Layunin: 
 Nagagamit ang globo sa paglalarawan ng pisikal na 
anyo ng mundo. 
 Natutukoy ang lokasyon o lugar ng mga bansa sa 
pamamagitan ng mga guhit sa globo. 
 Nalalaman ang gamit ng mga espesyal na guhit ng 
globo 

Mga bata…ako si Mayumi, ang bago ninyong kaibigan. 
Nais kong magkaroon ng paa tulad mo. Upang makita ko ang 
aking mahal na prensipe d’yan sa lupa. 
Maari mo ba akong matulungan? 
Halika tulungan mo akong malampasan ang mga pagsubok. 
Na kung saan ang tamang paggamit ng globo ang s’yang 
magiging gabay upang ako’y magkapaa.
Teka! Teka! Magdahan-dahan ka. 
Paalaala bago ako gamitin, maayos mo itong 
sundin. 
1. Linisin ang mga kamay bago ako hawakan. 
2. Iwasang mabasa o mapunit ang aking 
pahina. 
3. Huwag din akongsusulatan o sisirain. 
4. Higit sa lahat ibalik ako sa lugar na 
pinagkuhanan.
Kamusta ka na? 
Handa ka na ba? 
Halina’t samahan ako sa pagharap sa mga 
pagsubok na s’yang magiging daan upang 
magkarron ako’y magkapaa tulad mo.
PRE-TEST: 
May isang bruha na may pag-ibig sa aking kasintahan na si Makisig, dahil sa 
galit n’ya sa akin ako’y kanyang isinumpang magkaroon ng buntot tulad ng 
isda. Kaya napilitan akong manirahan sa dagat at kami’y nagkahiwalay ng 
aking sinta. 
At ikaw batang nasa ika-anim na baitang ay nababalitang magaling sa 
paggamit ng globo…ikaw ang aking kailangan upang malampasan ang mga 
pagsubok na kailangang pagdaan upang ako’y magkapaa. 
Handa ka na ba? Kung ga’yon simulan na natin. 
Kailangan mo lamang ng masusing pag-iisip upang sagutan ang mga 
katanungang ito: 
 Ano ang pinaliit na replica ng mundo? 
 Ano ang tawag sa gitnang guhit latitude ng globo? 
 Magbigay ng dalawang halimbawa ng uri ng klima.
Tama ba ang iyong mga sagot? 
Heto ang mga kasagutan: 
 Globo 
 ekwador 
 Maaaring kasagutan: 
tagsibol taglamig 
tag-ulan tag-init 
taglagas
Nakakasiguro ako na handa ka nang matutunan kung paano at ano ang gamit ng globo. 
Polong Hilaga 
90˚ 
60˚ 60˚ 
40˚ 40˚ guhit lahitud 
20˚ 20˚ 
Guhit 
longhitud 
0˚ 0˚ ekwador 
20˚ 20˚ 
40˚ 40˚ prime meridian 
60˚ 60˚ 
90˚ 
Polong Hilaga 
Pansining mabuti ang globo, mayroon itong mga guhit na patayo at pahalang. Ang mga guit na ito ay likhang isip lamang. Inilal arawan nito ang pagkakahati-hati 
ng mga bahagi ng daigdig. Ito ay nagsisilbing pantulong sa pagtukoy ng lokasyon o lugar ng mga bansa. 
May dalawang polo ang daigdig. Ang Polong Hilaga na nasa itaas na bahagi ng globo at ang Polong Timog na nasa bahaging ibaba. 
Ang pinakagitna at pinakapangunahing guhit latitude ay ang ekwador. Ito ang linya sa gitna na humahati sa mundo sa dalawang hating globo. Ang Hilagang 
Hating Globo at ang Timog Hating Globo. 
Hinahati nito ang mundo ng patayo. Ang bahaging nasa kaliwa ay tinatawag na Kanlurang Hating Globo at ang bahaging nasa kanan ay ang kinilalang Silangang 
Hating Globo.
