PONOLOHIYA
(Palatunugan)
Enerhiya
Ito ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas na hiningang
galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig
na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na
minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o
resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at ang
guwang ng ilong.
Ang bibig ng tao (tingnan ang larawan ni OSCAR) ay mayapat na
bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.
1. dila at panga ( sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil
sa panga at sa dila na kapwa malayang naigagalaw.
Ang dila ay nagpapahaba, nagpapaikli, napapalapad, napapapalag,
naitutukod sa ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o
naiaarko ayon sa tunog na gustong bigkasin.
Nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba
ng alinman sa tatlong bahagi ng dila-- harap, sentral, likod-- at sa
pamamagitan ng pagbabagu-bago sa hugis at espasyo ng bibig,
kasama na ang mga labi na dinaraanan ng tinig. At dahil sa
pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng nagsasalita ang uri ng
mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.
Ang Pagsasalita
Tatlong salik ang kailangan upang makapagsalita ang tao
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. ang kumakatal na bagay o artikulador
3. ang patunugan o resonador
Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito ay lumilikha
ng alon ng mga tunog. At gaya ng alam natin, ang hangin ang
nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya naman
nating naririnig.
PONOLOHYA NG FILIPINO
1. Mga Ponemang Segmental
Bawat wika ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng
makabuluhang mga tunog. Sinasabing makabuluhan ang isang tunog
kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa
sandaling ito'y alisin o palitan.
Ang salitang bansâ halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis
o pinalitan ang / s / - baňa 'small lake' , bantâ 'threat'. Samakatwid,
ang / s / ay isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tatawagin
nating ponemang segmental o ponema.
Ang Filipino ay may 21 ponema-- 16 sa mga ito ang katinig at 5
naman ang patinig.
Mga Katining - / p, t, k, ʔ, b, d, g, m, n, h, s, h, l, r, w, y/
Mga Patinig - / i, e, a, o, u/
Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o
pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na
walang patinig.
a. Mga Katinig. Ang katinig ng Filipino ay maiaayos ayon sa punto at
paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may
tinig (m.t) o walang tunog (w.t.), gaya ng makikita sa tsart sa ibaba.
Mga Ponemang Katinig ng Filipino
PARAAN NG ARTIKULASYON
PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pang-ngipin Pang-gilagid
Pangngalangala
Glottal
Palatal Velar
Pasara
w.t.m.t
pb td kg ʔ
Pailong
m.t.
m n Ŋ
Pasutsot
w.t.
s h
Pagilid
m.t.
l
Pakatal
m.t.
r
Malapatinig
m.t.
y w
Ang / Ŋ? ay katumbas ng ng sa ating ALPABETO na bagamat binubuo
ng dalawang letra ay sumasagisag lamang sa isang makahulugang
tunog.
Sa punto ng artikulasyon ay inilalarawan kung saang bahagi ng
bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa papalabas na
hangin sa pagbigkas ng isang katinig. Mailalarawan ang mga katinig
ng Filipino sa pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon, gaya ng
mga sumusunod:
1)Panlabi - ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p, b, m /
2)Pangngipin - ang dulo ng dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga
ngiping itaas. / t, d, n/
3)Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa
punong gilagid. / s, l, r /
4)(Pangngalangala) Velar - ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa
velum o malambot na bahagi ng ngalangala. / k, g, Ŋ/
5)Glottal - ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at
hinaharang o inaabal ang presyon ng papalabas na hininga upang
lumikh ng paimpit o pasutsot na tunog.
Sa paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong
gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung
paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng
alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa
Filipino ay mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod:
1)Pasara- ang daanan ng hangin ayy harang. / p, t, k, ʔ, b, d, g, /
2)Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya'y dahil sa
pagbaba ng velum o malalambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi
sa ilong lumalabas. /m, n, Ŋ/
3)Pasutsot- ang hanging lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang
dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid. /I/
4)Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang
lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng
nakaarkong dila. /r/
5)Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito'y nagkakaroon ng galaw mula sa
isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon. /w, y/ Sa /w/ ay
nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok;
samantala, ang /y/ ay ang kabalikan nito--palabas. Ito ang dahilan kung
bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon
ng mga katinig.
b. Mga Patinig. Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart
ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas
ng isang patinig - unahan, -sentral, likod-- at kung ano pusisyon ng
nasabing bahagi sa pagbigkas-- mataas, nasa gitna o mababa.
