ARALIN 2:
LAYUNIN AT GAMIT NG
TEKNIKAL-BOKASYUNAL
NA SULATIN
1. Natutukoy ang Layunin, Gamit, Katangian,
Anyo at Target na gagamit ng sulatin.
2. Nakapagsasagawa ng panimulang
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
teknikalbokasyunal.
Ang sulating teknikal ay isang
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
panulat na may tiyak na mambabasa,
layunin, estilo ng panulat, at nilalaman.
Ito ay naiiba sa iba pang sulatin tulad ng
malikhain at akademikong pagsulat na
pawang konseptwal ang paggamit ng wika
samantala, ang sulating teknikal-bokasyunal
ay nagpapahayag nang tuwiran,
nagpapaliwanag sa pinakamadali at
epektibong paraan ng pagtuturo at
paano magsagawa ng isang
proseso o gawain.
1. Magpabatid - magbigay kaalaman
sa mga mambabasa upang matugunan
ang mga suliranin sa pamamagitan nang
malinaw, maikli at madaling
maunawaan.
2. Magturo - magpaliwanag sa
pamamagitan ng direksyon, paraan, at
hakbang upang pakilusin ang
mambabasa.
3. Magmungkahi - maglahad ng mga
impormasyong mapagpipillian ng
mambabasa.
4. Manghikayat - himukin ang
mambabasa na pag-isipan at piliin ang
impormasyong tutugon sa kanyang
pangangailangan.
1. Sulating Teknikal sa Paggabay
ng Direksyon - ginagamit ito upang
gabayan ang mambabasa. Halimbawa ay
ang mga instruksyon sa isang manwal ng
gamit o gadget. Nangangailangan ito
nang malinaw na pagtuturo upang
hindi malito ang mambabasa.
2. Sulating Teknikal sa
Pagpapaliwanag - ginagamit ito sa
mga sulating naglalahad ng mga
impormasyon sa simpleng paraan.
Halimbawa ang paghahanay ng ilang
detalye tungkol sa paksang may
kaugnayan sa pandemya.
3. Sulating Teknikal sa
Paglalahad ng Argumento -
ginagamit ang mga sulating ito sa
pamamagitan nang mahusay na paghahanay
ng mga kaisipan. Nararapat ang sunud-
sunod na impormasyon upang
mapatibay ang isang argumento.
Halimbawa sa argumento ng
pagbubukas ng klase sa Agosto.
Sa pagsisimula ng pagsulat ay nararapat na
pag-aralan muna ang mga katangian ng
teknikal-bokasyunal na sulatin tulad ng
mga sumusunod:
1. May katiyakan
2. May kalinawan
3. May katumpakan
4. May maayos na gramatika
5. May obhektibong pagtingin
6. Mahusay ang kayarian ng
pagpapaliwanag
7. May angkok na terminolohiyang
ginagamit
8. May kahusayan sa paggamit
ng mekanismo sa pagsulat
May iba’t-ibang anyo ang teknikal-
bokasyunal na sulatin kabilang na rito ang
mga sumusunod:
1. Feasibility Study- Ito ang tawag sa
pagsasagawa ng pananaliksik bago
magsimula ng anumang proyekto o
negosyo.
2. Liham Pangnegosyo
3. Promo Materials
4. Flyers/Leaflets
5. Diskripsyon ng Produkto
6. Dokumentasyon sa Paggawa ng isang
Bagay/Produkto
7. Naratibong Ulat
8. Menu ng Pagkain
9. Manwal- Ito ay isang kalipunan ng mga
panuto sa paggamit ng isang kasangkapan,
pagpapairal ng isang proseso at iba pa.
10. Paunawa/ Babala/ Anunsyo
Sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na
sulatin, nagsasaliksik ang mga manunulat
sa mga katangian ng kanilang target na
mambabasa batay sa mga sumusunod:
1. Edad
2. Kasarian
3. Kapaligiran
4. Hanapbuhay
5. Kita
6. Edukasyon at
7. Interes
Ang lahat ng nabanggit ay isinasaalang-
alang sapagkat ang bawat isa ay may
kani-kaniyang karanasan at
pananaw na nakakaapekto sa
kanilang mga pangangailangan.
Mga Salitang Dapat Tandaan: Ang
layunin at gamit ng teknikal- bokasyunal na
sulatin ay magsisilbing gabay upang
maipahayag ang kaalaman sa mambabasa.
Sa pamamagitan ng detalyado at
mabisang paraan ng pagpapahayag
ay makatitiyak ng isang malinaw
at matibay na impormasyong
na maihahatid sa madla.
