Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat
Layunin
a. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang
panlahat. EsP9PLIa-1.1
b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang
matiwasay na lipunan.
c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang
matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng
pagguhit.
“Ako’y Isang Mabuting Pilipino”
ni: Noel Cabangon
Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga
tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di
nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan
(Nagbababa ako sa tamang babaan) ‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula
[chorus] ‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko
ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay Ticket lamang ang tinatanggap kong
ibinibigay Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
[repeat chorus]
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di
ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok
• Ayon naman kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang
kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng
isang
lipunan.
• Binibigyang-linaw din na ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang
naaayon sa moralidad ng tao, batay sa Likas na Batas Moral. Halimbawa, kung
mangingibabaw ang kalayaan, lalo kung hindi niya nauunawaan ang tunay na
kahulugan
nito, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais
na
gawin ng tao ang kaniyang naisin. Kung mangingibabaw naman ang
pagkakapantay-pantay,
maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (De Torre, 1987).
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng
pangkat.
a) mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa
kalusugan;
(b) epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad;
(c) kapayapaang
namamagitan sa bawat bansa sa mundo;
(d) makatarungang sistemang legal at
pampolitika;
(e) malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-
ekonomiya.
3. Ang kapayapaan
Pinapakahulugan ng mga elementong ito na
ang kabutihang panlahat ay hindi
lamang nangyayari nang kusa. Upang
makamit at mapanatili ang kabutihang
panlahat,
nangangailangan ng sama-samang pagkilos
ng mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng
lahat.
Ayon kay Dr. Dy (1994), binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng
tao ang
lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang
nariyan na ang
pamilyang umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki. Nariyan din ang
kaniyang kapuwa,
ang paaralan, ang simbahan, ang batas na kaniyang sinusunod na may
kani-kaniyang
ambag sa paghubog ng iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao. Ang
tao rin ang bumubuo
sa lipunan sapagkat matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito.
Kaya’t anoman ang
ginagagawa ng tao para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng
lipunan sa tao.
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat, subalit
tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa
pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang
personal na naisin.
3.Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki
ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat
ayon kay Joseph de Torre (1987):
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang Malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at
katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na
mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa
kanyang kaganapan.
Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Gumawa ng drawing
nito sa isang bondpaper. Mahalagang maglakip ng maikling
paglalarawan sa ginawang representasyon.
Kraytirya:
a. Pagiging malikhain 40%
b. Kaangkupan sa Paksa 30%
c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20%
d. Kalinisan 10%

ESP 9.pptx

  • 1.
  • 2.
    Layunin a. Natutukoy angmga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PLIa-1.1 b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan. c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.
  • 8.
    “Ako’y Isang MabutingPilipino” ni: Noel Cabangon Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan) ‘di nakahambalang parang walang pakiaalam Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula [chorus] ‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin ‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran [repeat chorus] Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok
  • 9.
    • Ayon namankay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. • Binibigyang-linaw din na ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, batay sa Likas na Batas Moral. Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan, lalo kung hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan nito, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang kaniyang naisin. Kung mangingibabaw naman ang pagkakapantay-pantay, maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (De Torre, 1987).
  • 10.
    Mga Elemento ngKabutihang Panlahat 1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. 2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. a) mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan; (b) epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad; (c) kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo; (d) makatarungang sistemang legal at pampolitika; (e) malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang- ekonomiya. 3. Ang kapayapaan
  • 11.
    Pinapakahulugan ng mgaelementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.
  • 12.
    Ayon kay Dr.Dy (1994), binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang nariyan na ang pamilyang umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki. Nariyan din ang kaniyang kapuwa, ang paaralan, ang simbahan, ang batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog ng iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao. Ang tao rin ang bumubuo sa lipunan sapagkat matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito. Kaya’t anoman ang ginagagawa ng tao para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng lipunan sa tao.
  • 13.
    Mga Hadlang saPagkamit ng Kabutihang Panlahat 1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. 2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. 3.Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
  • 14.
    Mga Kondisyon saPagkamit ng Kabutihang Panlahat Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de Torre (1987): 1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang Malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. 2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. 3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan.
  • 15.
    Isulat ang mgakatangian ng isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Gumawa ng drawing nito sa isang bondpaper. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon. Kraytirya: a. Pagiging malikhain 40% b. Kaangkupan sa Paksa 30% c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20% d. Kalinisan 10%