Editha T.Honradez
Pasolo Elementary School
Pasolo Valenzuela City
Ugnayan ng Heograpiya,
Kultura at Kabuhayan
sa Pagkakakilanlang
Pilipino
Balik-aral:
Ano-ano ang mga
katangian ng mga
Pilipino na
naglalarawan at
nagpapaiba sa kaniya sa
ibang tao sa mundo?
Paglalaro ng Pinoy Henyo
ALAMIN MO
Mahalagang
pag-aralan ang
heograpiya, ang
kultura at ang
kabuhayan ng
bansa.
Bakit?
Heograpiya – ito ay
tumutukoy sa pisikal na
katangian ng isang lugar gaya
ng klima, lokasyon, hugis,
topograpiya, anyong
tubig, anyong lupa, at mineral.
Kultura naman ang tawag
sa kaparaanan ng tao sa buhay
at kuro o opinyon ng buong
lipunan na batay sa kanilang
mga karanasan at kinagawian
Kabuhayan - ay ang kalipunan
ng mga gawain ng tao,
pamayanan, at institusyon na
may kaugnayan sa paglilikha,
pamamahagi, palitan, at
pagkonsumo ng mga produkto.
Karaniwan nang iniaasa ng mga
Pilipino ang kanilang mga pang-araw-
araw na pangangailangan sa kanilang
kapaligiran.
Halimbawa, pagmimina at pagtotroso
ang hanapbuhay kapag sa kagubatan
nakatira. Karaniwan sa mga nakatira dito
ay may mataas na pagpapahalaga sa
kalikasan sapagkat dito sila kumukuha ng
ikabubuhay.
Sa kagubatan kumukuha ng
malalaking kahoy para gawing mga
produkto. Sa kagubatan din nakakukuha
ng maraming bungangkahoy. Sa kasalu-
kuyan, mahigpit nang ipinagbabawal ng
ating pamahalaan ang pagpuputol ng
mga puno.
Pagsasaka naman ang pangunahing
hanapbuhay ng mga Pilipino na
nakatira malapit sa kapatagan. Sa
lokasyong ito makikita ang kaibahan
ng mga uri ng kabahayan.
Karaniwang yari sa bato ang mga bahay
rito. Sa lugar na ito makikita ang pagkakalapit
ng plasa, simbahan, at pamilihan. Makabago na
ang uri ng pamumuhay rito sapagkat karaniwang
itinatayo sa kapatagan ang mga naglalakihang
mall. Ang karaniwang hanapbuhay rito ay ang
pagtratrabaho sa mga pabrika at iba pang
opisina. Kadalasan ding mataas ang populasyon
dito.
Mahalagang salik ang lokasyon
sa uri ng hanapbuhay sa isang lugar o
rehiyon. Ngunit kung susuriin, ang
kultura man ay mahalaga ring
isaalang-alang sa pagtukoy sa
ikinabubuhay ng mamamayan ng
isang lugar. Partikular itong makikita
sa ilang pangkat etniko na sama-
samang namumuhay sa iisang
komunidad at may iisa o parehong
paraan ng pamumuhay.
Halimbawa ay mga pangkat sa
kabundukan na nakagisnan na ang
pangangaso upang may pagkain,
pagtitinda ng mga bungangkahoy sa
kapatagan upang may maipambili
ng iba pang pagkain, o di kaya’y
paggawa ng katutubong mga
palamuti na ipagbibili sa bayan.
Gayundin naman sa mga pangkat na nasa
baybay-dagat o mismong sa katubigan
naninirahan gaya ng mga Samal. Likas sa
kanilang kultura ang paninirahan dito
kaya’t namamayani rin ang pangingisda
bilang pangunahing hanapbuhay ng pangkat
na ito.
Magpangkat sa tatlo. Sagutin:
1. Ano-anong salita ang may
kaugnayan sa
heograpiya? (Pangkat I)
kultura? (Pangkat II)
kabuhayan? (Pangkat III)
2. Isulat ang mga sagot sa mga bilog o
cluster map.
