ARALIN 1
Pagpili ngPaksa
Katangian ng Pananaliksik
Mga Uri ng Pananaliksik
Mga Tip o Paalala sa Pagpili
ng Paksa
Mga Hakbang sa Pagpili ng
Paksa
3.
PAPEL PANANALIKSIK
“Ang pananaliksikay mahalagang kasanayan
Makapagdadala ng maraming kaalaman
Sa pamamagitan ng makaagham na
Pamamaraan
mga tanong at sulirani’y maihahanap ng
kasagutan”
4.
Pagkakaiba ng Pamagat,Paksa at Tema
•Pamagat: Pangalan ng akda.
Hal: "Noli Me Tangere."
•Paksa: Ang pangunahing ideya o bagay na tinatalakay.
•Hal: "Noli Me Tangere" ay ang mga problema sa lipunan ng Pilipinas
noong panahon ng Kastila.
•Tema: Ang mas malalim na mensahe o kahulugan ng akda.
Hal: Ang tema ng "Noli Me Tangere" ay ang pagmamahal sa bayan,
kalayaan, at katarungan.
5.
ARALIN 1 Pagpiling Paksa
Maaring mapagkukunan ng paksa:
• Internet at Social Media
• Telebisyon
• Diyaryo at Magasin
• Mga pangyayari sa iyong paligid
• Sa Sarili
Ano ang pananaliksik?
•Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga
ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba
pang ibig bigyang-linaw, patunayan,
o pasubalian. Constantino at Zafra(2010).
8.
Ano ang pananaliksik?
Ayonnaman kay Galero-Tejero (2011), ang
pananaliksik ay may tatlong
mahahalagang layunin.
9.
Ang pananaliksik aymay tatlong layunin:
1.Makahanap ng Teorya (Formulating a Theory)-
Pagbuo ng bagong teorya.
2.Mabatid ang Katotohanan (Testing a Theory) -
Pagsusuri at pagpapatunay sa teorya.
3.Makasagutan ang Problema (Solving Scientific
Problems)- Paghahanap ng solusyon sa mga
siyentipikong problema o suliranin.
10.
Ano ang pananaliksik?
Angpananaliksik ay isang sistematikong proseso ng
pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-
kahulugan sa mga datos mula sa mga
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
mpormasyon upang masagot ang isang tanong, upang
makadagdag sa kaalaman.
11.
Katangian ng Pananaliksik
Angpananaliksik ay:
• Obhetibo- hindi basta galing sa opinyon
• Sistematiko- sumusunod sa hakbang o proseso
• Napapanahon o naiuugnay sa kasalukuyan
• Emperikal- batay sa tunay na karanasan
• Kritikal- maingat at tamang paghatol
• Masinop, Malinis- sumusunod sa pamantayan
at maayos ang pagkakabuo
• Dokumentado- may tamang pagkilala sa
pinagkuhanan ng impormasyon
12.
Ayon sa mgapropesor na sina Constantino at Zafra
(2010), ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay
ng sumusunod na mga katangian:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa
ibang mapagkukunan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na
mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan.
13.
itikal sa mgadatos at interpretasyon ng iba tungkol sa
t mga kaugnay nito.
kal- mag ingat sa pagbibigay ng interpretasyon,
syon, at rekomendasyon sa paksa.
apat sa pagsasabing sa may nagawa nang pag-aaral
paksang pinag-aralan.
onsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga
nstitusyong pinagkukunan ng mga ito.
14.
Mga Uri ngPananaliksik
Tatlong kategorya ng pananaliksik ayon sa
mga layunin nito:
1. Basic Research- pure research
2. Action Research
3. Applied Research
15.
Mga Uri ngPananaliksik
1. Basic Research- pure research o fundamental
research
isang uri ng pananaliksik na naglalayong
magbigay ng bagong kaalaman
Nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman sa
pamamagitan ng pagtuklas ng mga bagong
konsepto, teorya, at batas.
16.