Mga Ponemang Patinig ng Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas
Gitna
Mababa
i
e
a
u
o
Ang /i/, halimbawa, ay tinatawag na matas-harap sapagkat
kapag binibigkas ito, ang harap na bahagi ng dila ang gumagana na
karaniwa'y umaarko nang pataas.
A. MGA DIPTONGGO
Ang mga diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, at, at uy. Alinmang
patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ ay napapagitan sa
dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig,
kaya't hindi na maituturing na diptonggo. Ang "iw", halimbawa, sa
'aliw' ay diptonggo. Ngunit sa "aliwan" ay hindi na ito maituturing na
isang diptonggo sapagkat ang "aw" ay napagitan na sa dalawang
patinig. Ang magiging pagpapantig sa "aliwan" ay a-li-wan at hindi a-
liw-an.
Mga Diptonggo sa Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas
Gitna
Mababa
iw, iy
ey
aw, ay
uy
oy
B. MGA KLASTER
Ang mga klaster o kambal-katinig sa Filipino ay parami nang
parami dahil sa impluwensya ng Ingles. Ang klaster ay ang magkakabit
na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Ang sumulat at mga
nagpatibay sa BALARILA ay naniniwalang walang klaster sa taal na
Tagalog ng mga panahong iyon, kayat ang pagsulat ng mga klaster sa
mga salitang-hiram ay laging sinisingitan ng patinig. Dito lumitaw ang
mga salitang teren (tren), tarak (trak) atbp. na ngayon ay
pinagtatawanan ng karamihan.
Ang mga halimbawa ng mga klaster na mahahango sa itaas ay gay ng
mga sumsusunod: pwede, pyano, preno, plano, twalya, tyangge,
trabaho, tsinelas, kwago, kyosko, krus, klase, bwaya, byenan, braso,
blangko, lwalhati, lyabe, sweldo, hwetwng, rehyon.
C. MGA PARES MINIMAL
Ang pare na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad
sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na
pares minimal. Karaniwang ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng
pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.
Tingnan natin ang halimbawang ito: kape:kafe ay nasa magkatulad na
kaligiran ang p at f. Ngunit hindi natin masasabing magkaibang ponema ang mga
ito sapagkat hindi nakapagpapabago ang mga ito sa kahulugan ng salita.
Samaktwid, ang f ay hindi pa maituturing na ponema sa Filipino. Sa Ingles ay
malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/, tulad ng makikita sa mga pares
minimal ng pin:fin, pan:fan, past:fast, atbp.
Sa halimbawa namang pala:alab. Nasa magkatulad na kaligiran ba
ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng
salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal.
Samaktwid, hindi magagamit ang pala:alab na halimbawa upang
ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema.
D. MGA PONEMANG MALAYANG
NAGPAPALITAN
Ang magkaibangponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran
ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita, ay sinasabing nasa
malayang pagpapalitan. Sa ibang salita, ang isang ponema ay maaring ipalit sa
pusisyon ng ibang ponema nang hindi mababago ang kahulugan ng salita. Ang
malayang pagpapalitan ng dalawang ponema ay karaniwang nangyayari sa mga
ponemang patinig na i at e, gayundin sa u, at o. Sa Matandang tagalog, gayundin
sa iba pang wikang katutubo sa Pilipinas, ay wala ang mga ponemang patinig na
/e/ at /o/. Ang ponemang ito ay hiram sa Kastila.