Sagutin:
a. Sa paanong paraan
nagkakaugnay ang heograpiya sa
kultura? ang heograpiya sa
kabuhayan?
b. Naging salik ba ang uri ng
kabuhayan sa uri ng pamumuhay ng
mga Pilipino? Bakit?
GAWIN MO
Gawain A
Magpangkat sa lima.
Bawat pangkat ay
magtatalakayan tungkol sa inyong
mga barangay. Talakayin ang
heograpiya at kultura nito. Siyasatin
kung may kaugnayan ang kultura sa
barangay na ito sa kanilang gawain o
kabuhayan. Iulat sa klase ang
pagkakaugnay na ito.
Gawain B
1. Magpangkat sa lima. Balikan ang aralin
12. Pumili ng isang pangkat etniko.
Iugnay ang paglalarawan sa kanila sa
kanilang heograpiya o rehiyon at uri ng
hanapbuhay.
2. Sagutin: Paano nagkakaugnay ang
paglalarawan sa pangkat etniko na
inyong napili sa kanilang heograpiya,
kultura, at uri ng hanapbuhay?
3. Iulat sa klase.
TANDAAN MO
 Ang lokasyon ay naglalarawan kung
anong uri ng pagkakakilanlan mayroon sa
isang pamayanan.
 Inilalarawan din ng lokasyonang uri ng
pamumuhay ng isang lugar.
 Mahalagang salik ang kultura sa paraan ng
hanapbuhay at lokasyon ng mga pangkat ng
mamamayan.
 May kaugnayan ang lokasyon, kultura at uri
ng kabuhayan sa pagkakakilanlan ng
Pilipino.
NATUTUHAN KO
1. Balikan ang dating pangkat.
2. Gumawa ng islogan tungkol sa
pagkakaugnay-ugnay ng lokasyon,
hanapbuhay, at kultura bilang
mahahalagang salik sa pagkakakilanlang
Pilipino.
3. Ipaskil sa loob ng silid-aralan.
Takdang Aralin
1. Ano ang kahulugan ng pambansang awit
at watawat bilang mga sagisag ng bansa?
2. Sa paanong paraan higit na maipakikita
ang pagmamahal at paggalang sa ating
watawat at sa pambansang awit?
https://www.google.com.ph/
Learner’s Material, Aralin 17, pp. 211–214
K to 12 – AP4LKE

Y ii aralin 16Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanlang Pilipino

  • 1.
    Editha T.Honradez Pasolo ElementarySchool Pasolo Valenzuela City Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanlang Pilipino
  • 3.
    Balik-aral: Ano-ano ang mga katangianng mga Pilipino na naglalarawan at nagpapaiba sa kaniya sa ibang tao sa mundo?
  • 4.
  • 5.
    ALAMIN MO Mahalagang pag-aralan ang heograpiya,ang kultura at ang kabuhayan ng bansa. Bakit?
  • 6.
    Heograpiya – itoay tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar gaya ng klima, lokasyon, hugis, topograpiya, anyong tubig, anyong lupa, at mineral.
  • 7.
    Kultura naman angtawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at kuro o opinyon ng buong lipunan na batay sa kanilang mga karanasan at kinagawian
  • 8.
    Kabuhayan - ayang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan, at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto.
  • 9.
    Karaniwan nang iniaasang mga Pilipino ang kanilang mga pang-araw- araw na pangangailangan sa kanilang kapaligiran. Halimbawa, pagmimina at pagtotroso ang hanapbuhay kapag sa kagubatan nakatira. Karaniwan sa mga nakatira dito ay may mataas na pagpapahalaga sa kalikasan sapagkat dito sila kumukuha ng ikabubuhay.
  • 11.
    Sa kagubatan kumukuhang malalaking kahoy para gawing mga produkto. Sa kagubatan din nakakukuha ng maraming bungangkahoy. Sa kasalu- kuyan, mahigpit nang ipinagbabawal ng ating pamahalaan ang pagpuputol ng mga puno.
  • 12.
    Pagsasaka naman angpangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino na nakatira malapit sa kapatagan. Sa lokasyong ito makikita ang kaibahan ng mga uri ng kabahayan.