1. Basic Research
Mgahalimbawa ng basic research:
• Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na
inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook
sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa paligid.
• Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga
vandals sa Metro Manila
• Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band
na hinahangaan ng mga kabataan sa isang
baranggay
17.
Mga Uri ngPananaliksik
2. Action Research- isinasagawa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok
ng mga mananaliksik at kalahok upang
maghanap ng solusyon sa mga praktikal
na problema
18.
• Pananaliksik tungkolsa epekto ng pagkakaroon
ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga
estudyante sa inyong paaralan sa kanilang
academic performance.
• Pananaliksik kung may epekto ba ang
pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng
mga estudyante sa ikalabing-isang baiting sa
inyong paaralan.
Action Research
19.
3. Applied Research-nakatuonsa paghahanap ng
praktikal na solusyon sa mga tiyak na problema o
isyu.
Ginagamit nito ang kaalaman mula sa basic
research upang lumikha ng aplikasyon na
makakatulong sa iba't ibang larangan tulad ng
agham, teknolohiya, medisina, edukasyon, at
negosyo.
20.
Applied Research
• Pananaliksikkung paano naganap ang bullying sa
isang paaralan
• Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking
achievement gap ng mga mag-aaral sa isang
baiting sa paaralan
• Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang
mga kabataan sa isang komunidad
21.
Ang paksa ayang pangkalahatan o
sentral na ideyang tinatalakay sa isang
sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi
sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating
pananaliksik ang pagkakaroon ng isang
mahusay at lubos na pinag-isipang paksa.
Mga Tip o Paaalala sa Pagpili ng Paksa
22.
1. Interesado kao gusto mo ang paksang
pipiliin mo.
2. Mahalagang maging bago o naiiba at
hindi kapareho ng mapipiling paksa ng
mga kaibigan mo.
Mga Gabay sa pagpili ng paksa
23.
3. May mapagkukunanng sapat at
malawak na impormasyon.
4. Maaaring matapos sa takdang
panahong nakalaan.
Mga Gabay sa pagpili ng paksa
24.
Mga Hakbang saPagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan
layunin ng sulatin.
2. Pagtatala ng mga posiblen
maging paksa para sa sulatin
pananaliksik.
25.
Mga Hakbang saPagpili ng Paksa
3. Pagsusuri sa mga itinalan
ideya.
26.
Mga Hakbang saPagpili ng Paksa
•Alin ang magiging kawili-wiling saliksikin para sa iyo at bakit
interesado rito?
•Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasaguta
•Alin ang alam mo na at alin ang gusto mo pang palawakin
kaalaman?
•Alin ang maaaring mahirap hanapan ng impormasyon?
•Alin ang masyadong malawak o masyadong limitado ang sakop?
•Alin ang angkop sa iyong antas at matatapos sa itinakdang panahon?
27.
Mga Hakbang saPagpili ng Paksa
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
5. Paglilimita sa paksa.
GAWAIN 1
Ipaliwanag angsumusunod na mga tanong:
1. Bakit sinasabing hindi lang ang aklatan o internet ang maaaring
mapagkunan ng mga gamit o impormasyon para sa isang sulating
pananaliksik?
2. Paano nakakatulong sa isang mananaliksik kung marami na siyang
nalalaman sa paksang susulatin niya?
3. Bakit mahalagang pumili ng paksang naiiba sa paksang napili ng mga
kaibigan o ng nakararami sa mga kaklase mo?
4. Ano ang mangyayari kung maganda nga ang napili mong paksa subalit
hindi mo naman matapos-tapos dahil lubha itong malawak at hindi kayang
tapusin sa takdang panahong ibinigay ng guro?
30.
PERFORMANCE TASK 1
PAGPILING PAKSA
GAWAIN SA PAGGANAP- PETA 1
PAGPILI NG PAKSA
A. Magtala ng 5 mga ideyang malapit sa
iyong puso o mga bagay na interesado ka
ng maaaring pagmulan ng mga tentatibong
paksa para sa iyong sulating pananaliksik.