Ang modyul na ito ay naglalayong ipakita ang heograpiya ng Asya, kasaysayan, kultura, at ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa pagbuo ng kabihasnang Asyana. Nakapaloob dito ang mga aralin tungkol sa paghahating heyograpiko, yamang likas, at komposisyong etniko ng rehiyon. Inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga epekto ng mga likas na yaman at yamang-tao sa kaunlaran at pamumuhay ng mga Asyano.