Ang mga likhang guhit na pahalang na mapapansin sag lobo at tinatawag na guhit latitude o parallel. Ang kathang guhit na patayo mula sa Hilaga hanggang 
sa Polong Timog ay tinatawag na meridian o longhitud. 
Mayroon pang mga espesyal na guhit ang makikita sag lobo. Ito ay ang guhit na kaagapay ng ekwador. Tingnan ang mga ito sa larawa n. 
POLONG HILAGA 
Mababang latitud 66 ½ ˚H Latitud 
Kabilugang Artiko 
Gitnang Latitud 23 ½ ˚H Latitud 
Tropiko ng Cancer 
Mababang 
Latitud 
Ekwador 
Mababang 
Latitud Tropiko ng Capricorn 23 ½ ˚T Latitud 
Gitnang Latitud 
Kabilugang Antartiko 
Mababang Latitud 66 ½ ˚T Latitud 
POLONG TIMOG 
Ang mga bansang nakalapat sa pagitan ng ekwador hanggang sa Tropiko ng Cancer at Tropiko ng Capricorn ay nakararanas ng maini t o klimang tropical. 
Sa isang buong taong, umiiral ang tag-araw at tag-ulan sa mga bansang nakapaloob ditto. Sinasabing nasa mababang latitude ito. 
Ang mga lugar naman na saklaw ng Tropiko ng Cancer hanngang Kabilugang Artiko at Tropiko ng Caprocorn hanggang Kabilugang Ant artiko ay nasa 
gitnang latitud. Ang mga bansang nakahimlay ditto ay nakararanas ng katamtamang klima. Sa buong taon, umiiral ditto ang apat na uri ng klima: Tag-init, taglamig, 
tagsibol at taglagas.
Nasa mataas na latitude naman ang mga lugar na nasa pagitan ng Kabilugang Artiko hanggang sa Polong Hilaga at ang nasa pagita n ng Kabilugang 
Antartiko hanggang Polong Timog. Sa isang buong taon, ang bansa rito ay nakararanas ng mahabang taglamig at tag-init. Ang mga lugar na nakalapat ditto ay 
nababalutan ng yelo. 
Siguro naman kayang kaya mo nang sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 
Galingan mo kaibigan…. 
1. Saan ginagamit ang globo at ano ang kahalagahan nito? 
2. Bakit minabuting lagyan ng kathang-guhit ang globo? 
3. Anu-ano ang mga likhang guhit na ito? 
4. Anu-ano ang mga espesyal na guhit ng globo? 
5. Ano ang tinutukoy ng bawat guhit?
Tapos mo na bang sagutan? 
Tingnan natin kung tama ang iyong sagot. 
1. Ang globo ay modelo ng mundo na na nagbibigay ng 
mabisa at malinaw na paglalarawan sa pisikal na anyo ng 
mundo. 
2. Inilalarawan ng mga kathang-guhit ang pagkakahati-hati 
ng mga bahagi ng daigdig bilang pantulong sa pagtukoy ng 
lokasyon o lugar ng mga bansa. 
3. Mga polo, ekwador, prime meridian, guhit latitude at 
longhitud. 
4. Kabilugang Artiko, Tropiko ng Cancer, Tropiko ng Cancer 
at Kabilugang Antartiko. 
5. Tumutuloy ito sa klima na nararansan ng mga bansa sa
POST TEST: 
Ang galing mo kaibigan… 
Ayan malapit na akong magkaroon ng paa. Heto pa ang kailangan nating 
malampasan. 
Galingan mo……. 
Kailangang mo lang pag-aralan ang larawan. 
Tukuyin at sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod 
1. A = 
2. B =
3. C = 
4. DE = 
5. AB = 
Tingnan kung tama ang iyong sagot. 
1. Polong hilaga 
2. Polong timog 
3. latitud 
4. ekwador 
5. prime meridian
Yeheeyy!!! Ang galing mo naman kaibigan… 
Nalampasan mo nang matagumpay ang mga 
pagsubok. Dahil sa’yo mayroon na akong paa 
ngayon. At kasama ko na rin ang aking 
pinakamamahal na prinsipe. 
