiya ng Diyos ay nasa lahat lugar. Hindi man natin Siya nakikita dahil Siya
ay espiritu, may mga paraan upang makita ang Kaniyang presensiya sa ating paligid,
sa ating pamilya at sa ating buhay. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Pananalangin
ng taimtim at may katapatan. Ang panalangin ay daan para sa ating pakikipag-
usap sa Diyos. Ipinapakita nito ang ating pagiging bukas sa Kaniya at paghahanap
ng Kaniyang kalooban. Nakikita ng Diyos ang laman ng ating puso at sa ating
pagdarasal ng taimtim at ayon sa Kaniyang kalooban sinasagot Niya ang mga
panalangin. Ang mga nakikitang kasagutan sa ating mga dasal ay patunay na ang
Diyos ay nasa ating buhay.
Maglaan ng oras upang magpahinga sa piling ng Diyos. Mahalaga ring
maglaan tayo ng oras para magpahinga at makipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay
maaaring sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kaniyang mga salita at pagmumuni-
muni dito.
10
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
Magkaroon ng iba pang gawain upang mapalapit sa Diyos. Isa sa mga
maaaring gawin ay maging mapagpasalamat sa mga tao sa paligid. Bigyang- halaga
ang mabubuting ginagawa nila para sa iyo at sa inyong pamilya at ipagpasalamat sa
Diyos ang buhay nila. Maaari rin maglakad sa labas upang masilayan ang mga
magagandang gawa ng Diyos. Ayon sa Psalm 19:1
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!
Ang ginawa ng Kaniyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Gawain 1: Sensory Scavenger Hunt
Palabasin ang mga mag-aaral sa loob ng 10 minuto. Hayaan silang magmasid sa
paligid at tukuyin ang mga nakikita sa kalikasan na nagpapaalala o nagpapatotoo sa
presensiya ng Diyos. Habang naglalakad, hayaan ang mga mag-aaral na
kumpletuhin ang isang sensory scavenger hunt. Lagyan nang maiksing paliwanag
ang mga sagot.
o Maghanap ng bagay na magpapakalma sa iyong pakiramdam (hal., banayad na
simoy ng hangin)
o Maghanap ng isang bagay na nagpapakita ng pagkamalikhain (hal., isang
natatanging bulaklak)
o Maghanap ng isang bagay na nagpapakita ng pagtutulungan (hal., mga
bubuyog na nag-pollinate ng mga bulaklak)
o Maghanap ng isang bagay na nagbibigay inspirasyon (hal., isang matayog na
puno)
Pagbalik sa silid-aralan, tumawag ng mga magbabahagi ng kanilang kasagutan.
Pamprosesong katanungan:
1. Ano ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain?
2. Ano-ano ang mga bagay sa kapaligiran ang nagpapaalaala sa iyo ng
presensiya o kabutihan ng Diyos? Ipaliwanag ang sagot.
3. Nakatulong ba ang gawain para mas maramdaman mo pa ang presensiya ng
Diyos? Sa papaanong paraan?
Gawain 2: Gamit ang metacards, ipasulat ang isang paraan na naramdaman nila ang
presensya ng Diyos sa pamamagitan ng bawat miyembro ng pamilya (hal., mga salita
ni Nanay na naghihikayat, ang pagkamapagpatawa ni Tatay, ang mapaglarong
kapatid). Idikit ang mga metacards sa pisara at talakayin.
Pamprosesong katanungan:
Gawain 1: Sensory Scavenger
Hunt
Mas mainam kung sa hardin ng
paaralan dalhin ang mga mag-
aaral upang magmasid.
Gawain 2: Sa pagproseso,
pagsamasamahin ang
magkakapareho ang tema at
bumuo ng mga kategorya o di
kaya ay mga tema kung paano
makikilala ang presensiya ng
Diyos sa pamilya.
11
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
1. Masasabi mo ba na ang inyong pagsasama bilang isang pamilya ay nakaugat sa
pananampalataya sa Diyos? Bakit?
2. Sa papaanong paraan ninyo nadarama ang presensiya ng Diyos sa inyong
pamilya?
3. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa iyong
buhay at sa iyong pamilya?
IKAAPAT ARAW
3. Paglalapat at Pag-uugnay
Panuto: Gumawa ng isang slogan na binubuo ng sampo (10) hanggang labinlimang
(15) salita gamit ang temang ”Ang Presensiya ng Diyos sa Aking Pamilya”. Gawin ito
sa short bond paper.