  • 13.
    Karaniwang yari sabato ang mga bahay rito. Sa lugar na ito makikita ang pagkakalapit ng plasa, simbahan, at pamilihan. Makabago na ang uri ng pamumuhay rito sapagkat karaniwang itinatayo sa kapatagan ang mga naglalakihang mall. Ang karaniwang hanapbuhay rito ay ang pagtratrabaho sa mga pabrika at iba pang opisina. Kadalasan ding mataas ang populasyon dito.
  • 14.
    Mahalagang salik anglokasyon sa uri ng hanapbuhay sa isang lugar o rehiyon. Ngunit kung susuriin, ang kultura man ay mahalaga ring isaalang-alang sa pagtukoy sa ikinabubuhay ng mamamayan ng isang lugar. Partikular itong makikita sa ilang pangkat etniko na sama- samang namumuhay sa iisang komunidad at may iisa o parehong paraan ng pamumuhay.
  • 15.
    Halimbawa ay mgapangkat sa kabundukan na nakagisnan na ang pangangaso upang may pagkain, pagtitinda ng mga bungangkahoy sa kapatagan upang may maipambili ng iba pang pagkain, o di kaya’y paggawa ng katutubong mga palamuti na ipagbibili sa bayan.
  • 16.
    Gayundin naman samga pangkat na nasa baybay-dagat o mismong sa katubigan naninirahan gaya ng mga Samal. Likas sa kanilang kultura ang paninirahan dito kaya’t namamayani rin ang pangingisda bilang pangunahing hanapbuhay ng pangkat na ito.
  • 17.
    Magpangkat sa tatlo.Sagutin: 1. Ano-anong salita ang may kaugnayan sa heograpiya? (Pangkat I) kultura? (Pangkat II) kabuhayan? (Pangkat III) 2. Isulat ang mga sagot sa mga bilog o cluster map.
  • 19.
    Sagutin: a. Sa paanongparaan nagkakaugnay ang heograpiya sa kultura? ang heograpiya sa kabuhayan? b. Naging salik ba ang uri ng kabuhayan sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino? Bakit?
  • 20.
    GAWIN MO Gawain A Magpangkatsa lima. Bawat pangkat ay magtatalakayan tungkol sa inyong mga barangay. Talakayin ang heograpiya at kultura nito. Siyasatin kung may kaugnayan ang kultura sa barangay na ito sa kanilang gawain o kabuhayan. Iulat sa klase ang pagkakaugnay na ito.
  • 21.
    Gawain B 1. Magpangkatsa lima. Balikan ang aralin 12. Pumili ng isang pangkat etniko. Iugnay ang paglalarawan sa kanila sa kanilang heograpiya o rehiyon at uri ng hanapbuhay. 2. Sagutin: Paano nagkakaugnay ang paglalarawan sa pangkat etniko na inyong napili sa kanilang heograpiya, kultura, at uri ng hanapbuhay? 3. Iulat sa klase.
  • 22.
    TANDAAN MO  Anglokasyon ay naglalarawan kung anong uri ng pagkakakilanlan mayroon sa isang pamayanan.  Inilalarawan din ng lokasyonang uri ng pamumuhay ng isang lugar.  Mahalagang salik ang kultura sa paraan ng hanapbuhay at lokasyon ng mga pangkat ng mamamayan.  May kaugnayan ang lokasyon, kultura at uri ng kabuhayan sa pagkakakilanlan ng Pilipino.
  • 23.
    NATUTUHAN KO 1. Balikanang dating pangkat. 2. Gumawa ng islogan tungkol sa pagkakaugnay-ugnay ng lokasyon, hanapbuhay, at kultura bilang mahahalagang salik sa pagkakakilanlang Pilipino. 3. Ipaskil sa loob ng silid-aralan.
  • 24.
    Takdang Aralin 1. Anoang kahulugan ng pambansang awit at watawat bilang mga sagisag ng bansa? 2. Sa paanong paraan higit na maipakikita ang pagmamahal at paggalang sa ating watawat at sa pambansang awit?
  • 25.