Maraming salamat sa’yo kaibigan… 
Hanggang sa muli…….

Hekasi 6 module

  • 1.
    Layunin:  Nagagamitang globo sa paglalarawan ng pisikal na anyo ng mundo.  Natutukoy ang lokasyon o lugar ng mga bansa sa pamamagitan ng mga guhit sa globo.  Nalalaman ang gamit ng mga espesyal na guhit ng globo 
  • 2.
    Mga bata…ako siMayumi, ang bago ninyong kaibigan. Nais kong magkaroon ng paa tulad mo. Upang makita ko ang aking mahal na prensipe d’yan sa lupa. Maari mo ba akong matulungan? Halika tulungan mo akong malampasan ang mga pagsubok. Na kung saan ang tamang paggamit ng globo ang s’yang magiging gabay upang ako’y magkapaa.
  • 3.
    Teka! Teka! Magdahan-dahanka. Paalaala bago ako gamitin, maayos mo itong sundin. 1. Linisin ang mga kamay bago ako hawakan. 2. Iwasang mabasa o mapunit ang aking pahina. 3. Huwag din akongsusulatan o sisirain. 4. Higit sa lahat ibalik ako sa lugar na pinagkuhanan.
  • 4.
    Kamusta ka na? Handa ka na ba? Halina’t samahan ako sa pagharap sa mga pagsubok na s’yang magiging daan upang magkarron ako’y magkapaa tulad mo.
  • 5.
    PRE-TEST: May isangbruha na may pag-ibig sa aking kasintahan na si Makisig, dahil sa galit n’ya sa akin ako’y kanyang isinumpang magkaroon ng buntot tulad ng isda. Kaya napilitan akong manirahan sa dagat at kami’y nagkahiwalay ng aking sinta. At ikaw batang nasa ika-anim na baitang ay nababalitang magaling sa paggamit ng globo…ikaw ang aking kailangan upang malampasan ang mga pagsubok na kailangang pagdaan upang ako’y magkapaa. Handa ka na ba? Kung ga’yon simulan na natin. Kailangan mo lamang ng masusing pag-iisip upang sagutan ang mga katanungang ito:  Ano ang pinaliit na replica ng mundo?  Ano ang tawag sa gitnang guhit latitude ng globo?  Magbigay ng dalawang halimbawa ng uri ng klima.
  • 6.
    Tama ba angiyong mga sagot? Heto ang mga kasagutan:  Globo  ekwador  Maaaring kasagutan: tagsibol taglamig tag-ulan tag-init taglagas
  • 7.
    Nakakasiguro ako nahanda ka nang matutunan kung paano at ano ang gamit ng globo. Polong Hilaga 90˚ 60˚ 60˚ 40˚ 40˚ guhit lahitud 20˚ 20˚ Guhit longhitud 0˚ 0˚ ekwador 20˚ 20˚ 40˚ 40˚ prime meridian 60˚ 60˚ 90˚ Polong Hilaga Pansining mabuti ang globo, mayroon itong mga guhit na patayo at pahalang. Ang mga guit na ito ay likhang isip lamang. Inilal arawan nito ang pagkakahati-hati ng mga bahagi ng daigdig. Ito ay nagsisilbing pantulong sa pagtukoy ng lokasyon o lugar ng mga bansa. May dalawang polo ang daigdig. Ang Polong Hilaga na nasa itaas na bahagi ng globo at ang Polong Timog na nasa bahaging ibaba. Ang pinakagitna at pinakapangunahing guhit latitude ay ang ekwador. Ito ang linya sa gitna na humahati sa mundo sa dalawang hating globo. Ang Hilagang Hating Globo at ang Timog Hating Globo. Hinahati nito ang mundo ng patayo. Ang bahaging nasa kaliwa ay tinatawag na Kanlurang Hating Globo at ang bahaging nasa kanan ay ang kinilalang Silangang Hating Globo.
  • 8.