Paglalapat at Pag-uugnay
Maaaring baguhin ang
pamantayan sa gawain.
4. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto
1. Paano nakakatulong ang presensiya ng Diyos sa pagpapanatili ng
pagkakaisa, pagmamahalan, at kapayapaan sa loob ng pamilya?
2. Ano ang mga paraan na maaaring gawin ng pamilya upang makilala ang
presensiya ng Diyos sa pamilya? Magbigay ng dalawa at ipaliwanag.
3. Paano makatutulong ang pagbabasa ng salita ng Diyos at pagninilay dito
upang maramdaman ang Diyos sa loob ng tahanan?
Pamantayan
Kraytirya Deskripsyon Kaukulang
puntos
Nilalaman Mabisang naipakita ang mensahe. 5
Pagkamalikhai
n at Kalinisan
Maganda at malinaw ang pagkakasulat
ng mga titik o salita.
5
Pagpasa sa
Tamang Oras
Naipasa sa takdang panahon ang
gawain.
5
12
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
2. Pagninilay sa Pagkatuto
Paano mo maipapakita na ang Diyos ang sentro ng inyong pamilya?
Ano-ano ang mga hakbang na maaari mong gawin upang mapalalim ang iyong
kaalaman at pag-unawa sa presensiya ng Diyos sa iyong pamilya?
Paano mo mararanasan ang presensiya ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na
buhay?
IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO
A. Pagtataya 1. Pagsusulit
Basahin at unawain ang sumusunod. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ano ang isang mahalagang konsepto na nagpapatunay ng pananampalataya sa
pamilya?
a) Pagpapalakas ng kahinaan
b) Pagkilala sa presensiya ng Diyos
c) Pagsisimba kada linggo
d) Pag-iwas sa pananampalataya
2. Ano ang isa sa mga paraan upang mapalalim ang ating kaalaman at pag-unawa
sa Diyos?
a) Pagbabasa ng Bibliya at pagninilay
b) Pagbabasa ng mga inspirational books
c) Panonood ng mga bidyo tungkol sa pananampalataya
d) Paggamit ng social media upang ibahagi ang salita ng Diyos
3. Ano ang maaaring maging paraan upang maranasan ang presensiya ng Diyos sa
ating buhay?
a) Pagtutok sa mundo
b) Pagtulong sa kapuwa
c) Pag-aaral ng kasaysayan
d) Panalangin at pagsamba
Mga Sagot:
1. B
2. A
3. D
4. A
5. B
13
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
4. Ano ang mga palatandaan o indikasyon na nararamdaman mo ang presensiya ng
Diyos sa inyong pamilya?
a) Nararamdaman ninyo ang pagmamahalan at pagkakaisa bilang pamilya.
b) May mga hindi inaasahang biyaya o tulong na dumadating sa inyo.
c) Naniniwala kayong may plano ang Diyos sa lahat.
d) Iniisip ang Diyos sa mga pagkakataon ng krisis.
5. Nakatutulong ba ang inyong pananampalataya sa Diyos sa pagpanatili ng
kapayapaan, pagmamahal, at katatagan sa inyong pamilya?
a) Hindi, dahil hindi konektado ang pananampalataya sa mga relasyon sa
pamilya
b) Oo, dahil ang pananampalataya ay nagbibigay ng gabay at lakas sa panahon ng
pagsubok.
c) Oo, dahil ang kapayapaan at pagmamahal ay natural na mangyayari.
d) Hindi ko alam, dahil hindi pa namin nararanasan ang ganitong situwasyon sa
aming pamilya.
2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin
Sisidlan ng Pasasalamat ng Pamilya
Mag-decorate ng isang garapon o kahon kung saan ilalagay ng bawat miyembro ng
pamilya ang isinulat na mga bagay na pinasasalamatan nila tungkol sa pamilya o
mga bagay na kanilang nasaksihan na makikita bilang presensiya ng Diyos (hal.,
pagdaig sa isang hamon, sandali ng hindi inaasahang kagalakan). Gagawin ito sa
loob ng isang linggo. Basahin ang mga ito nang magkasama sa katapusan ng linggo.
A. Pagbuo ng
Anotasyon
Itala ang naobserhan
sa pagtuturo sa
alinmang sumusunod
na bahagi.