Madaling patunayan na ang /i/ at /e/ , gayundin ang /u/ at /o/ ay magkahiwalay na ponema sa
Filipino sapagkat ang mga ito'y nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran. Kapag sinabing
nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran ang ibig sabihin, ang dalawang tunog o ponemang
pinag-uusapan ay nakapagpapabago sa kahulugan.
Ang /p/ at /b/ sa pares minimal na ito ay nagkokontrast o nasasalungatan sa magkatulad na
kaligiran sapagkat magkaiba ang kahulugan ng pala at bala. Iba pang halimbawa:
mesa uso
misa oso
tela mura
tila Mora
Ngunit may mga pagkakataon na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/, ay hindi nagkokontrast o
nasasalungatan.
Halimbawa:
lalaki tutoo
lalake totoo
bibi nuon
bibe noon
Pansinin sa mga halimbawa na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at
/o/, kung ang pantig na katatagpuan ng dalawang ponema ay walang diin (stress).
Ang isang kataliwasang mababanggit dito ang pares minimal na butuhan:botohan na kahit ang
diin ay wala sa /u/ at /o/ ay nagkokontrast pa rin.
A. Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog
Ang bilang ng mga katinig ay naging labing-anim sa halip na labinlima
lamang dahil sa ponemang glottal na pasara. Sa Matandang Balarila,
gaya ng nabanggit na, ay tinatawag itong impit na tunog. Nabanggit
na ring ang ponemang ito ang nakapagpapagulo nang kaunti sa
palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito'y itinuturing na isang
ponema, kaiba sa ibang ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o
letra.
Sa halip ay inirerepresenta ito sa dalawang paraan:
a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresinta ng tuldik na paiwa (ˋ) kung nasa
pusisyong pinal ng salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa pusisyong pinal ay tintawag na
malumi o maragsa, tulad ng mga halimbawa sa ibaba:
Malumi - bagà, pusò, sagaǹa
Maragsâ- bagâ, kaliwâ, dukhâ
Pansinin na ang tandang pakupya (^) ay pinagsamang tandang pahilis (´) at tandang paiwa (ˋ),
kaya't ang kumakatawan sa ponemang glottal na pasara o impit na tunog ay ang tandang paiwa
pa rin.
b. Inirerepresinta ito ng gitling (-) kapag ito'y nasa loob ng salita sa
pagitan ng katinig at patinig, tulad halimbawa sa mga salitang may-
ari, mag-alis, pang-ako, atbp. Pansinin na kapag inalis ang gitling na
kumakatawan sa ponemang glottal na pasara ay mag-iiba ang
kahulugan ng mga salita: mayari, magalis, pangako. Ang gitling na
nagrerepresinta ng glottal na pasara ay karaniwan nang matatagpuan
sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig.
B. Mga Ponemang Suprasegmental
Ang mga ponema ay tintawag ding mga ponemang segmental. Napag-aralan
natin na bawat wika ay may sariling set o takdang dami ng mga ponemang
segmental. Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental.
Pansinin na ang mga ponemang hiram sa wikang Kastila-e, o at r- ang mga
malayang nakikipagpalitan sa kahawig nitong mga ponema-i, u, at d. Isa pa,
nagkakaroon lamang ng malayang pagpapalitan kapag ang mga ponema ay wla
sa pantig na may diin nng salita. Sa ibang salita, nagkontrast ang /d/ at /r/ sa
pares minimal na diles-riles sapagkat ang mga ito ay nasa pantig na may diin.
Sa modyul na ito, apat ang kikilalanin nating mga ponemang
suprasegmental: tono, (pitch), haba (length), diin (stress) at antala
(juncture). Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba ng bigkas sa pantig
ng isang salita, ang haba ay sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig,
ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig at ang antala ay sa saglit ng
pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita.
a. Tono
Gaya ng nabanggit na, ang tono ay ang taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas
ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap
sa ating kapwa. Ang totoo, ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono --
may bahaging mababa, katamtaman, mataas, o mataas na mataas ang tono.
