SI KIKO AT SI TOMAS
UNANG YUGTO
Ang kuwentong ito ay tungkol sa magkapatid na daga.
Tagaprobinsiya si Kiko habang
tagasiyudad naman si Tomas. Kahit
magkalayo sila’y malapit sila sa isa’t
isa. Sa katunayan, madalas silang
nagsusulatan para ayain ang isa’t isang
bumisita sa kani-kaniyang tirahan.
Isang araw, naisip ni Tomas na
bisitahin si Kiko. Tuwang-tuwa si Kiko
at agad-agad ay naghanda sa pagdating
ng kapatid.
Pagkatapos ng dalawang mahabang araw ng
paglalakbay, nakarating din si Tomas sa bahay
ni Kiko sa probinsiya.
“Kumusta ang biyahe mo?” tanong ni Kiko.
“Napakatagal ng biyahe ko! Kinailangan kong
sumakay ng barko nang isang araw, at
pagkatapos ay sumakay ng bus nang
napakatagal para makarating dito. Natutuwa
akong nakarating din dito pero sobra akong
napagod at nagutom,” sagot ni Tomas.
“Halika’t kumain ka’t magpahinga,” aya ni
Kiko.
Nagsalo sa hapunan sina Tomas at Kiko. “Ito
lang ba ang kinakain mo, Kiko? Mais at
munggo?” tanong
ni Tomas.
“Ayaw mo ba ng mais at munggo? Puwede rin
kitang ipaghanda ng iba’t ibang uri ng gulay o
di kaya prutas.” sagot ni Kiko.
“Wala bang keso? Sa siyudad, napakaraming
uri ng keso ang puwedeng kainin. Napakasarap
ng mga kesong natikman ko at nanggaling pa
ang mga iyon sa ibang mga bansa,”
pagmamalaki ni Tomas.
“Talaga? Parang gusto ko nang pumunta sa
Kinabukasan, madilim pa lang ay gising
na si Kiko at handa nang magtrabaho.
“Ang aga mo naman gumising!” sabi ni
Tomas na humihikab pa.
“Maaga talaga akong gumigising para
marami akong matapos na trabaho bago
magtanghali,” sagot ni Kiko. “Mas mainit
kasi ang araw kapag magtatanghali na.”
“Sa bagay, maaga rin kaming gumising
sa siyudad para makaiwas sa trapik,”
sabi ni Tomas.
Pagbuo ng Prediksyon
Ano sa tingin mo ang susunod na
mangyayari sa kuwento?
IKALAWANG YUGTO
Naglakad papuntang kabukiran sina
Kiko at Tomas. Nakita ni Tomas ang
napakalawak na bukirin. Iilan lang ang
nakita niyang bahay. Walang matataas
na gusali tulad ng sa siyudad, at wala
ring gaanong tao. “Kiko, kaunti lang ba
ang tao rito?” tanong niya sa kapatid.
“Labinlimang libo katao ang kabuuang
populasyon ng bayan namin,” sagot ni
Kiko.
“Aba! Kaunti nga ang tao rito. Sa
siyudad namin, mahigit 1.6 milyon ang
tao,” sabi ni Tomas.
“Milyon? Ang dami namang tao doon!
Siguro siksikan kayo,” sabi ni Kiko.
“Ay, oo naman. Siksikan talaga, saan ka
man magpunta. Sa siyudad, wala ka
masyadong makikitang malalaking
espasyo tulad nitong kabukiran,”sabi ni
Tomas habang nakatanaw sa bukid. “At
marami kaming matataas na
gusali,” dagdag pa ni Tomas.
“Naku! Ang saya sigurong makakita ng
Pagkatapos magtrabaho sa bukid ay umuwi na
ang magkapatid sa bahay ni Kiko. “Ang hirap
ng ginawa natin. May mabibilhan ba tayo ng
malamig na inumin?” tanong ni Tomas
“Tatlong kilometro ang pinakamalapit na
tindahan dito,” sagot ni Kiko.
“Ano? Ang layo naman ‘nun. Meron bang taxi
rito?” tanong ni Tomas.