Epektibong Pamamaraan
Problemang Naranasan at
Iba pang Usapin
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Mag-aaral
14
MATATAG K TO 10 CURRICULUM
At iba pa
B. Pagninilay Gabay sa Pagninilay:
▪ Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin?
Bakit dapat ituro ang paggalang sa buhay sa paraang aking ginawa?
▪ Mag-aaral
Paano ginampanan ng mga mag-aaral ang kanilang pangkatang gawain? Ano
at paano natuto ang mga mag-aaral sa paggalang sa buhay?
▪ Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?
Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod upang mas mapahalagahan ng
mga mag-aaral ang kanilang buhay?

DETAILED LESSON LOG MATATAG _VE 8 Q2 W5.docx

  • 1.
    1 MATATAG K TO10 CURRICULUM MATATAG K to 10 Kurikulum Lingguhang Aralin Paaralan: Visit DepEdResources.com for More Baitang: 8 Pangalan ng Guro: Asignatura: VALUES EDUCATION Petsa at Oras ng Pagtuturo: SEPTEMBER 22 - 26, 2025 (WEEK 5) Markahan at Linggo: Ikalawang Markahan I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya upang malinang ang pananampalataya. C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa kinabibilangang pamilya. a. Nakakikilala ng mga situwasyon na indikasyon ng presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya. b. Napatutunayan na ang presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya ay makikita sa kapayapaan, katatagan, at pagmamahalan sa loob ng pamilya. c. Nailalapat ang mga paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya. D. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be developed) Pananampalataya (Faith) E. Nilalaman Pagkilala sa Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya A. Indikasyon ng Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya B. Paglalapat ng Pananamplataya sa Pamamagitan ng Pagkilala sa Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya F. Integrasyon II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO 1 Tesalonica 5:16-18 (MBBTAG). (n.d.). Bible Gateway. https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Tesalonica%205%3A16- 18&version=MBBTAG 49 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Ang Presensya Ng Diyos. (n.d.). https://bible.knowing-jesus.com/Tagalog/topics/Ang-Presensya- Ng- Diyos Ano ang ibig sabihin na pagiging kabahagi sa pamilya ng Diyos? (n.d.). https://www.gotquestions.org/Tagalog/pamilya-Diyos.html
  • 2.
    2 MATATAG K TO10 CURRICULUM BLESSED to be LUCKY. (2021, November 11). ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL with Lyrics [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=_3KcUlzDt2c Lucas 17:11-19 (MBBTAG). (n.d.). Bible Gateway. https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas%2017%3A11- 19&version=MBBTAG M, J. (2023, June 26). It Is Well with My Soul. Hymns. https://gccsatx.com/hymns/it-is-well-with-my-soul/ Michelle, M. (2021, July 17). Footprints In The Sand - 10 Free PDF Printables | Printablee. Pinterest. https://www.pinterest.com/pin/footprints-in-the-sand-poem-printable-version--141089400815705219/ Pananampalataya: monolingual Tagalog definition of the word pananampalataya. (n.d.). TagalogDotCom. https://www.tagalog.com/monolingual-dictionary/pananampalataya Primero, D. (2022, December 18). Ano ang Pananampalataya? (At Ano ang Hindi) | Driven By The Gospel. Driven by the Gospel. https://drivenbythegospel.org/ano-ang-pananampalataya-at-ano-ang-hindi/ TagalogLang. (2022, October 24). PANANAMPALATAYA. TAGALOG LANG. https://www.tagaloglang.com/pananampalataya/ The Presence of God - Bible Definition & Meaning. (n.d.). Bible Study Tools. https://www.biblestudytools.com/dictionary/presence-of-god/ TheVoltaire. (2012, February 29). FOOTPRINTS in the sand with lyrics. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=jKnb21pwESI Mga sanggunian ng larawan: X27;Playingwithbrushes&#X. (n.d.). Old paper texture. Flickr. https://www.flickr.com/photos/82518118@N00/2546732241 Christ healing man leprosy. Woodcut. (n.d.). Openverse. https://openverse.org/image/4ba428d3-3af3-4dba-a78b- 11c10f1eb860?q=Jesus%20heals %20the%20leprosy III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO A. Pagkuha ng Dating Kaalaman UNANG ARAW 1. Maikling Balik-aral SUSURIIN KO: Pagmasdan at basahing maigi ang mga kataga mula sa libro sa 1 Tesalonica 5:16-18 at sagutin ang mga katanungan na ibibigay ng guro ”16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpsalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.” 1 Tesalonica 5:16-18 Bigyan ng isa hanggang dalawang minuto ang bawat mag-aaral na pagnilayan ang nakapaloob sa papel. Magtawag ng ilang mga mag-aaral upang ibahagi ang kaniyang pananaw sa nabasa. Huwag kalimutang iugnay ito sa nakaraang aralin ukol sa pagiging mapagpasalamat sa Diyos sa tulong ng pamilya at kapuwa.