Ngunit bakit nga ba tinawag na ponemang suprasegmental ang tono? Mangyari
pa'y alam na natin sa bahaging ito na ang ibig sabihin ng supresegmental ay
pantulong sa ponemang segmental; na higit na nagiging mabisa ang ating
paggamit ng 21 ponemang segmental sa ating pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng mga pantulong o suprasegmental na tono, haba, diin at antala.
b. Haba at Diin
Talakayin natin nang magkasama ang haba at diin para sa lalong ikalilinaw ng
gampanin ng mga suprasegmental na ito. gaya ng natatalakay na, ang haba ay
tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng
salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Ang Filipino (batay sa Tagalog na buhat sa angkang Malayo-Polinesyo) ay
sinasabing syllable-timed, samantalang ang Ingles (buhat sa angkang Indo-
Europeo) ay sinasabi namang stress-timed. bawat wika, gaya ng natalakay na
natin sa dakong una, ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan, hindi
lamang sa set ng mga ponemang segmental, sa pagbuo ng mga pantig, salita at
pangungusap, kundi gayon din sa mga ponemang suprasegmental.
Ang tatlong suprasegmental na tono, haba at diin, sa pagbigkas ng isang salita,
ay karaniwang nagkakasama-sama sa isang pantig nito. Halimbawa, kapag
binigkas natin nang karaniwan ang salitang halaman, ang tono, haba at diin ay
sama-sama sa pantig na -la. Sa ibang salita, ang pantig na -la- ay mataas at
malakas ang bigkas kaysa ibang kasamang pantig na ha- at -man.
Ngunit ang tatlong suprasegmental na ito ay may iba't ibang halaga sa
bawat wika. May mga wika na higit na mahalaga ang tono, tulad ng mandarin at
Thai na itinuturing na tone languages. At may mga wika namang higit na
mahalaga ang diin tulad ng Filipino at lahat ng mga wikang katutubo sa Pilipinas
na buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
c. Antala
Nabanggit na rin natin na ang antala ay ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita
nupang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating
kausap. Hindi marahil nangangailangan ito ng masusing talakay o paliwanag.
Kunin nating halimbawa ang pangungusap na "Hindi puti." na ang ibig sabihin sa
Ingles ay "It's not white." Ngunit kung lalagyan natin ng antala ang pagitan ng
"hindi" at "puti", kayat magiging "Hindi, puti". makikita nating mababaliktad ang
kahulugan ng pangungusap at magiging " No, it's not white." Sa pasulat na
pakikipagtalastasan, ang antala ay inihuhudyat ng kuwit, mga tuldok, ng semi-
kolon o ng kolon.

Ponolohiya.pptx

  • 1.
  • 3.
    Enerhiya Ito ang nalilikhangpresyon o presyur ng papalabas na hiningang galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at ang guwang ng ilong.
  • 4.
    Ang bibig ngtao (tingnan ang larawan ni OSCAR) ay mayapat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog. 1. dila at panga ( sa ibaba) 2. ngipin at labi (sa unahan) 3. matigas na ngalangala (sa itaas) 4. malambot na ngalangala (sa likod)
  • 5.
    Nagbabagu-bago ang hugisat laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at sa dila na kapwa malayang naigagalaw. Ang dila ay nagpapahaba, nagpapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod sa ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na gustong bigkasin.
  • 6.
    Nabibigkas ang mgapatinig sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa tatlong bahagi ng dila-- harap, sentral, likod-- at sa pamamagitan ng pagbabagu-bago sa hugis at espasyo ng bibig, kasama na ang mga labi na dinaraanan ng tinig. At dahil sa pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng nagsasalita ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.
  • 7.
    Ang Pagsasalita Tatlong salikang kailangan upang makapagsalita ang tao 1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya 2. ang kumakatal na bagay o artikulador 3. ang patunugan o resonador Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito ay lumilikha ng alon ng mga tunog. At gaya ng alam natin, ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya naman nating naririnig.
  • 8.