“Mmm, walang taxi rito pero puwede tayong
mag-abang ng traysikel kung sakaling may
dumaan,” sagot ni Kiko.
“E baka dapat magsimula na tayong maglakad,” sabi
ni Tomas. Naglakad sila papuntang tindahan para
maghanap ng malamig na maiinom.
“Sa siyudad na tinitirhan ko, laging may malapit na
tindahan. Kung kailangan mong pumunta sa isang
lugar, puwede kang sumakay ng bus, traysikel, jeep,
o kaya MRT,” sabi ni Tomas.
“MRT? Ano ‘yun?” tanong ni Kiko.
“MRT ang tawag sa mga tren na bumabaybay sa iba’t
ibang bahagi ng siyudad,” sabi ni Tomas.
“Wow! Ni minsan ay hindi pa ako nakasakay ng tren.
Sana makasakay ako ng MRT!” sabi ni Kiko na
ngayo’y kumbinsido nang dapat siyang bumisita sa
siyudad.
Nakarating din sa tindahan ang magkapatid. At sa
wakas, napawi ng malamig na inumin ang kanilang
pagkauhaw. Patuloy na nagkuwento
si Tomas tungkol sa buhay niya sa siyudad.
“Marami kaming mga mall sa siyudad. Ang mall ay
isang malaking gusaling naglalaman ng iba’t ibang
tindahan at kainan.”
“Gusto kong makapasok sa isang mall,” sabi ni
Kiko na ngayo’y sabik na sabik nang makarating
doon. Nagplano ang magkapatid tungkol sa
pagtungo ni Kiko sa siyudad.
Lunes Martes Miyerkoles Huwebes Biyernes Sabado Linggo
Talaan
Maglista ng iyong mga planong gawin kung bibisitahin mo si Kiko
sa probinsya.
Huwag kalimutang sumulat ng wastong pangungusap na may
tamang bantas.
SA SIYUDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN
Nagbarko ng isang araw at nagbus nang ilang
araw sina Kiko atTomas para makarating sa
siyudad.
Ito ang unang pagkakataong maglalakbay si
Kiko kaya’t sabik na sabik siya. Napakarami
niyang gustong makita at maranasan.
Pagdating nila sa siyudad, hindi
makapaniwala si Kiko sa dami ng tao at sa
tayog ng mga gusali.
Napakaraming kotse, bus, trak, at traysikel na
dumaraan sa harapan nila niTomas. Beep!
“O, ano ang palagay mo sa siyudad?” tanong ni
Tomas.
“Nakaaaliw! Napakaraming bagong tanawin!” sagot
ni Kiko. Gulat na gulat si Kiko sa nakikita niya.
“Halika, pumunta na tayo sa bahay ko,” aya ni
Tomas sabay takbo sa gitna ng kalye.
Susunod sana si Kiko pero biglang may dumaan na
trak na napakabilis ng takbo. Natakot tuloy si Kiko
at nanatiling nakatayo sa gitna ng daan.
“Halika na, Kiko! Tumakbo ka lang nang mabilis
para ‘di ka masagasaan,” sigaw ni Tomas. Mabilis
na tumakbo si Kiko papunta sa kaniyang kapatid
habang iniiwasan ang matutulin na sasakyan.
Hinihingal si Kiko nang makarating siya sa
kinatatayuan ni Tomas. “Nakakanerbiyos
naman ang bilis ng mga sasakyan dito,” sabi
ni Kiko.
“Dapat lang ay matuto kang tumakbo nang
mabilis habang tumitingin sa kaliwa at kanan
mo,” payo ni Tomas. “Masasanay ka rin.”
Pero sa palagay ni Kiko, di siya masasanay
sa ganito.
“Halika na, nasa kantong iyon ang bahay
ko,” sabi ni Tomas.
Punong-puno ng kung ano-anong napulot
niya sa siyudad ang bahay ni Tomas.
Mayroon siyang kaha ng posporo na ginawa
niyang kama.
Mayroon din siyang upuan at mesang gawa
sa butones. “Maligayang pagdating sa bahay
ko!” bati ni Tomas.