  • 3.
    3 MATATAG K TO10 CURRICULUM Mga Tanong: A. Ano ang iyong pananaw ukol sa nabasa? Bakit kailangang magpasalamat sa lahat ng pagkakataon? B. Ano-ano ang mga paraan ng pasasalamat na natutuhan mo sa iyong pamilya at sa kapuwa? Tunay nga na napakahalaga ng pasasalamat at pagkilala sa mga biyayang natanggap mula sa Diyos. Na kung saan, ang pamilya ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay na nagbibigay ng suporta, pagmamahal, at pagkakaisa. Sa pamamagitan ng kanilang buhay, nararamdaman natin ang biyayang dulot ng Diyos sa ating buhay. Sa bawat sandali ng kasiyahan, pagsubok, at tagumpay, ang pamilya ay kasama nating nagpapasalamat sa mga biyayang ito. Sa ganitong paraan, ang pagkilala at pasasalamat sa Diyos ay nagiging mas malalim at makabuluhan dahil sa pagiging bahagi ng ating pamilya. Sa bawat araw, isang patunay ang pamilya na ang pagpapala ng Diyos ay patuloy na naglalakbay sa ating buhay, at sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal at suporta, patuloy tayong nagiging bukas-palad at mapagpasalamat sa Kaniyang biyaya. Maaaring gamitin ang site na ito para magtawag ng mga mag- aaral na magbahagi ng kanilang pananaw at karanasan: https://spinit.connectedpe.com /
  • 4.
    4 MATATAG K TO10 CURRICULUM A. Paglalahad ng Layunin 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Suriin ang Sarili: Sagutan ng may katapatan ang bawat pahayag. Indikasyon: 0- hindi ginagawa 1- paminsan-minsang ginagawa 2-palaging ginagawa Situwasyon 0 1 2 1. Sama-samang nagsisimba tuwing linggo ang aming pamilya. 2. May panahong inilalaan ang bawat miyembro ng pamilya para sa pag-aaral at pagbabasa sa salita ng Diyos. 3. Nagdarasal bago kumain. 4. Nakikilala ang mga biyayang natatanggap at ipinagpapasalamat ito sa Diyos. 5. Ang mga nababasang aral mula sa salita ng Diyos ay aking isinasabuhay. 6. Tumutulong sa kapuwa na nangangailangan. 7. Positibo ang pananaw sa buhay sa kabila ng mga pinagdadaanan. 8. Sinisigurado na ang aking mga ginagawa ay nagbibigay ng parangal sa Diyos. 9. Pinapahalagahan ang relasyon at pagmamahal sa pamilya. 10.Kinikilala na ang Diyos ang nagbigay ng buhay kaya naman inaalagaan ang sarili. Mga tanong: 1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos sagutan ang mga pangungusap? 2. Ano sa palagay mo ang nagtutulak sa isang pamilya na magawa o magampanan ang mga nabanggit sa mga situwasyon? 3. Base sa resulta ng gawain, masasabi mo ba na ang presensiya ng Diyos ay nasa loob ng iyong pamilya? Pangatwiranan
  • 5.