    PONOLOHYA NG FILIPINO 1.Mga Ponemang Segmental Bawat wika ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang mga tunog. Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito'y alisin o palitan. Ang salitang bansâ halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang / s / - baňa 'small lake' , bantâ 'threat'. Samakatwid, ang / s / ay isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tatawagin nating ponemang segmental o ponema.
  • 9.
    Ang Filipino aymay 21 ponema-- 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig. Mga Katining - / p, t, k, ʔ, b, d, g, m, n, h, s, h, l, r, w, y/ Mga Patinig - / i, e, a, o, u/ Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.
  • 10.
    a. Mga Katinig.Ang katinig ng Filipino ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t) o walang tunog (w.t.), gaya ng makikita sa tsart sa ibaba.
  • 11.
    Mga Ponemang Katinigng Filipino PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON Panlabi Pang-ngipin Pang-gilagid Pangngalangala Glottal Palatal Velar Pasara w.t.m.t pb td kg ʔ Pailong m.t. m n Ŋ Pasutsot w.t. s h Pagilid m.t. l Pakatal m.t. r Malapatinig m.t. y w
  • 12.
    Ang / Ŋ?ay katumbas ng ng sa ating ALPABETO na bagamat binubuo ng dalawang letra ay sumasagisag lamang sa isang makahulugang tunog. Sa punto ng artikulasyon ay inilalarawan kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig. Mailalarawan ang mga katinig ng Filipino sa pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon, gaya ng mga sumusunod: 1)Panlabi - ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p, b, m /
  • 13.
    2)Pangngipin - angdulo ng dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. / t, d, n/ 3)Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. / s, l, r / 4)(Pangngalangala) Velar - ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala. / k, g, Ŋ/ 5)Glottal - ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabal ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikh ng paimpit o pasutsot na tunog.
  • 14.
    Sa paraan ngartikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod: 1)Pasara- ang daanan ng hangin ayy harang. / p, t, k, ʔ, b, d, g, / 2)Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya'y dahil sa pagbaba ng velum o malalambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. /m, n, Ŋ/
  • 15.
    3)Pasutsot- ang hanginglumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid. /I/ 4)Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. /r/ 5)Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito'y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon. /w, y/ Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok; samantala, ang /y/ ay ang kabalikan nito--palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.
  • 16.
    b. Mga Patinig.Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig - unahan, -sentral, likod-- at kung ano pusisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas-- mataas, nasa gitna o mababa.
  • 17.
    Mga Ponemang Patinigng Filipino Harap Sentral Likod Mataas Gitna Mababa i e a u o
  • 18.
    Ang /i/, halimbawa,ay tinatawag na matas-harap sapagkat kapag binibigkas ito, ang harap na bahagi ng dila ang gumagana na karaniwa'y umaarko nang pataas.
  • 19.
    A. MGA DIPTONGGO Angmga diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, at, at uy. Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya't hindi na maituturing na diptonggo. Ang "iw", halimbawa, sa 'aliw' ay diptonggo. Ngunit sa "aliwan" ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang "aw" ay napagitan na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa "aliwan" ay a-li-wan at hindi a- liw-an.
  • 20.
    Mga Diptonggo saFilipino Harap Sentral Likod Mataas Gitna Mababa iw, iy ey aw, ay uy oy
  • 21.
    B. MGA KLASTER Angmga klaster o kambal-katinig sa Filipino ay parami nang parami dahil sa impluwensya ng Ingles. Ang klaster ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Ang sumulat at mga nagpatibay sa BALARILA ay naniniwalang walang klaster sa taal na Tagalog ng mga panahong iyon, kayat ang pagsulat ng mga klaster sa mga salitang-hiram ay laging sinisingitan ng patinig. Dito lumitaw ang mga salitang teren (tren), tarak (trak) atbp. na ngayon ay pinagtatawanan ng karamihan.
  • 22.
    Ang mga halimbawang mga klaster na mahahango sa itaas ay gay ng mga sumsusunod: pwede, pyano, preno, plano, twalya, tyangge, trabaho, tsinelas, kwago, kyosko, krus, klase, bwaya, byenan, braso, blangko, lwalhati, lyabe, sweldo, hwetwng, rehyon.