“Ang ganda ng bahay mo,” sabi ni Kiko.
“Mayroon bang makakain dito?”
“Ah, ‘yan ang masaya. Dadalhin kita sa
malapit na kainan,” sabi ni Tomas.
Pagbuo ng Tanong
Mula sa tekstong binasa, ilista ang mga tanong na pumasok sa
iyong isipan. Mayroon ka bang gustong itanong tungkol sa
kuwento o sa paksa (hal. siyudad)?
Makipagpalitan ng tanong sa iyong katabi at subukang sagutin
ang mga ito.
Pumunta sa isang malapit na kainan ang
magkapatid. Akala ni Kiko ay dadaan sila sa
harapan pero dinala siya ni Tomas sa likuran ng
kainan.
“Ngayon kailangan nating hintaying makaalis ang
lahat ng tao at dumilim bago tayo pumasok. Ang
laking handaan nito,” sabi ni Tomas.
“Bakit hihintayin pa nating dumilim? Gutom na
gutom na ako. Hindi pa ba tayo puwedeng
pumasok?” tanong ni Kiko.
“Delikadong pumasok ngayon kasi baka hulihin
tayo ng kusinero. Mas ligtas na pumasok tayo pag-
alis niya,” sabi ni Tomas.
Pagkatapos ng ilang oras, namatay ang ilaw
sa kainan.
“Ngayon, puwede na tayong pumasok,”
bulong ni Tomas kay Kiko sabay pasok sa
isang siwang sa bintana. Sinundan siya ni
Kiko na kabadong-kabado. Tumalon si
Tomas patungong kabinet. Sinundan siya ng
kapatid. Sa loob ng kabinet ay may mga
garapong may lamang tsokolate, kendi,
biskuwit at cupcake. Mayroon ding isang
malaking bloke ng keso.
“Wow, ang daming pagkain!” sigaw ni Kiko.
“Sabi ko sa’yo maraming makakain dito sa
siyudad!” pagmamalaki ni Tomas. Binuksan
ng magkapatid ang mga garapon at
sinubukan ang mga laman nito.
“Subukan kaya natin ‘yung keso?” tanong ni
Kiko.
Kasalukuyang nginangatngat ni Tomas ang
plastic na nakabalot sa keso nang biglang
sumindi ang ilaw. Narinig nila ang isang
napakalakas na boses at ang tunog ng mga
nagbagsakang kaldero’t kaserola.
Bumalik pala ang kusinero! May
nakalimutan siya sa kusina. Nang makita
niya ang dalawang daga sa nakabukas na
kabinet, kumuha siya ng walis at sinubukan
silang paalisin gamit ito. Hindi ang mga
daga kundi ang mga kaldero’t kaserola ang
natamaan niya.
Napatalon si Tomas at Kiko. Agad silang
tumakbo patungo sa bintana at dali-daling
lumabas. Tumakbo sila hanggang
makarating sila sa bahay ni Tomas.
“Muntik na tayong mahuli ng kusinero! Akala
ko katapusan na natin ‘yun,” sabi ni Tomas.
Magpapaalam na ako sa ‘yo, mahal kong
kapatid,” sabi ni Kiko.
“Bakit aalis ka na agad?” tanong ni Tomas.
“Nakaaaliw man ang buhay dito sa siyudad,
mas gusto kong manirahan sa probinsiya.
Doon ay puwede akong kumain ng mais at
munggo nang mapayapa at walang takot,”
sagot ni Kiko.
Kinabukasan ay umuwi na sa probinsiya si
Kiko. Nangako naman si Tomas na bibisita
sa kaniya nang madalas.
Ilista ang mga pagkaing sikat mula sa
inyong lugar. Halimbawa: suman, puto
Mula sa listahang ito, gumawa ng iba’t ibang
uri ng pangungusap: pasalaysay, patanong,
pautos, pakiusap, at padamdam.
Pakikipagtalastasan
Bumuo ng Venn diagram na
nagtatalakay ng pagkakapareho
at pagkakaiba ng probinsiya at
siyudad. Sundan ito ng
paliwanag tungkol sa ginawang
diagram.