    5 MATATAG K TO10 CURRICULUM Ipaliwanag na sa araling ito matututuhan ang kahalagahan ng presensiya ng Diyos sa loob ng tahanan, at ang mga indikasyon nito. 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Ang Aking Kaalaman: Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay may kaugnayan sa presensiya ng Diyos sa pamilya. Sumulat sa labas ng kahon ng tatlong salita o parilala na may kaugnayan sa kahulugan ng mga ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel. KATATAGAN PAGMAMAHALAN Presensiya ng Diyos sa Pamilya PAGBUBUKLOD KAPAYAPAAN Paghawan ng Bokabolaryo Mga inaasahang kasagutan: Katatagan: ● lakas ng kalooban ● katagumpayan ● determinasyon ● hindi pagsuko Pagmamahalan ● paggawa ng mabuti ● pagtanggap sa kahinaan ● pag-aalaga ● hindi pagpapabaya ● pagkapit sa kabila ng pagsubok Pagbubuklod ● pagkakaisa ● pagsasama ● pagpapatatag ● pagtutulungan Kapayapaan ● katahimikan ● katiwasayan ● walang kaguluhan ● walang alitan B. Paglinang at Pagpapalalim Kaugnay na Paksa 1: Indikasyon ng Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya Ang pinakakaraniwang salitang Hebreo para sa presensiya ay panim, na isinalin din na "mukha," na nagpapahiwatig ng malapit at personal na pakikipagtagpo sa Panginoon. Ang Diyos ay sinasabing nasa lahat ng lugar (omnipresence) kasama na ang ating pamilya – ang unang institusyon na nilikha Niya. Mula pa noong una, ang kalooban ng Diyos ay makaniig at makatagpo ang tao. Nangyayari ito kung may mabuting relasyon ang mga kasapi ng pamilya at ang Diyos. Kaya sa panahon man ng hirap o ginhawa nararanasan ng pamilya ang presensiya ng
  • 6.
    6 MATATAG K TO10 CURRICULUM Diyos. May mga pagkakataon na parang malayo ang Diyos pero may pangako Siya sa bawat anak Niya na hindi iiwan o pababayaan man. Ano nga ba ang mga indikasyon na nagpapahiwatig ng presensiya ng Diyos sa ating buhay at sa ating tahanan? Balikan ang gawain sa paglinang sa kahalagahan sa pagkatuto sa aralin. Itanong: Alin sa mga situwasyon ang ginagawa ninyo sa inyong pamilya na nagpapatunay na ang presensiya ng Diyos ay nasa inyong pamilya? MGA INDIKASYON NA NAGPAPAKITA NG PRESENSIYA NG DIYOS ● Pagkakaisa at Pagmamahalan: Ang pamilyang pinapangunahan ng pananampalataya sa Diyos ay karaniwang nagpapakita ng pagmamahalan, pagbibigayan, at respeto sa isa't isa bilang mga anak ng Diyos. Ang pagmamahal na tinanggap sa Diyos ay naibabahagi rin sa ibang kasapi ng pamilya. ● Pagsamba: Ang pagdalo sa mga pangangaral, pagsamba, at iba pang gawain ng pananampalataya bilang isang pamilya ay nagpapakita ng kanilang pagtanggap sa presensiya at kahalagahan ng Diyos sa kanilang buhay. (halimbawa: pakikidalo sa Prayer Meeting, pakikibahagi sa mga aktibidad ng simbahan, pagsisimba tuwing linggo o araw ng samba). ● Panalangin: Ang panalangin bilang isang pamilya ay nagpapakita ng kanilang pagtitiwala at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila na maging bukas sa Kaniyang gabay at tulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. (Halimbawa: padarasal bago kumain, o bago bumangon sa umaga o bago matulog) ● Pagtanggap sa Salita ng Diyos: Ang pag-aaral at pagsusuri sa Banal na Kasulatan (Bibliya) bilang isang pamilya ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga aral ng Diyos at pagiging bukas sa Kaniyang mga turo at gabay. Nakapaloob din dito ang sariling pag-aaral sa Salita ng Diyos at paglalaan ng oras upang magnilay sa sinasabi ng Kaniyang salita. ● Pagtanggap at Pagpapatawad: Ang kakayahan na magpatawad at magpahalaga sa pagkakamali ng isa't isa sa loob ng pamilya ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga aral ng Diyos tungkol sa pagmamahal at pagpapatawad. ● Pagtulong sa Kapuwa: Ang pagbibigay-tulong at paglilingkod sa mga nangangailangan sa loob at labas ng pamilya ay nagpapakita ng kanilang pagmamalasakit at pagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa, na itinuturing na paglilingkod sa Diyos.
  • 7.