Ang teknikal na sulatin ay pakikipag-
ugnayan sa mambabasa. Nagtataglay ito
ng mga katangiang dapat isaalang-alang
ng manunulat. Isinasaalang-alang din ang
target na ginagamit nito upang maging
malinaw ang pagsulat ng iba't-ibang
anyo ng teknikal-bokasyunal na
sulatin.
Pag-unlad na Gawain
(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Suriin ang sumusunod na
halimbawa ng teknikal-bokasyunal na
sulatin. Pagkatapos, sagutin ang
kasunod na mga tanong sa iyong
kwaderno:
HEALTH ADVISORY TUNGKOL SA
CORONA VIRUS
Ang corona virus ay nagdudulot ng iba’t
ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang
ubo’t sipon hanggang sa mas
malubhang impeksyon.
HEALTH ADVISORY TUNGKOL SA
CORONA VIRUS
Sintomas ng Maysakit
1. Respiratory symptoms
2. Pag-iksi ng paghinga
3. Lagnat
4. Ubo’t sipon
5. Hirap sa paghinga
1. Ano ang layunin ng Health Advisory?
2. Ano ang gamit ng Health Advisory?
3. Bakit mahalaga na malaman ang
layunin at gamit ng teknikal-
bokasyunal na sulatin?
Panuto: Batay sa sariling interes, pumili
ng isang anyo ng teknikal-bokasyunal na
sulatin na nabasa o nakita mo sa paligid.
Gawan ito nang pagsusuri gamit ang
tseklist sa ibaba. Isaalang-alang ang
pamantayan sa pagmamarka ng
gawain.
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal:
Tseklist ng Pagsusuri
A. Katangian
Lagyan ng tsek (/) ang puwang kung
taglay ng ______(anyo ng sulatin)
ang mga katangian sa ibaba at
ekis (x) naman kung hindi.
______may katiyakan
______may kalinawan
______may katumpakan
______may maayos na gramatika
______may obhektibong pagtingin
______mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag
______may angkop na terminolohiyang ginagamit
______may kahusayan sa paggamit ng
mekanismo sa pagsulat
B. Target na Gagamit
Edad:
Kasarian:
Kapaligiran:
Hanapbuhay:
Kita:
Edukasyon:
Interes:
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf

LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf

  • 1.
    ARALIN 2: LAYUNIN ATGAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA SULATIN
  • 2.
    1. Natutukoy angLayunin, Gamit, Katangian, Anyo at Target na gagamit ng sulatin. 2. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikalbokasyunal.
  • 3.
    Ang sulating teknikalay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat na may tiyak na mambabasa, layunin, estilo ng panulat, at nilalaman.
  • 4.
    Ito ay naiibasa iba pang sulatin tulad ng malikhain at akademikong pagsulat na pawang konseptwal ang paggamit ng wika samantala, ang sulating teknikal-bokasyunal ay nagpapahayag nang tuwiran, nagpapaliwanag sa pinakamadali at epektibong paraan ng pagtuturo at paano magsagawa ng isang proseso o gawain.
  • 6.
    1. Magpabatid -magbigay kaalaman sa mga mambabasa upang matugunan ang mga suliranin sa pamamagitan nang malinaw, maikli at madaling maunawaan.
  • 7.
    2. Magturo -magpaliwanag sa pamamagitan ng direksyon, paraan, at hakbang upang pakilusin ang mambabasa.
  • 8.
    3. Magmungkahi -maglahad ng mga impormasyong mapagpipillian ng mambabasa.
  • 9.
    4. Manghikayat -himukin ang mambabasa na pag-isipan at piliin ang impormasyong tutugon sa kanyang pangangailangan.
  • 11.
    1. Sulating Teknikalsa Paggabay ng Direksyon - ginagamit ito upang gabayan ang mambabasa. Halimbawa ay ang mga instruksyon sa isang manwal ng gamit o gadget. Nangangailangan ito nang malinaw na pagtuturo upang hindi malito ang mambabasa.
  • 12.
    2. Sulating Teknikalsa Pagpapaliwanag - ginagamit ito sa mga sulating naglalahad ng mga impormasyon sa simpleng paraan. Halimbawa ang paghahanay ng ilang detalye tungkol sa paksang may kaugnayan sa pandemya.
  • 13.