WAKAS NG
KUWENTO

Si kiko at si tomas powerpoint mona

  • 1.
    SI KIKO ATSI TOMAS
  • 2.
    UNANG YUGTO Ang kuwentongito ay tungkol sa magkapatid na daga. Tagaprobinsiya si Kiko habang tagasiyudad naman si Tomas. Kahit magkalayo sila’y malapit sila sa isa’t isa. Sa katunayan, madalas silang nagsusulatan para ayain ang isa’t isang bumisita sa kani-kaniyang tirahan. Isang araw, naisip ni Tomas na bisitahin si Kiko. Tuwang-tuwa si Kiko at agad-agad ay naghanda sa pagdating ng kapatid.
  • 3.
    Pagkatapos ng dalawangmahabang araw ng paglalakbay, nakarating din si Tomas sa bahay ni Kiko sa probinsiya. “Kumusta ang biyahe mo?” tanong ni Kiko. “Napakatagal ng biyahe ko! Kinailangan kong sumakay ng barko nang isang araw, at pagkatapos ay sumakay ng bus nang napakatagal para makarating dito. Natutuwa akong nakarating din dito pero sobra akong napagod at nagutom,” sagot ni Tomas. “Halika’t kumain ka’t magpahinga,” aya ni Kiko.
  • 4.
    Nagsalo sa hapunansina Tomas at Kiko. “Ito lang ba ang kinakain mo, Kiko? Mais at munggo?” tanong ni Tomas. “Ayaw mo ba ng mais at munggo? Puwede rin kitang ipaghanda ng iba’t ibang uri ng gulay o di kaya prutas.” sagot ni Kiko. “Wala bang keso? Sa siyudad, napakaraming uri ng keso ang puwedeng kainin. Napakasarap ng mga kesong natikman ko at nanggaling pa ang mga iyon sa ibang mga bansa,” pagmamalaki ni Tomas. “Talaga? Parang gusto ko nang pumunta sa
  • 5.
    Kinabukasan, madilim palang ay gising na si Kiko at handa nang magtrabaho. “Ang aga mo naman gumising!” sabi ni Tomas na humihikab pa. “Maaga talaga akong gumigising para marami akong matapos na trabaho bago magtanghali,” sagot ni Kiko. “Mas mainit kasi ang araw kapag magtatanghali na.” “Sa bagay, maaga rin kaming gumising sa siyudad para makaiwas sa trapik,” sabi ni Tomas.
  • 6.
    Pagbuo ng Prediksyon Anosa tingin mo ang susunod na mangyayari sa kuwento?
  • 7.
    IKALAWANG YUGTO Naglakad papuntangkabukiran sina Kiko at Tomas. Nakita ni Tomas ang napakalawak na bukirin. Iilan lang ang nakita niyang bahay. Walang matataas na gusali tulad ng sa siyudad, at wala ring gaanong tao. “Kiko, kaunti lang ba ang tao rito?” tanong niya sa kapatid. “Labinlimang libo katao ang kabuuang populasyon ng bayan namin,” sagot ni Kiko. “Aba! Kaunti nga ang tao rito. Sa siyudad namin, mahigit 1.6 milyon ang tao,” sabi ni Tomas.
  • 8.
    “Milyon? Ang daminamang tao doon! Siguro siksikan kayo,” sabi ni Kiko. “Ay, oo naman. Siksikan talaga, saan ka man magpunta. Sa siyudad, wala ka masyadong makikitang malalaking espasyo tulad nitong kabukiran,”sabi ni Tomas habang nakatanaw sa bukid. “At marami kaming matataas na gusali,” dagdag pa ni Tomas. “Naku! Ang saya sigurong makakita ng
  • 9.
    Pagkatapos magtrabaho sabukid ay umuwi na ang magkapatid sa bahay ni Kiko. “Ang hirap ng ginawa natin. May mabibilhan ba tayo ng malamig na inumin?” tanong ni Tomas “Tatlong kilometro ang pinakamalapit na tindahan dito,” sagot ni Kiko. “Ano? Ang layo naman ‘nun. Meron bang taxi rito?” tanong ni Tomas. “Mmm, walang taxi rito pero puwede tayong mag-abang ng traysikel kung sakaling may dumaan,” sagot ni Kiko.