    7 MATATAG K TO10 CURRICULUM ● Pagpapalaganap ng Kabutihan: Ang pagiging tagapagtaguyod ng kabutihan, katarungan, at pagmamahalan sa komunidad ay nagpapakita ng impluwensiya ng pananampalataya sa Diyos sa pagpapalaganap ng Kaniyang kaharian sa lupa. ● Pagkakaroon ng Kapayapaan: Ang kapayapaan sa pamilya ay nagmumula sa Diyos. Kapag ang pamilya ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagtanggap sa isa’t isa, ito’y nagpapakita ng presensiya ng Diyos sa kanilang tahanan. ● Pagkakaroon ng katagumpayan sa mga pagsubok sa buhay. Ano man ang mga pinagdadaanang pagsubok, nagiging magaan ito at nalalampasan ng matagumpay dahil ang Diyos ang nagbibigay ng gabay at karunungan upang malagpasan ang mga pagsubok. Ang mga indikasyong ito ay nagpapakita ng epekto ng presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya. Ito ay nagiging gabay at pundasyon ng kanilang buhay at relasyon sa isa't isa. Sa bawat aspekto ng buhay, makikita ang Kaniyang biyaya, gabay, at pagmamahal na nagpapatibay sa pananampalataya at pagkakaisa bilang isang pamilya. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga nabanggit na indikasyon, nagiging patotoo ang pamilya sa pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos sa kanilang buhay at maging sa komunidad. IKALAWANG ARAW 2. Pinatnubayang Pagsasanay Awitin Natin Iparinig at ipasuri ang awiting ”Footprints in the Sand” Footprints in the sand, He held me in His hands Someday I'll understand footprints in the sand (ooh, oooh) Last night I had a dream. I dreamed I was walking along the beach with my Lord. Across the sky flashed scenes from my life. For each scene, I noticed two sets of footprints in the sand, One belong to me and the other to the Lord. After the last scene of my life flashed before me, I looked back at the footprints in the sand. I noticed that at many times along the path of my life, especially at the very lowest and saddest times, there was only one set of footprints. Footprints in the sand, He held me in His hands Awitin Natin
  • 8.
    8 MATATAG K TO10 CURRICULUM Someday I'll understand footprints in the sand (ooh, oooh) Now, this really troubled me, so I asked the Lord about it. "Lord, you said once I decided to follow you, You'd walk with me all the way. But I noticed that during the saddest and the lowest times in my life, there was only one set of footprints. I don't understand why, when I needed You the most, You would leave me." The Lord replied, "My son, my precious child, I love you and I would never leave you" During your times of suffering, When you could see only one set of footprints, It was then that I carried you." Pamprosesong katanungan: 1. Nasaan ang tagapagsalita at ano ang kaniyang nararanasan? 2. Ano ang pakahulugan mo sa "mga bakas ng paa sa buhangin"? 3. Ano ang iba't ibang interpretasyon ng mga linyang "Isang hanay ng mga bakas ng paa" at "dalawang hanay ng mga bakas ng paa"? 4. Sa anong pagkakataon "lumalakad sa tabi" natin ang Diyos? 5. Nagkaroon na ba ng panahon sa iyong buhay na naramdaman mong nag-iisa o hindi ka sinusuportahan? Paano mo ito hinarap? Naranasan na din ba ito ng iyong pamilya? 6. Ano ang aral na mapupulot sa kanta tungkol sa presensiya ng Diyos sa ating buhay? 3. Paglalapat at Pag-uugnay Gawain: Aking Karanasan, Aking Ilalahad Isasalaysay ng mga mag-aaral ang kanilang karanasan kung paano nakita sa loob ng pamilya ang presensiya ng Diyos. Maaaring ihayag ang mga pagsubok na naransan o kaya naman ay mga pagpapalang natanggap mula sa Diyos na nagpapatunay ng Kaniyang presensiya. 1. Isalaysay ang sariling kwento ukol sa iyong karanasan na nagpapatunay na ang Diyos ay laging nariyan at hindi tayo pinababayaan. Bago iparinig, ipabasa, o ipaaawit ang kanta, maglaaan ng ilang sandali upang talakayin ang kahulugan ng bawat talata ng kanta. Mapapanood ang bidyo ng kanta sa link: https://www.youtube.com/wat ch?v=jKnb21pwESI
  • 9.
