Ang istruktura ng pamilihan ay naglalarawan ng ugnayan ng konsyumer at prodyuser at nahahati sa dalawang pangunahing uri: ang ganap na kompetisyon at hindi ganap na kompetisyon. Sa ganap na kompetisyon, walang sinuman ang makakapagpasiya ng presyo, habang sa hindi ganap na kompetisyon, ang mga prodyuser at mamimili ay may kakayahang makaimpluwensya sa presyo. Ang mga anyo ng hindi ganap na kompetisyon ay kinabibilangan ng monopolyo, monopsonyo, oligopolyo, at monopolistikong kompetisyon.