  • 10.
    “E baka dapatmagsimula na tayong maglakad,” sabi ni Tomas. Naglakad sila papuntang tindahan para maghanap ng malamig na maiinom. “Sa siyudad na tinitirhan ko, laging may malapit na tindahan. Kung kailangan mong pumunta sa isang lugar, puwede kang sumakay ng bus, traysikel, jeep, o kaya MRT,” sabi ni Tomas. “MRT? Ano ‘yun?” tanong ni Kiko. “MRT ang tawag sa mga tren na bumabaybay sa iba’t ibang bahagi ng siyudad,” sabi ni Tomas. “Wow! Ni minsan ay hindi pa ako nakasakay ng tren. Sana makasakay ako ng MRT!” sabi ni Kiko na ngayo’y kumbinsido nang dapat siyang bumisita sa siyudad.
  • 11.
    Nakarating din satindahan ang magkapatid. At sa wakas, napawi ng malamig na inumin ang kanilang pagkauhaw. Patuloy na nagkuwento si Tomas tungkol sa buhay niya sa siyudad. “Marami kaming mga mall sa siyudad. Ang mall ay isang malaking gusaling naglalaman ng iba’t ibang tindahan at kainan.” “Gusto kong makapasok sa isang mall,” sabi ni Kiko na ngayo’y sabik na sabik nang makarating doon. Nagplano ang magkapatid tungkol sa pagtungo ni Kiko sa siyudad.
  • 12.
    Lunes Martes MiyerkolesHuwebes Biyernes Sabado Linggo Talaan Maglista ng iyong mga planong gawin kung bibisitahin mo si Kiko sa probinsya. Huwag kalimutang sumulat ng wastong pangungusap na may tamang bantas.
  • 13.
    SA SIYUDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN Nagbarkong isang araw at nagbus nang ilang araw sina Kiko atTomas para makarating sa siyudad. Ito ang unang pagkakataong maglalakbay si Kiko kaya’t sabik na sabik siya. Napakarami niyang gustong makita at maranasan. Pagdating nila sa siyudad, hindi makapaniwala si Kiko sa dami ng tao at sa tayog ng mga gusali. Napakaraming kotse, bus, trak, at traysikel na dumaraan sa harapan nila niTomas. Beep!
  • 14.
    “O, ano angpalagay mo sa siyudad?” tanong ni Tomas. “Nakaaaliw! Napakaraming bagong tanawin!” sagot ni Kiko. Gulat na gulat si Kiko sa nakikita niya. “Halika, pumunta na tayo sa bahay ko,” aya ni Tomas sabay takbo sa gitna ng kalye. Susunod sana si Kiko pero biglang may dumaan na trak na napakabilis ng takbo. Natakot tuloy si Kiko at nanatiling nakatayo sa gitna ng daan. “Halika na, Kiko! Tumakbo ka lang nang mabilis para ‘di ka masagasaan,” sigaw ni Tomas. Mabilis na tumakbo si Kiko papunta sa kaniyang kapatid habang iniiwasan ang matutulin na sasakyan.
  • 15.
    Hinihingal si Kikonang makarating siya sa kinatatayuan ni Tomas. “Nakakanerbiyos naman ang bilis ng mga sasakyan dito,” sabi ni Kiko. “Dapat lang ay matuto kang tumakbo nang mabilis habang tumitingin sa kaliwa at kanan mo,” payo ni Tomas. “Masasanay ka rin.” Pero sa palagay ni Kiko, di siya masasanay sa ganito. “Halika na, nasa kantong iyon ang bahay ko,” sabi ni Tomas.
  • 16.
