Ang pagwawakas ng komposisyon ay mahalaga dahil ito ang huling bahagi na nakikintal sa isip ng mambabasa. Dito, kinakailangang ulitin ang mahahalagang ideya at makapagbigay ng buod, tanong, hamon, panghuhula, o angkop na sipi. Ang wastong pagtatapos ay nagdadala ng malinaw na mensahe sa mga tagapakinig at bumubuo ng higit pang pagninilay.