  • 23.
    C. MGA PARESMINIMAL Ang pare na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Karaniwang ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema. Tingnan natin ang halimbawang ito: kape:kafe ay nasa magkatulad na kaligiran ang p at f. Ngunit hindi natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagpapabago ang mga ito sa kahulugan ng salita. Samaktwid, ang f ay hindi pa maituturing na ponema sa Filipino. Sa Ingles ay malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/, tulad ng makikita sa mga pares minimal ng pin:fin, pan:fan, past:fast, atbp.
  • 24.
    Sa halimbawa namangpala:alab. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal. Samaktwid, hindi magagamit ang pala:alab na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema.
  • 25.
    D. MGA PONEMANGMALAYANG NAGPAPALITAN Ang magkaibangponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita, ay sinasabing nasa malayang pagpapalitan. Sa ibang salita, ang isang ponema ay maaring ipalit sa pusisyon ng ibang ponema nang hindi mababago ang kahulugan ng salita. Ang malayang pagpapalitan ng dalawang ponema ay karaniwang nangyayari sa mga ponemang patinig na i at e, gayundin sa u, at o. Sa Matandang tagalog, gayundin sa iba pang wikang katutubo sa Pilipinas, ay wala ang mga ponemang patinig na /e/ at /o/. Ang ponemang ito ay hiram sa Kastila.
  • 26.
    Madaling patunayan naang /i/ at /e/ , gayundin ang /u/ at /o/ ay magkahiwalay na ponema sa Filipino sapagkat ang mga ito'y nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran. Kapag sinabing nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran ang ibig sabihin, ang dalawang tunog o ponemang pinag-uusapan ay nakapagpapabago sa kahulugan. Ang /p/ at /b/ sa pares minimal na ito ay nagkokontrast o nasasalungatan sa magkatulad na kaligiran sapagkat magkaiba ang kahulugan ng pala at bala. Iba pang halimbawa: mesa uso misa oso tela mura tila Mora
  • 27.
    Ngunit may mgapagkakataon na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/, ay hindi nagkokontrast o nasasalungatan. Halimbawa: lalaki tutoo lalake totoo bibi nuon bibe noon Pansinin sa mga halimbawa na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/, kung ang pantig na katatagpuan ng dalawang ponema ay walang diin (stress). Ang isang kataliwasang mababanggit dito ang pares minimal na butuhan:botohan na kahit ang diin ay wala sa /u/ at /o/ ay nagkokontrast pa rin.
  • 28.
    A. Ang Glottalna Pasara o Impit na Tunog Ang bilang ng mga katinig ay naging labing-anim sa halip na labinlima lamang dahil sa ponemang glottal na pasara. Sa Matandang Balarila, gaya ng nabanggit na, ay tinatawag itong impit na tunog. Nabanggit na ring ang ponemang ito ang nakapagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito'y itinuturing na isang ponema, kaiba sa ibang ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o letra.
  • 29.
    Sa halip ayinirerepresenta ito sa dalawang paraan: a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresinta ng tuldik na paiwa (ˋ) kung nasa pusisyong pinal ng salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa pusisyong pinal ay tintawag na malumi o maragsa, tulad ng mga halimbawa sa ibaba: Malumi - bagà, pusò, sagaǹa Maragsâ- bagâ, kaliwâ, dukhâ Pansinin na ang tandang pakupya (^) ay pinagsamang tandang pahilis (´) at tandang paiwa (ˋ), kaya't ang kumakatawan sa ponemang glottal na pasara o impit na tunog ay ang tandang paiwa pa rin.
  • 30.
    b. Inirerepresinta itong gitling (-) kapag ito'y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig, tulad halimbawa sa mga salitang may- ari, mag-alis, pang-ako, atbp. Pansinin na kapag inalis ang gitling na kumakatawan sa ponemang glottal na pasara ay mag-iiba ang kahulugan ng mga salita: mayari, magalis, pangako. Ang gitling na nagrerepresinta ng glottal na pasara ay karaniwan nang matatagpuan sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig.