    Punong-puno ng kungano-anong napulot niya sa siyudad ang bahay ni Tomas. Mayroon siyang kaha ng posporo na ginawa niyang kama. Mayroon din siyang upuan at mesang gawa sa butones. “Maligayang pagdating sa bahay ko!” bati ni Tomas. “Ang ganda ng bahay mo,” sabi ni Kiko. “Mayroon bang makakain dito?” “Ah, ‘yan ang masaya. Dadalhin kita sa malapit na kainan,” sabi ni Tomas.
  • 17.
    Pagbuo ng Tanong Mulasa tekstong binasa, ilista ang mga tanong na pumasok sa iyong isipan. Mayroon ka bang gustong itanong tungkol sa kuwento o sa paksa (hal. siyudad)? Makipagpalitan ng tanong sa iyong katabi at subukang sagutin ang mga ito.
  • 18.
    Pumunta sa isangmalapit na kainan ang magkapatid. Akala ni Kiko ay dadaan sila sa harapan pero dinala siya ni Tomas sa likuran ng kainan. “Ngayon kailangan nating hintaying makaalis ang lahat ng tao at dumilim bago tayo pumasok. Ang laking handaan nito,” sabi ni Tomas. “Bakit hihintayin pa nating dumilim? Gutom na gutom na ako. Hindi pa ba tayo puwedeng pumasok?” tanong ni Kiko. “Delikadong pumasok ngayon kasi baka hulihin tayo ng kusinero. Mas ligtas na pumasok tayo pag- alis niya,” sabi ni Tomas.
  • 19.
    Pagkatapos ng ilangoras, namatay ang ilaw sa kainan. “Ngayon, puwede na tayong pumasok,” bulong ni Tomas kay Kiko sabay pasok sa isang siwang sa bintana. Sinundan siya ni Kiko na kabadong-kabado. Tumalon si Tomas patungong kabinet. Sinundan siya ng kapatid. Sa loob ng kabinet ay may mga garapong may lamang tsokolate, kendi, biskuwit at cupcake. Mayroon ding isang malaking bloke ng keso. “Wow, ang daming pagkain!” sigaw ni Kiko.
  • 20.
    “Sabi ko sa’yomaraming makakain dito sa siyudad!” pagmamalaki ni Tomas. Binuksan ng magkapatid ang mga garapon at sinubukan ang mga laman nito. “Subukan kaya natin ‘yung keso?” tanong ni Kiko. Kasalukuyang nginangatngat ni Tomas ang plastic na nakabalot sa keso nang biglang sumindi ang ilaw. Narinig nila ang isang napakalakas na boses at ang tunog ng mga nagbagsakang kaldero’t kaserola.
  • 21.
    Bumalik pala angkusinero! May nakalimutan siya sa kusina. Nang makita niya ang dalawang daga sa nakabukas na kabinet, kumuha siya ng walis at sinubukan silang paalisin gamit ito. Hindi ang mga daga kundi ang mga kaldero’t kaserola ang natamaan niya. Napatalon si Tomas at Kiko. Agad silang tumakbo patungo sa bintana at dali-daling lumabas. Tumakbo sila hanggang makarating sila sa bahay ni Tomas. “Muntik na tayong mahuli ng kusinero! Akala ko katapusan na natin ‘yun,” sabi ni Tomas.
  • 22.
    Magpapaalam na akosa ‘yo, mahal kong kapatid,” sabi ni Kiko. “Bakit aalis ka na agad?” tanong ni Tomas. “Nakaaaliw man ang buhay dito sa siyudad, mas gusto kong manirahan sa probinsiya. Doon ay puwede akong kumain ng mais at munggo nang mapayapa at walang takot,” sagot ni Kiko. Kinabukasan ay umuwi na sa probinsiya si Kiko. Nangako naman si Tomas na bibisita sa kaniya nang madalas.
  • 23.
    Ilista ang mgapagkaing sikat mula sa inyong lugar. Halimbawa: suman, puto Mula sa listahang ito, gumawa ng iba’t ibang uri ng pangungusap: pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap, at padamdam.
  • 24.
    Pakikipagtalastasan Bumuo ng Venndiagram na nagtatalakay ng pagkakapareho at pagkakaiba ng probinsiya at siyudad. Sundan ito ng paliwanag tungkol sa ginawang diagram.
  • 25.