    9 MATATAG K TO10 CURRICULUM 2. Ibigay ang mga indikasyon ng presensiya ng Diyos na nakita mula sa situwasyong nailahad. 3. Gumuhit ng isang simbolo na magpapaalala sa’yo ng presensiya ng Diyos sa buhay ninyo bilang pamilya (halimbawa mula sa kanta ang mga yapak sa buhangin). IKATLONG ARAW Kaugnay na Paksa 2: Paglalapat ng Pananampalataya sa Pamamagitan ng Pagkilala sa Presensiya ng Diyos sa Loob ng Pamilya 1. Pagproseso ng Pag-unawa Ang presensiya ng Diyos ay nasa lahat lugar. Hindi man natin Siya nakikita dahil Siya ay espiritu, may mga paraan upang makita ang Kaniyang presensiya sa ating paligid, sa ating pamilya at sa ating buhay. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Pananalangin ng taimtim at may katapatan. Ang panalangin ay daan para sa ating pakikipag- usap sa Diyos. Ipinapakita nito ang ating pagiging bukas sa Kaniya at paghahanap ng Kaniyang kalooban. Nakikita ng Diyos ang laman ng ating puso at sa ating pagdarasal ng taimtim at ayon sa Kaniyang kalooban sinasagot Niya ang mga panalangin. Ang mga nakikitang kasagutan sa ating mga dasal ay patunay na ang Diyos ay nasa ating buhay. Maglaan ng oras upang magpahinga sa piling ng Diyos. Mahalaga ring maglaan tayo ng oras para magpahinga at makipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kaniyang mga salita at pagmumuni- muni dito.
  • 10.
    10 MATATAG K TO10 CURRICULUM Magkaroon ng iba pang gawain upang mapalapit sa Diyos. Isa sa mga maaaring gawin ay maging mapagpasalamat sa mga tao sa paligid. Bigyang- halaga ang mabubuting ginagawa nila para sa iyo at sa inyong pamilya at ipagpasalamat sa Diyos ang buhay nila. Maaari rin maglakad sa labas upang masilayan ang mga magagandang gawa ng Diyos. Ayon sa Psalm 19:1 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng Kaniyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! 2. Pinatnubayang Pagsasanay Gawain 1: Sensory Scavenger Hunt Palabasin ang mga mag-aaral sa loob ng 10 minuto. Hayaan silang magmasid sa paligid at tukuyin ang mga nakikita sa kalikasan na nagpapaalala o nagpapatotoo sa presensiya ng Diyos. Habang naglalakad, hayaan ang mga mag-aaral na kumpletuhin ang isang sensory scavenger hunt. Lagyan nang maiksing paliwanag ang mga sagot. o Maghanap ng bagay na magpapakalma sa iyong pakiramdam (hal., banayad na simoy ng hangin) o Maghanap ng isang bagay na nagpapakita ng pagkamalikhain (hal., isang natatanging bulaklak) o Maghanap ng isang bagay na nagpapakita ng pagtutulungan (hal., mga bubuyog na nag-pollinate ng mga bulaklak) o Maghanap ng isang bagay na nagbibigay inspirasyon (hal., isang matayog na puno) Pagbalik sa silid-aralan, tumawag ng mga magbabahagi ng kanilang kasagutan. Pamprosesong katanungan: 1. Ano ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain? 2. Ano-ano ang mga bagay sa kapaligiran ang nagpapaalaala sa iyo ng presensiya o kabutihan ng Diyos? Ipaliwanag ang sagot. 3. Nakatulong ba ang gawain para mas maramdaman mo pa ang presensiya ng Diyos? Sa papaanong paraan? Gawain 2: Gamit ang metacards, ipasulat ang isang paraan na naramdaman nila ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng bawat miyembro ng pamilya (hal., mga salita ni Nanay na naghihikayat, ang pagkamapagpatawa ni Tatay, ang mapaglarong kapatid). Idikit ang mga metacards sa pisara at talakayin. Pamprosesong katanungan: Gawain 1: Sensory Scavenger Hunt Mas mainam kung sa hardin ng paaralan dalhin ang mga mag- aaral upang magmasid. Gawain 2: Sa pagproseso, pagsamasamahin ang magkakapareho ang tema at bumuo ng mga kategorya o di kaya ay mga tema kung paano makikilala ang presensiya ng Diyos sa pamilya.
  • 11.