    Ang mga likhangguhit na pahalang na mapapansin sag lobo at tinatawag na guhit latitude o parallel. Ang kathang guhit na patayo mula sa Hilaga hanggang sa Polong Timog ay tinatawag na meridian o longhitud. Mayroon pang mga espesyal na guhit ang makikita sag lobo. Ito ay ang guhit na kaagapay ng ekwador. Tingnan ang mga ito sa larawa n. POLONG HILAGA Mababang latitud 66 ½ ˚H Latitud Kabilugang Artiko Gitnang Latitud 23 ½ ˚H Latitud Tropiko ng Cancer Mababang Latitud Ekwador Mababang Latitud Tropiko ng Capricorn 23 ½ ˚T Latitud Gitnang Latitud Kabilugang Antartiko Mababang Latitud 66 ½ ˚T Latitud POLONG TIMOG Ang mga bansang nakalapat sa pagitan ng ekwador hanggang sa Tropiko ng Cancer at Tropiko ng Capricorn ay nakararanas ng maini t o klimang tropical. Sa isang buong taong, umiiral ang tag-araw at tag-ulan sa mga bansang nakapaloob ditto. Sinasabing nasa mababang latitude ito. Ang mga lugar naman na saklaw ng Tropiko ng Cancer hanngang Kabilugang Artiko at Tropiko ng Caprocorn hanggang Kabilugang Ant artiko ay nasa gitnang latitud. Ang mga bansang nakahimlay ditto ay nakararanas ng katamtamang klima. Sa buong taon, umiiral ditto ang apat na uri ng klima: Tag-init, taglamig, tagsibol at taglagas.
  • 9.
    Nasa mataas nalatitude naman ang mga lugar na nasa pagitan ng Kabilugang Artiko hanggang sa Polong Hilaga at ang nasa pagita n ng Kabilugang Antartiko hanggang Polong Timog. Sa isang buong taon, ang bansa rito ay nakararanas ng mahabang taglamig at tag-init. Ang mga lugar na nakalapat ditto ay nababalutan ng yelo. Siguro naman kayang kaya mo nang sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Galingan mo kaibigan…. 1. Saan ginagamit ang globo at ano ang kahalagahan nito? 2. Bakit minabuting lagyan ng kathang-guhit ang globo? 3. Anu-ano ang mga likhang guhit na ito? 4. Anu-ano ang mga espesyal na guhit ng globo? 5. Ano ang tinutukoy ng bawat guhit?
  • 10.
    Tapos mo nabang sagutan? Tingnan natin kung tama ang iyong sagot. 1. Ang globo ay modelo ng mundo na na nagbibigay ng mabisa at malinaw na paglalarawan sa pisikal na anyo ng mundo. 2. Inilalarawan ng mga kathang-guhit ang pagkakahati-hati ng mga bahagi ng daigdig bilang pantulong sa pagtukoy ng lokasyon o lugar ng mga bansa. 3. Mga polo, ekwador, prime meridian, guhit latitude at longhitud. 4. Kabilugang Artiko, Tropiko ng Cancer, Tropiko ng Cancer at Kabilugang Antartiko. 5. Tumutuloy ito sa klima na nararansan ng mga bansa sa
  • 11.
    POST TEST: Anggaling mo kaibigan… Ayan malapit na akong magkaroon ng paa. Heto pa ang kailangan nating malampasan. Galingan mo……. Kailangang mo lang pag-aralan ang larawan. Tukuyin at sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod 1. A = 2. B =
  • 12.
    3. C = 4. DE = 5. AB = Tingnan kung tama ang iyong sagot. 1. Polong hilaga 2. Polong timog 3. latitud 4. ekwador 5. prime meridian
  • 13.
    Yeheeyy!!! Ang galingmo naman kaibigan… Nalampasan mo nang matagumpay ang mga pagsubok. Dahil sa’yo mayroon na akong paa ngayon. At kasama ko na rin ang aking pinakamamahal na prinsipe. Maraming salamat sa’yo kaibigan… Hanggang sa muli…….