  • 31.
    B. Mga PonemangSuprasegmental Ang mga ponema ay tintawag ding mga ponemang segmental. Napag-aralan natin na bawat wika ay may sariling set o takdang dami ng mga ponemang segmental. Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental. Pansinin na ang mga ponemang hiram sa wikang Kastila-e, o at r- ang mga malayang nakikipagpalitan sa kahawig nitong mga ponema-i, u, at d. Isa pa, nagkakaroon lamang ng malayang pagpapalitan kapag ang mga ponema ay wla sa pantig na may diin nng salita. Sa ibang salita, nagkontrast ang /d/ at /r/ sa pares minimal na diles-riles sapagkat ang mga ito ay nasa pantig na may diin.
  • 32.
    Sa modyul naito, apat ang kikilalanin nating mga ponemang suprasegmental: tono, (pitch), haba (length), diin (stress) at antala (juncture). Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba ng bigkas sa pantig ng isang salita, ang haba ay sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig, ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig at ang antala ay sa saglit ng pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita.
  • 33.
    a. Tono Gaya ngnabanggit na, ang tono ay ang taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa. Ang totoo, ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono -- may bahaging mababa, katamtaman, mataas, o mataas na mataas ang tono. Ngunit bakit nga ba tinawag na ponemang suprasegmental ang tono? Mangyari pa'y alam na natin sa bahaging ito na ang ibig sabihin ng supresegmental ay pantulong sa ponemang segmental; na higit na nagiging mabisa ang ating paggamit ng 21 ponemang segmental sa ating pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng mga pantulong o suprasegmental na tono, haba, diin at antala.
  • 34.
    b. Haba atDiin Talakayin natin nang magkasama ang haba at diin para sa lalong ikalilinaw ng gampanin ng mga suprasegmental na ito. gaya ng natatalakay na, ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Ang Filipino (batay sa Tagalog na buhat sa angkang Malayo-Polinesyo) ay sinasabing syllable-timed, samantalang ang Ingles (buhat sa angkang Indo- Europeo) ay sinasabi namang stress-timed. bawat wika, gaya ng natalakay na natin sa dakong una, ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan, hindi lamang sa set ng mga ponemang segmental, sa pagbuo ng mga pantig, salita at pangungusap, kundi gayon din sa mga ponemang suprasegmental.
  • 35.
    Ang tatlong suprasegmentalna tono, haba at diin, sa pagbigkas ng isang salita, ay karaniwang nagkakasama-sama sa isang pantig nito. Halimbawa, kapag binigkas natin nang karaniwan ang salitang halaman, ang tono, haba at diin ay sama-sama sa pantig na -la. Sa ibang salita, ang pantig na -la- ay mataas at malakas ang bigkas kaysa ibang kasamang pantig na ha- at -man. Ngunit ang tatlong suprasegmental na ito ay may iba't ibang halaga sa bawat wika. May mga wika na higit na mahalaga ang tono, tulad ng mandarin at Thai na itinuturing na tone languages. At may mga wika namang higit na mahalaga ang diin tulad ng Filipino at lahat ng mga wikang katutubo sa Pilipinas na buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
  • 36.
    c. Antala Nabanggit narin natin na ang antala ay ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita nupang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating kausap. Hindi marahil nangangailangan ito ng masusing talakay o paliwanag. Kunin nating halimbawa ang pangungusap na "Hindi puti." na ang ibig sabihin sa Ingles ay "It's not white." Ngunit kung lalagyan natin ng antala ang pagitan ng "hindi" at "puti", kayat magiging "Hindi, puti". makikita nating mababaliktad ang kahulugan ng pangungusap at magiging " No, it's not white." Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ang antala ay inihuhudyat ng kuwit, mga tuldok, ng semi- kolon o ng kolon.