    11 MATATAG K TO10 CURRICULUM 1. Masasabi mo ba na ang inyong pagsasama bilang isang pamilya ay nakaugat sa pananampalataya sa Diyos? Bakit? 2. Sa papaanong paraan ninyo nadarama ang presensiya ng Diyos sa inyong pamilya? 3. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa iyong buhay at sa iyong pamilya? IKAAPAT ARAW 3. Paglalapat at Pag-uugnay Panuto: Gumawa ng isang slogan na binubuo ng sampo (10) hanggang labinlimang (15) salita gamit ang temang ”Ang Presensiya ng Diyos sa Aking Pamilya”. Gawin ito sa short bond paper. Paglalapat at Pag-uugnay Maaaring baguhin ang pamantayan sa gawain. 4. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto 1. Paano nakakatulong ang presensiya ng Diyos sa pagpapanatili ng pagkakaisa, pagmamahalan, at kapayapaan sa loob ng pamilya? 2. Ano ang mga paraan na maaaring gawin ng pamilya upang makilala ang presensiya ng Diyos sa pamilya? Magbigay ng dalawa at ipaliwanag. 3. Paano makatutulong ang pagbabasa ng salita ng Diyos at pagninilay dito upang maramdaman ang Diyos sa loob ng tahanan? Pamantayan Kraytirya Deskripsyon Kaukulang puntos Nilalaman Mabisang naipakita ang mensahe. 5 Pagkamalikhai n at Kalinisan Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng mga titik o salita. 5 Pagpasa sa Tamang Oras Naipasa sa takdang panahon ang gawain. 5
  • 12.
    12 MATATAG K TO10 CURRICULUM 2. Pagninilay sa Pagkatuto Paano mo maipapakita na ang Diyos ang sentro ng inyong pamilya? Ano-ano ang mga hakbang na maaari mong gawin upang mapalalim ang iyong kaalaman at pag-unawa sa presensiya ng Diyos sa iyong pamilya? Paano mo mararanasan ang presensiya ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay? IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO A. Pagtataya 1. Pagsusulit Basahin at unawain ang sumusunod. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ano ang isang mahalagang konsepto na nagpapatunay ng pananampalataya sa pamilya? a) Pagpapalakas ng kahinaan b) Pagkilala sa presensiya ng Diyos c) Pagsisimba kada linggo d) Pag-iwas sa pananampalataya 2. Ano ang isa sa mga paraan upang mapalalim ang ating kaalaman at pag-unawa sa Diyos? a) Pagbabasa ng Bibliya at pagninilay b) Pagbabasa ng mga inspirational books c) Panonood ng mga bidyo tungkol sa pananampalataya d) Paggamit ng social media upang ibahagi ang salita ng Diyos 3. Ano ang maaaring maging paraan upang maranasan ang presensiya ng Diyos sa ating buhay? a) Pagtutok sa mundo b) Pagtulong sa kapuwa c) Pag-aaral ng kasaysayan d) Panalangin at pagsamba Mga Sagot: 1. B 2. A 3. D 4. A 5. B
  • 13.
    13 MATATAG K TO10 CURRICULUM 4. Ano ang mga palatandaan o indikasyon na nararamdaman mo ang presensiya ng Diyos sa inyong pamilya? a) Nararamdaman ninyo ang pagmamahalan at pagkakaisa bilang pamilya. b) May mga hindi inaasahang biyaya o tulong na dumadating sa inyo. c) Naniniwala kayong may plano ang Diyos sa lahat. d) Iniisip ang Diyos sa mga pagkakataon ng krisis. 5. Nakatutulong ba ang inyong pananampalataya sa Diyos sa pagpanatili ng kapayapaan, pagmamahal, at katatagan sa inyong pamilya? a) Hindi, dahil hindi konektado ang pananampalataya sa mga relasyon sa pamilya b) Oo, dahil ang pananampalataya ay nagbibigay ng gabay at lakas sa panahon ng pagsubok. c) Oo, dahil ang kapayapaan at pagmamahal ay natural na mangyayari. d) Hindi ko alam, dahil hindi pa namin nararanasan ang ganitong situwasyon sa aming pamilya. 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Sisidlan ng Pasasalamat ng Pamilya Mag-decorate ng isang garapon o kahon kung saan ilalagay ng bawat miyembro ng pamilya ang isinulat na mga bagay na pinasasalamatan nila tungkol sa pamilya o mga bagay na kanilang nasaksihan na makikita bilang presensiya ng Diyos (hal., pagdaig sa isang hamon, sandali ng hindi inaasahang kagalakan). Gagawin ito sa loob ng isang linggo. Basahin ang mga ito nang magkasama sa katapusan ng linggo. A. Pagbuo ng Anotasyon Itala ang naobserhan sa pagtuturo sa alinmang sumusunod na bahagi. Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan at Iba pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral
  • 14.
    14 MATATAG K TO10 CURRICULUM At iba pa B. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang paggalang sa buhay sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Paano ginampanan ng mga mag-aaral ang kanilang pangkatang gawain? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral sa paggalang sa buhay? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod upang mas mapahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang buhay?