    3. Sulating Teknikalsa Paglalahad ng Argumento - ginagamit ang mga sulating ito sa pamamagitan nang mahusay na paghahanay ng mga kaisipan. Nararapat ang sunud- sunod na impormasyon upang mapatibay ang isang argumento. Halimbawa sa argumento ng pagbubukas ng klase sa Agosto.
  • 15.
    Sa pagsisimula ngpagsulat ay nararapat na pag-aralan muna ang mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin tulad ng mga sumusunod: 1. May katiyakan 2. May kalinawan 3. May katumpakan
  • 16.
    4. May maayosna gramatika 5. May obhektibong pagtingin 6. Mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag 7. May angkok na terminolohiyang ginagamit 8. May kahusayan sa paggamit ng mekanismo sa pagsulat
  • 18.
    May iba’t-ibang anyoang teknikal- bokasyunal na sulatin kabilang na rito ang mga sumusunod: 1. Feasibility Study- Ito ang tawag sa pagsasagawa ng pananaliksik bago magsimula ng anumang proyekto o negosyo.
  • 19.
    2. Liham Pangnegosyo 3.Promo Materials 4. Flyers/Leaflets
  • 20.
    5. Diskripsyon ngProdukto 6. Dokumentasyon sa Paggawa ng isang Bagay/Produkto 7. Naratibong Ulat 8. Menu ng Pagkain 9. Manwal- Ito ay isang kalipunan ng mga panuto sa paggamit ng isang kasangkapan, pagpapairal ng isang proseso at iba pa. 10. Paunawa/ Babala/ Anunsyo
  • 22.
    Sa pagsulat ngteknikal-bokasyunal na sulatin, nagsasaliksik ang mga manunulat sa mga katangian ng kanilang target na mambabasa batay sa mga sumusunod: 1. Edad 2. Kasarian 3. Kapaligiran 4. Hanapbuhay
  • 23.
    5. Kita 6. Edukasyonat 7. Interes Ang lahat ng nabanggit ay isinasaalang- alang sapagkat ang bawat isa ay may kani-kaniyang karanasan at pananaw na nakakaapekto sa kanilang mga pangangailangan.
  • 24.
    Mga Salitang DapatTandaan: Ang layunin at gamit ng teknikal- bokasyunal na sulatin ay magsisilbing gabay upang maipahayag ang kaalaman sa mambabasa. Sa pamamagitan ng detalyado at mabisang paraan ng pagpapahayag ay makatitiyak ng isang malinaw at matibay na impormasyong na maihahatid sa madla.
  • 25.
    Ang teknikal nasulatin ay pakikipag- ugnayan sa mambabasa. Nagtataglay ito ng mga katangiang dapat isaalang-alang ng manunulat. Isinasaalang-alang din ang target na ginagamit nito upang maging malinaw ang pagsulat ng iba't-ibang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
  • 26.
    Pag-unlad na Gawain (MapanuringPag-iisip) Panuto: Suriin ang sumusunod na halimbawa ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong kwaderno:
  • 28.
    HEALTH ADVISORY TUNGKOLSA CORONA VIRUS Ang corona virus ay nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang impeksyon.
  • 29.
    HEALTH ADVISORY TUNGKOLSA CORONA VIRUS Sintomas ng Maysakit 1. Respiratory symptoms 2. Pag-iksi ng paghinga 3. Lagnat 4. Ubo’t sipon 5. Hirap sa paghinga
  • 30.
    1. Ano anglayunin ng Health Advisory? 2. Ano ang gamit ng Health Advisory? 3. Bakit mahalaga na malaman ang layunin at gamit ng teknikal- bokasyunal na sulatin?
  • 31.
    Panuto: Batay sasariling interes, pumili ng isang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin na nabasa o nakita mo sa paligid. Gawan ito nang pagsusuri gamit ang tseklist sa ibaba. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka ng gawain.
  • 32.
    Anyo ng SulatingTeknikal-Bokasyunal: Tseklist ng Pagsusuri A. Katangian Lagyan ng tsek (/) ang puwang kung taglay ng ______(anyo ng sulatin) ang mga katangian sa ibaba at ekis (x) naman kung hindi.
  • 33.
    ______may katiyakan ______may kalinawan ______maykatumpakan ______may maayos na gramatika ______may obhektibong pagtingin ______mahusay ang kayarian ng pagpapaliwanag ______may angkop na terminolohiyang ginagamit ______may kahusayan sa paggamit ng mekanismo sa pagsulat
  • 34.
    B. Target naGagamit Edad: Kasarian: Kapaligiran: Hanapbuhay: Kita: Edukasyon: Interes: